webnovel

IKAPITONG KABANATA:

"Tara camping tayo,"sabi ni Raphael sa mga pinsan at kay James, at bigla itong pumasok sa kanilang kwarto.

Paglabas niya ay ipinakita niya ang mga tents na dinala niya kasama ang ibang pang camping tools.Kaagad namang tumango ang lahat maliban lang sa kaniyang ate.

"Game kami diyan, dun tayo sa tabing ilog malawak yung space natin doon,"sagot ni Diego sa kanila.

Excited ang lahat sa gagawin nila kaya naman kanya kanya na sila ng dala para pumunta sa tabing ilog.Samantalang si Zyra ay pumasok lang sa kwarto dahil hindi ito interested sa camping at ayaw niyang mahiga sa lupa.

"Mauna na kayo doon kukuha lang kami ng mga kahoy para sa campfire natin,"sabi ni Diego, naiwan silang dalawa ni Ethan at nauna na sina Raphael.

Pagdating nila sa tabing ilog ay tinuruan ni Raphael si Maria kung paano i-set up ang mga tent para mabilis na nilang mabuo ang mga ito.Habang si James naman ang magtatali sa mga matatapos na tent.

"Alam mo na ba?"tanong ni Raphael sa kaniyang pinsan nang matapos niyang ituro ang mga dapat gawin.

"Ahh oo naman, tara buoin na natin,"sagot ni Maria sa kaniya.

Nang mabuo na nila lahat at nakaayos na ay sakto naman dumating sina Ethan at Diego dala ang mga kahoy na kinuha nila.Gumawa na din ng campfire si Diego at sinindihan na din ito.Habang si Raphael naman ay inilabas ang dala niyang pagkain para pagsaluhan nila.

Nakapaikot sipa sila sa camping habang nagkukwentuhan ay bigla silang nakarinig na mga kaluskos.Napatingin sila sa lukaran para tignan kung ano iyon ay bigla na lang silang sumigaw ng malakas.

"Ahhhh may multo,"sigaw nila kasabay na pagkumpulan nila nang makita ang babaeng naka kulay puting dress na nasa tabi ng puno.

Mabilis naman ding tumakbo palapit sa kanila ang babae."Nasaan ang multo,"sabi ng babae at lumingon lingon.

"Naku si Zyra lang pala,"sabi ni Diego kaya nawala ang takot nila.

"Anong akala niyo ghost ako?"sabi ni Zyra habang hawak ang dibdib.

"Bakit kasi naka-puti ka mukha ka tuloy multo,"sabi sa kaniya ng kapatid na napalitan ng tawa ang takot kanina.

"Ano bang masama sa suot ko,"sagot niya habang nakataas ang isang kilay.

"Wala naman, teka lang bakit ka pumunta dito akala ko bang ayaw mo sumama."

"Ehh wala akong kasama doon may pinuntahan sila so they told to come here,"

Pagkatapos ay bumalik na sila sa ginagawa nila kanina.Si Raphael naman ay pumasok sa kaniyang tent at may kinuha sa bag.

"Ohh I have marshmallow here, sinong may gusto?"tanong niya sa lahat, nagtaas naman ng kamay ang lahat kaya inilagay niya ito sa gitna para makakuha lahat.

Kumuha sila ng stick at tinusok ito doon at niluto sa apoy ng campfire at nagsimula muling nagkwetuhan.Tawanan silang lahat sa bawat kwentong sini-share ng bawat isa.

"Sobrang saya pala ng ganito,"sabi ni Diego sa lahat pagkatapos ng kwentuhan nila.

"Maglaro kaya tayo para hindi tayo ma-bored sayang naman kung matutulog na agad tayo,"suggest ni Raphael sa kanila.

Game na game naman na maglaro ang lahat naisip nilang laruin ang secret message for someone.Ang laro 'yon ay bibigyan sila ng papel at isusulat nila ang isang sikreto na ayaw nilang malaman ng iba.

At ang rules ng larong iyon ay ilalagay nila ang mga ito sa isang bote at pagkatapos ay bubunot sila isa-isa at sino man ang mabunot nila ay hindi nila ito pwedeng ipagsabi kahit kanino.

Kumuha ng papel si Raphael at piniraso niya ito para ibagay sa bawat isa.Nang mabigyan sila ng papel ay nagsimula na din sila ng kung ano mang gusto nilang isulat.

Bawat matapos sa kanila ay inilalagay nila iyon sa isang bote.Hanggang sa naipon na lahat kaya naman kinuha na ito ni Raphael para ikalog.

Naunang kumuha si Zyra dahil sa sobrang excite ay tinanggal na niya agad ang pagkakatiklop ng papel para mabasa ito.

At ang nakasulat sa nakuha niya ay, "May nagugustuhan na ako pero ang alam ko ay may iba na siyang nagugustuhan."

"Kanino kaya 'to?"tanong niya sa sarili at tinignan niya ang mukha ng bawat isa.

Walang nakakaalam ng mga isinulat nila kung hindi sila lang at ang nakabunot.Nang mabasa nila ay kaniya-kaniya na sila ng tago sa mga ito.

Nang matapos iyon ay napansin na nilang malalim na ang gabi kaya isa-isa na silang nagsipasok sa mga tent nila maliban lang kay Ethan na naiwan sa labas.

Tinignan niya ulit ang papel na nabunot niya, "Since my parents got separated,I change a lot,and I promise that I will never believed to love."

"Bakit ganito 'to?"hindi niya maintindihan kung anong gustong sabihin nito.

Pagsapit ng umaga ay unang nagising si Ethan at wala siya ibang magawa kaya naisip niyang magluto ng almusal nila sakto din naman may sobra kahoy.

Habang nagluluto siya ay nagising na din pala si Diego.

"Sipag ahh,"biro niya kay Ethan."Ano yang niluluto mo?"

"Itlog at saka hotdog almusal nating lahat," sagot naman ni Ethan.

Sakto naman ay palabas si Raphael sa tent habang kinukusot ang mga mata sa kaya naman hinila siya ni Diego.Samantalang si Raphael ay nakuha niya ang kamay ni James kaya sabay-sabay silang nabasa sa tubig.Sabay namang lumabas sina Maria at Zyra aa kanilang tent.Habang itong si Zyra ay kinakamot ang mga pantal sa kaniyang balat.

"What are this?"naiinis na sabi ni Zyra."Oh my god why they are red?"

"Mga kagat 'yan ng lamok ate,"sagot naman nitong si Maria na nasa tabi niya.

Bigla namang nagsisigaw ang mga lalaki na tinatawag din sila para maligo na.

"Yak! No, ayoko diyan,"pagkontra ni Zyra na maligo."Look at the water ganiyan yung kulay."

Hindi talaga siya mapilit maligo dahil baka magkaroon daw siya ng allergies.Kaya naman may naisip ang tatlo na kalokohan.

"Ahhhh,"pagtili ni Zyra habang nasasabuyan ng tubig."Stop doing that."

Hindi naman tumigil ang tatlo at patuloy pa din nila itong binabasa hanggang sa wala siyang choice kung hindi maligo.Bago siya lumusong ay bumalik muna siya sa tent, at paglabas niya ay dala na niya ang isang maliit na bag.Lumusong siya sa tubig at saka tumabi kay Maria.

"Ate, anong yang dala-dala mo?"na-curios na tanong ni Maria, sino nga ba naman tao ang magdala ng bag habang naliligo.

"Oh this?"tanong naman ni Zyra at itinaas ang dala niyang bag."Of course my soaps, ano pa ba?"

"Sabon?"tanong niya."Bakit parang sobrang dami naman niyan."

"Of course madami talaga because my skin was delicate that's why iba ang sabon ko sa mukha at katawan."pagmamayabang na sabi nito."And of course iba pa ang pampaputi ko."

Walang nasabi si Maria at napatango na lang ito."Ganito pala kapag mayaman ka," bulong nito sa kaniyang sarili.

"May sinasabi ka?"tanong ni Zyra na marinig niyang parang nagsasalita ito.

"Ahh wala-wala,"kinabahan na sagot ni Maria.

"Oh okay,"sabi naman nito."Pero here try mo may extra ako dito." Ini-abot ang isa sa kaniya at sinabihan ito na para sa mukha lang 'yon at hindi sa katawan.

Na-excite naman si Maria kaya wala ng hiya-hiya at kinuha na niya ito.Binuksan niya ito agad at ipinahid sa mukha niya.

"Wow ang bango nito,"namangha sabi ni Maria."Grabe ang gaan din niya sa mukha."

"Talagang mabango 'yan because hindi lang basta soap lang,"pagmamayabang naman na sagot ni Zyra.

Hindi din nagtagal ay umahon na sila para maka-uwi na.Dumating sila na kubo na parang mga basang sisiw dahil ni isa kanila ay walang nagdala ng damit pamalit.