webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · วัยรุ่น
Not enough ratings
71 Chs

Dead 31 (Part 1)

Aira POV

"Oh paano tayo makakapasok nito? Wala kaming susi!" Saad ni Mia.

Hindi ko na alam kung saan napunta ang susi. Sa dinami daming nangyari saamin hindi na ako nagtaka kung pati susi ko nawala. Kinuha ko ang baril ko at binaril ang doorknob. Kaya tuluyang bumukas ang pinto.

"Hay naku, baril lang pala ang katapat nito tsk." Narinig kong sabi ni Abe.

Tuluyan na kaming pumasok sa bahay. Nagulat nalang ako ng magulo ang buong bahay.

"Hala Aira, anong nangyari?!" Tanong ni Mia.

"I think someone entered your house." Sabi ni Kyler habang naroon ang paningin sa basag na bintana.

"Baka magnanakaw." Sabi naman ni Christine.

Patakbo akong umakyat sa hagdanan upang puntahan ang kwarto ko.

"Aira sandali!" Narinig kong pagtawag ni Mia at sumunod saakin.

Katulad kanina, binaril ko rin ang doorknob kaya tuluyan na akong pumasok sa kwarto.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nasa ayos parin ang kwarto ko bago ko ito iwanan.

"Mia, asan ko yun inilagay?" Pagtatanong ko.

"Nasa ilalim ng drawer." Sabi nito at pumunta sa may drawer at binuksan ang huling baitang, nakita ko naman ang isang itim na notebook.

Kinuha ko ito at pinunasan gamit ang kamay ko dahil maraming alikabok.

Umupo ako sa higaan ko at binuklat ang libro. Naramdaman kong tumabi rin saakin si Mia.

█ Sa minamahal kong apo,

█ Kung binabasa mo ito, sigurado

█akong may nangyayaring masama

█sa mundo. Patawad apo kung

█dinamay ko pa kayo sa kagagawan

█ko, gusto ko lang naman na

█buhayin ang lola mo, ngunit hindi

█ko inaasahan na mag tatraydor si

█Alfonso. Ginawa namin ni Alfredo

█ang lahat upang pigilan siya

█ngunit hindi namin nagawa.

█Batid namin na papatayin kami ni

█Alfonso kung kaya't, gumawa

█kami ng sekretong plano upang

█mapabagsak siya. Kinuha namin

█ang ala ala niyong dalawa, upang

█hindi niya malaman kung ano ang

█konesksiyon ninyong dalawa ni

█Mia kung kaya't ito na ang oras

█para malaman ninyong dalawa.

█Naalala mo pa ba ang silid na

█ipinagbabawalang pumasok ang

█sino man? Buksan mo ang volt sa

█gilid ng kama, nandoon nakalagay

█ang syrum upang tuluyan na

█kayong makaalala. Nasa likod ng

█kwaderno na ito ang susi ng silid.

█. Tandaan mo apo, mahal na

█mahal kita, pakaingatan mo ang

█sarili mo apo at alam kong kayo

█ang tatapos sa gulo ni Alfonso.

█ Nagmamahal,

█ Ang iyong Lolo.

Pinunasan ko ang luhang tumutulo galing sa mga mata ko. Tumayo ako sa pagkakaupo. Kinuha ko ang susi sa notebook.

"Tara Mia." Yaya ko kay Mia at tumungo na palabas ng silid.

Pinuntahan namin ang silid na sinasabi ni lolo at ngayon ay nakatayo na kami sa mismong harap ng Pinto.

Ngunit napatigil ako sa paglalakad.

"Anong problema?" Tanong ni Mia.

"There's something not right here."

"Hay naku, napaparanoid ka nanaman eh, buksan mo na yung pinto."

Nanginginig ko itong binuksan, dahil sa ilang taon kong nakatira sa bahay na ito hindi pa ako tuluyang nakapasok dito.

Narinig ko ang pag click ng pinto senyales sa pagka bukas nito.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob.

Tumambad saamin ang malinis na silid. Purong pinturang puti ang dingding at isang kama.

Lumapit kami sa kama at hinanap ang volt. Madali lang naman namin itong nakita. Ngunit nanghihingi ng passcode.

"Takte, Mia nanghihingi ng passcode."

"Ha?! Eh wala bang nakasulat sa notebook?" Tanong niya. Kaya hinalungkat ko ang buong notebook at may nakita akong maliit na salitang pinaghalo ang letra at ang numero.

Iyon ang nilagay kong passcode, maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagbukas.

"Mia, bumukas na." Mahinang saad ko.

"Kita ko nga." Pamimilosopo niya kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.

Kinuha ko ang metal box na naroon sa loob.

Agad ko iyong binuksan at tumambad saakin ang dalawang Injection?

"Hey." Narinig naman aki ng pagtawag sa may Pinto.

"Tita chelle, bakit?"

"Wala naman, Just checking the both of you baka kung ano na ang nangyari." Sabi nito at lumapit saamin.

"Okay lang ba kayo sa baba?" Tanong ko.

"Yeah, nagpapahinga na sila doon." Sabi nito at ngumiti ng pilit.

"Okay ka lang tita chelle?" Tanong ni Mia.

"Yeah, basta whatever happens you should trust me okay?"

"Pinagkakatiwalaan ka na namin tita chelle mula sa umpisa." Sabi ko.

Ngumiti naman ito.

"Thank you for trusting me

Oh sige, iwan ko muna kayo dito at baba na muna ako." Sabi nito at tuluyan na siyang lumabas

Bunaling naman ako sa injection.

Injection na may kulay berdeng liquid sa loob.

"Ano 'to, i-inject ba natin ito sa atin?"

Tanong ni Mia.

"Parang ganun na nga."

Kinuha ko ang ang isang injection ganun din si Mia.

"Ano Aira sabay tayo?"

"Ge"

Tinanggal namin ang takip at unti unti nami itong tinutusok sa braso namin, napapikit ako hindi dahil sa sakit kundi sa paghihintay kung ano ang mangyayari saamin.

Ngunit sa ilang minutong paghihintay, wala paring nangyari.

"Oh Ano Aira? May naramdaman ka ba?"

"Bakit ganun? Parang walang nangyari?" Sabi ko.

"Tama ba ang nalalaman mo Mi?" Dagdag na sabi ko.

"Aba oo naman no!"

Bahagya kaming nagulat dahil sa aming narinig na kalabog sa baba.

"What's that?" Tanong ko.

"Tara, tingnan natin." Yaya ni Mia.

Napatingin kami sa baba.

"Hala air ba't may usok nagluto ba sila?" Takang tanong ni Mia.

Nang makalapit na kami sa hagdanan, napatigil ako.

Napatingin ako sa isang sulok ng bahay.

Yung cctv...

Baket gumagana parin?

"Mia, diba wala nang power ang buong lugar?"

"Ha? Tinatanong pa ba 'yan? Malamang wala." Sabi nito.

"Pasimple mong tingnan ang cctv. Gumagana parin ang kanyang red dot." Bulong ko.

Pasimple naman niya itong tiningnan at tumingin saakin.

"I think someone's watching us." Sabi ko.

Nabigla uli kami sa mga kalabog.

Dali-dali kaming bumaba ng hagdan ng may mahagip ang mata ko.

Pakshet!

"Mia! Hindi 'yun usok galing sa kusina! It's a teargas!!!"

Kinuha ko ang baril na nakasukbit sa hita ko.

"Asan sila?! Histerikal na tanong nito.

Hinalughog namin ang buong bahay at napadpad kami sa likod ng bahay.

Kung saan nadatnan naming naka gapos ang mga kaibigan namin.

Napamura nalang ako.

Lalapit na sana ako kaso.....

"Sige lumapit ka at pasasabugin ko ang ulo ng kaibigan mo."

Pumihit ako pata likod at tinutok ang baril ko kay Marcus na sakal sakal si Mia at nakatutok ang baril nito sa kanyang sentido.

Nanlilisik kong tiningnan siya habang nakatutok ang baril ko sa kanya.

Bigla nalang akong nakaramdam ng malamig na bagay na nakadampi sa sentido ko.

"Put your gun down."

Tila na estatwa ako sa narinig ko.

That voice...

Dahan-dahan akong pumihit kung nasaan ang taong pinanggalingan ng boses. At sa pagpihit ko hindi ko inaasahan ang taong bumungad saakin.

"Ba-bakit?" Tanong ko sa kanya. Tanong ko sa taong pinagkakatiwalaan ko, sa taong malapit saakin.

Sa taong, kailanman ay hindi ako iiwan.

Ba-bakit mo nagawa 'to...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Tita chelle?