Aira POV
"Ba-bakit tita chelle?" Tanong ko.
"Bakit?!" Sigaw ko habang unti-unting nanghihina ang tuhod ko at napasalampak sa damuhan.
"Pinagkatiwalaan ka namin tita chelle!" Sigaw ni Mia.
"Tita chelle, a-akala ko kakampi ka namin?"
"Nagulat ka ba Aira? Hahahahaha. Well I guess it's a surprise?"
Hindi ko na kailangan pang tingnan ang isa pang salita dahil boses palang...
Nagsasama sama lahat ng traydor!
"Lea, alam mo na ang gagawin mo."
Napatayo nalang akong bigla ng lagyan nila ng bomba ang mga kasama ko.
"Anong gagawin niyo?!!!"
"Simple lang, papatayin namin ang mga kaibigan mo." Sabi nito at sinama si Mia sa iba.
"Ano bang kailangan niyo saamin?! Ha?! Saakin?! Ibibigay ko! Huwag niyo lang galawin ang mga kaibigan ko!" Sigaw ko.
"Ikaw kapalit ng buhay ng mga kaibigan mo." Sabi ni Marcus.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko.
Tiningnan nila ako na para bang nagmamakaawa na huwag akong sumama.
Hindi na ako nagdalawang isip pa.
Buo na ang desisyon ko. Kapalit lang ng buhay ng mga kaibigan ko.
"Sasama ako, basta't pabayaan niyo lang ang mga kaibigan ko."
"Nahihibang ka na ba?!" Biglang singhal ni Mia. Siya lang ang walang busal ang bibig ngunit nakita kong nagpupumiglas ang iba.
Tiningnan ko sila at malungkot na ngumiti bumaling naman ako sa kausap ko.
"Paano ako, makakasigurong tutupad kayo sa usapan?" Seryosong tanong ko.
Sinenyasan naman niya ang iba niyang kasama at tinanggal ang bombang nakakabit sa kanila.
Kinuha nila ang busal sa bibig ng mga kaibigan ko.
"Aira! Huwag kang papayag pleaseee!!!"
"Aira naman eh!!"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko.
Tiningnan ko si Mia.
Ngunit walang emosyon ang nakabakas sa mukha niya.
Nakatingin saakin si Kyler na tila nakikiusap na huwag akong sumama. Iniwas ko nalang ang paningin ko.
Napabuntong hininga ako.
Nakaramdam nalang ako ng pagposas sa dalawa kong kamay.
Bakas sa mukha nila ang pagmamakaawa kaya dahan-dahan akong tumalikod.
May marahas na kamay ang humila saakin, wala na akong magawa kundi ang sumunod nalang.
Guys, I'm sorry.
Tanging nasambit ko sa aking isipan bago ako tuluyang pinasok sa sasakyan.
Tahimik ang buong biyahe tanging tunog lang ng sasakyan ang maririnig.
Nakatungo lang ako ng biglang may umangat sa ulo ko't piniringan ang mata ko.
Hindi na ako nagawang mag pumiglas, tanggap ko na ang kahahantungan ko. Ni wala pa akong maalala sa nakaraan ko.
Napa ngiti ako ng mapait.
Naramdaman kong huminto na ang sasakyan at ang marahas na paghila saakin, muntik pa nga akong masubsob kung hindi lang ako hawak hawak ng taong 'to.
Maya maya pa ay nakarinig ako ng pagbukas ng isang pinto at base sa tunog nito, ito ay isang automatic sliding door.
Maraming nag-iingayang mga tunog, mga tunog ng sapatos, mga taong nag-uusap at kung ano ano pang mga high technology.
Tumuloy na kami sa paglalakad. Bigla kaming huminto at pinapihit ako patalikod.
Ano ba 'to! Nahihilo na ako ah.
Naramdaman ko nalang na nasa isang elevator pala kami.
*ting*
Tumunog na ang elevator and again, kinaladkad nanaman ako.
-____-
Huminto kami at pinakawalan ako sa pagkaposas at bigla akong itinulak.
"Arrgghhh!" Daing ko ng sumalampak ako sa sahig at nauntog sa pader.
Agad ko namang tinanggal ang piring ko at sakto namang sumarado ang pinto.
Nasa isang silid ako, puro puti lang ang nakikita ko. Walang kahit na ano. Katulad din ito sa lugar na pinagdalhan saakin.
Tanging ako lang ang narito sa loob at isang cctv camera.
Aish! Ba't may camera dito? Arrgghh!
Feeling ko bawat galaw ko binabantayan nila! Grrrr.
Wala akong magawa kundi ang umupo sa tabi at magmukmok.
Naalala ko nanaman ang nangyari kanina.
Napapikit ako ng mariin sa mga nangyari kanina.
"Arrghhhh! Bakit wala akong maalala!" Sabi ko habang hinahampas ang ulo ko.
Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang tumulo ang luha ko.
Hunugot ako ng malalim na hininga at napatingala.
H-hindi ako makapaniwalang pati si tita chelle...
Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla itong sumikip.
"Ah!" Daing ko.
Shit! Ang sakit
Mas lalo pa itong sumasakit!
Hindi ko na napigiling mapasigaw at mamilipit sa sakit.
"A-ack!"
H-hindi a-ako ma-kahinga.
✖✖✖
Bigla nalang akong nagising at napa hawak ako sa dibdib ko habang sumasagap ng hangin.
Mabilis ang naging paghinga ko.
Nang bumalik na sa normal ang paghinga ko, ngayon ko lang napagtanto na nasa kama ako, may aparato sa ilong ko at may nakatusok ng kung ano-ano sa katawan ko.
Anong nangyare?!
Atsaka, ba't naka hospital gown ako?!
The hell?!
"Gising ka na pala." Tanong ng bagong dating na nurse?!
Nasa hospital ba ako?!
Ngunit nag-iba ang aking pananaw ng makita kong nandoon sina Marcus sa labas at nakasilip sa malaking salamin.
Therefore I conclude na nasa laboratory ako and base sa tatak ng uniporme ng babaeng 'to na may itim na bituin na nakaukit sa kanyang damit.
Nasa Star Labs ako.
"Muntik ka nang mawalan ng hininga kanina."Napatingin ako sa kanya ng bigla itong nagsalita.
Hindi ako umimik pa at tiningnan lang siya habang may kung anong ginagawa sa monitor na nasa tabi ko.
"May nararamdaman ka pa ba?" Tanong nito.
Umiling lang ako.
"Okay na ba paghinga mo?"
"O-opo." Mahinang tugon ko sa kanya.
"Here, drink this." Sabi nito sabay abot ng isang basong tubig.
Matapos kung ubusin 'yon nilapag ko ito sa lamesang nasa tabi ng kama ko.
Hindi na ulit umimik ang nurse at umalis na.
Bumalik na ako sa pagkakahiga ko.
Napabuntong hininga nalang uli ako.
Sana makuha ni Mia ang gusto kong mangyari.
Dahil gusto ko silang maligtas upang magpatuloy, kung magpupumiglas ako sigurado akong papatayin nila kaming lahat.
Pero sana, tama ang naging desisyon ko.
Sana okay lang sina Mia at sana nasa maayos silang kalagayan ngayon
Naalala ko si tita chelle.
Naalala ko ang huling sinabi niya saamin bago mangyari ang mga ito.
"....basta whatever happens you should trust me okay?"
"....basta whatever happens you should trust me okay?"
"....basta whatever happens you should trust me okay?"
Pero hindi ko alam kung papaniwalaan pa kita...
Pasensiya na tita chelle pero nagdududa parin ako sa'yo but I hope you should do the right thing.