webnovel

IKA-ANIM NA KABANATA:

Napakalas ng tilaok ng mga manok sa labas kaya sino naman hindi magigising sa 'yon.

"Ingay naman,"sabi ni Zyra ng makabangon siya habang humihikab."Hay naku! another boring and of nakakapagod na araw."

Bago siya lumabas ng kwarto ay dumungaw muna siya sa bintana para makapagmuni-muni sandali.Pero nakuha ng isang puting kotse ang kaniyang atensiyon.Maraming mga tanong sa utak niya ang nabuo.

Paano nakapasok 'yon? Kanino kaya iyon? At sino kaya ang nakasakay? Halos kasi ang gamit ng mga nandoon ay mga tricycle lang. At sa pagkaka-alam niya ay walang daan para makapasok ang mga kotse doon dahil ang daan doon ay masikip na ay madulas pa.

"Kanino kaya car yung paparating?"tanong niya sa sarili."Mahintay nga muna."

Hindi siya umalis sa kaniyang puwesto at hinintay talagang dumaan sa harap nila ang kotse.Hanggang sa makarating na ito sa harap ng kubo, nagulat na lang ito ng biglang huminto sa harap nila ang kotse at nang makita niya ang plate number ay agad niya itong nakilala.

"James!?"tanong niya.

Hanggang sa bumababa ang isang lalaki sa kotse.Hindi makapaniwala si Zyra nang makita niya na si James nga ang dumating kaya wala ng kung ano-ano ay tumakbo na siya palabas ng kubo para salubungin siya.

"Sabi ko na ikaw 'yan ehh,"napatalon na sabi ni Zyra, agad niya itong niyakap ng mahigpit."Why are you here? May kailangan ka ba?"

"Teka lang mahina ang kalaban,"pabirong sabi nito kay Zyra."Isa-isa lang ang tanong."

"Ay sorry naman,"sabi ni Zyra na umaktong kunwari ay nagtatampo."Pero buti hindi ka naligaw."

"Ako pa?"sabi niya sabay turo sa sarili niya. "Siyempre matalino kaya 'to, sa tingin mo anong gamit ng waze."

Nakita naman nila si Raphael ng lumabas ng kwarto at humihikab pa ito kasabay ng pag-unat niya ng katawan.Medyo natawa naman ang dalawa kaya narinig sila nito.Nagulat na lang siya at napatigil sa ginagawa ng makita niya kung sinong nandoon.Agad niyang kinusot ang mga mata dahil akala niya ay naalimpungatan lang siya.

"I'm real, nandito talaga ako,"sabi sa kaniya ni James ng medyo natatawa.

"Kuya! Why are here?"hindi makapaniwala na tanong ni Raphael at saka sila nagfist-bump.

"Wala naman, kainip na kasi sa house," paliwanag nito sa kanila."At siyempre miss ko na kayo, lalo na 'to no,"sabi niya pa at saka hinakbayan si Zyra sa balikat.

Wala kasi siyang ibang kapatid na pwedeng makalaro sa kanila.Wala naman dinsiyang ibang mapuntahan dahil nandito sila sa probinsya.Kaya naman naisip na lang niyang puntahan sila tutal wala ding pasok. Simula kasi bata pa lang siya at silang dalawa na talaga ang kasama niya kaya kung tutuusin ay close na close silang tatlo, sa katunayan nga niyan ay halos sa bahay na nina Zyra tumira si James.

Sakto naman noon na paparating si Ethan kaya narinig at nakita niya sila.Ngumiti lang siya sa kanila at saka na dumiretso papasok sa loob ng kubo.

"Sus, akala mo talaga hindi inaaway ni ate," biro ni Raphael sa kaniyang

Na-curios naman si James kaya natanong niya kung anong meron.Ikukwento na sana niya pero bigla siyang pinigilan ng ate kaso nga lang ay wala din siyang nagawa.

Sumimangot naman si Zyra at tumingin ng masama kay Raphael.

"Ano yun instant enemy,"natatawang sabi ni James.

"Kasalanan namam niya yun ehh," pagtatangol ni Zyra sa kaniyang sarili.

Narinig naman sila ng kanilang tita akala nito ay nag-aaway sila kaya pinagbawalan niya ang mga ito.Nang makita niya ng may bisita pala sila at medyo nahiya siya dahil para itong naligo at may dala pang kaldero galing sa paglilinis.

Nagmano naman agad si James at saka siya pinakilala ng dalawa.Tumango naman ang kanilang tita at sinabi nito na ikuha nila siya ng pwedeng makain sa kusina.Tumutol naman si James dahil busog pa daw ito.

Dahil ayaw niyang kumain ay nagpaalam na lang sila na pumunta sa farm para iikot din siya doon.Pumayag naman ang kanilang tita pero pinaalala nito na huwag lang silang kung saan-saan magpunta.

"Ano ka ba bakit mo siya dadalhin doon sa place na 'yon it's just all mud and dirty animals,"pagpigil ni Zyra sa kanila.

"No, It's okay tara punta na tayo gusto ko din makita ang lugar,"sabi ni James.

Magkasabay na lumabas sina Raphael at James sa kubo samantalang si Zyra ay umupo lang sa balkonahe.Hanggang sa hindi niya din natiis ay humabol ito para sumunod sa dalawa.

"Akala ko bang ayaw mo sa putikan,"tanong ng kapatid niya nang makita itong sumunod sa kanilang likuran.

"Bakit ba? Bawal sumama,"nagmamaldita na sabi niya.

"Hanggang dito pala dala-dala niyo pagiging aso't pusa ninyo,"sabi ni James at kasabay ng maikling tawa.

"Haha,"sabay na tawa ng dalawa.

"Kwento ko sa'yo lahat ng nangyari kay ate, siguradong matawa ka lalo na nung nandoon kami sa bukid," nakangising sabi ni Raphael kay James.

"Huwag mong ikwento,"sabi ni Zyra na naging parang bata."Humanda ka sa akin mamaya."

Dumila lang sa kanya ang kapatid, kaya nagkahabulan ang dalawa habang si James ay pinapanood lang sila.Saka lang sila huminto ng hingal na hingal na kakatakbo. Pero wala ding nagawa si Zyra dahil kinuwento pa din ni Raphael ang mga nangyari sa ate.Habang naglalakad sila ay hindi nila mapigilan ang tawa.

"Humanda ka talaga sa'kin mamayang gabi,"nagbabantang sabi ng ate.

"Mukha ang saya ng vacation niyo dito ha, dati niyong ginawa,"sabi ni James.

"No it's not happy kaya, I think this is the worst nga ehh kung alam mo lang walang internet tapos yung bed sakit sa likod," sabi ni Zyra dahil hindi convinced sa sinabi ni James.

I'm sure kapag tumagal ka pa dito, hahanap-hanapin mo 'tong place kaya don't say that,"sabi sa kaniya ni James.

"Never, I don't want to stay here anymore duhh,"sabi niya then reolled her eyes,dahil ayaw niya ang amoy, putik at lahat na mga bagay na ayaw niyang makita o mahawakan.

Pinutol naman ni Raphael ay usapan nila nang isingit nito ang camping."We can camp here tonight if you want."

"Yes pwede, sakto ang lugar, if pwede akong magstay why not,"sagot ni James.

"Don't ask me na alam niyo na answer ko, I don't want to sleep on the ground,"sabat naman ni Zyra.

"Where not getting you're opinion ate, 'di maiwan ka dito sa kubo,"sabi sa kaniya ng kapatid.

Hindi nagtagal ay natapos na din sila mag-ikot-ikot sa farm kaya naman bumalik na sila sa kubo at nadatnan nila ang tita na nagluluto ng meryenda.

"Wow tita it's look so yummy, "papuri ni Raphael habang natatakam sa niluluto meryenda ng kaniyang tita.

"Salamat," natuwang sagot nito. Sakto ay naluto na din ang niluluto niyang hapunan kaya sumandok na agad ito para makakain na ang tatlo. "Musta ang paglalakad niyo?"

"Okay na okay po," sagot ni James na kita sa mukha niya na masaya ito. "Sobrang ganda po pala talaga dito no."

"Saan banda?" mataray namang kontra ni Zyra sa sinabi ni James dahil para sa kaniya puro madumi lang ang nakita niya.

Biglang pinasubo ni Raphael ang hawak niyang pagkain. "Kumain na lang nga ate, ang sarap diba?"

"Ano ka ba?" halos hindi makapagsalita na sabi ni Zyra dahil sa pagkain na nasa bibig niya.