webnovel

Maggie

ANG SARAP damhin ng hangin at liwanag ng araw dito sa garden ng ospital. Hindi ko na ginising si best na nakatulog sa pagbabantay sa akin. Alam ko namang pagod na rin siya. Enjoy kasing tingnan ang mga ibong lumilipad. Ngayon ko lang na-realize kung gaano sila kagandang panuorin. Tapos ang ganda pa ng huni nila; parang musika sa aking pandinig.

Reflux disease ang findings ng doctor sa akin. 'Yon ang narinig ko kanina habang nag-uusap sila best at ang doctor. Hindi ko naman mamulat ang mga mata ko kasi parang hinang-hina pa rin ako. Sa reflux disease daw, may kakaibang nangyayari sa mga kinakain ng taong mayroon nito. Usually raw kapag kumakain tayo, ang normal eh, it will pass through our esophagus then to our stomach. Pero 'yung akin daw, minsan bumabalik pataas sa lalamunan ko ang kinakain ko. Ang gulo nga. Hindi ko rin masyadong maintindihan.

Dalawa raw ang cause nito. It can be stress or unhealthy lifestyle.

Kung ako ang tatanungin, it could be both. Unhealthy ang lifestyle ko kasi tamad akong kumilos at lagi rin akong puyat. Siguro dahil sa stress na rin.

Stress, dahil siguro sa 'di ko alam kung saan ako pupunta. Ngayong wala na ang parents ko pakiramdam ko mag-isa na 'ko, physically. Hindi naman habambuhay magkakasama kami ni Best. I mean she will have her own family,'di ba? Alangan namang umasa ako sa kanya habambuhay? Kailangan din niyang maging masaya . . . kasama si . . . si Brian. Oo, sila ang para sa isa't isa at hindi kami. Pinakawalan ko na noon si Brian para kay best, hindi ko na babawiin pa 'yun.

I need to move on and start anew. Bukas na bukas, papasok na ako sa English Center. Kaya naman na ng katawan ko at isa pa, palagay ko lugi na si Sir David. I mean, I was supposed to help him with the center. We were supposed to start getting students last week pero dahil nga na-ospital ako at hindi ako nakapasok, hindi ko alam kung ano na nangyayari sa center.

"Excuse me. helping me, please?" Isang singkit na magandang binibini ang tumawag ng atensyon ko. Maputi siya na parang diwata at ang mga mata niya, katulad na katulad ng mata ni Sir David. Isa siyang Koreana. Pero ano kaya ang kailangan niya sa akin? Mukhang mapapalaban ako ng English dito, ah. Sana magkaintindihan kami.

"Ahmmm . . . annyeong ha seyo. How can I help you?" Mabuti na lang  at alam ko 'tong mga basic Korean na 'to. Salamat talaga, best. Ang galing mo!

"You speak Korean?" takang tanong ng babaeng nagliwanag ang mukha.

"A little. Only basic Korean. But I can help you. I will try to help you," pag-a-assure ko sa kanya. Kung may isang bagay na laging itinuturo sa akin ng mga magulang ko, 'yun eh, 'yung tumulong sa kapwa. Kahit sino pa siya at kahit na ano pa. Basta hindi naman ikasasama ng ibang tao eh, pwede akong tumulong, sa abot ng aking makakaya.

"Where, please? Where?" Where, please? Ano'ng ibig sabihin niya ro'n? May hinahanap ba siyang lugar? Tao? Bagay?

"Me? Where?"  Ah . . . hindi niya alam kung nasaan siya.

"Ahmmm . . . you are in a safe place. Hospital. Yes. Are you lost?"

"Lost? Yes. Lost. Tourist bus left."

Now I know. Maybe she is part of Enjoy Manila Trip. Alam ko may gano'n. 'Yung mga foreigners nililibot sa magagandang lugar dito sa Manila. Baka naligaw siya. Paano ko siya matutulungan?

"Phone? Call please."

"Ah. Yes. Phone. We can use my phone. Let's go back to my room and my phone is there. Come with me." Hinawakan ko ang kanang kamay niya.

Papasok na sana kami sa ospital nang marinig ko ang mga pamilyar na tinig na parang pagod na pagod at hinihingal.

"MAAAAAGGIIIIEEEEEEEEEEEEE!!!"

Sina Lucy, Sir David, at Brian. Saan sila nanggaling at bakit sila magkakasama? Akala ko ba nasa out of town trip sina Sir David at si Lucy naman, alam ko, iniwan ko siya sa loob ng room ko. Teka, ilang oras na ba akong nawala sa room ko? Mahigit anim oras na rin pala. Gano'n na katagal. Ganoon katagal akong nagmuni-muni at nag-isip kung ano ang dapat kong gawin.

"Where have you been? We have been looking for you. I am so worried. Please. Please don't leave me ever again." Nagulat ako sa biglang pagtakbo ni Sir David sa akin. At mas lalo akong nagulat dahil niyakap niya ako nang mahigpit.

"Sir David. I . . . I cannot breath." Tinulak ko si Sir David nang bahagya. Ano ba'ng nangyari kay Sir? Parang batang nawawala na nakita ang mommy niya. Oh well, ang bango ng perfume ni Sir David. Hindi nakakahilo gaya nang sa iba. Ewan ko ba, parang gusto ko na ang ganitong position namin. I feel safe in his arms.

"I'm sorry. I just thought I will lose an employee like you who is willing to work with me even if I am not stable yet. I . . . I just thought it would be hard to find someone like you,"ani Sir David. Siya na rin mismo ang lumayo sa akin. At nagbalik ako sa realidad.

Tumakbo na rin sina best Lucy at Brian papalapit sa akin. Awkward lang 'yung feeling. 'Yung ganitong kaharap ko sila. Parehong malapit sa puso ko.

"Maggie . . . natatandaan mo pa ba ako?" mahinang tanong ni Brian sa akin. Naramdaman ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Ano ang sasabihin ko kay Brian? Tanungin ba naman ako kung tanda ko pa siya. Syempre naman. Hindi kaya nagbago ang kagwapuhan niya. Ang totoo nga, lalo siyang gumwapo. Oh my.

"Ahmmm . . . Naputol ang dapat ko sanang sasabihin nang biglang nagsalita si Lucy.

"Who is she, best? Are you Korean, miss?" pag-iiba ni Lucy habang nakatingin siya sa Koreanang kasama ko. Oo nga pala, may kasama akong ibang tao.