Chapter 13: The Umbrella, Clan Guardians with second prince.
.
.
Nag-umpisang bumuhos ng malakas na ulan, at natigil ang ilang pagkalat ng apoy sa lugar.
.
Tanging ang kalaban lang ang natirang nakatayo sa pwestong iyon.
.
"tsk, hindi sya nakatakas. At mukhang tapos na ang misyon ko dito. Sayang naman ang katawan ng babaeng iyon----eehhh!? ".
Lumingon sya ng marinig nya ang tila malutong na sapak sa hindi kalayuan.
.
Spaakk!!! -----(slap)
.
Nakatayo si Chris at si Vera at mukhang nasapak si Chris dahil sa pagkahawak nito sa pwet ni Vera.
.
"sa susunod wag kung saan saan ka napapahawak!!, hmmmfp isusumbong kita kay mom"
Umiwas ng tingin kay Chris (pouty lips)
.
"sorry na nga eh----ooops naka tingin na pala sya sa atin, inggit eh loner sya doon".
Lumingon din si Chris sa kalaban. At umastang seryoso.
(ha ha ha. Nang inis pa sya)
.
Naka open ang umbrella ni Chris at, halatang ito ang ginamit na shield sa Electric blast na nangyari.
.
"i-imposible!! Anong Grade ng Weapon na yan!! ------ huling alas ko na ito! Humanda kayo sa katapusan nyo!! ".
Lumunok ng dalawang Red Runic Pebles ang kalaban. At mukhang may effect ito.
.
Unti unting nagbago ang anyo ng kalaban na tila isang humanoid Spiked Armored Armadillo.
.
Rrrrroooooaaaaaahhhh!!! (brute/ rage)
.
Sa shockwave palang ng sigaw nito ay liparin na ang mga pirapirasong mga kahoy.
.
"Vera, mauna na kayong umalis dito----hindi ito ang laban na dapat ninyong masaksihan sa malapitan-----".
Seryoso na si Chris at tila may halong kaba dahil sa lalong pagtaas ng aura ng kalaban.
'tumaas sya ng dalawang level---at mukhang dumadagdag pa at makakapasok na sya sa Level 5!'.
.
Tila nanigas naman ang mga tuhod ni Vera sa kanyang nasaksihan at naramdaman.
.
.
.
"Vera!!!! ----"
Sigaw ni Chris.
.
Agad natauhan si Vera at sinunod ang sinabi ni Chris. Nag tatakbo sya hawak si Minty palayo sa lugar na iyon.
.
Ng mapansin ni Chris na nakalayo na si Vera ay agad syang nag focus sa kanyang kalaban.
.
"tsk, Blood Pills. Mukhang gusto talaga nilang siguraduhing mamatay si Vera----"
Si Chris ang unang sumugod.
.
Bumwelo ito at humawak sa kanyang sanda ng mahigpit.
.
" ha ha ha!!!!, mukhang matapang ka talaga!!!, buweno mauna kana sa Impyerno!!! "
Itinutok nito ang kanyang malaking shield kay Chris. (mutated shield at sword)
.
*mutated: maaaring nagtransform, upgraded, enhanced etc etc. Kahawig ng pansariling imahe.*
.
(example: spiked shield and Spiked longsword)
.
Naglabas ito ng matinding pressure mula sa pagkaka harap kay Chris.
.
Khuk!!!, parang sinampal ng malakas na hangin si Chris at gumulong gulong ito ng mabilis ng patalikod.
.
Pero agad ding bumangon si Chris at nagpatuloy na sumugod.
'tsk!, isang Qi pressure lang naman! ----'.
.
-----
.
Si Vera ay patuloy parin ang pagtakbo na tila hindi na alam kung ano ang gagawin. Pero nag aalala sya kay Chris.
.
'sa harap ng isang halimaw hindi ako natatakot-----pero ang ganung klaseng nilalang ----hindi ko pa naranasang makaharap ng ganung kalakas na kalaban----'.
Natigil sya sa pagtakbo ng biglang tumalon mula sa kanyang mga kamay si Minty.
.
Ggrrrr!!!----(feeling unsafe)
.
Tila may naamoy itong hindi maganda at sa harapan nina Vera ay may isang Babaeng naka hood at may hawak na Rapier sword na green.
(thin long sword/flexible sword)
.
"oooh, jackpot, mukhang sakto lang ang kinalulugaran ko. Kung----Sakaling makatakas ka tiyak makakasalubong mo ang isa sa amin na ----13 lesser captains ng Dark council".
Naglabas ito ng Qi pressure mula sa katawan nito.
.
'i-isa syang Grandmaster:level 3----'
Inilabas ni Vera ang kanyang Sandata.
.
Aarrrfff!!, arrf!!
.
Lumingon si Vera kay Minty.
.
"ehh?, "
Pumaharap si Minty na tila plano nitong harapin ang kalaban.
.
"ha ha ha ha. Kakaiba kang aso!, masasabing ang cute mo para harapin ako. ha ha ha ha. Kunin kaya kita at ako ang mag aalaga sayo----ehhhh!!? ".
Nanlaki mga mata nya ng biglang naglabas ng singaw na usok ang katawan ni Minty. At unti unting nagbago ang anyo nito sa isang Winter Husky.
(8ft WinterHusky)
.
*Class-A rare MagicBeast*
.
'Isang Winter Hound? ----hindi, hindi ito winter hound---isa itong ibang uri ng Magicbeast. Mukhang nasa GrandMaster na ang pisikal nito, pero ang Qi aura ay nasa Master: level 3. Jackpot kapag napatay ko si Vera mapapasakin itong beast na ito! '.
May plano syang agawin ang alaga ni Vera. Ngunit hindi nya alam na ang tunay palang boss ni Winter Husky ay walang iba kundi ang kinakalaban ngayon ng kasama nyang Captain din ng Dark council, na si Chris.
.
-----
.
May mga crack sa Shield at sword ng Mutated nitong kalaban. At patuloy parin ang pagatake ni Chris sa mga ibat ibang parte o angle.
.
"ggggrrrrr!!!, mabilis ka lang-----rrraaaagghhhh!!!".
Nakaramdam ito ng kirot sa hita nito.
'imposible!!, anong klaseng armas ang kanyang inimbento? At isang napakabigat na bagay na lagi nyang binubuhat gamit lang ang isang kamay!! '.
.
Tila unti unting pabago bago ang lakas ng mga pag-atake ni Chris sa kanya. At mukhang malapit na ang limit ng kanyang transformation.
.
"mukhang hindi mo na kayang saluhin ang mga susunod kong pag-atake. At salamat na rin at nasanay na ako sa matitibay mong balat!"
Sumisingaw ng usok ang katawan ni Chris. Gray ang kulay nito at
.
Humanda si Chris ng isang Kakaibang Stance. At naglalaman ito ng makahulugang salita na-----
.
"heto ang regalo ko saiyo, papuntang impyerno------ 'Blunt Piercer!'---"
Walang emosyon itong nakatitig sa kalaban. Naglalaman ng kamatayan ang sandata nito.
.
Sumangga ang kalaban at plano na nitong bumalikwas ng takas. Ngunit napag alaman nyang hindi nya maigalaw ang kanyang mga paa dahil sa mga sugat nitong natamo mula kay Chris.
.
"Rrrrraaaaaaggghhh!!!".
Nagalit ito dahil sa wala na itong kakayahang makatakas. Lalo pa sa kamay ng taong may mas mababang Cultivation Stage kesa sa kanya.
.
Direktang lumusob si Chris sa isang pa-Drawing motion, na tila natutupi nya ang Fabrique of reality. (dimension)
.
Zzzaaaaaapppppss!!(dimensional turbulence )
.
Sa isang slashing motion ay nahati ang kalaban nya ng patayo. Sakto naman sa timing dahil nakabalik na ito sa orihinal nitong anyo.
.
Bumagsak sa lupa ang mga lamang loob, utak at nagkalat na dugo duon.
.
'Sigh!, mukhang nasira ko ang pangako ko. pero. ----Isang taon naman na ang lumipas. at mukhang back to killing business na ako-----ehhh? Minty? '
Lumingon si Chris sa dako kung saan tumakas sina Vera kamakailan lang.
.
Naramdaman nya ang aura ni Minty. At mukhang may malakas itong kaharap na kalaban.
.
Nagmadali syang nagtungo sa kinalulugaran nina Vera.
.
-----
.
Madaming sugat ang kalaban at nawawala ang kaliwang braso nito.
"Makakabawi din ako!!!! ------"
Natigil ito ng biglang maramdaman nyang may masakit sa kanyang leeg.
.
.
.
Isang galaw lang nya ay nahulog na ang kanyang ulo. At si Vera ang pumugot sa kanya mula sa likod nito, na hindi manlang nya napansin.
.
"tsk!, masyado kang naka focus kay Minty. Yan tuloy napala mo".
Namumutla si Vera at mukhang madaming nawala sa kanyang dugo dahil sa ilang natamo nyang sugat mula sa kalaban.
.
Si Minty ay nasa magandang kondisyon at agad lumapit kay Vera.
.
Wwwooooosshhh!!!
.
Dumating si Chris at agad inalalayan si Vera. Dumapa si Minty upang magsilbing sandalan ng dalawa at dun sila napahiga.
.
"Vera, lunukin mo ito-----"
May inilagay si Chris na Green pill, sa loob ng bibig ni Vera.
.
Matapos nitong nilunok ay, unti unting sumara ang mga sugat ni Vera at ganun din ang mga bakas ng dugo nito na nag evaporate.
.
"a-ayos k-ka lang ba? "
Mahinang tanong ni Vera.
.
Ngumisi naman si Chris sa unang narinig nya mula kay Vera.
.
"sigh. Ikaw pa itong may ganang magtanong. Eh ako dapat magtatanong nyan sayo. Tsk. Sandali lang at dadalhin kita sa Hospital-----masyado kang KDRAMA".
Natigil si Chris ng pigilan sya ni Vera.
.
.
.
"ugh, ----lapit k-ka----saglit".
Maputla parin ang kulay ng kutis nito. At lalo na sa mukha.
.
Yumuko naman si Chris at mukhang hinala nyang may ibubulong ito hanggang sa-----
.
.
Ngarb!! ---(bite)
.
.
Aaaaaaaaaahhhhhhh!!!!! (pain and shock)
.
Nag echo ang sigaw ni Chris sa kabundukan.
.
Kinagat sya sa kanyang leeg, at mukhang tinubuan ng mga pangil si Vera para makasipsip ito ng dugo.
.
Ilang sandali ay hinayaan din ito ni Chris.
.
'hindi ko inakala na may, dugong Valphemis si Vera.'
Yumakap nalang sya kay Vera.
.
Si Minty naman, na nagsilbing patungan ng dalawa ay mukhang nakatulog na ito dahil sa kakahintay na bumangon sina Vera.
.
-----
.
Sumunod na araw, nagising si Vera sa Sariling kama nito. At tila alam na nya kung ano ang nangyari ng mga sandaling nawalan sya ng malay.
.
"buti gising ka na Anak."
Nasa tabi nya ang kanyang ina. At may hawak na tray ng pagkain.
.
"Mom, asan si Chris? "
Agad na tanong nito. Na parang nawalan ng bagong Sapatos.
.
Lumingon naman si Hiera sa kabilang sofa. At sinundan naman ito ng pansin ni Vera.
.
.
.
Mukhang tulog pa si Chris at sa tabi nito ay si Minty (Tuta).
.
"----alam na namin ang lahat. At mukhang hindi ka ligtas sa labas hanggat hindi ka kasama ng mga Valmos ng ama mo."
Nag aalalang napahawak si Hiera sa kamay ng kanyang anak.
.
"Mom, mas magiging mapanganib ang paglabas ng mga Valmos. Mas mabuting si----- C-Chris nalang lagi kong kasama tuwing uuwi ako at kapag nasa labas ako ng School. At isa pa nasa StudentCouncil ako---- at kailangan nila ako dun----"
Tila nahihiya pa itong lumingon kay Chris.
.
*Ok guys, (Valphemis) ay uri ng mga Cultivator na may innate ability, ang uminom ng dugo ng Kapwa Cultivator upang sila ay maging malakas, at upang maisalba nila ang kanilang buhay o instant Regeneration. Ang mga (Valmos) ay grupo ng mga Valphemis na may Forbidden Techniques, at masasabing ang isang Valphemis na nagising/awakened. Ang Innate ability nito ay maaaring pumatay ng 100 katao na nasa kapareha nitong stage, at maaari ding tapatan ang nasa mas-mataas na stage.*
.
"naisip narin namin yan anak, at nagpadala na kami ng liham sa St. Cessia. Si Chris ang magiging Bantay mo sa paguwi at pagpasok mo mula sa eskwelahan".
Nasa pintuan naman si Varo.
.
Nagising naman si Chris dahil narinig nito ang mga boses nila. At parang dalawang tumayong mummy.
.
.
.
Mukhang nagtutulog tulugan lang pala ito. Ganun din si Minty.
(Best actor Oscar awards)
.
"eehhh!?, akala ko tulog ka pa!? "
Bulalas ni Vera sa nagulat ito.
.
Lumingon si Chris kay Mr. Varo at Mrs. Hiera.
"ahem ahem. Mukhang sang ayon na sina tito at tita. Vera may sasabihin ka pa bang idadagdag?".
Kindat naman nito kay Vera.
.
Lumapit si Minty at tumalon sa mga kamay ni Vera. At nasalo naman nya ito.
.
"ahhm. Dapat kasama ko si Minty. Mas secured ako sa kanya este ang Cute nya kasi. Hmmmfp".
Hindi na maitatago pa, na natunaw na ng tuluyan ni Chris ang malamig at kilalang ice princess ng pamilya Simion.
.
Ngumiti naman si Hiera at tila Tanggap naman ito lahat ni Varo.
.
"So tara. may pasok pa tayo ngayon. He he he."
Tumayo si Chris at lumapit sya kay Vera ng biglang.
.
.
.
Swiiinngggg!!!! ------
.
Nagdatingan na parang mga anino sa ibat ibang sulok ang limang naka itim na Gothic style suits. At may mga pareparehong squared shades.
.
Agad inilabas ni Chris ang kanyang black Umbrella.
.
Napasangga ang Umbrella weapon ni Chris sa isang Giant blade na hawak ng kaharap nyang kalaban.
.
.
'iron umbrella?, for real? Tsk. Hindi naman siguro sya galing sa mga Vendetta's---'.
Isip ng kaharap ni Chris.
.
.
.
"anong ibig sabihin nito!?,"
Agad na pumaharap si Varo.
.
"naparito kami, mula sa kautusan ng mahal na Clan Great Elder".
Sabi ng isang babae sa lima.
.
"GreatGrandpa? At sa anong kadahilanan? "
Sumeryoso ang hitsura ni Varo.
.
.
.
"ang anak mo na si Vera Mae Simion, ay napag-alamang 100% Blood compatible para sa 2nd Royal Prince---- napag alaman narin na may kakaiba syang Cultivating technique at maaasahang tataas pa ang kanyang status sa Clan sa hinaharap, hanggat------"
Natigil ang babae sa kanyang pagsasalita ng makita nya ang blurred na bagay na tumama sa kanyang kasamang kaharap ni Chris.
.
Baaammmm!!! ----(heavy hit)
.
Tumilapon sa pader ang lalakeng kanina lang ay umatake para pigilan/harangan si Chris.
.
"clan?, Mr. Varo mukhang--- makakalimutin sila at hindi na nila maalala ang dahilan kung bakit pinaghahanap kayo ng mga ilang Dark organization---- sa kadahilanan ng pag excile nila sa inyo sa mismong clan ninyo. Tama ba ako? "
Seryosong tumitig si Chris sa apat na nakatayo sa pagitan nila ni Vera.
.
"Varo!!, at sino naman itong hampas lupang may lakas loob na------".
.
.
.
Bbaaaaaammmm!!! (heavy hit)
.
Ikalawang tumagos sa pader kung saan tumilapon ang unang Valmos.
.
Ang natirang tatlo ay agad ng naglabas ng mga armas. At namulang dugo ang mga mata nila at, lahat sila ay naglabas ng aura na tila nasa Grandmaster: level 3.
.
'ang batang ito! ----may lakas syang Grandmaster at yang armas nya----'
Mental message ng isa sa dalawa nitong kasama.
.
"Chris, mag iingat ka-----".
Sigaw ni Vera.
.
.
.
May biglang humawak sa kamay ni Vera at isa itong blonde na lalake.
.
"Vera, long time no see. Mukhang mas gumanda ka pa lalo, dahil isa kana sa mga may hawak sa dugong nababagay na ikasal sakin----at para mapasaakin ka, kailangang umalis ka sa pamilyang ito".
Sabi nitong magandang lalakeng dumating.
(maganda talaga, alagang kutis Korean ata lahat dito sa kwento, or may mga Japanese din at Mexican, Spanish, Arabian)
.
*2nd Prince Rumon Simion, Age 25, blonde semi long hair, Blue eyes, 5'9".*
.
"Rumon!, umalis ka sa pamamahay ko at dalhin mo ang mga Valmos mo!!, dahil kung hindi!!! Ako mismo ang magpapalabas sa inyo! "
Sabi ng Ina ni Vera na si Hiera.
.
Tila walang narinig si Rumon at ginamitan nya ng Petrifying Spell si Vera.
.
"oooh bilang isang Mage, matatawag na sana kitang Mom, kaso mas mahina ka saken-----ehhh? ".
Napalibutan si Rumon ng Pulang Usok at mukhang nangaling ito kay Hiera.
.
Si Varo naman ay nakalabas na ang kanyang sandatang Claymore.
(huge sword!!! )
.
"Rumon, kung idadaan lang natin ito sa dahas, mas mabuting umalis ka nalang! "
Nag-iinit at galit si Varo dahil hawak ni Rumon ang kanyang anak.
.
Lumingon si Rumon kay Varo.
.
"oh, ganun ba. He he. Sure sige. ----pero Aalis ako na kasama si Vera------".
.
BAAAAAAmmmm!!!!! (heavier hit)-
Craaassshhhh!!! (broken glasses)
.
Sa hindi inaasahan pangyayari----tumilapon si Rumon palabas ng bintana mula sa likod nito.
'tsk!!, khak! '---(bloody lips)
.
Dumura ng dugo si Rumon at sinubukang ibalanse ang kanyang pagkakatayo.
.
Ngunit hindi pa natigil duon ang pagkatilapon nya dahil may sumunod pang isang blurred na pagatake patungo sa kanyang tiyan.
.
.
.
Baaaammmmm!!!! (heavy hit)
.
Tumama sya sa malaking Kahoy at napa hawak sya sa kanyang inilabas na Spear.
"T*ng*na!!!, Varo mukhang gusto mong -----agghh?! ".
.
.
.
"sino tinutukoy mong Varo?, isa pa hindi pa ako tapos sayo pipsquick! Na GrandMaster".
Hawak ni Chris ang Umbrella nito at naglalabas ng kakaibang killing intent.
.
"at sino ka naman para-----"
Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nya ng biglang umatake si Chris at ----
.
Gablam!!! ------(heavy hit)
.
bumakat sya lalo sa malaking punong iyon. At hindi pa pala natapos duon ang pag atake ni Chris magkakasunod pa na paghampas mula sa armas nitong Umbrella ang ipinamalas nya dito.
.
Crackkkllleeee!!!! (lightning)
.
Umiwas si Chris ng may pulang lightning bolt ang tatama sa kanyang mukha. At galing ito sa tatlong Valmos na sumunod sa kanya. Mga Valmos ni Rumon.
.
"Mamatay ka!!! "
Sigaw ng tatlo at sabay sabay silang naglabas ng BattleStaffs at itinutok kay Chris.
(Mage Assassins)
.
Nagpaulan sila ng thousands of thousands na mga Spear lightnings kay Chris. At ng makita ito ni Rumon ay tila galak na galak ito sa maaaring mangyari kay Chris.
'Patay ka na ngayon!!! Isang joint attack mula sa mga makamandag kong Valmos!! '
.
Ccccrrraaaaacccckklllee!!!! (rapid lightnings)
.
Halos hindi na makita ang buong lugar sa kinatatayuan ni Chris.
.
.
sa dami ng pulang liwanag at mga nagtalsikang mga parte ng lupa, mga bato at mga piraso ng mga kahoy.
.
"Chris!!, ".
Agad nagtatakbo si Vera palapit duon. Ngunit pinigilan sya ng kanyang Ina.
.
"Anak, manood ka."
Kalmadong sinabi naman ni Varo kay Vera.
.
Matapos ang Atakeng iyon ay lumabas sa mausok na lugar na iyon ang isang anino. Isang imaheng nagpapahiwatig ng kamatayan.
(dramatic heart beats)
.
.
SsssssssSssssss-----(steam)
.
.
(dramatic Bassdrum beats)
.
"i-imposible!!, isa lang syang Master: level2. Papaanong nakaligtas sya!! "
Hindi makapaniwala si Rumon at tila alam na nya ang susunod na mangyayari kayat naisipan na nyang tumakas doon sa kakahuyan.
.
Ang tatlo ay hindi kinabahan bagkus plano ulit nilang gawin ang Joint attack kay Chris.
.
"hindi na kayo natuto-----".
Ang payong na hawak ni Chris ay naging black long sword. At may nakaukit na bloody coiling dragon sa blade nito.
Tumaas pa ng tumaas ang pressure na lumalabas sa kanyang katawan.
'tsk!, hindi ko planong gamitin ito dahil masyadong makakasira sa meridians at maging sa blood vessels ko. Maaari akong sumabog dagil dito----kailangan ko silang tapusin kaagad'.
.
At sa isipan ni Chris ay may isang Skull crestSeal na nabasag.
-----Crash!!! ----- (seal broken)
.
"i-isa kang Physical Cultivator!!!, at nasa GrandMaster: level 5 ang katawan mo!! "
Hindi makapaniwala si Vera at napayakap sya kay Minty. Nararamdaman nya ang pagtaas pa ng pressure na nagmumula kay Chris na halos ikabahala nya ng husto.
.
---Aarruuu!! (tuta)
.
Nawala si Chris sa kinatatayuan nito. At maging sa paningin ng Tatlo. Tanging linya lang ng itim na usok ang nanatili sa kanilang paningin.
.
.
Swing--------
.
Lumipad ang magkabilang balikat ng Babaeng kalaban.
(Slow bassdrum beats)
.
Aaaaaaahhhh!!! (pain)
.
.
Slash------ (gushed)
.
.
(rapid bassdrum beats)
.
Nahati ang katawan sa tiyan ng ikalawang kalaban na lalake, at hindi parin ito makapaniwala dahil hindi nya na makita si Chris sa kanyang paligid.
.
.
Swing---- (clean cut)
.
Lumipad naman ang ulo ng ikatlong kalaban na lalake, bakas ang takot sa mukha nito.
.
(last heavy bass drum beast)
.
At nangyari ang lahat ng ito sa dalawang paghinga lang. (2 breaths time)
.
*pasensya, gusto ko lang lagyan ng background sounds. he he he.*
.
At sa kinatatayuan at paningin nina Vera ay hindi naman umalis si Chris sa kinatatayuan nito.
(Flash of movement speed)
.
"mom, dad, anyare papaano natalo ang mga Valmos? H-Hindi ko manlang nakitang umalis o gumalaw si Chris sa kinatatayuan nya. "
Naguguluhan si Vera.
.
"Anak, ang pinagkaiba lagi ng isang Qi Cultivator at sa isang Physical Cultivator ay ang Brute Power. Pero isipin mo kapag pinag sama mo ang dalawa. Makakagawa ka ng skill na hindi mapapantayan----tulad satin may kakaiba tayong ability at nais kunin ng mga ibat ibang Dark organization upang maangkin nila".
Pagpapaliwanag naman ni Varo.
.
"at tanging mga nasa Ancestor stage at Saint stages lang ang may ganyang natural na abilities. Meron ding mga ipinanganak na taglay na ang ganyang abilities at may kakaibang talento".
Dagdag naman ni Hiera.
.
Nagkatnginan ang mag asawa na tila bumakas ang curiosity nila sa anyo ni Chris bago man nya in-activate ang killing spree nito.
.
'sa tingin mo ba, yun din ang skill na ginamit nya dati? ----- napansin kong hindi ganun ang pagkakatanda ko'
Mental message ni Hiera kay Varo.
.
'hindi ko din alam, mukhang nakagawa na sya ng mas nakakatakot na skill. Ang mabuti ay hindi sya tuluyang naging kalaban'.
Sagot naman ni Varo sa mental message. At mukhang dating Hunter si Chris at sila ang hunted.
.
Itinago na ni Chris ang kanyang sandata sa Black ring. At naglakad ito palapit kina Vera. Ganun ding nawala ang usok sa magkabilang braso nito.
.
"Mukhang nakatakas ang kumag. Pero ay---ayos n-na ang lah------".
Nawalan na ng balanse si Chris habang naglalakad at pa-tumba na ito sa lupa.
.
Agad namang sinalo ni Vera si Chris.
.
May lumabas na dugo sa mga mata ni Chris ganun din sa ilong, tenga at bibig.
.
"Mukhang nasobrahan sya sa paggamit ng Qi. Hindi balanse ang kanyang pagsagap ng Qi ----dalhin natin sya sa loob at mabigyan sya kaagad ng gamot".
Agad sumenyas si Hiera sa dalawang katulong na nasa labas ng pinto.
.
-----
.
Nagising si Ahri at mukhang naramdaman nya ang panghihina ni Chris. (soul connection)
.
'tsk. Mukhang nakabalik na sya. Sigh'
Nag unat unat ito at bumangon sa kama.
.
Lumingon sya kina Jane at Lanna na nakatulog sa kabilang parte ng kama.
.
'malapit na din silang mag level 3,
.
-----
.
Sa Simion Clan Fortress.
Sa isang malawak na Desolate mountains.
.
May isang throne sa loob nito.
.
Nagmamadaling pumasok sa pinto ang dalawang may aura na Epic stage cultivator kasama nila si Rumon.
.
"Mahal na Ama, narito ako para ibalitang inagaw sakin ang isa sa mga mapapangasawa ko! "
Lumuhod ito at yumuko sa harapan ng Lalake. At ganung malungkot na malungkot ito.
(actor nga naman)
.
Nakapikit ang mga mata ng Lalakeng nasa throne. At naglalabas ito ng matinding Aura na nasa Ancestor: level1. At may magarbong suot na outfit.
.
*Great Elder Bavix Simion, age 150, nasa hitsurang 33, gray long hair, mustache gray, blue eyes, bulky strong body,
.
"Ama, ----si Vera ang babaeng tinutukoy ko. At may hawak syang malakas na Cultivation Technique at nagising na nya ang kanyang Noble Blood ---importanteng makuha natin sya ngayon bago pa sya ma-baboy ng Chris na iyon."
Dagdag pa ni Rumon. At itinama ang kanyang noo sa sahig.
(kowtow, isang uri ng sincere motive or pleasing, repect and lowering dignity na pag luhod at patirapa na inu-untog ang noo sa sahig)
.
*weird chinese way of pleasing/respect*.
.
Namulat ang dalawang mata ng nasa trono. At naglalaman ito ng deep wisdom.
.
"Anak, sinong Chris ang tinutukoy mo!?, at may lakas loob pa syang agawin ang magiging ika 12 mong asawa!!!, unforgivable!!"
Parang lilindol ang buong lugar sa tindi ng Aura nito. Isang pure brute na tila nasa Ancestor peak ang level.
(hidden/ suppressed aura)
.
"Kayong dalawa!, hanapin nyo ang magulang ni Vera at patayin ang sino mang pipigil sa pagsasama ng anak ko at si Vera".
Utos nito sa dalawang Epic stage Cultivator na nasa tabi ni Rumon.
.
------
.
*Danger coming------syet mga Epic na ang mismong lulusob. Masumbungin talaga yung bata!!! Tsk! Siguro may mga kapatid din ito na may kolektang mga asawa!! *
.
"eh ano ngayon!!, ang tunay na lalake madami ang babae!!"
.
*Abay!, putcha!!, nagsalita ang bading!! *
.
"tsk halika dito at mahampas kita ng bimpo!!! "
.
*wag na, Bi, ka nga talaga-----*.