webnovel

Hurt Me Not (Nigel Streus)

Marupok. Iyan ang natatanging pang-uri na maikakabit sa pangalang Nigel Streus. Madali siyang mahulog sa iba ngunit sa tuwing may mamahalin siyang babae ay lagi na lang hindi puwede. His first love was eight years older than him and apparently before he can even confess, she already had a fiance. Buntis pa ito kaya wala na siyang magagawa. The second one is actually his brother's woman. And it is a no-no in their bro code. The third one is his patient. Pero ang masaklap hanggang pagiging kuya lang ang tingin niya sa kanya. Then the girl named Miachella Veronica Vallego came. The girl likes him so much that she would get into trouble just to get admitted to the hospital where he works. Kaya lang hindi sila pwede. She's only 15 years old and he's 30.

estudyanteXXX · วัยรุ่น
Not enough ratings
9 Chs

Chapter 8

Sine. She's my father's killer. Reason? I don't know but I believe, she didn't mean it.

Sine. She's my brother's woman. Reason why my brother chose to destroy someone's happy-ever-after.

Sine. The woman whom I like for almost 9 years.

How many years has it been since I left our home? 14?

Ilang taon na ako ngayon? 30.

Ilang taon na akong single? 30 years!

Ilang beses nang nadurog ang puso ko? 2 beses! Ah wait- magtatatlo na pala.

Isasama ko na si Sine sa listahan dahil alam kong kahit anong gawin ko, I am not her end game.

I'm cherishing the love that is impossible to have for almost 9 years.

Wow! May tatalo pa ba sa'kin?

Napa-iling na lang ako para iwaksi ang nasa isipan ko. Katatapos ko lang mag-ala Kupido sa kaibigan ko, nagdadrama na naman ako.

Tingnan mo Kupido, tinutulungan na kita sa trabaho mo pero ang bigyan ako ng the one ay hindi mo magawa. Napakasama mo!

Remember my dearest friend, Seikon? Nag-break sila ng diyosang si Alesa. Wala, nakahanap ng iba ang gago eh. Nakahanap ng mas kinabaliwan niya. Kamalas-malasan, na-tripan ni Kuya! Bakit? Kasi naman si Sine! Layas ng layas! Ayan tuloy, nag-bitter si Kuya at nanira ng relasyon. Ngayon, ikakasal na siya sa girlfriend sana ni Seikon.

Nasaan ang babaeng palihim kong ginugusto sa loob ng siyam na taon? Ayaw magpakita kay Kuya.

Balik tayo kina Seikon. Nagsisimula na akong mag-move on kay Sine kaya hindi ko muna siya iisipin ngayon. Saka na kapag naayos ko na ang problema nitong si Seikon. Kaya lang, ang solusyon sa problema niya ay si Sine mismo!

Buhay! How can you be so cruel to me?

Oh balik ulit kay Seikon, na alam kong mamaya lang ay makaka-score na naman kay Sera. Sinabi ko lang naman kay Sera kung saan nakatira ngayon ang kaibigan kong broken hearted.

Maglalakad na sana ako para bisitahin si mommy. Isa pang kamalasan, naaksidente si mommy. Mahigit sampung taon ko rin siyang hindi nakita. Simula kasi ng umalis ako sa poder ng mga magulang ko ay pinutol ko na ang lahat ng koneksyon ko sa kanila maliban kay Kuya. Hindi ko nga rin alam na 7 taon ng patay si daddy.

Maglalakad na nga sana ako nang mapansin mo ang isang pigurang nakatayo sa harap. He's showing his flashy teeth but beware. That smile is a hundred percent dangerous. Lalo na kung sa isang Leox Farrell ito galing, he is my brother's friend.

Bilang lang sa daliri ang mga pagkakataon na naka-usap ko siya sa tuwing may business gatherings. Lagi kasing si Kuya ang kasama niya. Birds with the same feather flock together.

"Long time no see Nigel," he greeted me still wearing his smile.

I just gave him a nod before I ask. "What are you doing here?"

"Well, Rigel asked for my service in locating the suspect for your mother's car accident," he answered.

"I'm sure Rigel already paid you for that."

"Fortunately, yes," sagot nito na tumango tango pa. "But I'm actually looking for you."

I fixed my eyeglass as I stared on the mischievous man in front of me. Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin? Pera? Sa pagkakaalam ko ay may ari siya ng isang secret detective agency at isa pa galing din siya sa mayamang pamilya.

"What do you need?" I asked.

Advice kung paano manligaw? Wala akong maibibigay. Kung broken hearted siya baka puwede pa.

"I heard mas galante daw ang batang Streus, saad niya na may mapaglarong ngisi sa mga labi.

Where did he heard it? Sa pagkakaalala ko wala pa akong binigyan ng kahit ano.

Puso ko binigay ko pero lahat naman nakabasag kahit hindi pa nila nahahawakan.

"Your point?"

"Want to close a deal with me?"

I frowned. I don't have any idea on what he is saying.

"Do you know that your brother paid me 10.2 billion just to find her?" he informed me.

Hindi man niya pangalanan ang her na 'yan ay may ideya na ako. There's only one girl whom my brother wanted to find no matter what.

Now I know that my brother is wrong. Love can't kill but can make my brother go bankrupt.

"And you failed to find her?"

"Of course not!" agad niyang tanggi. "You're talking with the great Thanatos here" pagmamayabang nito.

"So you already found her. Bakit sakin mo pa sinasabi?" nagtatakang tanong ko.

"Yes I already found her pero naisip ko na kung kaya akong bayaran ni Rigel ng ganoon kalaki. What more for the legitimate child?" pahayag niya na hindi pa rin napapalis ang kanyang ngisi.

Madiskarte. Kung sana ganyan din ako pagdating sa mga babae.

"Rigel is your friend," I reminded him.

"But business is business," he retorted "So are you going to have the deal with me or not?" he asked.

I sighed. Kung hindi lang ako nakapangako kay Seikon ay hindi ko papansinin ang lalaking ito. Kaya lang kailangan ko ang lahat ng pwedeng magamit. It is like hitting two birds with one stone. Matutupad ko ang pangako kay Seikon at the same time my brother will benefit too.

"What's the deal?"

"I will not tell Rigel what I know but you have to pay me thrice as what Rigel paid me."

"Fuck you!" tanging naibulalas ko na lang.

Tanging mura na lang ang lumabas sa mga bibig ko. Thrice as what he paid? If he paid him 10.2 Billion, I have to pay 30.6 billion just for her location not to be leaked to my dear brother.

Ganito na ba talaga kamahal ang tumupad ng pangako ngayon?

One more thing, why would he ask me for money when my brother can give him as much as he wants. He has fat dollar and peso bank accounts.

"Deal or no deal?" untag sa akin ni Leox.

Dahan-dahan na lang akong napatango bilang sagot. Talk about robbing. I just lose a quarter of my fortune.

"Ok!" bulalas ni Leox. "By the way ano nga palang favorite subject ng kuya mo?" he asked out of the blue.

Nagtataka man ay sumagot ako. "Arts" matamlay na sagot ko.

Nawalan ako ng 30.6 billion. May karapatan naman siguro akong magluksa 'di ba? Buti sana kung magkaka-jowa ako pagkatapos nito.

Hatak na lang kaya ako ng babae diyan sa tabi-tabi tutal wala namang may gusto sa akin.

"I thought it's Math."

Kahit nawalan ng 30.6 billion ay hindi ko napigilan ang paghulma ng ngiti sa mga labi ko. Yeah Math nga siguro. SINE, coSINE.

"By the way. Mas bagay kung magiging doctor ka na lang. Do not involve yourself in business," ani nito saka tuluyan ng umalis.

Yeah I know. Lugi ako. Luging lugi.

Ang guwapo ko pero wala namang jowa.