webnovel

Deity Of Darkness

PurestBeggarBlood ยท Fantasy
Not enough ratings
125 Chs

Chapter 116: The Only Epic Stage Contestant. (Special Chapters)

Chapter 116: The Only Epic Stage Contestant.

(Special Chapters)

.

.

"ha ha ha. Sure, 50% off nalang, tutal tinulungan mo kaming mabuhay pa ng matagal----at maaari bang malaman kung sa kanino mo ito ipapagawa---i mean, yung pill or some kind?".

Curious naman sina Kim at Young sa maaaring mabanggit ni Chris.

.

Napa hawak naman si Chris sa batok.

"ahm, he he he. Mag eexperiment lang ako. ha ha ha. Magkano ba?".

Agad na tanong ni Chris. Sakaling makuha na nya agad ang dalawang ingredients na ito para maituloy na nya ang kanyang pag-Advance ng level.

.

"ahm ok. 50divine stones total".

Sabi naman agad ni Kim. At inunat ang kamay paharap kay Chris.

.

Agad ding naglabas si Chris ng dalawang pellets na Bloody color.

"maaaring trade in?, naubusan na ako ng Divine stones eh".

.

(ginamit nya nuong mga meditation time nya ang mga Divine stones----apart for Qi Cultivation kasi iyon)

.

*mas sagana kasi ang Divine stones ng Qi Energy at Elemental energy, meron din itong katiting na Heavenly energy*.

.

-----

.

"ahm. Woah!!!, VeinBurstingPellets!!, isa sa mga rare Cultivation pills para sa mga Epic Physical cultivators!!----".

Agad sinikwat ni Kim ang dalawang Pellets na ito sa kamay ni Chris.

.

Sumeryoso ang titig ni Kim kay Chris.

"bigyan mo pa ako ng Sampu bibilhin ko ng 25 Divine stones ang isang piraso".

Mahinang bigkas ni Kim.

.

Natatawa naman si Chris dahil totoong Rare nga ang paggawa sa isang VeinBurstingPellet. Pero masyadong secretive si Kim pagdating sa rare items at ayaw nyang may ibang makaalam tungkol duon.

.

(yah treasured goods must be kept on a secretive transactions----)

.

Matapos ang kanilang palitan/buy and sell transaction ay agad nauna na umalis sina Kim, na may mga alert gaze sa paligid.

(talk about Over acting, akala nila may aagaw sa kanilang precious VeinBurstingPellets pellets na eepekto lang sa GrandMaster to Epic stage Physical Cultivators)

.

Si Chris naman ay masaya sa kanyang nakuhang goods sa pag Market nya sa buong araw na iyon.

.

Ang ilang VeinBurstingPellets nya ay inilagay nya sa Auction Houses. At gumamit sya ng Hidden identity, at ganun ding inibahan nya ang kanyang Mukha Via pagpapahid ng medicine Paste sa kanyang mukha. At ganun din ang kanyang get-up-----epektibo ang lahat ng ito dahil sa Suppressed Qi Aura nya sa katawan gamit ang Bracelets (Restriction/Aura Suppressor)

.

'ha ha ha. Nakahakot ako ng madaming Rare Magical Herbs, at ilang Scrolls at Manuals na makakatulong saken sa Pag-Upgrade sa aking Physical Training'.

Happy Kid si Chris at kasalukuyang nasa harap ng isang (on sale) Residential Area na ngayon ay bibilhin nya sa halagang 100Divine stones.

.

Masasabing malawak ang 2,500sq meters na lupain ng bahay nya. House and lot pa naman.

.

Matapos nyang bayaran ang lupa at nakapangalan na sa kanya ang titulo ng lupang iyon. Agad nyang inilagay ang tablet deed ng bahay sa kanyang StorageRing. At ganun namang walang nakakakilala sa kanya sa District 18, malayo na ito sa Clan nina Marie.

.

Lumipas ang dalawang oras, at 8am na sa sandaling iyon.

.

Nag riring ang phone ni Chris pero hindi nya ito napansin dahil busy na sya sa paggawa ng Pill habang nakaupo sa sahig, gagamitin nya ang Pill na ito bilang pantanggal Risk or Danger effects sa pag lunok nya ulit ng VeinBurstingPellets. (anti-sabog ugat---at anti-internal bleeding) kumbaga balancer.

.

9am, na at nakatayo na si Chris.

Nag riring ang phone ni Chris at napansin nyang si Marie ang tumatawag. Pero ibinaba nya ang phone sa ibabaw ng lamesa sa loob ng kanyang kwarto.

'talk to you later----imma go Take my Medicine Bath while training'.

.

Inilabas nya ang kanyang Sariling BathTub kung saan nakalagay parin ang inscriptions sealing sa ibabaw(takip) nito upang hindi maalis ang medicinal effects.

.

Mainit nanaman ulit ang BathTub matapos lagyan ng heating rune marks ang palibot nito. Ganun ding naghubad na si Chris at nagbabad doon.

.

Sabay lunok ng dalawang VeinBurstingPellets. Ay agad din nyang isinunod ang isang GreenPill na may Lime (Aroma)scent.

.

Hhhoooonnnng!! -----(Energy fluctuations)

.

Patuloy ang pagyanig ng muscles ni Chris sa ibat ibang parte ng katawan nya. Nabawasan sa 20% ang sakit na nararamdaman nya sa ngayon. At hindi narin makikita ang pagbukas ng kanyang kutis at bleeding sa kanyang katawan.

'effective!!---Mukhang aabutin ako ng dalawang buwan bago makapag level 3 sa Epic stage. Ha ha ha. I'm so Genius!'.

.

*now playing ๐ŸŽค๐ŸŽถ๐ŸŽต๐ŸŽถ๐ŸŽถ:

>What's up - 4 non Blondes*

.

Nagawa pang mag meditate si Chris sa sandaling iyon at pumasok ang kanyang diwa sa loob ng kanyang Sea of Consciousness.

.

Naglutangan sa kanyang palibot ang hindi mabilang na mga Inscription writings na may magkakaibang kulay at may mga Runic symbols.

'aigoo-----Dread, magsalita ka kung buhay ka pa'.

.

Sigaw naman ni Chris sa loob na iyon ng kanyang Sea of Consciousness.

.

'wag kang maingay, sarap ng tulog ko eh----ano nanaman kailangan mo?! '

Ngayon lang ulit lumabas si Dread sa isang punit na butas sa Sea of consciousness ni Chris. At galing ito sa darkest place sa sea of consciousness.

.

Walang ipinagbago typically Radical at unpredictably Numb or Smiling expression ni Dread.

.

Lumapit si Dread sa kina-uupuan ng Soul Projection ni Chris sa gitna at loob ng sea of consciousness.

.

'sabihin mo nga saken, kailan ko mabubuksan ang ilang bahagi sa ala-ala mo nung nakaraang buhay mo?'.

Curious si Chris at gusto nya ng malaman ang natitirang percent sa ala-ala ni Dread.

.

Humikab si Dread na parang hindi importante ang bagay na iyon.

'kapag namatay ka na----ha ha ha ha. Buweno nasabi ko na kaya matutulog ulit ako, wag kang epal'.

Tumalikod ulit si Dread at naglakad palapit sa butas na iyon.

.

Bang!! ------(Heavy Hit)

.

Napa-sangga si Dread sa suntok ni Chris.

'he he he. Hows that?!'.

Mukhang sinusubok na ni Chris ang taglay nyang Mental Force kay Dread.

.

'tsk----Basic, ha ha ha-----'.

May malaking evil grin at Isang pitik naman ni Dread sa kamao ni Chris, ay agad nabura ang buong kamao nito na kagaya ng Usok.

.

Agad namang umatras si Chris para ibalik ang projection ng kanyang kanang kamao sa buong ayos nito.

'mukhang malaki pa ang agwat namin, tsk!! '.

.

Sumara na ang butas na naghihiwalay sa Dark area ng sea of consciousness ni Chris.

.

Nagpatuloy nalang si Chris na pag-aralan ang ilang mga Historical inscriptions at Advance inscriptions sa loob ng sea of consciousness nya.

.

(mukhang nag re-review si Chris, pero napakarami naman nyang babasahin, at excited pa sya sa pag-aaral ng ilan sa mga iniwang Memories ni Dread para sa kanya)

.

-----

.

Si Marie ay nainis na at hindi narin nya mahanap ang aura ni Chris sa ilang District.

'sya lang naman ang Epic stage cultivator sa 250+ listers ng Tournament ni papa!'.

.

Nakaramdam ng pag-aalala si Marie dahil may Peak Ancestor stages sa Lists na lalaban para sa kamay ni Marie (kasal).

At karagdagang rewards tulad ng Ancestor grade artifacts. At Assassin skills na nasa Mid Grade Mortal.

.

Lumipas ang mga araw at gabi na nagpatuloy si Marie sa pagsasanay sa ilalim ng Pagtuturo ni JunPyo. Sword skills at Combined Attacks at dodging skills.

.

Samantalang si Chris ay nagpatuloy sa pagkakababad at paglunok ng mga pills sa mga lumipas na mga araw. Isang buwan na lumipas ay hindi parin tumigil sa routine ni Chris. At unti unting nalalapit ang araw ng Zeddo tournament na bukas sa lahat ng Cultivators.

.

Ganun ding nagdatingan na ang mga ibat ibang mga bisita sa Zeddo clan para sa nalalapit na Tournament. At may kanya kanyang kwarto at areas ang mga guests na tila nanggaling pa sa ibat ibang lugar sa labas ng Shangri-la.

.

250+ participants na gustong makuha si Marie bilang Asawa. Karamihan ay mga Assassin Clans din sa matataas na ranks or Nobles at may ilang mga classes na gusto ding ipakita ang taglay na kakayahan nila sa tournament na ito.

.

Lumipas pa ang mga araw at dumating na ang pinakahihintay na sandali ang first day ng Matches sa tournament.

.

Nasa upper seats na sina Long kasama ang mga Elders at ang Ina nya na may Veil sa mukha nito.

.

Huling dumating sa upper seats si Marie suot ang purple dress at may Redlipstick ganun ding suot ang purple shoes nito.

.

'wala parin si Chris-----asan na ba sya!?'.

Hindi nya mahanap si Chris sa magkabilang panig ng mga Contestants.

.

(Dragon gate versus Tiger gate)

.

Na-Anounce na lahat ng mga First day matches. Eliminations ang mga mananalo sa araw na ito ay may maiiwang 129 contestants na mababawasan ulit sa susunod na linggo hanggang sa ang maiwang bilang nalang ay 20 contestants. At ganun din sa susunod na part hanggang sa Final battle kung saan 2 contestants nalang ang matitira para maglaban sa rewards at maaaring mabigyan ng pag-asa para pakasalan si Marie.

.

(ive done the Math, and i'm sucks at Math. Sorry boss)

.

*ha ha ha. Ok lang yan bro. Mahina din ako sa Math*.

.

-----

.

Nahuling natawag si Chris sa list. At nabanggit din ang Cultivation Stage nito na nasa Epic stage lang. Na halos pagtawanan ng lahat sa Arena.

.

'pffft----epic stage ha ha ha. Nangarap ng imposible ha ha ha'.

.

'mukhang madami ng batang masyadong malaki ang ulo sa mga araw na ito ha ha ha ha.'

.

'may future ang batang sasali ha ha ha. Future sa hukay ha ha ha'

.

Madaming negative reactions at ginawang trending joke si Chris sa sandaling iyon.

.

At sakto naman na unang nabanggit na pupunta sa platform ----

"ok Mula sa Tiger gate-----Chris Hernandez!! ".

Sigaw ng anouncer.

.

Napansin nilang walang lumabas sa Tiger gate, kaya minabuting banggitin nalang ng anouncer ang makakaharap ni Chris.

"mukhang late si Chris, mga kaibigan-----mula naman sa Dragon Gate, Agnas Bananas!!!".

.

Madami nag cheer sa paglitaw ng anyo sa kabilang dako ng platform.

(may lawak na 2km radius ang Duel platform)

.

Isang lalake na may tangkad na 6'2" at may tigasing pangangatawan at kasing mukha lang ni Edward cullen. Nakasuot ng Assassin class Battle outfit.

(woah astig si Agnas!!!)

.

Swoooosshh!!! -----(air waves)

.

Lumabas mula sa tiger gate si Chris at suot nito ang Extreme Class outfit na may Hood at ang kanyang trademark Black Metallic mask.

"wooooh. Umabot pa ako! ".

.