webnovel

Destiny Rings Tagalog (New Version)

Author: DeVulCan
Fantasy
Completed Β· 108.4K Views
  • 34 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Sa mundong ito, lahat ng tao ay may kanya- kanyang nadarama na parang pagkukulang sa buhay, mapagpanggap, at walang mapagkakatiwalaan… At sa araw-araw na ating tinatahak ay halos wala tayong oras upang hanapin ang ating hinahangad. Sa desisyon na β€œAyos na at sapat na ang lahat ng meron ako ngayon.” ang lahat na akala nilang magiging buhay nila ay magbabago. Sa isang bagong cafΓ© sa bayan ay ma iinkwentro nila ang mala-milagrong mga singsing na makapagpapalit sa buhay na meroon sila at PAG-IISAHIN SILA??? And dalawang tao ngayon ay nasa isang β€œSumpa” na maaring isang β€œBiyaya” pala. Sila na ngaba ang hinihiling ng isa’t-isa? Ang taong makakadama at makakakita sa lahat na gusto nilang ipaalam sa mundo?

Chapter 1Ang Pagtatagpo

Sa Midfordhive University, ang ngayo'y nangungunang unibersidad sa buong mundo. Ang nasabing unibersidad na pinagmumulan ng mga taong pinaka tanyag at matagumpay na mga tao sa modernong panahon. Ang mismong depinisyon ng isang Elite School. Ngayon ay may nangyayaring kaguluhan sa mismong hallway…

"Haha napaka pathetic mo naman Aria." Sabi ng isang babae habang inaapakan ang cellphone ng nasabing "Aria" at pinagtatawanan eto ngayon.

"This is just what a sl*tty b*tch like you deserves." Huling banggit ng babae saka sinipa nito papalayo ang cellphone ni Aria at tuluyan ng umalis kasama ang mga kaibigang babae.

Ang lahat na naroon ay pinagmasdan lang ang nangyari at pinag-uusapan ngayon si Aria.

"Well…Di kasi na kunteto even though napaka mabuting lalaki yung boyfriend nya. Ngayon na iniwan siya, she's now making stories that her bff and bf cheated on her." Sinabi ng isang estudyante.

"What's up guys?" tanong ng isang lalaki na napadaan lamang.

Sumipot-sipot pa ito at pilit na inaalam ang nangyayari sa oras na iyon.

{Ugh…another drama in the hallway?} Bulong ng lalaki sa loob ng kanyang isisp.

"Oh Allen, Ikaw pala! Hayz… eto…love drama nanaman. Ito yung ex ni Shawn na captain ng swimming club. Looks like she got dumped because nag cheat daw at ngayon, Sigh kakatapos lang na kaawayin yung bagong Girlfriend." Inexplain ng isang estudyante.

Pasimpleng linapitan ni Allen si Aria at pinulot nito ang cellphone ni Aria saka ini abot ito sakanya.

"Oh my gosh! Andito si Allen! Ang gwapo nya talaga! Para siyang prinsepe talaga! Fangirl screams" Hiyaw ng isang babae.

Tumingin si Aria kay Allen at agad-agad na kinuha and cellphone saka umalis.

{Mga fake…} Sabi ni Aria sa kanyang isip.

Pinilit parin na ngumititi si Allen sa kahit ano pa man na inis nito na nadarama kay Aria.

{That's what cheaters like you deserve. Never mo na deserve ang isang lalaki na pinag-cheatan mo. Cheaters like you are what I hate the most sa buong mundo.} Sabi ni Allen sa kanyang isip saka napa-kagat sa kanyang labi.

Sa pagtatagpo nila ay tila parang linagay nila ang isa't-isa sa kanilang blacklist. Ang tingin nila sa isa't-isa ay hindi maganda. Para bang nakakita sila ng isang insekto na ayaw na ayaw nila.

"Disgust" siguro ang tamng term na gamiti para sa pagtingin nila sa isa't-isa. Di malaman kung saan o ano ang nagmulan ng mga ganung pananaw nila sa isa't-isa ngunit sigurado nga at walang duda na Malaki ang galit nila sa isa't-isa. Hindi dahil sa pamilya man o kahit ano man na meron sila sa school. Kundi ang mismong pagkaka-alam nila sa pagkatao ng isa't-isa ang nagdahilan ng pagkabuhay ng isang kay-pangit na pagtingin sa isang tao.

You May Also Like

The Destined Heiress Of Rabana

Mula sa pagkakaaksidente sa motor kasama ang nobyo ay nagising si Shine sa katauhan ng isang Liwayway na nagpanggap na lalaki sa makalumang mundo, malayo sa mundong kanyang nakagisnan, ang panahon kung saan wala pang mga gadgets, ang kapuluan sa karagatang Pasipiko, ang kapuluang tinatawag na Rabana. Sa katauhan ng isang prinsesang napilitang itago ang tunay na katauhan para lang matakasan ang mortal na kalaban na siyang nagnakaw sa kaharian ng kanyang mga magulang, napilitan si Shine na panindigan ang pagiging si Liwayway sa payo ng kanyang bodyguard na si Agila at hinanap sa mundong iyon ang kanyang nobyong si Miko subalit wala sa kanyang hinagap na magiging kanang kamay ito ni Prinsipe Adonis, ang antipatikong anak ng kanyang mortal na kalaban. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay mahuhulog ang kanyang loob sa prinsipe subalit paano kung malaman ng binatang ang hinanap ng ama nitong tagapagmana sa kaharian ng Rabana ay walang iba kung hindi siya sa katauhan ni Liwayway? Ano ang gagawin niya upang bumalik ang alaala ng kanyang nobyong si Miko at tulungan siyang makagawa ng paraan para makabalik sila sa kasalukuyang panahon? Makakaya ba niyang bumalik kung ang lalaking kanyang minamahal ay naroon sa panahong iyon? Handa ba siyang ipagtanggol ni Prinsipe Adonis mula sa ama nito o tuluyan siyang tatalikuran ng binata kapag nalamang mortal silang magkaaway? Subaybayan ang pakikipagsapalaran ni Shine bilang si Liwayway sa makalumang mundo.

Dearly_Beloved_9088 Β· Fantasy
Not enough ratings
34 Chs

EKBASIS (Tagalog)

Malakas ang buhos ng ulan kasabay ang pagkulog at pagkidlat. Malamig na gabi at madilim na kalangitan. Sa gitna nang malakas na buhos nang ulan ay makikita ang isang kotse na bumabwahe kahit delikado at hating gabi na. Sakay nito sa loob ang isang babae at isang lalaki. Kahit madulas ang kalsada dulot nang malakas na pag ulan ay mas pinili nilang bumyahe para makauwi kapalit nang kanilang kaligtasan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na hindi na gumagana ang preno nang kanilang sasakyan. Nawalan nang kontrol ang kotse na kanilang sinasakyan dahilan kung bakit ito bumangga sa poste sa gilid nang kalsada. Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi nang sasakyan. Duguan at walang malay ang mga sakay nito. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ito pala ang magdudulot nang kanilang pagkamatay. Eto pala ang kikitil sa kanilang buhay. Ang aksidenteng pala β€˜yon ang magiging sanhi kung bakit sila binawian nang buhay Sa kabilang banda naman, dahil sa wagas na pagmamahalan nang mag asawa ay nagbunga ito at nabuo ang isang batang babae na nagngangalang Aphrodite. The goddess of Love. Sa murang edad ay nawalan siya nang magulang. Walang kamalay malay ang kawawang bata na hindi na niya kaylan man makikita ulit ang kanyang magulang. Dahil sa murang edad ay napagpasyahan siyang kupkopin nang kanyang Tiyahin. Binihisan, pinakain at pinatira siya nito sa apartment na pag mamay ari nag kanyang tiyahin Lumipas ang ilang taon at lumaki si Aphrodite nang mag isa, walang karamay at walang umaalalay sa kanya. Natutunan niyang mamuhay nang mag isa at hindi humihingi nang tulong sa kahit sino Sa likod nang apartment na kanyang tinutuluyan ay may mataas at lumang pader doon. Mapapadpad si Aphrodite sa likod na bahagi nang apartment at aksidentang makikita ang maliit na butas sa lumang pader. Dahil sa kuryosodad ay papasok siya doon ngunit hindi niya alam na sa likod nang mataas na pader na naghahati sa dalawang lugar ay bubungad sa kanya ang kakahuyan. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating nito ang dulong bahagi nang kakahuyan at sasalubong sa kanya ang isang malawak na lupain. Nagmistulang isa itong paraiso dahil sa natural na ganda nang lugar. Nagkalat ang iba’t ibang klase nang bulalak sa paligid at ang mga libo libong paru paro na lumilipad sa ere Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. Laking gulat niyang nang may makitang isang misteryosong pinto sa gitna nang lupain. Laking pagtataka niya dahil hindi niya alam kung paano β€˜yon napunta doon Walang nakakaalam na ang pinto na β€˜yon ay ang magiging daan patungo sa lugar kung saan lahat ay mahiwaga. Lugar kung saan lahat ay nababalot nang mahika. Lugar kung saan walang limitasyon at diskriminasyon. Lugar kung saan lahat naga imposible ay magiging posible. Lugar kung saan hindi pa nararating ng kahit na sino. Lugar kung saan hindi pa nadidiskubre nang tao. Lugar kung saan malayo kumpara sa ordinaryo para itago sa buong mundo at mananatili na lamang na sikreto Nakakatawa man pakinggan pero kaylangan mong paniwalaan Lahat ay magbabago matapos mong makapasok sa natatagong mundo Buksan ang mga mata Gamitin ang isip at tainga Ngayon tatanungin kita……. β€œGusto mo bang sumama?”

glitterr_fairy Β· Fantasy
Not enough ratings
28 Chs

SUPPORT