"I am surprised! I am glad that your fiancé allowed you to visit me considering that you've been avoiding me like a plague these past few days," maasidong salubong ni Denzel kay Atasha nang puntahan niya ito sa opisina nito.
"You are the new town mayor. I hope you won't mind if I pay a visit. And besides, I still consider you as my friend."
"But you don't usually visit me," sabi nito matapos utusan ang sekretarya na ikuha ito ng kape. "At tiyak na magagalit ang boyfriend mo kapag nalaman niya na nandito ka sa opisina ko."
"Kurt won't mind. Malaki ang tiwala niya sa akin," kampante niyang sabi. Alam ni Kurt na hindi niya ito ipagpapalit lalo na kay Denzel.
"What is the purpose of your visit?"
"This is both a friendly visit and business. Not totally business. Bilang anak ng dating mayor at ikaw bilang bagong mayor, gusto kong humingi ng tulong sa pagkamatay ng daddy ko."
"The police are doing their job. Nahihirapan nga lang silang humanap ng suspect. Ganoon naman talaga ang mga kaso, hindi ba?" anitong parang walang anuman ang kaso tungkol sa daddy niya.
"Bilang bagong mayor, naniniwala ako na mas mapapadaling ang pag-solve sa kaso kung ikaw mismo ang tututok."
"Bakit sa akin ka humihingi ng tulong? Anong ginagawa ng boyfriend mo? He is running for Congress. He surely has some connections which could help me."
"Yes. Pero iba pa rin kung hihingin ko ang tulong mo. Inaasahan ko na mas matututukan mo ang kaso dahil kasama ka ni Daddy nang mabaril siya."
Saglit itong napapatda sa sinabi niya. "Oo, kasama nga niya ako. Pero kahit ako hindi ko na makilala ang mga bumaril sa akin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kaya hindi ganoon kadaling I-solve ang kaso."
"Wala ka bang makukuhang lead? Pare-pareho lang kayo ng kalaban ni Daddy. Bilang bagong mayor, tiyak na makaka-engkwentro mo rin sila. Mabuti nang ayusin mo na ang problema bago pa sila may bagong mabiktima. Bigyan mo ng katarungan ang ginawa nila sa inyo ni Daddy. Ngayon ka dapat maging matapang."
"Susubukan kong tulungan ka," pangako nito. "Nangako ako sa puntod ng Daddy mo na pipilitin kong ayusin ang kaso niya."
Gumaan ang pakiramdam niya. Akala kasi niya ay tatanggihan siya nito dahil sa hindi nila pagkakasundo. "Inaasahan ko iyan." Kinamayan niya ito. "Congrats, Denzel! Sana maging magkaibigan pa rin tayong dalawa."
"Kinalimutan ko na ang nangyari dati. Kaya sana kalimutan mo na rin." Nangingiti nitong kinamot ang ulo. Bumalik na naman ang Denzel na dati niyang kaibigan. "Nahihiya nga ako sa iyo."
Tinapik niya ito sa balikat. She was glad that he was finally over her. "Bagay kayong dalawa ni Ruth. Kung minsan, lumabas naman tayong apat."
"Kasama si Kurt?" bulalas nito.
"Hindi ka naman siguro galit sa kanya? And Kurt is a nice guy. Sa tingin ko magkakasundo kayong dalawa lalo na't politics ang pag-uusapan."
Natutuwa si Atasha dahil maayos nang muli ang relasyon nilang magkaibigan. Bukod pa sa dumadami ang kakampi niya para lutasin ang pagkamatay ng Daddy niya. Kaunting panahon na lang ang dapat niyang hintayin.
"ATASHA, nagpunta ka daw sa opisina ni Denzel kaninang hapon," sabi ni Kurt habang nagdi-dinner sila sa resort nito.
"Oo. Dinalaw ko siya kanina," aniya at ipinagpatuloy ang pagkain. "Huwag mong sabihin na pinasusundan mo na naman ako sa mga tauhan mo? Napag-usapan nating dalawa na ayoko nang may asungot."
"Hindi ko na kailangan ng bodyguards para sundan ka. Maraming nakakita sa iyo nang pumasok ka sa opisina niya."
Pinagmasdan niyang mabuti ang walang ekspresyon nitong mukha. "Huwag mong sabihing nagseselos ka kay Denzel?"
"May dapat ba akong pagselosan?" ganting tanong nito.
"Wala. I went to him as a friend. I congratulated him for being the new city mayor. Humingi na rin ako ng tulong sa kanya para sa pagkamatay ni Daddy. Sa palagay ko may maitutulong siya dahil kasama siya sa mga casualties nang ma-ambush si Daddy noon."
"Sana sinabi mo sa akin na pupunta ka para nasamahan kita."
"Dalawa tayong hihingi ng tulong sa kanya?" natatawa niyang sabi. "Hindi ko ma-imagine na gagawin mo iyon."
"No. Gusto ko lang bantayan ang mga kilos niya. Dahil baka may gawin na naman siyang hindi maganda sa iyo. Katulad nang kung paano niya I-assume dati na siya ang pinili mo at ayaw mo na sa akin."
Pinisil niya ang kamay nito. "Lumabas din ang totoo. Nagseselos ka nga."
Napabuntong-hininga ito. "Hindi mo maiaalis sa akin na mag-alala. Isa pa, delikado na para sa iyo na basta-basta makialam sa kaso ng Daddy mo. Hindi ba napag-usapan na natin itong dalawa? Kung may gagawa ng plano, ako ang bahala sa lahat. Pwede namang ako mismo ang makipag-coordinate kay Denzel."
"Kurt, don't make a big deal about it. Hiningi ko lang ang tulong ni Denzel. Hindi ako hands on sa kaso. At wala akong nakikitang masama kung ako man mismo ang lumapit sa kanya. Ako ang inulila ng mga sindikatong iyon," gigil niyang sabi. "And asking for someone's help is the best I can do."
Ginagap nito ang kamay niya. "But we have to be more cautious. Hindi natin alam kung sino ang totoong kalaban ng Daddy mo. We don't know, baka nasa paligid lang pala siya at humahanap ng pagkakataon para patuloy na makalamang."
"Sa tingin ko hindi nila magagawa iyon. You are here to protect me," aniya at hinalikan ito sa pisngi. "And I promise to be more careful."
"I don't want to lose you, Atasha."
She roped her arms around him and kissed him fervently. Para lang tiyakin niya dito na hindi siya mawawala. She could feel his fears. Ganoon din ang takor na nararamdaman niya. Gusto rin niya ng assurance na hindi ito mawawala sa kanya gaya ng pagkawala ng daddy niya. Baka tulad ng mama niya ay hindi niya makaya.
"Ipangako mo sa akin na hindi ka na lalapit kahit Denzel kahit kailan."
Her mind said no but her lips said yes. Hindi na mahalaga kung ano pa ang sagot niya. All she could feel at the moment was Kurt and his kisses.
ILANG oras nang nakatunganga si Atasha sa kuwarto niya habang hawak ang cellphone at sa tabi naman ang telepono. Kanina pa niya hinihintay ang tawag ni Kurt sa kanya. Sa ganoong ayos siya naabutan ni Bettina.
"Atasha, gusto mo bang manood ng sine?" yaya nito sa kanya. "Medyo boring akong kasama di tulad ng Ate Kim mo. Pero pwede kong intindihin ang mga weird na palabas sa sinehan ngayon." Puro classic kasi ang gusto nitong pelikula.
Lumuwas sila sa Manila para I-follow up ang details ng kasal nila. Isang lingo sila doon. Kaninang umaga ay nakipagkita na siya sa wedding coordinator. Sinabi ng assistant ni Kurt na may meeting ito kaya hindi niya ito pinuntahan sa opisina.
"Hindi po muna, Tita. Hinihintay ko pa po ang tawag ni Kurt. Baka may iba po siyang plano." Lagi niyang hinihintay na tumawag sa kanya si Kurt. Ayaw niyang abalahin ito sa trabaho.
"Yayain mo na rin siyang manood ng sine kapag tumawag siya. Para makumbinsi ko rin ang Tito Horacio mo. Para ring si Kurt iyon. Busy sa trabaho. Ni hindi na kami nakapag-date mula nang umuwi kami dito sa Pilipinas."
Paglabas ni Bettina sa kuwarto niya ay nag-ring ang cellophone niya. Dali-dali niya iyong sinagot. "Hello, Kurt," excited niyang sagot. She didn't even bother to check the caller.
"Ash, Ruth here! Kailan pa ako naging si Kurt?"
"Ruth?" aniyang hindi maitago ang dismaya sa boses.
"Sus! Na-miss mo siguro si Kurt, no?" tudyo nito sa kanya.
"Bakit ka napatawag?" sa halip ay sabi niya. Lalo lang niya itong nami-miss dahil hindi sila magkausap man lang.
"Nangungumusta. Nami-miss ko nang makipag-kwentuhan sa iyo. Kung bakit kasi hindi ka niya isinama dito sa Davao."
"Nandiyan siya?" bulalas niya at tumayo sa sobrang pagkabigla.
"Dito mismo sa bahay. Sabi nga niya tawagan kita dahil baka naho-homesick ka daw sa Manila." Mahina itong tumawa. "Seryosong-seryoso nga siya nang dumating. Dumiretso agad siya sa library. Tapos nagdatingan din pati ibang matataas na may officials. Kanina pa sila nagkukulong sa library."
"Importante nga siguro ang pinag-uusapan nila kaya hindi siya nakatawag sa akin," malungkot niyang usal.
"Tatawag din iyon kapag tapos na silang mag-meeting. Ako pa mismo ang mangungulit sa kanya na tawagan ka."
Pero lumipas na ang isang oras ay wala pa rin siyang natatanggap na tawag mula kay Kurt. Hindi na siya nakatiis at siya na mismo ang tumawag dito.
"Hello, Kurt! Are you busy?" tanong niya.
"Very busy," may kahinaan nitong sabi. "I am the middle of an important meeting right now."
"Where are you?"
Mahabang sandali itong hindi nagsalita. Parang pinag-iisipan pa kung aamin sa kanya o hindi. "At the governor's house ni Davao."
"Bakit di mo sinabi sa akin na pupunta ka?" mataas ang boses niyang tanong. "Ni hindi mo man lang ako isinama."
"Biglaan ito, Atasha. Kaninang umaga lang ako na-inform."
"You should have told me. Akala ko kanina nasa opisina ka lang. Kung pumunta pala ako doon, magmumukha lang akong tanga dahil nasa kabilang dulo ka na pala ng Pilipinas."
"I'm sorry," hingi nito ng paumanhin. "Sasabihin ko rin sa iyo. Masyado lang busy ngayon kaya hindi kita natawagan agad."
"Babalik ka ba bukas?"
"Not yet. Marami pa akong aasikasuhin dito."
"Susunod ako sa iyo," mariin niyang sabi.
"No, Atasha! You should stay there."
Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit ayaw mo akong sumunod diyan? Are you hiding something?"
"Nothing," mabilis nitong tanggi. "May appointment ka pa sa couturier tomorrow para sa fitting ng gown mo. You shouldn't miss it. Importante iyon."
"And you are going to miss it."
"Okay lang. Mas gusto kong makita mong suot ang gown sa mismong kasal natin. After the meeting, I will call you right away."
"I miss you, Kurt," malambing niyang sabi dito. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit mababaliw siya nang malamang umalis ito nang hindi siya kasama.
"I miss you, too. Pagbalik ko, magde-date tayong dalawa."
It was enough to cheer her up. Nagtatakbo agad siya sa kuwarto ni Bettina. "Tita, dress up! We'll watch a movie!"
HINDI masyadong nag-enjoy si Atasha sa pinanood na pelikula kahit pa si Jim Carey ang bida. Tumawa lang siya nang tumawa pero hanggang doon lang iyon. Maya't maya kasi ay nakikiramdam siya kung tatawag si Kurt. Nang tawagan niya ito sa cellphone ay naka-off iyon.
"Señorita, may tawag daw po kayo sa phone. Denzel daw po," anang maid na sumalubong sa kanila pag-uwi niya kasama sina Bettina at Horacio.
"Sa kuwarto ko na sasagutin." Nadismaya siya dahil si Kurt ang inaasahan niyang tatawag sa kanya at hindi ito. "Hello, Denzel!"
"Pwede ka bang pumunta sa resthouse ko bukas ng tanghali?"
"Bukas? Pero nasa Manila ako."
"May lead na kasi ako sa pumatay sa Daddy mo. Bukas pupunta dito ang contact ko. Dati siyang miyembro ng sindikato na nagpapatay sa Daddy mo. Alam niya kung sinu-sino ang mastermind at mga hitman na mismong bumaril sa amin sa munisipyo. Pupunta siya dito bukas. Handa siyang tumulong."
"Sino siya?" tanong niya. "Gusto ko siyang makausap mismo."
"Kung gusto mo siyang makilala, pumunta ka dito bukas ng tanghali."
"Sige, pupunta ako sa resthouse mo bukas na bukas din."
Nagpa-book agad siya sa flight papuntang Davao. Naisip niyang tawagan si Kurt para magpaalam dito pero tiyak na hindi siya nito papayagan. Maiintindihan din siyang tiyak nito kapag nahuli na ang pumatay sa daddy niya.
Are you ready for our last chapter?
What do you think will happen?
Comment na po.