webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · Teen
Not enough ratings
26 Chs

Kill #24

Isang hindi magandang umaga para sa grupo nila Eyz, nananakit ang kanilang katawan at hindi sila masyadong nakatulog nang maayos. Sino ba naman kasi ang makakatulog ng maayos kung ang hinihigaan lang nila ay isang malaking bato, wala rin silang unan kaya naman hindi sila naging komportable at ang malala ay wala silang kumot at aircon kaya naman ginawa silang hapunan nang mga lamok.

Namamantal ang kanilang mga balat dahil sa mga kagat nito. Sensitive at hindi pa naman sanay ang kanilang mga balat na makagat nang lamok, pero mas kapansin-pansin ang pamumula nang balat ni Sier para siyang kumain nang napakaraming siling labuyo sa sobrang pula nang balat niya.

Ito kasi ang unang beses na nakagat siya nang mga lamok, masyadong sensitive ang balat niya. Ngayon ay nakaramdam siya nang slight na inis sa mga magulang dahil ipinasok siya sa EU. Alam niya naman na may kasalanan din siya kung bakit siya nandito sa sitwasyon niya ngayon.

Hindi niya lang talaga maiwasang mainis sa mga magulang. Palibhasa puro business lang ang inaasikaso nila ay hindi nila pinag-aksayahan ng panahon na alamin kung anong klaseng paaralan ang papasukan nang anak nila.

Panay pa rin ang kamot ni Sier sa nangangating balat, kaya naman lalo lang itong namumula. Gusto man niyang tumigil ay ayaw naman mawala nang kati, nahigad din 'ata siya. Ang swerte niya talaga sa buhay. Grabe kailangan niya sigurong maligo nang holy water baka sakaling mawala ang malas niya sa katawan.

Habang si Sier ay problemado sa namumulang katawan, si Eyz naman ay nakaupo lang sa pinaghigaang bato. Nakasimangot hindi dahil sa kagat nang mga lamok at hindi komportableng higaan, nakasimangot siya dahil sa gutom.

Simula pa kahapon siyang hindi kumakain at ito ay unang pagkakataon. Parang biglang gusto niya na lang mamatay, ayon din naman ang purpose nang larong ito, pinapatagal at pinapahirapan lang sila.

Pwede rin naman na hanapin niya 'yung nagpauso ng larong 'to at 'yon ang patayin niya. Mas magandang plano 'yon keysa buhay niya ang sayangin niya. Hindi naman siguro siya makukulong kung gagawin niya 'yon 'di ba? Pumapatay din naman ang nagpauso nang larong 'to e.

Habang abala si Eyz sa pag-iisip kung paano makakakuha ng pagkain at kung dapat niya bang hanapin ang nagpauso nang larong Death Game. Ang isa naman sa kanila ay kasama sila Relo ay pinindot ang nasa kaliwang button ng remote na hawak.

Isa iyong senyales para sa kaniyang kasama sa plano, na gawin na nila ang ikatlo nilang plano. Napangisi siya sa pananabik sa magiging reaksyon ni Eyz. Tinanggal niya ang ngisi sa labi nang magtanong ang isa sa mga kaibigan kung bakit gano'n ang itsura niya, para daw siyang manyak.

Nagdahilan na lang siya na naalala niya ang isa sa mga nakakatawang pangyayari sa buhay niya. Halata naman na hindi naniwala ang kasamahang nagtanong, dahil ang mga tingin nito ay nanunukso at may malisya. Umiling na lang siya at hindi na pinatulan pa ang pang-aasar nang kasama.

Habang ang kasabwat naman ng taong iyon ay nasa isang kubo na malayo sa kagubatan, ngunit nasa loob lang din nang paaralan. Napapalibutan nang mga TV na nagpapakita nang bawat sulok nang gubat na kinaroroonan nila Eyz. Lahat ng mga estudyante ay nakikita niya, ang mga galaw nang mga ito, rinig niya rin ang mga pinag-uusapan nila.

Ngunit ang kaniyang paningin ay nasa grupo nila Eyz at Kevin, nakita niya rin ang pasimpleng pagtingin nang kaniyang kapatid sa isa sa mga camera na nakapaligid sa kanila. Napangiti nang makita ang pag-ilaw nang kaniyang cellphone, mas lalo pang lumaki ang pagkakangiti niya nang makita ang laman nang mensaheng iyon.

Isang 'go sign' ang laman ng mensahe na indikasyon na gagawin na niya ang planong napag-isipan nila.

Magbabayad kayo.

Nagtagis ang bagang niya nang maalala kung bakit kailangang itaya nila ang buhay at kalayaan ng kapatid, upang matupad ng hustisya na hindi naibigay sa kanila ng gobyerno. Matagal na panahon ang inilaan nila para sa planong ito at hindi niya hahayaan na masira lang ito, kahit pa na kailangan niyang pumatay ay gagawin niya.

***

Sa kagubatan naman ay naging maayos na ang kaninang magulong simula ng kanilang araw. Hindi na masyadong nangangati ang balat ni Sier, ngunit namumula pa rin. Habang si Eyz, Relo, at Kevin ay humiwalay muna sila sa mga kaibigan upang maghanap nang mga prutas.

Imposible naman daw kasing walang mga prutas sa gubat, kaya naman positibo sila na makakakain na sila. Lumipas ang isang oras bago nakabalik ang tatlo sa kinaroroonan nang mga kasama.

Natuwa sila nang makitang may dala ang maga ito nang saging, santol, mangga, at buko na inakyat pa ni Relo kaya naman nagkaroon ng punit ang suot niyang damit. Hindi pa naman siya makakapagpalit dahil wala silang bahay na matutuluyan, do'n pa naman siya kumukuha nang mga damit dahil hindi naman sila nagdala nang pumasok sila sa gubat.

Sa ngayon ay magtitiis muna siya damit niya at kapag nakakita na sila ng bahay ay agad din siyang magpapalit. Kinain nila ang dalang mga prutas nila Eyz, hindi naman sila nagkaroon ng problema dahil madami iyon, may natira pa nga e.

Tumayo na sila at nagsimula nang maglakad. Isa na namang simula para sa paghahanap nila nang kwintas na iniwala nang Headmistress. Abnormal din kasi ang Headmistress, siya ang nagwala ng kwintas niyang mamahalin, pero ang papahirapan niyang maghanap ay sila Eyz.

Pero kapag sila ang nawalan nang gamit, hindi naman sila tutulungan maghanap. Kung hindi lang talaga sila natatakot sa magiging punishment nila kapag hindi nila nagawa ang task, ay hindi nila gagawin 'yon. Mahirap din kayang maghanap nang isang bagay na sadyang iniwala.

Para silang naghahanap nang nahulog na karayom sa mataaas na damo. Napakahirap at napaka-imposible. Sa kanilang paglalakad ay muli na naman nilang narinig ang malakas na beep, tumagal ulit iyon nang tatlong segundo

At katulad na lamang nang nangyari kanina ay muli silang nakarinig nang boses na nag-uusap, ngunit ngayon ang boses ay parang katulad nang sa chipmunks.

"Tang'na, anong ibig-sabihin nito?"

"I'm sorry."

"Hayop ka! Tang'na mo! Gago! Traydor ka!"

"S-sorry..."

"Tinuring kitang kaibigan! Tapos ito lang ang igaganti mo sakin? Tang'na ka nang isang daan!!!"

"Sorry bes..."

"Gago! 'wag mo kong tawaging bes! Magtago kana dahil kapag nakita kita, papatayin kitang hayop ka!"

"S-sorry, bes. A-ayaw ko l-lang namang m-mapahamak a-ako."

"Kaya ako ang ipinahamak mo? Fvck you ka!"

Naputol na ang boses na naririnig nila, nagtataka sila dahil kailangan pang ibahin ang boses hindi katulad nang kanina. Nang mapalingon sila kay Eyz ay nagtaka sila nang makitang tulala ito at tumutulo ang luha sa mga mata nito.

"Tang'na." Ang naibulong na lang ni Eyz sa sarili.

"Uh... Eyz, ayos ka lang?" Nag-aalangan na tanong ni Relo.

Pinunasan ni Eyz ang luha sa pisngi at tumingin sa mga kasama. ''Tang'na napuwing ako. Hayop na alikabok." Dahilan niya, hindi man naniniwala ay tumango na lang sila.

Habang ang isa naman sa kanila ay napangisi sa isip, napaiyak at napaalala nila kay Eyz ang isa sa mga ala-alang pilit nitong binabaon. Tagumpay ang kanilang plano, pasimple siyang tumingin sa camera na nasa puno at ibinulong ang katagang...

"Accomplished."

Ngayon ay patuloy niya na lang o-obserbahan si Eyz. Tingnan niya na lang kung hindi nito mapukaw ang interest nang dalaga. Mas lalo tuloy nadagdagan ang pananabik na nararamdaman niya.

Sorry na lang at nadamay ka Eyz. Blame your mother for this.

***