webnovel

Extraordinary Kiss

A simple and ordinary girl who never noticed by everyone. Her existence is full of lies because of her untold memories. Until one day, everything change. A childish and a psycho, he always shows his blank expression face and his mysterious aura, but he is a goddamn't good looking guy. His existence is full of questions and mystery. A vampire hunter whose mission to guard her until death. Falling in love is a forbidden that he can't avoided. A cold blooded vampire, living decades with immortality and power, he hates human because of what happened in his past life.

DeojPage · Fantasy
Not enough ratings
27 Chs

THE BOOK OF DEATH

SOMEONE point of view

Deno House

1 hour after Sera, Loki and Azrael leave the house.

Nasa living area si Deno at nanonood ng kanyang paboritong palabas sa t.v.

"Deno, anak....magluluto si mama ng paborito mong pagkain...." sabi ng kanyang ina.

"Talaga po mama??...." tuwang tuwa na tugon naman ng bata. Tumango ang ina at ngumiti sa anak. Hinawakan niya ang mukha nito at hinaplos.

"Lalabas lang si mama saglit, may kulang lang ako na ingredients.....sakto pinapakuloan ko na ang manok, pagbalik ko sigurado akong malambot na iyon....promise mo kay mama na huwag ka aalis ng hindi nagpapaalam ahh...." sabi ng ina.

"Opo, pangako po mama, magpapaalam po ako bago umalis...." ngiting sagot ng bata.

Tumayo na ang ina at lumabas na ng bahay. Samantalang sa loob ng kitchen area ay may isang lalaki ang nakatayo sa gilid, nakamasid siya sa batang lalaki na nakatalikod sakanya habang nanonood ng t.v.

"Sorry kid....it was your fate...." pabulong niyang sabi.

"Today is the day.....and everything is already written...." sabi ng isang lalaki, lumapit siya sa kalan at pinihit ito para lumakas ang apoy.

"Why all of you are here??....Did I'm not clear with myself??...." tanong ng lalaki ng makita niya ang pito niyang kasama na nasa loob rin ng kusina.

"What a tragic incident....we really need to burn the entire house???...." biglang singit ng isa na nakatitig sa malakas na apoy na galing sa kalan. Kumukulo na ito at gumagalaw na ang takip ng kaldero dahil sa sobrang init na nagmumula sa malakas na apoy.

"We're here to help you...." sagot ng isa sa tanong niya.

"I don't need help....." matigas niyang saad.

"Save the argument later...." singit naman ng isa at pumutok na ang kaldero dahil sa sobrang init umaapoy rin ito hanggang kumalat na ang apoy sa buong kusina.

Dahil sa malakas na putok natakot si Deno at kinabahan, napatingin siya sa kusina kung saan nagsimula ang ingay, kitang kita niya ang pagkalat ng apoy sa buong kusina. Nanginig siya sa takot at agad na nagtago sa ilalim ng lamesa na nasa harap niya. Paulit ulit niya tinatawag ang mama niya pero matagal na siya sa ganoong pwesto hindi parin dumadating ang mama niya.

"MAMA!!!!...MAMA!!!!!....MAMA!!!!!!...."

"Awww....he was so helpless....." sabi ng isa sakanila, pareho silang walo na nakatingin kay Deno na umiiyak at tinatawag ang mama niya.

"I don't know why.....we born to be heartless??...." wala sa sarili niyang tanong. Gusto niyang malaman kung bakit kahit gusto niya maawa sa sitwasyon ng bata ay hindi siya nakakaramdam ng kahit katiting na awa. They are all born to be HEARTLESS. And this is what they live for.

Sera Shinto Bia point of view

Pagdating namin sa bahay nila Deno, halos hindi ako magkaugaga na makalabas sa kotse sa sobrang kaba at pagmamadali.

Pagkalabas ko ng kotse muntik na ko matumba mabuti nalang nasa tabi ko na si Loki at maagap na nahawakan ako bago ako matumba. Kitang kita ko ang malaking apoy na nilalamon ang buong bahay, nagliliyab at halos kalahati na ng bahay ang natumpok ng apoy. Maraming tao ang nasa labas, may narinig ako tumawag ng bumbero at ambulansya.

Lalapit na sana ako ng may nakita ako matandang babae na nasa sahig at walang malay, natatakpan siya ng mga tao kaya hindi ko makita ang mukha niya. Lumapit ako sakanila at napatakip ako ng bibig ng makilala ko ang ginang, ang ina ni Deno. Walang malay, pansin ko rin ang mga nakakalat na ingredients galing sa supot na nasa tabi lang niya, sigurado akong nahimatay siya ng makita ang bahay nilang nasusunog. At agad naman na umikot ang paningin ko, nakikiusap na makita ko si Deno, pero wala ako makita na kahit sinong batang lalaki. Lumapit ako sa isa sa mga ginang na nakatayo.

"Ate, itatanong ko lang po nasaan iyong anak niya?...." tanong ko sabay turo sa ina ni Deno.

"Ahhh!! Diyos ko iha!!....nasa loob pa, hindi namin alam kung buhay pa, natatakot naman lumusob ang iba para kunin iyong bata, masyado na kasi malaki ang apoy, nakakatakot at sobrang delikado...."

Dahil sa narinig ko muntik ulit ako matumba pero inalalayan ako ni Loki ulit, nasa likod ko siya, pero agad ako kumalas sa pagkakahawak niya saakin. Susugod ako sa apoy para iligtas ka Deno, huwag ka magalala.

Pero mabilis na pinigilan ako ni Loki, "Sera!! Stop!!...."

"No!!! Loki bitawan mo ko!!!.....Kailangan ako ni Deno...." pagsusumamo kong pakiusap sakanya. Pumapalag ako sa mahigpit niyang hawak, pero hindi ako makawala, "Loki, please!!!!...bitawan mo ko....." muli ko pakikiusap, naiiyak na ko, natatakot ako na baka hindi ko na mailigtas si Deno. Kailangan niya ng tulong ko. "Nandoon pa siya.....Loki, pakiusap!!!.....Alam ko, nandoon pa siya...." dagdag ko pa.

Nagulat ako ng bigla ako niyakap ni Loki. Sobrang higpit ng yakap niya na lalong ikinatulo ng mga luha ko. "Dito ka lang....." sabi niya na ayaw ko pakinggan, "Alam ko....naniniwala ako saiyo, kung nandoon pa siya, ako ang susugod sa loob para tulongan siya...." dagdag pa niya na ikinatingin ko sakanya. "Ipangako mo saakin na dito ka lang.....iyon nalang ang gusto ko maging thank you mo...." sabi niya sabay haplos sa buhok ko.

Kumulas siya sa pagkakayakap saakin, pagkatapos ay hinubad ang suot niyang black coat, inabot niya saakin at kinuha ko naman. Pagkatapos magtama ang mga mata namin ay umalis na siya at pumasok sa nasusunog na bahay. Narinig ko kung paano nagulat ang mga tao sa ginawa niya.

Loki Dan point of view

Pagpasok ko sa loob, ramdam na ramdam ng buo kong katawan ang init sa loob. Biglang may nahulog na nasusunog na kahoy galing sa taas, hindi ako umilag kaya tumama iyon sa balikat ko, kita ko ang pagsunog ng bahagi ng puti kong damit kung saan tumama ang nahulog na nasusunog na kahoy. Saglit ko naramdaman ang pakiramdam na napasong balat pero agad rin nawala iyon.

Dumiritso ako sa loob at agad na tinungo ang living area, kahit may mga nahuhulog na kapiraso ng kahoy na nasusunog galing sa taas ay hindi ko na inabala pa na isipin pa. Ang sabi ni Sera nasa ilalim ng lamesa si Deno, umiiyak at tinatawag ang mama niya, kaya ang living area agad ang naisip ko puntahan.

Hindi nga ako nagkamali, nakita ko si Deno sa ilalim ng lamesa at walang malay mabuti nalang hindi siya tinatamaan ng mga kapirasong kahoy na nahuhulog galing sa taas dahil nasasalo iyon lahat ng lamesa.

Hinubad ko ang suot kong puting polo shirt, dumiritso ako sa C.R. at ibinasa ng tubig ang damit. Pagkatapos ay mabilis na binalikan ko si Deno, kinuha ko siya at ibinalot ko sakanya ang basang puting damit ko.

Napalingon ako sa gilid ng may naramdaman ako na parang may nagmamasid, pero wala naman ako nakita. Pero isang malaking kahoy na umaapoy ang biglang nahulog galing sa taas na tatama saamin ni Deno. Agad na niyakap ko si Deno at kinulong sa bisig ko. Tumama ang umaapoy na malaking kahoy sa likod ko.

"Arrggghhhh..." sambit ko ng maramdaman ko ang nakakapasong init nito na parang nilulusaw ang balat ko sa likod.

Pero kahit gaano pa kainit at nakakapaso na bagay ang ididikit sa balat ko ay hindi iyon sapat para masaktan ako ng husto. Tumayo ako dahilan para matumba sa sahig iyong malaking umaapoy na kahoy, at agad na tinungo ko ang daan palabas.

Paglabas ko, rinig ko ang tunog ng ambulansya at kita ko ang mga bumbero na nakakalat sa paligid at pilit pinapatay ang apoy. May isang bumbero ang lumapit saakin at tinulongan ako.

"Sir, ok lang po ba kayo??...."

"Oo....pakiusap, tulongan niyo ang bata, kailangan niya madala sa hospital...." sabi ko sabay tawag ng bumbero sa isa mga tao na kasama sa ambulansya, lumapit saakin at kinuha ang bata.

Nakita ko si Sera na tumatakbo ng mabilis palapit sa gawi ko at agad na niyakap ako ng magkalapit kami. Nagulat ako pero napangiti ako. Wala ako pangtaas na damit kaya ramdam na ramdam ko ang mainit niyang balat. Hindi rin nagtagal ay kumalas siya sa pagkakayakap at tinignan niya ako at halata sa mga mata niya ang lubos na pagaalala.

"Loki, salamat ligtas ka....ok ka lang ba??....Nasaktan ka ba???...." sabi niya sabay tinignan ang buong katawan ko. Sinusuri niya ang buo kong katawan, na para bang inaalam niya kung may galos o sugat ako.

"Ok lang ako, don't worry....Si Deno ok na rin siya, dinala na siya sa hospital, wala naman siya sugat or injury...." sabi ko.

"Maraming salamat, Loki....." nakangiting saad niya, pero pansin ko parin ang bahid ng mga luha sa pisngi niya kaya umangat ang isa kong kamay at hinawakan ang pisngi niya, pinunasan ko ang mga bahid ng luha niya gamit ang isa kong daliri at halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"Next time....huwag kana umiyak, nasasaktan ako pagnakikita kita umiiyak...." sabi ko. Pero kaysa sagutin niya ko, nakatulala lang siya saakin.

"Excuse me, sir....." biglang singit ng isang lalaki, halata sa hitsura at pananamit niya na isa siyang government officer.

Pareho kami ni Sera na napatingin sakanya.

"Sir, gusto lang sana kita makausap....."

"Ok, just a moment...." sabi ko sabay balik ng tingin kay Sera, "Sera...." tawag ko sa pangalan niya na ikinagising ng diwa niya.

"Ahhh....Bakit, Loki?...."

"Makikipagusap lang ako saglit sa officer, babalikan kita dito.....pakiusap lang huwag ka umalis, dito ka lang kahit ano mangyari...." sabi ko. Tumango naman siya at ngumiti. Sana lang sundin mo ko this time Sera. Bigla ko tuloy naalala iyong last time na sinabihan ko siya na huwag aalis kahit ano mangyari. Napabuntong hininga ako at umalis, sinundan ko ang officer.

Huminto kami sa hindi kalayuan sa pwesto ni Sera. Ayoko rin lumayo ng husto sakanya, kinukutoban na ko, lalo na alam ko na may mga nagmamasid sa hindi kalayuan. Ramdam ko sila. Walong tao. Kung sino man sila hindi ko pa alam, at kung bakit nila kami pinagmamasdan.

"Sir....name niyo??...."

"I'm Loki Dan...." sabi ko sabay silip kay Sera.

"Kaano-ano niyo ang mga biktima?...."

"Ahh....kaibigan....

"Sainyo ba ang sasakyan na iyon?...." sabi ng officer sabay turo doon sa kotse namin na nakapark sa gilid.

"Yeah....."

"May nainterview ako kanina lang, ang sabi nanggaling na kayo dito kanina....mga isang oras bago ang sunog...."

"Yeah.....hinatid namin si Deno, iyong bata.....hindi na kami pumasok, hanggang labas lang kami ng gate and then mga 10 minutes lang umalis narin kami...." sagot ko, nainip ako ng matagal siyang nagsusulat sa maliit niyang notebook. Mukhang nililista niya ang mga sinasabi ko. That's why I hate interview.

Napatingin ako sa gawi ni Sera, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang tumatakbo palayo na parang may hinahabol. Tsss.....ang tigas ng ulo niya.

"Officer!!....I need to go....." mabilis na sabi ko sabay takbo paalis at hinabol ko si Sera.

"Sera!!!....." sigaw ko.

Sera Shinto Bia point of view

Nakatingin lang ako sa malayo, kausap ni Loki ang isang officer mukhang iniinterview siya sa nangyaring sunog. Pansin ko rin na pasimple niya ko sinisilip sa pwesto ko.

Nakatayo lang ako habang hinihintay na balikan ako ni Loki. Sabi niya huwag daw ako umalis kahit ano mangyari, alam ko sinuway ko na siya ng isang beses, ayoko na siya suwayin pa ulit, ayoko siya bigyan ng sakit ng ulo. Alam ko sobra siya nagalala saakin nakaraan ng umalis ako ng hindi nagpapaalam.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko sinasadya ng mapatingin ako sa gilid ko, may nakita akong lalaki na nakatayo at nakatingin sa gawi ko. Medyo malapit lang siya saakin kaya malinaw saakin iyong mukha niya. Parang nakita ko na siya. Napaisip ako ng malalim, inaalala ko kung saan ko siya nakita, hanggang sa naalala ko iyong sinabi ni Deno about sa tinatawag niyang KUYANG GWAPO. Siya iyon!!.

Nakatingin lang siya saakin. Nagtama ang mga mata namin na parang may gusto sabihin. Muli ko naalala iyong sinabi ni Deno kanina lang, na gusto niya makita ang lalaki na ito para makapagpasalamat. Kahit ako gusto ko rin siya makausap, dahil hindi pa ko nakakapag-thank you sa ginawa niyang pagligtas saamin ni Deno. Kaya hindi na ko nagdalawang isip pa na tumakbo palapit sakanya.

Pero nagtaka ako ng umalis siya sa pwesto niya at tumakbo rin paalis. Kaya binilisan ko ang pagtakbo para mahabol ko siya. Kailangan ko siya makausap at may gusto rin ako itanong.

Hindi ko na alam kung saan na ko nakarating habang hinahabol siya, hanggang sa napahinto nalang ako sa pagtakbo ng makita kong dead end na iyong nasa harap ko at wala na ko madadaanan pa.

"Is she's the one???...." biglang may nagsalita sa bandang taas kaya napataas ang tingin ko at hinanap ang nagsalita.

Nagulat ako ng may nakita akong isang lalaki na nakaupo sa fence na may taas na 5 meters, may dala siya na isang family size box na pizza, at sa kabilang kamay niya may hawak siyang pizza na may kagat na.

"I remember the last time we've meet, I told you to stop meddle with others monkey business...." biglang sabi ng isang familiar na boses sa likod ko, kaya napalingon ako sa likod. Siya iyon!! Iyong tinatawag ni Deno na Kuyang Gwapo.

Hindi ko maintindihan kung ano ibig niya sabihin pero kinabahan ako ng may naramdaman pa ako na anim na tao sa iba't ibang parte ng dead end kung saan ako ngayon, tinignan ko sila isa't isa at pansin ko na pinalibutan nila ako.

"She's just a girl....don't tease her....." suway ng isa sakanila.

"But she's a beauty....or let's say a goddess...."

"We can kill her....the easy way...." suggestion naman ng isa na lalong nagbigay saakin ng kaba.

"Oooppps!!!!....Can we really??....."

"Killing her is a risk....I already scan the Book of Death, there's no written about her death...." saad naman ng isa sakanila na may dalang libro. Teka! Ano sabi niya Book of Death?? Anong klaseng libro iyon?? May ganoon ba talaga na libro???

"You're right....I can't see her lifespan....who is she really???....." seryosong tanong naman ng huling lalaki.

Lifespan? Mas lalong hindi ko sila maintindihan. Sino ba sila?? Bakit pakiramdam ko hindi lang sila basta basta lang???

LOKI....HELP ME....Pakiusap ko sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ba pinaguusapan nila pero habang tumatagal mas lalo ako kinakabahan. Sana hindi ko nalang siya sinundan. Mukhang isang TRAP ang pinasok ko.

I really appreciate comments and votes. Thanks for reading and for collecting my story ❤️

DeojPagecreators' thoughts