4:34 pm
Hapon na at nalalapit na ang paglubog nang araw, kulay kahel na ang kalangitan. Ang mga ibon ay nagliliparan sa kalangitan, maririnig ang kanilang mga huni na kay sarap pakinggan.
Sa gitna nang kagubatan ay makikita ang labing anim na mga kabataan, naglalakad sila at bakas ang pagod sa kanilang mga mukha. Hindi pa sila kumakain nang tanghalian, kaya naman gan'yan sila, at nalalapit na rin ang oras nang pagkain nang hapunan. Ngunit wala pa rin silang makitang maaari nilang matuluyan.
Pinanghihinaan na sila nang loob at nawawalan nang pag-asa. Lumipas pa ang tatlong oras, ngunit wala pa rin silang progress, patuloy pa rin sila sa paglalakad. Nananakit na ang kanilang mga paa at kumakalam na ang sikmura.
Samantala... Isa sa labing anim na kabataan ang ipinasok ang kamay sa bulsa nang suot na jeans, isang remote na may dalawang button ang hinawakan niya. Ang nasa kanang bahagi ay pinindot niya at agad na inalis ang kamay sa bulsa. Mahina siyang nagbibilang sa isip.
5...
4...
3...
2...
1...
Napangisi siya sa isip matapos magbilang. Napahinto sila sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na beep sound, nagtagal iyon nang tatlong segundo.
Hindi nagtagal ay nakarinig sila nang malakas na tunog na para bang may nahulog at isang sigaw nang nasasaktan ang narinig nila. Palinga-linga sila, hinahanap ang pinanggagalingan nang misteryosong tunog. Hindi nagtagal ay narinig nila ang boses nang dalawang taong nag-uusap.
"Tama na po..."
"Manahimik ka! Wala kang kwenta!"
"T-tama na p-po t-tita..."
"'Wag mo kong tawaging tita! Hindi kita kamag-anak!"
''t-tita..."
"Bakit kasi hindi ka na lang namatay!"
"T-tam-"
Narinig nila ang tunog na para bang may sinampal. Nanlaki ang mata nila nang marinig na mas lalong lumakas ang iyak nang bata.
"I said shut up! Pareho kayo nang tatay mo, mga walang kwenta!!"
"T-tama n-na p-po... Papa... Mama..."
Narinig nila ang tunog ng pinto na malakas na binuksan.
"Santa, tigilan mo ang anak-"
Hindi na nila napakinggan pa ang pag-uusap nang bigla itong nawala. Sa sobrang pagtataka ay hindi nila napansin ang tatlo sa mga kasamahan, ang isa ay nanginginig ang kamay, nakatingin sa lupa at pinipigilan ang luha na nagbabadyang tumulo. Pamilyar sa kaniya ang boses at ang pangyayaring iyon.
Ikinuyom niya ang kamao, pilit pinapakalma ang sarili. Huminga siya nang malalim, nang kumalma ay ibinalik niya sa ayos ang emosyon at nakisali sa pag-uusap nang mga kasamahan.
Habang ang ikalawang tao naman ay blangkong nakatingin lang sa kung saang parte nang gubat, ang memoryang pilit na ibinabaon ay paunti-unting bumabalik. At sa pagbalik nito ay ang pagbalik din nang kaniyang bangungot.
Ang ikatlong tao naman ay nakatingin lang sa dalawa, nakangisi at bakas sa mukha ang saya dahil sa matagumpay na plano. Inaasahan na niya ito kaya naman labis talaga siyang nasisiyahan, isa na naman sa mga plano niya ang nagtagumpay at hindi na siya makapaghintay na gawin ang kaniyang mga susunod pang plano.
Nang tingnan niya ang mga kasamahan ay lalo pa siyang napangisi, mga tanga sila sa kaniyang isip dahil hindi nila namalayan na may kasama na silang traydor at ang sisira sa buhay nila.
Hindi na tuloy siya makapaghintay na makita ang mga reaksyon nito kapag nalaman nila ang mga plano niya, sila rin naman ang nagsimula nito kaya siya na ang tumatapos. Tinuring niya naman na mga kaibigan ang mga kasama niya, sadyang mas mahalaga lang talaga sa kaniya ang plano niya at walang makakapagpabago nang isip niya.
Buo na sa kaniya isip ang mga dapat gawin, hindi pwedeng masira lang iyon dahil sa mga kasama. Wala siyang pakialam kung kamuhian man siya nang mga kasama, ang mahalaga ay magawa niya ang plano at pagbayarin ang mga taong may kasalanan sa kaniya.
Walang lugar sa isip niya ang salitang 'awa' at 'friendships'. Alam niya rin naman na kapag nakilala na nang mga ito ang totoong siya ay hindi na siya ituturing na kaibigan nang mga ito.
Umiling siya at tumabi sa mga kaibigan, nagkwentuhan sila tungkol sa narinig na mga boses. Habang siya ay nanatiling tahimik, ngunit minsan ay nakikisali rin siya.
"Sa tingin niyo narinig din kaya 'yon nang ibang mga kasali dito?" Ang tanong ni Kairon.
"Siguro. Ang lakas kaya nang tunog na 'yon. Paniguradong nanggaling 'yon sa malayo." Ang theory ni Breil.
"Curious talaga ako kung sino 'yung bata e." Si Chail.
"Ako din, kawawa naman siya sa tita niya." Malungkot na saad ni Sier.
"Kaya nga. Pero 'di ba sabi no'ng boses nang babae e, hindi niya kamag-anak 'yung bata." Nagtatakang tanong ni Lixon.
"Siguro... Ampon siya?" Si Daria naman ang nagsalita.
"O kaya naman ay anak sa labas." Si Chiro naman ang nagsalita. Napatingin sila kay Chiro. Agad naman na magpaliwanag si Chiro sa naisip nang makita ang nagtatakang tingin ng mga kasama. "Kasi 'di ba ang sabi no'ng boses ng lalaki ay 'Santa, tigilan mo ang anak. Ang kaso ay naputol, baka ang ibig-sabihin ay tigilan ang anak niya. At ayaw magpatawag nang 'tita' no'ng babae dahil hindi niya tanggap 'yung anak sa ibang babae nang asawa niya." Mahabang paliwanag nito.
Napatango sila dahil may point naman si Chiro. May sense naman ang sinabi niya at makatarungan. Nangyayari naman talaga ang mga gano'ng eksena sa totoong buhay at hindi lang sa pelikula o mga drama.
"Pero grabe naaawa talaga ako sa bata." Si Yera naman 'yan.
"Hindi lang naman ikaw, halos lahat tayo." Si Asura.
"Sino kaya ang nagplay no'n 'no?" Si Relo naman ang nagtanong.
"'Wag 'yan ang intindihin niyo, ang isipin niyo ay kung saan tayo matutulog ngayon." Biglang singit ni Eyz. At do'n nila naalala na gabi na pala at wala pa silang matutuluyan. Bakit naman kasi ang lalayo ng pagitan nang mga bahay na pinagawa nila? Hindi ba pwedeng magkakalapit na lang? Pinapahirapan lang nila ang mga estudyante.
Pinahirapan na nga sila dahil sa laro, mas lalo pa silang pinahirapan dahil sa wala silang matutuluyan. Kung alam lang talaga nila kung sino ang nagpatayo nang EU at kung sino ang nagpauso nang larong 'to ay baka napatay na nila 'yon. Papatayin din naman sila kapag may nalabag sila sa mga rules, kaya mas mabuti pa na unahan na nila.
Napangisi nang palihim ang taong 'yon nang marinig ang sinabi ni Eyz, walang bakas nang pagka-interesado ang boses niya kaya naman nakaisip siya nang panibagong plano na paniguradong pupukaw sa interes ni Eyz. At sisiguraduhin niya na mananatili ito sa isip ni Eyz sa mahabang panahon.
***