Chapter 115: Farewell for now, The coming Tournament to Freedom.
(Special Chapters)
.
.
Nakabalik na sina Chris at Anna sa Shangri-la. Magkahawak kamay na papasok sa Eastern Gate.
.
Agaw pansin ang dalawa, tila kalat na ang balita patungkol sa naganap na labanan sa malayong eastern region, maaari narin dahil sa malalakas na Fluctuations ng Aura at Energies.
.
"mukhang naka Focus na sila sayo"
Lumingon si Chris kay Anna.
.
Ganun namang may Proud look sa anyo ni Anna na hindi maalis-alis.
"ha ha ha. Ayaw mo ba nun. Para malaman nilang may Backer ka na Saint stage. Ho ho ho".
Pabirong tawa ni Anna sabay kindat kay Chris. (Shes so lively and gentle like Autumn season)
.
Dumating naman ang isang babae mula sa malayo kasama nito ang isang lalake at napansin naman ito kaaagad ni Chris.
"mukhang narito na sila".
.
Napatingin naman si Anna sa dakong iyon kung saan nakatingin si Chris.
.
Swoshh!! ---(Air waves)
.
Bumaba mula sa ere sina Marie at buntot naman sa likod nito si JunPyo.
.
"Saan ka nag sususuot huh??!!".
May lamang inis at kakaibang feeling naman si Marie sa sandaling iyon. At napatingin sya sa katabing babae ni Chris.
.
"mamasyal kami buong gabi, magdamag sa labas".
Sabi naman ni Chris with calm smile.
.
(that moves!!, idol nga naman)
.
*woah, mukhang may kakaiba sa maamong ngiti ni Anna. Watch out*.
.
-----
.
Nakangiti si Anna at napalingon kay JunPyo.
"ooh, boyfriend mo? "
Turo ni Anna kay JunPyo.
.
Natahimik ang lahat na nasa paligid dahil sa nangyayari. At alam nilang magandang sandali ito para maging uchusero uchusera.
.
"Fiancé sya ako----at ipapanalo ko ang tournament para sa kanya".
Sabi naman ni JunPyo alam nyanh awkward moment ito kay Marie. At tila nagandahan sya sa taglay ni Anna sa sandaling makita nya ito.
.
"ohh!, then good. He he he".
Humigpit naman ang kapit ni Anna sa kanang braso ni Chris.
.
Nanatiling Calm at serene ang anyo sa mukha ni Chris. Pero alam nyang complicated itong tagpo na ito, lalo pa't nakapaloob parin sya sa SlaveContract kay Marie.
.
"Buweno, kailangan ng sumama saken si Chris pabalik sa Aming-----".
Seryosong sabi ni Marie at itinuro si Chris--pero natigil sya ng makita nya si Anna na napapalibutan ng Cold Fog.
.
Mukhang hindi na mapipigilan ni Anna ang galit nito. Ayaw nyang may umaangkin kay Chris.
.
"Shhhh. pasensya na. He he."
Sabi naman agad ni Chris at niyugyog nya si Anna.
.
Mukhang pinapakalma ni Chris ang lahat lalo na't alam nyang iba kung magalit si Anna pagdating sa kanya.
.
'Bat mo ako pinipigilan?'.
Telepathy ni Anna kay Chris.
.
'he he he. May plano ako, kakailanganin ko sila para sa isang bagay----trust me'.
Telepathy naman ni Chris kay Anna.
.
Sa sandaling iyon nakaramdam ng kaba si JunPyo mula sa Cold fog pero agad ding ito nawala matapos kausapin ni Chris si Anna na tumigil sa balak nito.
.
Nanatiling maamo ang mukha ni Anna pero si Chris lang nakakaalam kung ano ibig sabihin ng kaamuhan nito.
.
(Maamong Anna, means danger----Maingay na Anna means safe----ha ha ha ha)
.
Nakahinga ng maluwang si Chris at ganun din si JunPyo.
.
"susunod na ako may pag-uusapan lang kami ni Anna".
Sabi naman ni Chris kay Marie.
.
"hmmmfp, hihintayin kita sa Clans Gate".
Tumalikod na si Marie at umangat sa ere kasabay ng isang malakas na SonicBoom(Wwwooosshh) ay nawala na ito sa lugar sumunod din si JunPyo at hindi maalis ang tingin nito kay Anna bago ito sumunod kay Marie.
.
"ahm ok Anna. Firstly-----"
Bago pa man makapag salita si Chris ay, isang malakas na Killing intent ang naramdaman nya at lumitaw sa likod ni Anna.
.
"Anna oras na para bumalik ka sa Domain"
Sabi ng Second Sis ni Anna na ngayon ay dumating sa sandaling iyon. Tila bumagal ang oras sa buong paligid nila sa biglaang pagdating nitong Second sis ni Anna.
.
"ahy?!, kailangan ba ngayon na Sis? "
Tila nag mamakaawang dagdagan pa ng oras si Anna na manatili sa tabi ni Chris.
.
"Sigh. Magagalit saken si Ate kung hindi kita masusundo ngayon. He he he".
Sabi naman nito kay Anna.
.
Lumingon si Anna kay Chris na may bigat sa kalooban at ayaw mapalayo ulit kay Chris.
.
"he he he. Sumunod ka na sa Sis mo, magkikita pa naman ulit tayo. Tiyak akong sa araw na iyon nasa Saint stage na ako".
Sabi ni Chris na may Confident sa kanyang salita.
.
Tumango naman si Anna at agad pinunasan ang kanyang luha sa mga mata.
"Promise mo yan, magkikita ulit tayo".
Sabi naman nito at yumakap kay Chris ng mahigpit.
.
'nag mature na din pala si Anna ----sa tagal naming hindi nagkita. Now, i really feel those two soft thingys'.
Feeling innocent naman si Chris at ramdam nya ang dalawang bagay kay Anna. Bago ito kumalas sa pagkakayakap.
.
(ha ha ha ha ha. Paradise ba feeling?)
.
*paradise na paradise ang galing mag pokerface ni Chris*.
.
-----
.
Lumapit na si Anna sa tabi ng Second Sis nya. Humawak ito sa kamay nya.
.
Napalingon sandali ang SecondSis ni Anna kay Chris at sinubukang atakehin ang Mental realm ni Chris.
.
Zzuuurrge!! -----(Nullified)
.
Ngumiti ng konti si Chris bago nawala ng tuluyan sina Anna at SecondSis nito.
.
'Mukhang may nalaman sya-----oh well hayaan ko na ang tadhana kung ano man ang natuklasan nya saken'.
Kalmadong umangat na si Chris sa ere.
.
Bumalik na sa dating takbo ng oras ang buong paligid na iyon.
.
-----
.
Lumitaw na sina Anna at SecondSis nya sa Loob ng Guest Hall ng Palasyo na nasa Southern Frozen domain.
.
Masaya si Anna pero napalingon sya sa kanyang SecondSis. Na tila may pagkagulat sa anyo ng Mukha nito.
.
"SecondSis?, ayos ka lang ba?"
Tanong ni Anna, at naguguluhan sya dahil ngayon nya lang nakitang magulat or may bumabagabag sa anyo ng isa sa mga Ataehin nya.
.
"ahm. wala. ha ha ha. May nakalimutan lang ako pero ----hayaan na. May next time pa naman".
Ngumiti ito at naglakad papasok sa main Hall.
.
Medyo may napansin si Anna sa kakaibang expression ng kanyang SecondSis at tiyak syang nagsisinungaling ito. Pero hahayaan nalang nya kung ano man iyon.
.
Hindi nagtagal ay nasa harapan na ng SecondSis ni Anna ang Eldest sa kanila at nakaupo ito sa Throne.
.
"BigSis, kailangan mong malaman na ang Chris na nakasama ni Anna----ay isang Reincarnated Deity ng Divine Realm".
May tatak na seryoso at kaba sa mukha ng SecondSis na ito.
.
At ganun ding sumeryoso ang tingin ng Eldest na ito.
"Pano mo nasabi yan!?, sa mundong ito?, imposibleng may reincarnated deity----at kung meron man tiyak ipinaalam na saatin ng GreatClan!".
.
"hindi ako nagkakamali BigSis, sinubukan ko ang kanyang Mental Defense----- at hindi manlang ito naapektuhan kahit nasa Saint stage level lang ang ginamit kong Mental Force!".
Pag describe naman nya sa ginawa nya kay Chris.
.
"sigh------sis maaaring may malakas syang Mental Endurance at Defense, masasabing reincarnated sya kung, arogante sya at isa pa ang mga skills na ginagamit nya ay agad mapapansing galing sa Divine realms, lalo na sa taglay nyang Aura ay Intent Force tiyak malabong si Chris ay isang Reincarnated Deity".
Sabi naman ng Eldest Sis na ito.
.
Napaisip ng malalim ang SecondSis at hinayaan nalang nya ito sa ngayon pero, nagdududa na talaga sya sa taglay na Mental Force ni Chris na kayang tapatan ang isang Saint stage Mental Force.
.
(Mental Force: ito ay ability sa mga nakatapos na ng Elemental Laws at nagkaroon ng sapat na insights sa Mortal Stages, na nakapaloob sa isang Cultivation Technique----at tanging Mid Saint Stages lang ang makakabukas sa ability na ito pagdating sa High Mental Capacity at Endurance).
.
*maaari ding may exceptions sa pagka tuklas ng isang Cultivator sa Mental Force, lalo na kapag puno na ng Experience at Advance Knowledge or Wisdom na maituturong Talented or super genius ang Cultivator na ito lalo na sa usapang Elemental Laws. Kadalasan ang mga nakaranas na ng Near deaths experience ang dahilan sa biglaang pagbukas ng Mental Force ng isang cultivator, pero hindi ito kaagad mag aadvance sa lakas na gaya ng isang Saint stage ---unless -----DivineBlessing, or Reincarnated soul*.
.
-----
.
Si Chris ay nasa Gate na ng Zeddo Clan at naroon si Marie naghihintay sa kanyang pagdating. May matalim na titig at poutylips sa mukha nito.
"bat natagalan ka?!".
Agad na tanong nito kay Chris.
.
"ah eh?, bakit masama ba? -----so napag isipan mo na ba kung Tournament or Hunting?".
Walang emosyon na sabi naman ni Chris.
.
"Tournament ng Shangri-la ang salihan mo----tutal Open category lang naman ito. Ang rules ay simple, ang sino mang makatalo ng 100 Same or adjust Stage Cultivators ang mabibigyan ng ranking sa Shangri-la Nobles".
Sabi naman ni Marie.
.
At mukhang napaka simpleng pakinggan. Pero sino ba naman ang mga mapalad na nakarating sa match 100's na nakakuha ng Noble title at Ranking. At sino ba naman ang tatagal sa labanan na streak wins? -----tiyak madami na at mga pinakain ng Pills at resources upang manalo sa board of rankings na ito.
.
"so, ayos na?, eh pano yung Tournament ng Zeddo Clan next 2 months?, sasali pa ba ako duon, bago ako sumali next year sa Shangri-la Open arena tournament kakailanganin ko ng tamang training schedule".
Napaisip ng malalim si Chris at lumingon kay Marie.
.
Dumating naman si JunPyo.
"ganito nalang para walang problema, sasali ka sa Tournament na magaganap sa susunod na 2 buwan, at kapag nakapasok ka sa top 3 tiyak maaalis na ang Slave Contract mo kay Marie".
Sabi naman ni JunPyo na tila naplano nya ito lahat.
.
Nanlaki naman ang ang pagkaka nga-nga ni Marie sa sinabi ni JunPyo para sa kanila ni Chris.
.
Syempre hindi makakapag rason ngayon ng "Hindi" si Marie dahil mahahalatang may gusto sya kay Chris kung nagkataon.
(kaso alam nyang may something na sina Chris at Anna, at tiyak iiyak sya kapag nawala na si Chris sa kanyang paningin)
.
"Then its a deal, so maaari na ba ako mag Train mag-isa habang ikaw na Sir JunPyo ang bahala kay Ms. Marie sa kanyang Training".
Yumuko na may pagka loyal naman si Chris sa dalawang ito na tila nahulog sa patibong ni Chris.
.
Naglakad na palabas ng Gate si Chris. Habang naiwang tulala sina JunPyo at Marie.
.
"i think, may mali sa lahat ng ito".
Napa isip ng malalim si JunPyo. At sa isang snap ng daliri nya ay nalaman din nya ang mali.
"----putek!!, ginamit nya ako bilang susi sa kanyang kalayaan!! -----pero imposibleng makapasok sya sa top 3. ha ha ha. Panalo parin ako kahit papaano".
.
Huminga ng malalim si Marie at tila nakaramdam sya ng kawalan ng lakas sa sandaling iyon. At napa-Facepalm ito dahil sa nasabi ni JunPyo.
"JunPyo, malaking mali ang pagkaka bigay mo kay Chris ng Deal-----dahil parang ibinigay mo sa kanya ang kalayaan nya-----top 3?, sigurado ka ba na hindi sya makakapasok sa pwestong iyon?!".
.
Napa isip ulit si JunPyo at naalala nya ang unang tapatan nila ni Chris ng Suntok. At siguradong hindi mawawala sa isip nya ang sandaling iyon na parang bakal ang kamay ni Chris.
.
"Basta sigurado akong hindi sya mananalo sa deal".
Sabi naman ni JunPyo. Gusto lang nya masubok ang lakas ni Chris kung sakali mang magkaharap sila sa Tournament na ito.
.
-----
.
May Panandaliang Freedom si Chris sa sandaling ito. Kakailanganin nya ang Tournaments na ito para masanay nya ang kanyang kabuoang taglay na lakas.
'i need some Pills, para maibsan ang matinding effect ng VeinBurstingPellets. Kailangan ko ng ColdSpring at dalawang Ice Queen FrozenSaliva'.
.
(talk about rare ingredients)
.
Ice Queen Magical Beasts ay mga nasa Peak Frozen mountainous regions. At may clan sila na nag bebenta ng Ice Queen FrozenSaliva,(Laway) preserved for 20-30 yrs. Mas mahal ang mga inabot na ng thousands of years.
.
(mahal ang laway!!, kaya wag madaldal sa public area baka maamoy kayo ng Laway hunters)
.
*ha ha ha ha. Epic ka bro*.
.
-----
.
Sa isang sandali natahimik si Chris ng makita nya ang dalawang pamilyar na anyo. (its Kim Joon and Young Geok)
.
"oh. Mukhang malaya kang mamasyal ngayon".
Sabi naman ni Kim kay Chris. Mukhang nalaman din nya ang connection ni Chris ay Marie Via information leaks (buy and sell informations)
.
Naka suot sina Kim at Young ng Casual clothing.
.
Kay Kim ay simple beige Long sleeved turtle necked sweater, with matching semi slim Bluish Jeans and furred BrownWinter boots yellowish Bonnet. At si Young naman ay naka darker shaded gray rough unbuttoned leather jacket, green slim shirt, Darker Green scarf, Black jeans and Mat-Black leather boots at Black Cap.
.
"ahem. Hindi ko inakalang kaya nyo din sumabay sa Modern Casual get-ups----".
Sabi naman ni Chris na may konting ngiti sa mukha nito.
.
"well thanks to you, dahil kung hindi ka dumating sa lugar na iyon sa mga sandaling iyon tiyak naubos na ang Divine Crystals sa barrier ng Chamber namin-----sigh. ----- Eh ikaw bat parang nagmumukha kang Endorser ng pabango or Leather Jacket Action star sa ayos mo----artista ka na ba? ----at mukhang nagbago na din ang taglay mong----ahem. You looked refreshed more handsome".
Kindat naman ni Kim kay Chris. At humikbi ng konting tawa naman si Young.
.
"sigh. Change topic tutal mga Alchemist kayo---- maaari mo ba ako bentahan ng dalawang rare ingredients?, isang galon ng ColdSpring at dalawang Jade Bottled IceQueenSaliva".
Sabi ni Chris.
.