Chapter 17: The Heroes Chamber.
Hindi umiwas si Chris bagkus hinintay nya ang tamang landing motion ng warblade sa kanyang pwesto.
(slowmotion)
Tumagilid sya ng konti sabay tapik naman sa tagiliran ng Katawan ng Warblade ng kalaban, gamit lang ang kanyang kanang kamay.
At umiba na ng trajectory ang armas ng kalaban.
"Isa kang Physical Cultivator---"
Tila Naliwanagan ang Woman-statue na nakasaksi sa ginawang pag-kontra sa atake ng kasama nyang Statue guardian.
"Physical----".
Sambit naman ng tila taba-choy na Man-Statue at may hawak na Giant Gourd.
"mukhang nakalagay sa rule na hayaan nating makapasok ang alin mang physical cultivator sa loob Heroes chamber."
Lumingon ito sa apat na nakapalibot kay Chris.
"Mukha nga, at nasa GrandMaster stage sya sa kanyang Physical Base".
Sabi ng may hawak na Lance na Man-statue.
*in reality nagkandahirap mag translate sa isipan si Chris sa kanyang mga naririnig, dahil nga Ancient Language ito. maging sa panahon na sya ay nasa kanyang nakaraang buhay eh---- "Eons Ago. that kind of mentality man"*.
"paumanhin pero---ano ba ang Heroes chamber?, mukhang kayo ata magsisilbing TourGuide ko mga ---GuardianStatues?".
Tanong nito sa kanilang lima. Kahit medyo may clue sya kung ano ang nilalaman nun. Mas ok na tanungin nalang ito kesa mag marunong.
Lumapit si taba kay Chris.
"ang Heroes Chamber ay isa sa mga Hideout ng isang GodKing. 1 Eon ago---hindi ko maaaring sabihin ang pangalan ng aming mahal na panginoon--- halika sumunod ka saamin".
Nauna sa paglakad ang lima at sumunod si Chris.
Sa isang malaking pintuan na may taas na 550ft at luwang na 15 meters. Gawa ito sa BlackMetal with Jaded details na vines.
Binuksan ito ng taba gamit ang isang kamay lang.
Wwwooooohhhhmmmm!!! (heavy door)
"hanggang dito lang kami, he he he. Wag kang matakot. Dahil naaayon ang nakapaloob na mga test, base sa iyong puso---".
Tila gustong tulungan ng taba si Chris. ngunit kailangan nilang sumunod sa rules na nakapaloob sa kanilang kaluluwa bilang mga bantay.
Pumasok na si Chris sa loob ng Higanteng pintuang iyon. At agad naman itong sumara.
Napakadilim sa loob at malamig ang temperatura.
'naamoy ko ang ilang bone essences dito---mukhang isa itong libingan ng maraming mga Expert Cultivators, at karamihan ay mga Physical Cultivators---'.
Biglang nagsindihan ang mga torches sa paligid at lumantad sa kanyang paningin ang napakahigantengkwarto na puno ng poste/pundasyon.
'mukhang may isang milya ang lawak ng kwartong ito---at mukhang puno rin ng mga Ancient treasures. hie hie hie'.
Napangiti ng malaki si Chris sa kanyang ka swertehan. Talon sya dito talon sya duon. Sa dami ng mga high Grade Artifacts. (armor sets, Weapons etc etc)
Isang kwarto na puno ng mga labi ng mga namatay na Cultivators.
Namulot si Chris ng isang armas na nasa sahig.
'wooooaahh!!, isang Epic Low grade Longsword. Mukhang jackpot talaga itong nahanap ko. ha ha ha'.
Agad na inilagay ni Chris ang sword sa kanyang BlackRing.
-----
Sina Ahri ay patungo na sa kanilang HotelRoom. Kakapanalo nila sa unang Stage ng Tournament.
"Hindi kaya may nangyaring masama kay Chris---".
Mahinang sabi ni Vera.
Lumingon naman sina Ruby at ganun din si Ahri.
"imposibleng may mangyari sakanya".
Halata sa boses ni Ruby ang pangamba at takot na meron ngang nangyari kay Chris.
Si Ahri naman ay tahimik at mukhang iniisip din kung ano kaya talaga nangyari kay Chris.
-----
Sina Box at Lucas ay nasa Cafeteria ng Hotel na tinutuluyan nila.
Uminom ng iced-coffee si Box.
"Asan na kaya yung mukong na iyon, baka naman hinuli na sya ng mga nasa Dark Council--- sayang naman, hindi natin sya makakasama sa Tournament. ang lakas na natin ngayun kung hindi dahil sa kanya".
Uminom naman ng iced-choco latte si Lucas.
"alam mo bro, tiyak akong nasa maayos syang kalagayan. Isipin nalang natin nagpapataas sya ng kanyang Cultivation Stage o may mga bagay pa syang dapat tapusin".
Kumagat ito sa isang bavarian doughnut.
Napalingon sila sa labas ng Cafeteria at napansin ang grupo nina Ahri na papalapit.
"anjan na pala sila eh ....oh. Mukhang natapos na ang first match. He he he. tayo pa napiling secret weapon ng team St. Cessia".
Pagmamalaking sabi ni Box. Napalakas ang tono ng boses nito na agad namang ikinabahala ni Lucas.
"brad keep it low, keep it low. Buti tayo lang nandito ngayun at yung matandang lalake na nasa Counter. Secret weapons tayu. kaya wala sanang makakaalam nito."
Pabulong na sabi ni Lucas kay Box.
Sakto naman ay bumukas ang Glassdoor ng cafeteria at naki grupo sa table nila sina Vera at Blana. Ganun din sa kalapit na kabilang lamesa sina Ahri, Jane, Ruby, at Lanna.
Nahuli naman ng dating sina Gilbert, Jake at Hannah na may dalang balita kay Ruby.
"bad news----".
Sabi ni Hannah at tila malungkot sya base narin sa tono ng boses nito.
-----
Si Chris ay Nakaupo sa gabundok na mga labi ng mga Cultivators.
'walang maganda sa mga nahanap kong storage rings. Maliban dito sa Demon Spirit Crystal--- ito ang sinaunang ginagamit na DemonForm bilang Cultivator. At kakailanganing maging Epic stage muna ako bago ko ito magamit---well well well. Talk about rarity masasabing top grade ito sa charts ng Deityrealm kung sino mang may alam kung paano ito palakasin at gamitin. he he he'.
Napalaki ang ngiti ni Chris habang nakatitig sa floating Demon spirit Crystal, umiilaw ito ng creepy green at may blacksmoke na tila may buhay na nakakulong sa luob nito.
(parang cube ito na parang kasing laki lang ng alin mang Tablet "Android")
*the past/ancient cultivation stage sa mortal realm ay.
Bronze(entry), Silver(practitioner), Gold(advance), BlackGold(master), Platinum(grandmaster), Epic, Ancestor, Saint----at ginagamit nila noong panahong iyon bilang karagdagang lakas ay ang paggamit ng DemonBeast Crystals. At bihira na itong makita sa mundong iyon dahil lahat ng makakaharap ng mga tao ay mga MagicalBeast----pero bi bigyan ko kayo ng hints. He he he. Diba nasabi sa huling chapter ang tungkol sa Demons--- na nauna pa sa mga MagicalBeasts at mga tao na namuhay sa mundong iyon*.
Hindi nagtagal ay nakarinig si Chris ng tila higanteng bagay na gumagalaw mula sa hindi kalayuan.
Rrruuuummmbbbllleee!!! (gigantic thing)
"who goes there?!"
Sabi ng tila mas naiintindihan na Language ni Chris kesa sa mga Guardian statues.
*english translated...*.
May tangkad itong 7meters. At sa laki ng katawan nitong may halintulad sa minotaurs ng myths and legendary magicalbeasts.
Ang kaibahan lang nito ay may mahaba itong maladragon na buntot, malalaking klase ng mga kaliskis na itim at tila nahaluan pa ng blue jade na Glim (kinang), may mga mata itong halintulad sa dragon at sadyang nanlilisik kung makatitigan mo ito. At dalawang pares ng Sungay na may Runic writings.
'isang minosaur!!'
Napaseryoso si Chris at inilabas kaagad ang kanyang BlackUmbrella.
"ohhh, Human!, i've been craving for Human flesh for so many years. I really Love the flesh of a humans. ha ha ha ha. And now i can feast on you kid!!".
Agad na lumayo si Chris sa range ng minos. (in short ng Minosaur)
"Oh my, my power dropped!, tsk. Looks like i'm on par with your cultivation level. An ant stage Master!! ".
Naiinis na utal ng minos. Dahil mukhang nakatali parin ang kanyang Lakas sa Rules ng Kwartong iyon, kung saan ipapantay ang kanyang lakas base sa Cultivation Stage ng kaharap nya.
Bumaba ang height ng minos. At naging 2Ft nalang ito sa laki.
'mukhang naaayon nga sa kakayahan ko ang mga test na sinabi ni tabachoy'.
Napangiti si Chris. At nawala ang kaba sa kanyang kalaban.
Ngunit----
Baaaammm!!! (heavy thing)
Inilabas ng minos ang kanyang sandata na isang WarHammer na may tatak na crest. (isang Symbol or Logo ng Clan nito or nung tunay na may-ari ng sandata bago pa man ito matapos magawa)
May buong kahabaan na 3ft. At ang hammer ay may auto shifting size na ang limit at 1ft-5ft. At sa ngayon ay may laki ang Warhammer na ito na 2ft (head)
"A High-Ancestor Weapon grade! Thats cheating you damn Minos!! "
Sigaw ni Chris na tila gusto nitong dumura ng dugo sa mga sandaling iyon. Hindi nya inasahan na walang limit pagdating sa armas. Swerte na nya dahil walang armor ang Minos.
Mabilis na lumusob ng pagtakbo ang Minos habang tumatawa ito sa sarili. Tila alam nyang walang pag-asa si Chris pag inilabas na nya ang kanyang armas. (cheat code 101)
"you've got no chances here kid!!, look around you!! ---all of them died in my own special weapon!!".
Papalapit na ang armas ng Minos sa mukha ni Chris.
Sa laki nito ay kayang takpan ang 2meter radius na space.
Sumangga si Chris gamit ang umbrella.
Whhhhaaaammmm!!! (heavy pressure)
Tumilapon si Chris at hindi ito bumitaw sa kanyang umbrella.
"oh!, your weapon survived---it must be some kind of pretty special that you found it here, somewhere."
Hindi tumigil ang pagkakatilapon ni Chris hanggang sa tumama ang katawan nya sa isang pader.
'sh*t, khak!! ---- kung hindi dahil ginamitan ko ng Hardening rune ang sandata ko baka mawasak na ito sa thousand pieces!! '.
Dumura si Chris ng dugo. Pero nagawa pa nyang tumayo at ngumiti. Tsaka nito pinunasan ang kanyang bibig. May halong Determinasyon ang kanyang mga titig.
"hey!, minos----want to fight me without weapon. I assure, that you are a pathetic weakling when it comes to hand to hand combat".
Sabi ni Chris na walang takot na naglakad palapit sa harapan ng minos. Syempre gusto nyang galitin ang Minos, may kasabihan. Madali matalo ang pikon.
Ssnnnnooorrttt!! (intese rage)
"looks like we got a bluffer here. Ok then!! --- lets fight without our weapons!! "
Ibinaba nito ang malaking WarHammer sa kanyang tabi. At mukhang alam na ni Chris na mangyayari ito.
Ganun din si Chris itinago nito sa loob ng ring ang kanyang armas.
Sabay silang humanda ng Fighting stance. (pwesto to pwesto)
Konting katahimikan bago ang laban.
*dagdagan ng background, drum rolls!!! *
"rrraaaahhhh!!! "
Unang gumalaw ang minos at sumuntok ito ng napakabilis. At buong karagdagang bigat ng kanyang katawan ay ibinuhos nya dito.
'isang Qi Burst?!, tsk! -----'
Ngumiti si Chris ng malademonyo--- at hinayaang lumapit ang suntok ng minos sa kanyang kanang palad. (slowmotion)
'what!, are you tired of living!!? '
Sa isip ng minos. Tila kampante na ito na katapusan na ni Chris kapag sinalo nito ang suntok mula sa kanya.
Crracckk----(broken bone noises)
Sa sobrang lakas ng suntok ng minos ay natahimik sya ng maramdaman nya ang kakaibang sakit mula sa kanyang kamao.
"Waaaaahhhhhhh!!! My fist!!!! "
Napaatras si Minos at inilabas ang kanyang sandata.
"who the hell---are you kid!!!, what is your real Cultivation stage!! Damn it!! I've been tricked!! "
Inis at kaba ang naramdaman ng Minos ng mapansin nya ang expression sa mukha ni Chris.
"i'm just a puny little human---that craves for the flesh of a BeastGod! "
Dinilahan ni Chris ang kanyang bibig, at nawala ito sa paningin ng minos.
"its Dark arts! A descendant of the Dark Evil God!!!----".
Sabi nito at sa huling hinga nya ay tumilapon na ang kanyang ulo. At sumunod ang pagbagsak ng kanyang katawan sa sahig.
"wooooh, first loot ko sa ngayun--- WarHammer. Hmmmfp. Hindi ko pa magagamit ito sa ngayon. Hintayin ko pang tumaas ang Qi cultivation ko sa Epic stage bago ko ma extract ang ore at essence ng sandata".
Itinago na ni Chris ang WarHammer sa kanyang blackring storage.
*Sa katunayan si Chris ay isang Alchemist at Crafter masasabing Jack of all trades sya nuong nakaraang buhay nya. At Hindi parin mabubunyag ang tunay nyang identity sa mga chapters na ito.*
Biglang nawala si Chris at tila nagteleport sya sa ibang kwarto o lugar.
"ehh?, Auto trans-portal . Mukhang mas konti ang mga labi ng mga Cultivators sa kwartong ito---- at may ilan paring mga Labi ng Demon at MagicalBeasts Cultivators".
Lumingon lingon si Chris sa kanyang paligid. ang ipinagkaiba ng kwartong iyon sa kwarto ng Minos ay ang kulay ng tiles. Blue jade tiles at details sa mga poste.
"Looks like you've Already killed Minos. Such a Shame---".
Lumingon si Chris sa kanyang tabi. Boses ito ng tila mala dyosang babae. Pero biglang hindi sya makagalaw dahil sa lakas ng pressure mula sa Aura binding ng Babaeng ito.
"Handsome man, Cultivation Stage wont need to be tested around here--- all you need to do is your own mental strength".
Sabi ng isang babae na may twin fox tails. (woah mas malaki pa yung kay Ahri kumpara dito. 4ft lang kasi ang laki ng tails nito eh. )
"ah, are you some kind of Fox Charmer?!"
Tanong ni Chris. kahit hindi sya makagalaw sa mga sandaling iyon. Gusto nyang siguraduhin kung anong klaseng kalaban ang babae.
Yumakap ang babae sa likod ni Chris at hinalikan sya sa ilalim ng kanang tenga.
(goosebumps) naglalaro sa isipan ni Chris ang ibat ibang klase ng strategies at mga kahinaan ng mga Demons, and MagicBeast alike.
*syempre walang nakakaalam sa taglay na lawak ng kaalaman ni Chris patungkol sa Cultivation Techniques, Alchemy, Crafting at mga Dao of MartialArts. Si Ahri nga hindi lubos mabasa ang isip ni Chris nuong nasa loob palang sya ng Sea of Consciousness nito. at isa pa masyadong malalim ang mga lihim ni Chris at lalo na kung tungkol ito sa tunay nyang Identity nuong nakaraang buhay nya. kung ano man ang tunay nyang goal sa buhay nya ngayon or maging sa hinaharap ay sya lang ang nakakaalam---*.
"i'm so hungry, too hungry you know---- i want to taste you---but!! i want to cuddle you first---i'm longing to touch a man's warm body".
Nang aakit na boses nito. Habang gumagapang ang kanyang mga palad sa mga braso, likod, at maging sa dibdib ni Chris.
Pero sa katunayan. Pinasok gamit ang mental force ng babae ang loob ng isipan ni Chris.
Sa loob ng sea of consciousness ni Chris ay binasa ng babae ang past to present na mga scenes.
'looks like i've made a terrible mistake!! '
Lumantad ang scene sa kanya. Kung saan puno ng patayan, may ilog na umaagos ang malapot na dugo ng mga namatay sa walang tigil na labanan, pag ulan ng dugo mula sa kalangitan at ang tanging nakatayo sa gitna ng lahat ay isang lalakeng tila ansa edad na 25. At hawak nito ang isang kakaibang simpleng itim na payong na walang bahid ng kahit na anumang dumi o dugo.
"aaaaahhhhhh!!!! "
Napabitaw ang babae sa pagkakayakap kay Chris dahil sa nakita nyang huling bagay.
"oooh, you've read my memories don't you? --- tsk. You are already destined to die by my hands. Dying for knowing my secrets---Little foxy girl".
Evil smile naman si Chris na lumingon sa babaeng naka luhod sa sahig dahil sa sakit ng ulo nito. Tila nag backlash ang kanyang mental penetrating effects.
"pls!!! --- dont kill me pls!!! Let me be your slave. Pls dont kill me!! As long as you let me live i'll die for your sake---"
Nagmamakaawang sabi nito kay Chris. At nadulas sya sa huling nasabi nya.
"so---have you seen my Soul companion, form this lifetime---"
Tanong ni Chris. Na tila may bahid ng pagiging masama sa kanyang hitsura.
Naalala naman ng babae ang scene kung saan may kasama si Chris na isang babaeng may malaking mga fox tails.
"she---s your companion!? She's more evil and more ambitious than i am, my lord, pls dont accept and believe on her words or else you'll only die by her hands in the future!----".
Hindi na naituloy ang pagsasalita ng babae ng bigla nalang syang nahati sa dalawa.
"ang ingay mo, tsk. Tiyak akong hindi ganon si Ahri. You damn b**ch!!"
Galit na hitsura ni Chris.
Kinuha ni Chris ang lumutang na fairy robe ng babaeng napatay nya.
'oooh, middle-grade Ancestor robe. Mas bagay ito kay Ahri'.
Inilagay ito ni Chris sa loob ng Blackring. At napalingon sa nahating katawan ng babae.
Itinapat nya ang kanyang kanang palad lumabas duon ang tila usok na grey na may halong white. At ginawa nitong abo ang bangkay.
-----
Sumunod na lingo ay natapos na ng St. Cessia ang kanilang mga matches para sa First stage. At sila ang nag top kasunod ay ang team BlueWisp at sampu pang teams na makakapasok sa second stage.
Nakababad sa hotspring ang mga babae, habang sina Box, Lucas, Gilbert at Jake ay puspusan parin ang sparring nila sa isang gym.
"nasa Master stage level 5 na tayo Bros, he he he. Habang ang mga babae naman ay nasa GrandMaster level 1 na sila. Bat parang ang daya ang bilis nila mag Advance sa pag Cultivate".
Sabi ni Box. Huminto sila sa sparring nila ni Gilbert sa kabilang Arena platform.
Lumingon naman sina Jake at Lucas na nasa kabila at huminto din sila sa Sparring session nila.
"bro. Isipin mo nalang mas open sila sa pagsagap ng Yin vitality, habang saten ay Yang tiyak ako ganun din si Chris na tulad natin. Dibale pagdating sa Physical cultivation lamang tayo bro. He he he. Nasa Master level 4 na tayo samantalang sina Jane, Hannah, Lanna, Blana ay nasa Master level 2 palang, maliban naman kina Ms. Ahri at Ms. Ruby na nasa GrandMaster level 1 sila sa Physical cultivation---".
Naupo silang Apat sa sahig ng kapwa sparring arena. Sabay sabay na Naglabas ng maiinom na elixirs. (parang energy drink lang para sa kanila)
* sa Chines ang Yin ay sumisimbolo ng para sa Babae, at ang Yang ay para sa Lalake----hindi ko alam kung pano sa mga Transvestite*.
At matapos nilang mainom ang mga elixirs ay agad silang nag-meditate.
Ang mga araw na ito ay nalalapit na sa panahon ng kadiliman. Kung saan mas mabuting magmadali sila sa pagpapalakas nila sa Cultivation. Kesa makulangan ang mga malalakas na mandirigma sa nalalabing pagdating ng Giyerang pandaigdig.