webnovel

Extraordinary Kiss

A simple and ordinary girl who never noticed by everyone. Her existence is full of lies because of her untold memories. Until one day, everything change. A childish and a psycho, he always shows his blank expression face and his mysterious aura, but he is a goddamn't good looking guy. His existence is full of questions and mystery. A vampire hunter whose mission to guard her until death. Falling in love is a forbidden that he can't avoided. A cold blooded vampire, living decades with immortality and power, he hates human because of what happened in his past life.

DeojPage · แฟนตาซี
Not enough ratings
27 Chs

IMAGE OF DEATH

Sera Shinto Bia point of view

Nasa sasakyan kami, Linggo ngayon kaya wala kami pasok ni Azrael, papunta kami ngayon sa bahay ng batang lalaki, iuuwi na namin siya sa mama niya. Sure naman din ako na gustong gusto na niya makita ang mama niya at tulad ng mama niya gusto narin siya nito makita. Si Loki ang nag-dridrive, si Azrael naman nakaupo sa harap katabi niya. Mabuti sumama siya akala ko kasi tatanggi siya na sasama kaya sobrang saya ko ng sumama siya saamin. Nasa likod naman ako nakaupo, katabi ko ang batang lalaki, napatingin ako sakanya, halata sakanya na sobrang excited na siya makauwi at hindi mawala sa labi niya ang matamis niyang ngiti.

"Bata....ang tagal na natin magkasama, pero hindi ko parin alam ang pangalan mo...." bati ko sakanya na nakangiti rin.

"Deno po ang name ko ate ganda....kayo po ano name niyo ate ganda??...."

Hindi ko napigilan na kiligin sa kung paano niya ko tawagin. ATE GANDA. Alam ko maganda ako pero hindi naman niya kailangan tawagin ako ng ganoon. Lalo tuloy ako natutuwa sakanya, "I'm Sera.....tawagin mo nalang ako ate Sera....." sabi ko.

"Ate Sera....kaya pala sobrang ganda niyo kasi kahit pangalan niyo maganda rin...." tuwang tuwa niyang sabi. Ayyy....napakabata pa pero ang galing na niya mambola, mukhang marami siyang babae paiiyakin paglaki niya....ayyy! teka mali ata iyong iniisip ko. Paiiyakin talaga? Hindi ba dapat pasasayahin?? Hahaha! Kung ano ano iniisip ko. Pasensya na.

"Tsss.....bata pa pero ang galing mambola...." rinig kong bulong ni Azrael. Napatingin tuloy ako sakanya, pansin ko kanina pa siya wala sa mood, at hindi ko rin maintindihan kung bakit kakaiba iyong mga titig niya sa bata.

"Childish talaga....he's just a kid, for you to feel jealous....." biglang singit naman ni Loki.

Agad naman tumingin ng masama si Azrael kay Loki, "What the hell, Loki!!???....Stop saying that word JEALOUS because I'm NOT!!!...." inis na sabi ni Azrael.

"Stop saying BAD WORDS.....may kasama tayo bata...."pagsusuway naman ni Loki.

"Tsss....." sabi nalang ni Azrael sabay tingin sa labas ng bintana ng kotse.

"Ate Sera.....sino ba boyfriend mo sakanila??...." biglang tanong ni Deno na ikinagulat ko. Narinig ko na napaubo si Azrael at bigla naman napapreno si Loki, lahat tuloy kami nagulat at napatingin sakanya.

"Ooohhh.....sorry.....may biglang dumaan na cute na pusa....." depensa ni Loki at nagdrive ulit.

"Ate Sera.....sino ba sakanila iyong boyfriend mo???...." pangungulit ni Deno sabay hila sa dulong manggas ng suot kong itim na blazer. Jacket sana dapat ang susuotin ko pero ito ang nakita ko sa drawer ko, hindi nga lang ako sure kung saakin ba ito kasi sobrang maluwag saakin at malaki, mahaba rin ang blazer hanggang lagpas ng tuhod ko. Sa sobrang pagmamadali ito nalang kinuha ko, nakasleeveless white dress lang kasi ako at medyo manipis, comfortable talaga ako sa mga maninipis na tela iyong hindi mainit sa katawan.

"Uhhhmmm.....Deno, wala pa kasi ako boyfriend...." nahihiyang sagot ko. Hindi ko alam pero bakit parang hindi lang si Deno ang may gusto makarinig ng sagot ko, kasi may nararamdaman ako kakaibang aura sa harap ng kotse.

"Tama pala ang hinala ko ate Sera.....kasi hindi naman sila kagwapohan para maging boyfriend mo...." sabi niya at isang malakas na preno ulit ang nangyari mabuti nalang maagap ako at nayakap ko siya bago siya masubsob.

"Loki naman!!...." suway ko kay Loki, hindi ko maiwasan mainis kasi parang sinasadya niya.

"Sorry.....may dumaan ulit...." depensa niya ulit at nagdrive ulit. Napatingin ako sa harap at kita ko ang masamang tingin ni Azrael kay Deno.

"Azrael, will you please stop staring like that, he's just a kid....." pakiusap ko sakanya.

"Tsss....he's just a kid??!...." sarkastik niyang tanong at muli tumingin sa harap. "Ang sarap putolan ng dila...." bulong pa niya pero rinig na rinig ko naman.

Napabuntong hininga nalang ako sa mga inaasal ng dalawa kay Deno. Why it seem like, they both hate Deno?? Wala naman ginagawang masama si Deno.

"We're here....." biglang sabi ni Loki.

"Finally!!!....Thank you so much!!!.....makakauwi narin ang asongot!!!...." mapang-asar na saad ni Azrael. Huh?? Ano bang nangyayari sa dalawa na toh?

Naramdaman ko ang paghinto ni Loki sa pagdridrive at agad naman binuksan ni Azrael ang pinto sa gilid niya at lumabas. Ganoon rin ang ginawa ko, una ako bumaba sa kotse at sumunod naman saakin si Deno. At huling lumabas si Loki.

"Thank you ng marami ate Sera....salamat rin po kasi hinatid niyo rin ako dito sa bahay namin...." nakangiting sabi ni Deno.

"Walang anuman....simula ngayon, magiingat kana ng mabuti ah....huwag ka basta basta tatawid ng kalsada, delikado ok??...."

"Opo!!....Promise po!!...."

"Promise??...." sabi ko sabay tinaas ko ang isa kong kamay at pinakita ko iyong maliit kong daliri, sign na nag-fifinger promise kami. Mabilis naman din niya idinikit ang hinliliit ng isang kamay niya sa daliri ko. As a sign of promise.

"Ate Sera, pagnakita niyo po si Kuya Gwapo, ikamusta mo po ako sakanya....at pakisabi po na salamat po ulit...." dagdag pa niya na ikinataka ko. KUYA GWAPO?? At bigla ko naalala iyong lalaki na pumigil saakin na iligtas siya.

"Uhhmmmm....siya iyong nagligtas saatin, tama ba ko??...."

"Opo ate....hindi po ba kayo nagkita ni Kuya Gwapo???...."

"Actually nagkita kami....pero saglit lang....don't worry pagnagkita kami ulit, sasabihin ko sakanya iyong gusto mo sabihin....." sabi ko nalang sabay ngiti. Pero hindi ko alam kung sino siya at kung paano ko siya makikita ulit.

Nakita ko na pinindot na ni Azrael ang door bell at hindi rin nagtagal, bumukas ang gate ng bahay at lumabas ang mama ni Deno. Halata sa mama niya ang gulat at halos maluha-luha siya, mabilis na tumakbo palapit sakanya si Deno at nagyakap silang mag-ina.

Nakangiti lang ako habang pinapanood sila, pareho sila umiiyak habang magkayakap sa bawat isa. Hindi ko alam kung ano pakiramdam na may mga magulang. Nagising nalang ako bilang SERA SHINTO BIA at walang maalala sa sariling pagkatao, kung may mga magulang pa ba ako o mga kapatid. Pero kahit ganoon, nagpapasalamat parin ako dahil nabubuhay ako sa mundo, hindi naman ako nagiisa, nandyan si Loki ang guardian ko at si Azrael, ang pinakaunang naging kaibigan ko.

Ng kumalma ang dalawang mag-ina, lubos ang pagsasalamat ng ina saamin. Masaya ako dahil nakatulong ako kahit sa maliit na paraan. Hindi rin kami nagtagal nila Loki at Azrael, nagpaalam rin kami at umalis.

"Stop there, Loki!...." biglang sabi ni Azrael.

"Mabuti naman, naisipan mo rin umuwi...." sarkastik na sabi naman ni Loki.

"Tsss....I'm just tired....gusto ko rin magpahinga...." sagot ni Azrael, at naramdaman ko na huminto ang sasakyan.

"Bakit hindi nalang natin ihatid si Azrael sa kanila...." biglang singit ko sakanila.

"Tsss....hindi ako babae para ihatid niyo pa...." angal ni Azrael. "I can go home with my own...." dagdag pa niya sabay bukas ng pinto sa gilid niya.

"Ok....." sabi ko nalang.

Lumabas na si Azrael at nagpaalam saamin. Pinagpatuloy naman din ni Loki ang pagdridrive pabalik sa mansion. Malapit na kami ng may bigla ako nakitang imahe na ikinasakit ng ulo ko.

"Aahhhh!!....." sambit ko ng makaramdam ng sakit ng ulo at hindi ko napigilan napahawak ako sa ulo ko.

THE IMAGE

May bahay na nasusunog, sanhi iyon ng nilutong naiwan sa kusina. At may batang lalaki, umiiyak siya, naririnig ko na tinatawag niya ang mama niya. Nakayuko ang bata kaya hindi ko makita ang mukha niya, nasa ilalim siya ng lamesa at umiiyak.

Biglang sumakit ang dibdib ko sa nakitang imahe. Bata!! Umalis kana dyan nasusunog ang bahay niyo, malakas na sambit ko sa isip ko pero hindi niya ko pinapansin, parang hindi niya ko naririnig. Sinubukan ko isigaw ang gusto ko sabihin pero walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko. Lalo ako natakot at kinabahan. Lalong sumakit ang dibdib at ulo ko ng mag-angat ng mukha ang bata. Si DENO!!!...

Loki Dan point of view

Napahinto ako sa pagdridrive ng marinig ko si Sera na sumigaw.

"Aaahhhhh!!!....."

"Sera?!!...." tawag ko, agad na hininto ko ang kotse sa gilid ng kalsada at mabilis na lumabas sa driver seat at nilapitan si Sera.

Hinawakan ko ang dalawa niyang balikat, nakapikit ang mga mata niya, at nakahawak siya sa ulo niya, halata na nasasaktan siya. Niyugyog ko siya ng malakas, baka sakaling magising ang diwa niya.

"Aaaahhhhh!!!!....." muling sigaw niya, umiiyak na siya at parang nauubosan ng hininga.

"Sera?!!! What happened??!!!....." nagaalalang sabi ko habang inaalog siya. "Gumising ka!! Pakiusap!!...." dagdag ko pa, niyakap ko siya baka sakaling magising ang diwa niya at huminahon siya.

Ng niyakap ko siya ng mahigpit, naramdaman ko ang kamay niya na kumapit ng mahigpit sa damit ko, napatingin ako sakanya, gising na siya pero lumuluha siya.

"Loki.....si Deno.....balikan natin siya pakiusap...." pagsusumamo niyang sabi.

"Ok....babalik tayo....." tanging sabi ko nalang at agad na bumalik sa driver seat at nagdrive pabalik sa bahay ni Deno.

May gusto pa sana ako itanong sakanya, pero ayaw ko magtanong, kung ano man ang nangyayari sakanya may idea na ko.

"Loki.....i saw an image.....nakita ko si Deno, nasa ilalim siya ng lamesa, umiiyak at nasusunog ang bahay nila....hindi ko alam....kung bakit may nakita ako ganoon na image.....hindi rin ako sure....pero ganito rin iyon, nung unang beses na makita ko si Deno, may dugo ang ulo niya na parang nauntog....hindi ko na talaga alam.....pero parang totoo ang lahat, ramdam ko, Loki.....nararamdaman ko na nasa panganib si Deno at kailangan niya ng tulong ko....." sabi niya habang humihikbi.

"Naiintindihan ko....huwag ka magalala, Sera.....tutulongan natin si Deno, ililigtas natin siya....pakiusap lang huwag kana masyado kabahan dyan, huminahon kana, babalikan natin siya....." sabi ko.

Hindi na ko nagtaka, dahil alam ko sa sarili ko na darating din ang araw na mangyayari ito sakanya. Kaya kahit hindi ko siya tanongin kung bakit sinundan niya ang bata sa umpisa palang. Dahil sa kakayahan na meron siya. This is one of the reason why Ares want me to guard her, because he also know it will happen intentionally or unintentionally. Tsss....Ares, bakit kailangan madamay si Sera?? Hindi niya dapat nararanasan ito, she has a weak body, I'm afraid that she can't handle this kind of ability.

She has the ability to see the before death of everyone. She can see the IMAGE OF DEATH.

This is the reason, the exact reason, why DEATH AFRAID OF HIM.

Don't forget to Vote and Comment. Thanks for reading ❤️

DeojPagecreators' thoughts