Chapter 14: The Unseen dangers, The GrandArcher and the Tank.
.
.
.
Maulan na umaga.
.
Sa training grounds.
.
Nakababad na kaagad ang mga Elite students sa grassy field habang naka meditation posture silang lahat.
.
"Bilang instructor nyo, masasabing malapit na maka-breakthrough sa Level 3 sina Ms. Jane at Ms. Lanna ganun din at nakatungtong na sa Level 4 si Ms. Ahri. At ngayon ay humahabol naman sina Mr. Box at Mr. Lucas sa pag-breakthrough ng level 2 nila patungo sa level 3. keep it up guys. Ang ilan sa inyo ay nasa Level 1 at papasok palang sa level 2-----".
Explain ni Ms. Claire. Proud sya sa mga students nya, lalo na't masasabing pwede na silang makipag sabayan sa ibang mid-tier schools sa mga ibang Continents.
.
*Bago ang lahat ay, nakabalik na si Chris sa eskwelahan at ibinigay nya ang mga Cultivation pills sa kanyang mga kasamahan. Ang pinakaunang binigyan nya ay si Vera syempre.*
.
Nagpatuloy ang pagpapalakas ng mga students sa kanilang Qi-Base Cultivation. Habang lihim naman ang ilan sa pag eensayo sa kanilang Physical Base Cultivation at sila ay walang iba kundi ang mga kasamahan ni Chris.
.
Pero nakaabang ang mga panganib sa paligid. lalo na kay Chris, at ilan sa mga tumutugis sa kanya ay ang Dark Council at ang Simion Clan, masasabing nabalitaan na rin ito ng ilan pang Underground organizations ng bansa.
.
Nakaupo si Chris sa sofa sa loob ng Hidden Council.
.
.
Kaharap nito sina Ruby, Jake, Gilbert, Vera at Hannah. May mga titig sila na may pakiramdam na kayang tumagos sa katawan.
.
"Ganun ba so natakasan nyo sila o pinatay mo sila Chris? "
Tanong ni Ruby. Na parang makatagos din ang mga titig.
(girls are girls, ha ha ha imbestiga more)
.
"---Basta tinakasan lang namin, wala kaming kalaban laban sa kanila----".
Uminom ng konting kape si Chris at kalmado ito.
(lying and pokerface master)
.
*pang Oscar award na yan idol*
.
Si Vera naman ay kinakabahan kay Ruby, dahil nalaman na nito na lihim silang nagkita nung gabi ng Sayawan.
(drunken delight chapter he he he)
.
Lumingon naman si Ruby kay Vera.
.
"nag-request ang Ama mo na samahan ka ni Chris?, anu ibig sabihin nun Vera? "
Napangiti si Ruby pero halatang may tago itong selos at pag dududa.
(scary woman)
.
Huminga ng malalim sina Chris at Vera.
.
"oooohh, something is fishy. he he. Ooops. "
Sabi naman ni Hannah na parang kinikilig.
(kinain ng KDRAMA ang sistema)
.
"ha ha ha. Mukhang Mas malakas kapa Vera kesa samin. Mukhang kapareha mo na si Ma'am Ruby na Master:level 4, may kinalaman ba ito sa inyo ni Chris"
Sabi naman ni Gilbert na nasa kabilang Sofa. At halatang dagdag uling sa nagbabagang topic.
.
Tumayo naman si Chris at mukhang plano na nitong umalis.
(the walkout method, ha ha ha)
.
"---hindi pa tayo tapos mag usap Chris."
Humarang si Ruby. At ang aura nito ay suppresive type.
(rare ability, woooh.)
.
"ah eh, kailangan na ako sa klase eh. At kailangan ko ng makahabol sa training at lessons baka mabagsak ako nyan. He he he."
Rason naman ni Chris. Na tila ginamit narin ang Suppression Aura reversibly.
.
"alam kong nasa Master:level2 ka Chris. Pero hindi mo maitatago ang mga lihim mo sakin ngayon. Gusto ko malaman kung ano relasyon mo kay Vera! "
Tila ramdam na nila ang pag seselos ni Ruby. At mukhang kahinaan ito ni Ruby pagdating kay Chris.
(balang araw, lalambot ka din ---at mukhang si Chris na nga nagpalambot sa puso mo. He he )
.
"Ma'am, sasabihin ko na ang totoo----si Chris at ako ay-----".
.
Arff----aarrfff!! ----(excited)
.
Tumalon si Minty sa mga kamay ni Vera.
.
"kayo ay?? "
Lumingon si Ruby kay Vera. Expecting negative answer.
.
"kami ay magkaibigan lang at sa katunayan si Jane ang kanyang gusto---"
Parang nadulas ang dila ni Vera at ginamit na Alibi si Jane.
'pasenysa na Jane, pasensya na Chris.'
.
Napanganga naman si Chris na parang natamaan ang katotohanan.
(mukhang tinamaan ang kahinaan ni Chris ha ha ha. Alibi lang naman ni Vera pero tumpak pala)
.
"pano mo alam?!!!----- "
Agad namang pinigilan ni Chris ang kanyang bibig ngunit ----huli na at--- nasabi na nya ang isa nanamang pasabog na katotohanan.
(ha ha ha. See nawalan na sya ng composure)
.
Sabay namang lumingon sina Ruby at Vera kay Chris. Na tila may kakaibang kirot sa kanilang mga puso't damdamin.
.
"---so si Jane nga---"
Sabay na bigkas nilang dalawa at binato si Chris ng kanilang kanang sapatos.
.
Pack!!!spack!!! (bullseye)
.
-----
.
Matapos nun ay lumabas na si Chris at bumalik sa training field.
.
Napalingon naman ang ilang mga studyante kay Chris at sa hitsura nito na may magkabilang marka ng sapatos.
.
"oi, tignan nyu na-torture ata si Chris."
.
"ahy kawawa naman sya, sapatos ata ipinalo sa mukha nya----"
.
"mukhang iba na ang parusa sa pag absent sa mga araw na ito!! ----"
.
Karamihan ay nagtawanan at ang ilan ay kinabahan sa bagong parusa na inakala nila. (the best face of panda)
.
"Quiet!!!, ituloy nyo na ang inyong mga training. Tsk!!, Chris welcome back mukhang nasa level 2 kana. Ipag patuloy mo lang at makakahabol ka din kina Jane at Lanna."
Ngumiti si Ms. Claire kay Chris.
.
Lumapit si Chris sa banda ni Jane at Lanna may 5-7 meters ang agawat ng bawat students at nakapaloob sila sa isang sound barrier na ginawa ngayun ni Ms. Claire.
.
'usap tayo mamaya'.
Senyas nito kay Ahri. Gamit ang mental connection nila.
.
'sure, boss'
Kindat naman ni Ahri kay Chris. Mula sa mental connection.
.
(paalala may contracted soul silang dalawa, at si Chris ang batas este masusunod)
.
-----
.
Pagdating ng 5pm ng hapon.
.
Sa Dorms na nag-uwian ang mga Students ng Grade 11 at Grade 12.
.
Si Chris ay nagtungo sa lugar kung saan sila magkikita ni Vera.
.
"bat ganyan ang suot mo?, hindi ka ba uuwi? ".
Tanong ni Chris na mukhang nakahandang ihatid pauwi si Vera.
.
"nag message si Mom, at ang sabi nya kailangan daw nilang lumipat ng lugar dahil alam nilang babalik ang mga kalaban. at si Ate naman ay nasa School Dorm na rin nila mananatili."
Sabi nito na may pink blush sa mga pisngi.
.
"kung sabagay tama ka, pero saan naman sila lilipat? ".
Tila naguguluhan si Chris at may kaba ito sa maaaring hula nya.
'akala ko ba wala na silang malilipatang lugar?. Unless---- Oceanic continents'.
.
(malalaman nyu din sa hinaharap ang lugar na naisip ni Chris)
.
"ewan basta ang sabi nina mom, may ipinasa na daw sa bank account namin na maaari naming gamitin ni ate. At mukhang matatagalan daw ang kanilang pagbabalik".
Hindi rin maitatagong nag-aalala si Vera sa nangyayari.
.
"Hayaan na natin. he he he. sure akong wala na sila sa mansyon sa ngayon".
Ngumiti naman si Chris. At napatingin sya kanluran. Kung saan sa dako ng kabundukan.
.
-----
.
4km radius ng lugar kung saan nakatayo ang mansyon nina Varo, na ngayon ay tinupok na ng itim na usok at kumalat ang apoy sa parteng kagubatan na nakapaligid dito.
.
At ang buong lupain ng pamilya ni Vera ay naging patag na itim at nasusunog ng pulang apoy.
.
"tsk!, nakatakas pa ang mag-asawa----at mukhang nasa eskwelahan pa ang kanilang mga anak. Hindi tayo makakapasok ng ganung kadali para huliin si Vera. At isa pa naroon ang Ancestor: level 3 na si Johnny".
Sabi ng isang lalake na may hawak na volcanic Bow sa kanyang kanang kamay.
.
Nakalutang sila sa ere at ang isa naman ay may hawak na malaking Maso na may mga markang flames.
.
"tara, bumalik na tayo at baka may makapansin pa sa ating ginawa."
Sabi naman ng isa.
.
Ang dalawang ito ay ang Epic stage cultivators na inutusan ng Great Elder ng Simion clan.
.
-----
.
Lumipas ang limang buwan na matinding Qi gathering at pagsasanay gamit ang mga Cultivation techniques nina Jane, Lanna, Lucas, Box at Vera.
.
Si Jane ay naramdaman na nito ang pagpasok sa Level 5 ng Master stage. At sabay lang sila ni Lanna.
.
"Ate Ahri, naiintindihan ko na kung ano ang Insight na nakapaloob sa Cultivation technique ko---pero sa pagkakaalam ko sa GrandMaster or Epic stage lang dapat mararamdaman ang ganito, base sa history lessons ng cultivation."
Excited na sabi ni Jane kay Ahri.
.
"buweno, bilisan mo at kapag nasa GrandMaster kana. Hindi na tayo magtatagal pa dito sa eskwelahan----maaari na tayong pumasok bilang hunting Raid squad at mas mapapabilis pa ang pagtaas ng cultivation stage nyu sa labas ng Forbidden wall".
Ito ang ibinigay na Goal ni Ahri sa kanila, sa ngayon. At hindi na nya ipinaliwanag ang tungkol sa pagiging advance nila at baka lalong hihimatayin sila pag nalaman nilang pang Deity stage class ang kanilang mga Cultivation techniques.
.
-----
.
1month later.
.
2days Bago ang card duels.
(basehan ng Final computation ng Grades, malayong kasabay ito ng Intramurals ng cultivation)
.
At may 1month pa bago ang National Tournament.
(School, Sect, Organization na may top students na maaaring isali sa tournament)
.
1year pa naman bago ang Continent tournament. And add another month for World Tournament.
(heto yung tawag ng World geniuses, kung saan ang age limit at cultivation ay masasabing basehan ng pagiging genius at maaaring mabigyan ng pagkakataong makasali sa Top Tier sects)
.
-----
.
Sa Battle training grounds naman.
.
Sinasanay ni Lucas ang Battle arts/skills na nakapaloob naman sa kanyang cultivation techniques.
(naka depende ito sa insights/ kaalaman mo tungkol sa iyong Cultivation technique).
.
Nakatayo si Lucas at nakaharap sya kay Box.
'---elements gather, my form is the Wind. Wind can flow through everything----this is my will!'.
Bigkas nito sa kanyang isipan.
.
At ka sparring nito si Box na mukhang pareho silang may naiintindihan sa kanilang mga natanggap kay Chris.
'elements gather, my form is thy Earth. Eartg can be as hard as can be smooth, and shall go fort to everything---- this is my will!'.
Bigkas nito sa kanyang isipan.
.
Lumiwanag ang kanilang mga spark at sumanib sa kanilang mga kamay at kung ano-ano pang mga pag-atake.
.
-----
.
Ilang sandali ay tumigil na sila. At ang ground ay nagkaroon ng ilang cracks at mga slight na butas.
.
"woooh. Naiintindihan ko na sawakas. Maaari tayong magtraining na katulad ng GrandMasters or Epic stage kahit hindi pa tayo nasa ganung stage."
Tila satisfied si Lucas. At naka grip ng husto ang kanyang mga kamao.
.
"tama ka brad, at kahit nasa Master:level 4 palang tayo. Advance na tayo sa insights at battle prowess dahil sa cultivation technique na binigay satin ni Bro".
Sabay silang naupo sa meditative posture. At inalala at isinalansan ang kanilang mga insights sa kanilang memorya.
.
-----
.
Si Chris naman ay nag iwan ng liham sa Principal's office.
.
"sir ano naman ang nakalagay sa liham nya? "
Curious na tanong ni Clarise.
.
"----aalis sya at plano nyang mag graduate ng maaga. Sigh"
Sagot naman ni Johnny. Tila nawalan ng lakas.
.
"----at hindi ba sya pasado sa Exam sir? "
Tanong ulit ni Clarise.
.
Tumayo si Johnny at naglakad palapit sa bintana.
.
"nakapasa sya, at sa pamamagitan ng kanyang Physical Cultivation."
Lumingon sya kay Clarise na sakto naman ay naroon na rin si Jenny.
"---yun ang pinaka tagotago nyang sikreto at lakas----- isa syang main GrandMaster: level 5 physical cultivator, habang nasa Master: level 2 Qi cultivation".
.
"Mukhang nakuha na nga nya ang kanyang diploma at nakaalis na tama ba ako sir?, sinubukan mo ba syang pigilan at sumali sa Sect?"
Tanong ni Jenny. Na may hawak na Files na nakalagay sa folder.
.
"hindi na kailangan, dahil nasabi nya sakin ang pangalan ----ng isang taong hindi dapat mabanggit sa labas ng Sect----i'm sure kilala nyo ang binabanggit ko. At sa katunayan may relasyon si Chris sa tinutukoy kong tao. Pero babalik sya para subukan ang National tournament na magaganap next year. ----yun ang plano nya".
Seryosong sagot nito. At napangiti.
"mukhang kahit hindi sya makasali sa card duel, maaari parin syang isali sa team ng St. Cessia."
.
Lumapit si Jenny at inilagay ang files sa table.
"narito na lahat ang mga pangalan ng top students na maaaring maging participants sa National tournament, no need na saatin ang card duels. he he he. Dahil siguradong walang tatalo dito sa eskwelahan ang mga kagaya nina Jane, Vera, Ruby, Gilbert, Jake, Box, Lucas, Lanna, Blana, at ang team captain na siguradong magpapanalo sa team ay si Ahri Von. At ang pagbabalik ni Chris sa araw mismo ng National Tournament".
.
(pekeng apelyido ni Ahri, sa tulong nina Jane at Lanna)
.
"sakto lang ang bilang, walang bababa sa 10 at walang lalampas sa 15 participants---nice one Jenny".
.
-----
.
Si Chris ay nagbyahe patungong timog kanluran, sa isang Bansa na mas likas sa kabundukan at kagubatan.
.
Hindi man alam ni Chris ay may bumubuntot sa kanya sa bawat pagsakay sa mga land transportation.
.
(can't afford mettalic aircrafts)
.
"bro, mukhang plano nyang makipagkita kay Varo. He he he. pagkakataon na natin".
Sabi ng lalaking Alagad ng Great Elder ng Simion clan.
.
"ha ha ha. mukha nga at dito pa sa bansang Bahk!!, tiyak na ako na si Varo ang narito."
Dagdag naman nitong isa. Habang nakagrip sa armas nito.
.
Patuloy ang mga pagtalon at pag-akyat sa mga matataas na bundok si Chris na inabot ng limang araw.
.
'wwoooooaahhh, long time no see, Ancient city of Pinnas! He he he. sana andito si tito ngayun. Oras na para subukin nya ang bago kong lakas'.
Excited naman si Chris. At minsan ay napapalingon ito ng lihim sa kanyang likod.
.
Nakatingin si Chris sa isang Ancient Ruins ng Pinnas city. Na ngayon ay may mga statue na nababalutan na ng makapal na moss at mga lumang gusali o mga templo. na ngayon ay natatakpan narin ng masukal na kagubatan at matatayog na mga kahoy. Ang giant Man statue na may suot na traditional Fighter clothing at nakatingin ito sa kalangitan.
.
Agad na nagmadaling bumaba si Chris sa mataas na bundok at nagtungo duon..
.
.
Dumaan sya sa isang malinis na ilog.
.
.
Hanggang sa makita nya ang isang NipaHut na may usok sa likod nito.
.
"luto ito ni ----- ehh? "
Natigil si Chris ng naramdaman nya ang dalawang dumating na Epic stage auras sa kanyang likod.
.
"salamat at itinuro mo saamin ang pinagtataguan ni Varo. ha ha ha. Lumabas ka na jan hindi kana makakatakas sa amin Varo!!! "
Sigaw ng isa sa dalawa.
.
Yumamot naman sa Ulo si Chris at hindi alam kung tatawa o iiyak.
.
"Chris ikaw ba yan?"
Sabi ng nasa likod ng kubo. Hindi ito boses ni Varo.
.
"Hoy Varo!!, lumabas ka na jan andito kami para patayin ka!!! At isusunod namin ang batang ito!! "
Naglabas ng Giant WarHammer na may Flame details.
.
Ibinato nya ito sa kubo na agad namang ikinawasak ng buong lugar na iyon.
.
Bbbaaaaaammmm!! (burst explosion)
.
Agad namang umiwas si Chris sa mga nagliparang parte ng mga kahoy at mga bato sa paligid.
.
Nabalot ng nagliparang alikabok ang lugar na dating kinatatayuan ng kubo.
.
"tsk. Mukhang tapos na mission natin, si Vera nalang ang natitira".
Sabi ng isa at lumapit ito sa lugar kung saan nya ibinato ang kanyang armas.
.
Wwwuuuuunnnggggg! (heavy)
.
Nanlaki ang mata nya ng biglang bumalik ng kusa sa kanyang katawan ang Giant Hammer nya.
.
Baaaammmm!!! (heavy collision)
.
Pinigilan nya ang kanyang pag-atras mula sa pwersa ng Giant WarHammer na tumutulak parin sa kanya pa-atras.
.
"ayayayayayyyy!, bat idinamay nyo ang munti kong tahanan".
Lumabas ang anyo ng isang lalake sa lugar na pinanggalingan ng Giant Hammer.
.
*Kasing buhok ni JackSparrow, may hitsurang tila nasa edad na 25, pang Muai thai ang pangangatawan, may tangkad na 6'4". May mustache at goatee sa mukha. Dark brown eyes. At may pala-ngiting expression. May tribal tattoo's sa buong likod nito at ilan sa kanyang chest at mga braso. May makapal na eyeliner sa mga mata*
.
"sinu ka at asan si Varo!!!? "
Tanong ng kasama ng isang kalaban. At inilabas ang volcanic Bow nito.
.
Napangiti naman si Chris at tila gusto nitong tumawa ng malakas.
'tsk. Hindi nyo kilala ang taong nasa harapan ninyo. ha ha ha ha. then ready to die knowing'.
.
Lumingon ang Isa sa kasama nito.
.
'bro, humanda ka. Malakas talaga sya---- khak!' (mental message)
Dumura ng dugo ang kasama nyang may hawak na Giant WarHammer.
.
"oooh. ako ba?, sige. Tutal matapang kayong pumarito. Ako si Jose Grande Hernandez".
.
*woah. Astig naman----gaano kaya sya kalakas?. Base narin sa nasabi ni Johnny sure ako may hints na duon. he he he*.
.