webnovel

Maggie

I CAN DO all things through Christ who gives me strength.

Thanks to my ever reliable devotional planner na regalo ng nanay ko at lagi akong reminded na mahirap man ang buhay, kakayanin ko dahil lagi kong kakampi Si Kristo. O 'di ba, ang big time ko?

Pero mas big time talaga si Sir David kasi boss ko siya. At dahil boss siya, okay lang na ma-late siya nang apat na oras. Imagine?! Four hours na siyang late. Kanina pa kaya ako rito sa English Center. Actually, excited nga ko kanina pumasok dahil gusto ko siyang makita, I mean, first day of work ko tapos guard lang pala ang magwe-welcome sa akin.

I have nothing against the guard naman, actually mabait nga si kuya guard dahil binigyan niya ko ng gatas. Sakto kasi,hindi ako nakapag-breakfast pero masaya sana kung ang magandang ngiti ni Sir David ang makikita ko sa first day ko. Wala namang masama kung magka-crush ako,'di ba?

I have nothing serious naman with Sir David. Alam ko naman ang difference between crush and love, dahil hanggang ngayon si Brian pa rin ang tinitibok nito, ng puso ko. Pero pilit ko pa ring pinipigilan kasi ayokong masaktan si best.

Kahapon nga magkakasama kami nina Brian, Lucy, Sir David pati ni Ms. Zen Choi—'yung Koreanang tinulungan ko, na kumain at nagpuntang park para mag-bonding. Nakita ko kung gaano kasaya si best sa lahat ng jokes ni Brian. Tawa siya nang tawa at may pahampas-hampas pa sa kamay ni Brian. Alam kong I let go of him na pero may kirot pa rin eh, lalo at parang hindi naman ako pinapansin ni Brian. Ewan ba ro'n. Pwede naman kaming maging magkaibigan,'di ba? Pero the whole time na magkasama kami, never niya kong kinibo. May times na nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero bigla naman siyang umiiwas.

Sina Sir David naman at si Ms. Zen Choi parang Endless Love lang ang peg. Nagsusubuan pa ng ice cream? Gano'n na 'yun? Mutual understanding agad? Eh, kahapon lang sila nagkakilala? At ako, kahapon, pasunud-sunod lang sa kanila, paupo-upo lang sa sulok at nag-smile from time to time para sabihing okay lang ako. Sana hindi na lang ako sumama kasi panira ako sa mga love story nila.

Haaaaaaaay . . . buhay . . . Parang life.

Tutal wala pa naman si Sir David, hindi naman siguro masamang maidlip muna,'di ba? Pero mas maganda siguro kung magpapaalam muna ako kay Sir David. Para malinis ang conscience ko. Para kasing masama pa rin ang pakiramdam ko.

Hello sir. Great day. May I ask permission to take a nap for the mean time? I did my research already and I have 10 possible clients. Thank you for your understanding. :)

—Maggie

Message sent. All I have to do is to wait for his reply. Please, reply. Please, text back, Sir.

May 10 minutes na 'kong naghihintay sa reply niya nang biglang mag-ring ang phone ko. Patay na. Si Sir David ang tumatawag. Sesante na yata ako. I cleared my throat and answered my phone.

"Good morning, Sir. Hindi na po pala ako inaantok. Hihintayin ko na lang po kayo, Sir. Sorry po talaga. Iinom na lang po ako ng tatlong tasang coffee so that I will not be sleepy anymore," sunud-sunod kong sabi.

I was waiting for his reprimanding but instead I heard him laughed. Yes, laughed hard as if there was no tomorrow.

"What do you like for lunch?" tanong ni Sir David sa kabilang linya. Seryoso? Dadalhan niya 'ko ng food? Wow. Big time talaga ang boss ko. Ang wonderful kasi ng weather. Hindi mainit, hindi malamig. Chill lang. O kaya naman, baka nag-date sila ni Ms. Zen Choi kanina kaya masaya siya at dahil masaya siya, I have free lunch. Yehey! Pero bakit naman kailangan nilang mag-date ulit?Unfair!

"Maggie, are you still there?" Hindi pa pala ako sumasagot. Tutal libre naman eh, 'di magre-request na akong big time. Medyo nagugutom na rin ako ulit.

"Sir David, I'm actually good. But if you will be able to buy Yellow Cab Pizza, it would be great!"

"Is that all that you want?"

"Ahm . . . yes." Actually kahit wala ka nang dala basta makita lang kita. Okay lang kahit gutom na ko.

"Alright. What about dessert?"

"Buko pie or sundae."

"Alright. Will be there in an hour."

"Okay, I'll see you later then, Sir. Bye."

"Ahm . . . Maggie . . ."

"Sir?!"

"Sleep well."

"Ahm . . . Sir."

"Yes?"

"Take care."