webnovel

Movie Night

Dalawang weeks na simula nang maging close sila Aria sa magkapatid na Rivamare specially kay Allen.

(Sa Loob ng panaginip nila)

Si Allen at Aria ay may natuklasan na bagay sa mundo ng mga panaginip nila. Kaya nila na mag-spawn ng sinehan, mag-spawn ng mga bagay-bagay basta alam nila kung ano ang itsura nito. Kaya din nila na mag-play ng mga recordings nila mula sa mga memories nila basta naaalala nila ang mga bagay na ito.

Ngayon ay pini-play ni Aria ang mga top 10 na nakakahiyang bgagay na nangyari kay Allen simula noong bata siya.

Nagte-take turns sila na mag play ng mga embarrassing moments nila simula noong bata sila.

Noong last time ay si Allen ang nag-play ng mga memories ni Aria kaya turn naman ngayon ni Aria para i-play ang mga nakakahiya na mga memories ni Allen.

Nag-eenjoy si Aria ngayon kasi pwede pa sila na mag-spawn ng couch at popcorn.

May rules na kailangang sundin sila tuwing ginagawa nila ito at yun ay ang "dapat na manood ka din o ipagkakalat ko ang mga secrets mo noong bata ka."

"Masyado ka ata na nag-eenjoy ha Aria?" May pagka-pikon na sinabi ni Allen sa kanya.

"Wow, This is just payback Allen. Nag-enjoy ka din naman na pagtawanan ako nung last time hah. Not gonna lie, I was looking forward for my turn to come. Pero hindi ko in-expect na mas Malala pala yung mga nangyari sayo kumapara nung mga nangyari saakin. Ahahaha!" Sabi ni Aria sabay tumawa ito.

Napa-mula si Allen at tumingin ito kay Aria na nanonood ng mga embarrassing moments niya sa malaking screen.

"Tumawa lang naman ako at ngumiti kasi sa tingin ko na ang cute mo noong bata ka…" Pabulong na sinabi ni Allen sa kaniyang sarili.

"Huh? May sinabi ka ba Allen?"-tanung ni Aria sa kanya sabay tumingin ito ng diretsuhan kay Allen.

Namula si Allen at ibinaba niya ang ulo niya upang itago ang kanyang mukha na namumula mula kay Aria.

"W-wala!...Basta tapusin na natin to please lang!..." Sabi ni Allen habang nanginginig ang boses niya.

"AHHHH Hindi nalang sana ako pumayag sa ideya mon a ito!" Sabi ni Allen.

"Eh ang boring eh, mga anim o pitong oras tayo dito sa mundong ito. Sino ba naman ang hindi mabo-boring kung wala kang gagawin na interesting sa loob ng anim na oras ha?"Sabi ni Aria