Chapter 16: The solo Adventure begins.
.
.
Ang mga Principal at mga hidden Experts na nakasaksi at nakarinig sa mga sinabi ni Ahri sa mga sandaling iyon ay agad ding nag-si alisan. at hindi na lumingon pa. Dahil sa takot na makatikim sila ng hagupit ng isang Saint stage Cultivator. (ayaw nilang mabura sa ibabaw ng mundo ng tuluyan)
.
-----
.
Si Chris ay nanatiling nasa meditative posture sa loob ng 2 weeks. at si Jose naman ay namimili ng lugar kung saan nya itatanim ang mga flower seeds.
.
'tsk. Sa dinami-raming lugar na maaari kong pagtaniman, dito pa sa tapat ng templo, baka madaanan pa ito ng ilang cute-pets kung nagkataon---'
Pino-problema naman nito ang kanyang mga pananim sa dami narin ng kanyang mga alagang hayop na naroon sa buong Ancient City ruins.
.
*Sa ganung kalawak na paraiso tiyak pati mga babae sa panahon ngayon hindi na aalis pa sa ganung lugar, basta may signal ang phone---at malakas ang Data/net signal*
.
May sampung mga lalake at sampung mga babae ang agad dumating mula sa masukal na kagubatan sa palibot ng Ancient Ruins.
.
Mga naka suot sila ng ng Brown Martial robes. At nakapaa silang lahat na may nakataling mga black bandages sa paa. At ganun din sa kanilang mga kamay.
.
Ang mga kalalakihan ay mahahabang nakatali din ang mga buhok. ganun din sa mga kababaihan, (balance and equality nga naman)
.
"kids, wag nyong gigisingin o istorbohin ang nasa loob ng templo, ----kasama nyo rin sya bilang Disciple ko."
Sabi ni Jose sa 20 na mga Disciples nya. Sa katunayan nilihim lang ito ni Jose sa kanila na may isa pa syang Disciple 5 years ago. At hindi nya lang ito ipinakilala sa kanila.
.
"woah, katulad din ba namin sya master?, wala din ba syang kakayahan sa Qi Cultivation Gathering?! "
Tanong ng isang babaeng hindi lalayo sa edad ni Chris.
.
"medyo, at ipaalam nyo nalang saken kapag lumabas na sya, maghahanap lang ako ng maaari kong pagtaniman ng mga bagong butil--- oh!!!, mukhang nasa Master stage na rin ang ilan sa inyo. he he he. malapit na at maaari na kayong gumala sa mas malayong mga lugar."
.
Proud ito sa mga naging estudyante nya, ngunit sa katunayan, pinakamalakas ang grupo ng mga babae kesa sa mga lalake.
.
Tila masaya naman ang lahat at walang naiinggit sa talent ng iba. at mas excited pa sila, dahil maaari din silang tulungan ng mga kasamahan nilang nakatapak na sa mataas na level or stage.
(heto yung example ng Teamwork walang trashtalkan, ha ha ha)
.
-----
.
Lumipas ang mga oras.
.
at sa pagsapit ng tanghali sa araw na iyon. Naimulat na ni Chris ang kanyang mga mata.
.
Ang mga babae ay nasa palibot ni Chris at nakaupo sila ng lotus position habang sinusuri ang maamong mukha ni Chris. (meditative posture)
.
'ehhhh!?, heto na ba yung lotus formation ng mga Flower Gods!! Nasa Deity Realm naba ako!!'
Tila napanganga naman si Chris sa bango at ganda ng tanawin. dahil natural beauties ang mga nakapalibot sa kanya.
(nasabi nya lang iyon sa kanyang sarili dahil sa mga beauties na nasa kanyang palibot. )
.
"guys, gising na sya, ipaalam nyo na kay Master."
Sigaw ng mga babae mula sa Pasukan ng templo.
.
Maske matatawag man itong sigaw. ay parang nakakaginhawa paring pakinggan, tila mga Anghel Lang.
.
Ang sampung mga lalake naman ay nag t-training ng tila (Wushu) or (Tai Chi) kung iisipin. Or isang klase ng Physical meditation para sa mga walang kakayahang makasagap ng Qi element sa paligid.
.
"sige. kami na bahalang maghanap kay Master!"
Pasigaw din nilang sagot sa mga babae.
.
makalipas ang 20mins.
.
Nakabalik na si Jose at ikinalaki ng kanyang mga mata ang kakaibang modus ni Chris sa kanyang mga estudyanteng mga babae.
.
"Anong ginagawa nyo!!!?".
Napanganga si Jose sa mga kakaibang kasuotan ng mga babae.
.
"oh!!?, bakit tito?, tinuturuan ko sila ng makamundong kaalaman, base sa pagkakaalam ko malapit na silang mag graduate mula sayo. he he he. Ako na nagsilbing guide nila sa labas at----".
Napangiting malaki si Chris. Habang hawak nito ang isang Phone.
.
*Crystal hologram/touch screen type ang pagkakagawa ng mga phones nila, at ang charger ng mga ito ay nasa mismong Qi Energy ng gagamit----- bale iinject lang nya sa kanyang phone ang kanyang sariling Qi----oh diba matibay na, longlasting pa. at isa pa ang signal nito ay always full no need for sim and Memory storage kasi infinite capacity ang Crystal Phones nila. At lalong ang ginagamit na Camera ay Sight scaning na may lakas na 900mega pixels. Diba astig*
.
Ang mga babae ay may ibat ibang klase ng kasuotan at mga basic uniforms ng school, fashion clothings, seductive clothings(check), low material martial suits, swiming suits---etc etc. At madami pang iba lalo na mga kabundok na underwears na tila nanggaling sa loob ng StorageRing ni Chris ang lahat.
(napakarami ng naipon na Storage Rings ni Chris dahil sa mga Bandits na kanyang pinaslang at maging mga Valmos)
.
Maske ang mga lalakeng kasama ni Jose na nakabalik ay namumula ang kanilang mga mukha. At hindi maiwasang dumugo ang kanilang mga ilong. (5peso big eyes)
.
"ahem ahem ahem!!!, buweno, kung ikakabuti ng kanilang paglalakbay yan. at ikakamulat nila ng kaalaman tungkol sa loob ng isang syudad, ---payag ako. Ngunit!--- walang masamang mangyayari sa mga estudyante ko maliwanag ba tayo, dyan?!"
Taas kilay itong tumingin kay Chris. Tila hindi nya mabasa ang plinaplano ni Chris.
.
"sows, ako pa, sabihin na nating bawi ko ito sa pagkupkop mo saken noon tito."
Ngumiti ito at lumingon sa mga estudyante ni Jose. Plano nitong bigyan sila ng tamang kaalaman patungkol sa modern day lifestyles.
.
-----
.
Lumipas ang isang linggo na pagtuturo ni Chris sa buhay syudad at buhay sa loob ng Forbidden wall.
.
*sa katunayan lumaki ang mga batang iyon sa labas ng Forbidden wall ng Bansang Bahk---- ang ilan sa kanila ay kinupkop ng mag-edad na sila ng 5-7, at ang mga pinaka bata sa kanilang lahat ay ang mga kalalakihan*.
.
"ok, tutal ang susunod na lesson ay, ang hairstyles, Fashion at technology----"
Tila masyadong nasasanay na si Chris sa pagtuturo or, masasabing sa nakaraang buhay nya ay isa syang Great leader or Preacher.
.
Madaling maka-intindi ang mga estudyante ni Jose kay Chris. Dahil naglabas ng mga imahe si Chris gamit ang kanyang Projection Lense sa kanyang Phone. At lahat ng mga napag-aaralan ni Chris noon sa eskwelahan ay na-summarize na at sya na bahalang nag explain ng mas malinaw sa kanilang lahat.
(parang si Tony Stark lang pero Mas matibay pa ang Crystal Hologram ni Chris kesa kay Iron Man--- syempre ibang daigdig/mundo eh)
.
Araw araw nilang routine ay ang pagtuturo ni Chris sa madaling araw, habang sa after lunch naman mag-uumpisa ang kanilang Physical trainings. At sa gabi naman ay mga pahabol na lesson ulit ni Chris tungkol sa mga ibat ibang klase ng weapons, ilang mga bagay patungkol sa modern technology, Alchemic/Runic machines, arts o sining.
.
Lumipas ang two weeks, mas bumilis na ang improvement ng ilang kalalakihan at sumasabay na sila sa bilis ng Knowledge advancement ng mga kababaihan.
.
At sa sumunod pang week kung saan nag focus sila sa Astronomy, at Mga pag-aaral patungkol sa kinalaman ng Cosmos sa Qi Elements. (tila advance lesson na ito at inilihim lang kay Jose).
.
'mukhang nabago ang kanilang mindset patungkol sa buhay syudad at Mundane world--- lubos hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang iniisip mo'.
Nakatingin si Jose kay Chris na nag bibigay ng lesson sa mga Estudyante nya.
.
*Mundane: makamundo*
.
Matapos ang lecture ay naglabas si Chris ng 20pcs ng mga GoldRings.
.
*abay ganun sya kayaman*
.
.
"ok, bilang mga bago kong kaibigan at syempre karagdagang parte ng pamilya namin ni Tito--- ito ay mga simpleng bagay lang na maibibigay ko sa inyo sa ngayon".
Lumutang ang mga sing sing at lumapit sa bawat isa sa kanilang mga palad.
.
At nagbigay naman ng thumbs up si Chris kay Jose. At ikinagukat naman ni Jose.
'mukhang madami syang tinalong mga Bandits sa kanyang paglalakbay-----sigh its normal'.
.
"ang laman nyan ay mga armas na tiyak na babagay sa inyong Combat styles. May mga manuals na rin dyan at karagdagang Skills set base sa Inyong kasanayan. At mga damit, sapatos at accessories ay naryan narin. At hindi mawawala ang Elixirs, Pills at gadgets na daily ninyong magagamit sa pagtuntong nyo at Pag advance ng Stage sa mga lugar na masyudad man o ma-probinsya ay meron kayong magagamit at Connection sa isat isa".
Dagdag nito na halos maluha-luha na sa saya ang mga estudyante sa mga ibinigay nya.
.
'buti nalang may gamit ang mga sing-sing ng mga pinatumba kong mga idiots sa mga nag-daan na mga taon. Ha ha ha ha. This world is full of surprises for good---and Bad for idiots.'
nakangiti naman si Chris sa kanyang isipan.
.
Yumuko naman ang 20 students kay Chris at sabay sabay silang nagpasalamat sakanya.
.
"maraming maraming salamat Big-brother Chris. Hindi namin ito makakalimutan".
Lumapit naman si Jose sa kanilang lahat. At mukhang may ibibigay din ito.
.
"ok, tutal may ibinigay syang regalo. Hindi rin ako magpapahuli pagdating sa mga ganyang bagay. ----".
May mga 20 na dahon na naglutangan sa paligid at lumiwanag silang lahat. Lumapit ang mga ito sa palibot ni Jose.
.
(hand seals)
Masasabing nag inject sya ng Qi Mental energy sa mga dahong iyon.
.
Wwwwuuuuuuunnnnnggggg! (refreshing feeling)
.
"heto lahat ng aking good memories ng aking mga paglalakbay, naway may mapulot kayong mga lessons dyan--- maliban sa mga naituro na namin ni Chris, tiyak masasanay din kayo sa ibang culture at tradisyon ng mga lugar na mapupuntahan nyo".
Lumingon sya kay Chris. At nag Thumbs up. Napansin ni Chris na may tumulong dugo sa bandang tenga ni Jose.
.
Lumapit ang bawat dahon sa kanilang mga estudyante nya. At dumikit ito sa kanilang mga noo, naka Auto-Scan-save na ang memories ng kanilang master sa loob ng kanilang sea of consciousness.
(parang computer lang, copy paste then save. Siguro meron ding paraan para mai back-up ang mga memories kung sakaling magka amnesia in some cases, sa harry potter nga meron pang Dream reading at Past events memory reading eh.)
.
-----
.
Lumipas ang mga araw na naging masaya, straining na trainings, at joyful moments sa kanilang lahat. At dumating na rin ang araw ng pag-alis ni Chris para maglakbay patungo sa BitterTree continent, at ang pinakamalapit na Forbidden Wall ay ang Boundary line ng bansang Novus at Bahk.
.
"sigurado ka ba sa plano mo?, gusto mong maglakbay?------para saan? "
Tanong ni Jose. Na tila nag-aala ito kay Chris. Pero alam nyang kailangan ito ni Chris para mas lumakas ito at mahanap ang sariling limit.
.
Lumingon si Chris sa dakong hilaga.
.
"dahil, gusto kong malaman ang tunay na lakas ng mga nasa Advanced Cultivation Continents at ilan sa mga bansa ng mga ito---gusto kong malaman kung sino-sino ang mga Deity stage Cultivators."
.
Napangiti naman si Jose ng malaki. At umakbay kay Chris.
.
"ganyan nga. ha ha ha. Pinapakulo mo talaga dugo ko. Pero lagi kang mag-iingat sa mga lugar na mapupuntahan mo, may mga hidden experts parin na maaaring katulad ko or mas mataas pa sa lakas ko bilang isang Saint stage Level 4 Physical cultivator".
Paalala ni Jose kay Chris.
.
Paalis na si Chris at nagpaalam narin ang mga Estudyante ni Jose sa kanya.
.
"paalam brother Chris, hanggang sa muling pagkikita."
Kumaway silang lahat sa papaalis na anyo ni Chris diretso ito patungo sa napakalawak na Disyerto.
.
Naramdaman ni Jose ang tila may nakaipit sa kanyang bulsa sa likod.
Kinapa nya ito at merong isang pabilog na papel na tila may binabalutang pill.
.
==Tito, lunukin mo ang Pill na ito, tiyak akong nasa limit na ang kakayahan ng katawan ninyo na sumagap pa para sa Qi Physical Cultivation ninyo, hanggang sa muling pagkikita==
.
Ng mabasa nya ito ay hindi na nya maiwasang mapalingon ulit sa daang tinahak ni Chris.
.
.
.
-----
.
Nagpalit na ng suot si Chris. Isinuot ang metallic black mask. Habang kasunod na isinuot nito ang Extreme Black Martial suit na ginamit nya nung huling laban nya sa mga Dark Council members.
(familiar, ito yung mask ng Babaeng tumulong kina Gilbert at Jake laban sa isang fiery lion, sa araw ng Survival competition na nauwi sa Horde at invasion ng MagicalBeasts. At sa katunayan si Ahri ang Sumanib kay Chris sa mga sandaling iyon).
.
At nag stretching konti si Chris na tila pinakiramdaman nya muna ang kanyang kasuotan kung komportable sya dito o hindi.
.
'ok nice outfit nga talaga itong napili ko, -----Bansang Novux. ---Here i come'.
.
Umabante na ng pagtakbo(dashing) si Chris.
.
-----
.
2weeks later. At isang araw nalang ay mag-uumpisa na ang National tournament sa bansang Bina.
.
Sampung teams ang napasali sa tournament. At ang mga participants ay maglalaban sa unang stage.
.
"First stage, ay 5 vs 5 duels--- second stage ay 2 vs 2 duels---at ang last ay ang top competitor ng bawat team ang maghaharap sa Final stage. 1 vs 1".
Binabasa ni Ahri ang schedules at setting ng tournament stages.
.
"Mukhang wala talaga si Chris---".
Mahinang bigkas ni Blana.
.
"wag na tayong umasa duon--- alam nyang mananalo tayo kahit wala sya. May tiwala sya sa atin ganun yun".
Encourage naman ni Box. Na tila gusto nyang sya ang nasa limelight. (gustong magpasikat/sumikat)
.
Halos hindi kapanipaniwala na mabait at maunawain na si Box sa ngayun. (woah, malaking ipinagbago din sa mukha at katawan nya---no flabs, no angry face, no nerve wracking words. Just handsome and being pleasant).
.
Tumango-tango naman sila sa sinabi ni Box. Maliban kay Ahri na tila may iniisip itong madilim. (hidden scheme? ---)
.
Nasa lap naman ni Vera si Minty. tila gustong gusto nito sa tabi ni Vera.
'lately, mas malambing sya saken kesa nung una nya akong nakasama'.
(blush) naalala nito si Chris na nagbuhat sa kanya lagi pauwi. at pagpahiga nito sa kanya sa kanyang sariling kama.
.
"ok guys, i pick--- Jane, Vera, Lanna, Blana at Ms. Ruby bilang unang sasabak sa 5versus5 team duels".
Deklara ni Ahri at napangiti sya sa kanyang naisip na ayos nitong team.
.
"plano mo ng full direct Contact?"
Tanong ni Ms. Claire na kanilang coach. At napag isip isip nya na maganda nga kung Over power agad ang team nila sa unang sabak palang.
.
"yaph!! tutal ang kaharap natin sa first round ay ang Simion Clan team---masasabing no mercy tayo sa team na yan---syempre hindi muna natin ipapalasap sa kanila ang main dish ng lakas natin, siguro 20% lang ang gagamitin natin sa kabuoan ng first match".
Ngumiti sya kay Vera at Ruby, tila may ipinapahiwatig ito. May kasabihan (ang mga walang naitatagong alas, ay sila ding madaling mamatay)
.
Ngumiting sumang-ayon naman ang dalawa sa anumang binabalak ni Ahri.
.
(Bell clang) tang!! tang!!
.
-----
.
5pm ng Hapon
.
Nasa disyerto parin si Chris at nasa loob sya ng rocky hill na may malaking butas sa ilaliman nito.
.
Wwwwoooosssshhhh! ---(sand storm)
.
'wooooh, mukhang nasira ko yung promise ko kay Principal Johnny. he he he. Dibale mananalo din naman sila hanggat naroon si Ahri at Ruby'.
May hawak itong CupNoodles large portion.
(spicy beef flavour, with meaty toppings and additional cuts of Ham and eggs)
.
*guuutooom naaaa aaakkkoooo!!!, tara bili tayo ng beef chowfan sa kalapit na chowking yung with siomai and large Coke. He he he*.
.
May isang buwan pa bago marating ni Chris ang Boundary wall ng Novux at Bahk.
(ganun kalayo!!!? --- ay oo nga pala. Kumpara sa jupiter mas malaki pa ang Mundo nila ng ilang beses. Siguro 100x bigger or more)
.
Madalang ang mga Aerial Vehicles/MetallicAircraftang maririnig na napapadaan sa kinalulugaran nya, at mukhang walang ContractedBeast ang dumadaan sa kasagsagan ng SandStorm sa lugar na iyon.
.
Napansin ni Chris na mamamatay na ang kanyang Bonfire.
.
Naglabas sya ng lightRune stone na mukhang nanggaling sa loob ng isa sa mga StorageRings ng kanyang napatay na kalaban. (enemy bandits---lately).
.
'may gamit din pala talaga mga singsing ng mga mokong----ehh?! '.
.
Sa loob ng kwebang iyon ay hindi inaasahan ni Chris na makakita ng Ancient writings at mga symbols sa kanyang paligid. (wooooh korean words!! Just kidding, Koreaboo mode)
.
'Ancient Deity Civilization writings?, at mukhang mas matagal pa ito sa panahong nanatili ako sa Deity Realm!'
Natulala si Chris sa kanyang pagkakatuklas sa writings. At iniisip nyang i-decipher ang kahulugan ng nga ito.
.
Sinuri nya ang bawat strokes at mga symbols ngunit---iilan lang ang kanyang naintindihan.
.
'ito ay isa sa mga naging sinaunang lagusan, 1kalpa ago. (1 eons ago) at patungo ito sa Tomb ng isang Legendary Necromancer. Or baka mas mataas pa---'.
Napalunok si Chris at bumakat ang pagiging seryoso sa hitsura nya.
.
Itinapat nya sa kanyang likuran ang liwanag ng Rune stone.
.
Tila nabarado ang dating pintuan na gawa sa Jade at Bronze dahil narin sa mga nagdaang panahon at natakpan na ito ng mga bato at makapal na alikabok.
.
'kung ganon, lets go treasure hunting'.
Napangiting seryoso si Chris na tila alam nyang delikado ito at may kaakibat ding malaking reward ang naghihintay sa makakapasok sa loob ng sinaunang lagusang ito--- at hindi nya alam kung saan patutunguhan ng daan. (siguro nasa loob ang Area 51 or playgrounds ng mga BTS at KPOP Artists---just kidding ulit. ha ha ha)
.
Isinuot na ni Chris ang kanyang BlackMetallic Mask, at inactivate nya ang kanyang WarDragon passive skill.
.
Fiery Sight!
.
Isa sa mga passive na matatanggap nya sa pag sasanay sa DragonWar skill na ipinasa sa kanya ni tito Jose nya.
.
Nagpatuloy na syang maglakad sa madilim na lagusan, at ang kanyang paningin At epekto ng Fiery Sight passive sa lahat ay parang sya ang Naging sentro ng liwanag na may range na 50 meters ang kaya nyang makita.
(inverted Day to Night. Or Dark to Light sight).
.
Napansin nya ang mga ancient tile decorations, mga pundasyon na may Jaded green na kulay, mga pader na mala spartan details ang pagkakagawa, at hagdang pababa na gawa sa Ancient bricks.
.
'mukhang malalim ang hagdang ito.'
Napansin nya sa nakalipas na isang oras ay hindi parin nya nararating ang kailaliman ng hagdan.
.
'Maaari ko na sigurong gamitin ang basic Skills ko---- sana umipekto'.
Inunat ni Chris ang kanyang magkabilang palad at itinapat nya ito sa kanyang harapan.
(skill nya nuong past life nya?, or someones pastlife memories?)
.
Mula sa kanyang mga braso hanggang sa kanyang mga palad ay lumabas ang tila usok na puti, at medyo may kulay gray itong kahalo. (puting usok, parang may strips ng Gray----parang tooth paste ang nasa isip ko eh)
.
Dumiretso ito pababa na tila may kinakapa ang usok na ito sa paligid ng hagdanan at hanggang sa makarating ito sa sahig ng pinaka-baba.
.
Naramdaman ni Chris ang pagtigil ng usok sa pinaka baba ng hagdan na agad naman nyang sinundan ito ng mabilis na pag dash.
.
Ng makarating na sya sa pinaka ilalim ng mga hagdan na iyon ay nakakita ulit sya ng hagdan.
.
'mukhang wala atang katapusan ang hagdang ito----tsk!'.
Inulit nyang iniunat ang kanyang mga kamay at ginamit ang kakaibang usok na iyon. Halatang medyo malakas bumawas ng energy ang paggamit nya nun.
.
Naka-limang beses na syang nakatagpo ng mga ganung kalalalim na hagdanan.
.
'sawakas, wala ng hagdan---woooh. Kung normal lang ako na tao at wala akong Qi or Physical cultivation--- tiyak patay na ako dahil sa Air Pressure dito'.
Pinagpawisan si Chris. Sa lalim ba naman na 50,000 ft. below the Rocky desert.
.
Uminom si Chris ng tubig at napatingin sa mga Limang Statue na gawa sa kakaibang klase ng mga bato.
.
'hmmmfp, mga Stones mula sa Deity Realm, mukhang may nanirahan ditong Tyrant o Monarch stage expert. '
Napalingon si Chris sa dulo ng tila napakalawak na hall na iyon. At napalingon sya sa mga nagsindihang mga LightCrystalTorches sa bawat poste at mga lugar.
.
*guys, mukhang naguguluhan kayo kung bakit may Tyrant at Monarch na nasabi si Chris. ---- expected na may mga masmataas pa sa rank na Saint at ito ay ang Deity realm, kung saan masasabi ito sa mga susunod na Chapters kasama narin ang kabuoang chart nito*.
.
'hall way na may lawak itong 5km in diameter at mukhang isa itong malawak na palasyo sa ilalim ng disyerto.'
Nag dash si Chris ng biglang---
.
Wwwhhhhhoooonnggg!!! (air waves)
.
Gumalaw ang limang mga black statue.
.
"yungai hansi gurak!!!"
Sigaw ng isang lalakeng statue na may hawak na giant Gourd. (its Hindu!!! --- nope not, gawa gawa lang---he he he)
.
*translating.... ... ... ..... ..!! *
.
"Hanggang jan ka lang!!! "
.
Naintindihan ito ni Chris at parang hindi sya nakaramdam ng kaba.
"naparito ako para alamin ang sikreto at kasaysayan ng lugar na ito. Isa lang akong mababang mortal--- at ipag paumanhin nyo ang pagpasok ko ng walang paalam."
Mahinahon at yumuko konti si Chris.
.
Nagtinginan ang limang statue. Na tila napansin nila ang kakaibang Aura at pagiging kalmado ni Chris.
.
"maaari ka ng umalis--- hindi ka nararapat dito. Lalo na dahil sa mahina mong Qi Cultivation!".
Sabi ng Woman-statue na may hawak na dual bladedfan.
.
"isa man akong Master stage. ---Kaya kong patumbahin ang isa sa inyo---"
Sumeryosong bigkas ni Chris sa limang iyon. Pero nanatiling kampante itong nakatayo sa harapan nilang lima.
.
Mabilis na umabante ng pagsugod ang isang Man-statue may hawak itong malaking warblade.
.
Wwwwuuuuunngggg!!! ----(incoming slash)
.
*Heto na ang malaking pagbabago sa buhay ni Chris at maging sa kwentong ito----either masama o mabuti ang maidudulot ng pagbabagong ito----may nakapagsabi saken na palitan ko raw yung pagiging mabuti at yung taglay na lakas ng MC natin. para daw mas challenging or mas madaming daan ang pagpipilian at kung saan tutungo yung plot ng story*.