webnovel

19

            "WHERE is she?" bulong ni Ethan habang natapat sa tainga ang cellphone. Kanina pa sinusubukang tawagan si Eunice ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. He checked his wrist watch. It was already passed nine in the evening and he was getting worried.

Pagkatapos ng nagyari noong birthday nito ay may nagbago na sa pakikitungo nila sa isa't isa. It has become their routine to meet after their shift. Inihahatid na rin niya ito bahay ng mga ito. Ang iba lamang sa araw na iyon ay tumanggi itong ihatid niya dahil kailangan umano nitong mag-overtime dahil sa isang trabahong kailangan nitong tapusin. At dahil ayaw niyang maistorbo ito ay pumayag na rin siya, with the condition that she would call him when she got home ngunit lumalalim na ang gabi ay wala pa ring tawag mula rito. At nang tawagan naman niya ito ay hindi nito sinasagot. Hindi naman niya magawang tawagan ang mga magulang nito upang magtanong dahil baka mag-alala pa ang mga ito nang wala namang kongkretong dahilan. Minabuti na lamang niyang bumalik sa opisina upang i-check kung naroon pa ito.

Nang maputol muli ang tawag nang walang sagot ay i-d-in-ial niyang muli ang numero nito. Kasabay ng pagtawag niya ay narinig niya ang pamilyar na cellphone ringtone ni Eunice. Hinanap niya ang pinanggaglingan niyon at humantong siya sa workstation nito.

He sighed out of relief when he finally saw her. Nakapatong ang magkakrus na mga braso nito habang nakayukyok ang ulo nito sa mga iyon. Mabagal ang paghinga nito tanda nang malalim na pagkakatulog nito. Napailing-iling siya habang napapangiti. Mabuti na lamang pala at hindi siya tumawag sa bahay ng mga ito. Nag-alala pa siguro ang mga magulang nito samantalang tahimik naman pala ito sa workstation nito.

Lumapit siya rito at akmang gigisingin ito nang mapatingin siya sa maaliwalas na mukha nito. She was sleeping like an angel. Napaka-amo ng mukha nito na akala mo ay napaka-kumportable ng pagkakatulog nito samantalang nakaupo lamang naman ito at nakayukyok sa lamesa nito.

Sa halip na gisingin ito ay hinila niya ang isang upuan at umupo doon. Iniisod niya iyon palapit rito saka ipinatong ang siko sa lamesa at nakapangalumbabang tinignan ito. Ang sarap panoorin ng pagtulog nito. Walang kaingay-ingay maliban sa banayad na paghinga nito. He could probably do this forever, watching her sleep.

Kusang umangat ang kamay niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok nitong tumabing sa mukha nito nang bahagyang gumalaw ito. Lumuwang pang lalo ang ngiti niya nang muling masilayan ang mukha nito. When was the first time she saw that face again? Right, he first saw her on that very same building.

Naglalakad si Ethan sa pasilyo ng building ng Alcala Enterprise Inc., ang kompanyang pag-aari ng kaibigan at kliyente na ring si Menriz Alcala. Kagagaling lamang niya sa opisina nito at kinausap niya ang lalaki upang i-settle na business transaction ng mga kompanya nila tungkol sa mga units na ni-request nito sa kompanya niya. Iyon ay matapos nitong takutin ang empleyado niya na nakausap nito na hindi itutuloy ang transaction sa kompanya nila kung hindi siya ang haharap dito.Minsan ay hindi talaga niya masakyan ang trip ng mga kaibigan niya lalong lalo na si Menriz. Pati ang mga tauhan niya ay dinadamay nito sa mga kalokohan nito.

Huminto siya sa tapat ng elevator at pinindot ang button ng elevator. Nang sa wakas ay bumukas iyon ay hindi siya kaagad nakapasok dahil mula doon ay nagmamadaling lumabas ang isang babaeng nag-iisang sakay niyon. Mukhang hindi pa siya nito napansin dahil bahagyang nakayuko pa ito. Tuloy ay dire-diretso itong lumabas at nabunggo siya nito. Lumipad ang envelope na hawak nito kasabay ng impit na tili nito. Ngunit hindi pa iyon natatapos doon dahil maging ang mga papel na nasa loob ng envelope ay kumalat sa sahig.

"Seriously, Eunice! Late ka na nga, tatanga-tanga ka pa!" kastigo nito sa sarili. Imbes tuloy na magalit siya dahil sa pagkakabunggo nito sa kanya ay na-amuse pa siya.

Naiiling na yumukod na lamang siya at sinimulang pulutin ang mga papel. Mukha namang saka lamang ito natauhan at nakidampot na rin sa kanya. Nasumpungan ng mga mata ni Ethan ang isa sa mga papel na nadampot niya. It was a resume. Her resume. The girl was not smiling at the picture on her resume but she still looked exceptionally pretty.

Bigla ay na-curious siya sa mukha ng babae kaya naman nang dumiretso siya ng tayo nang mapulot na nila ang mga nagkalat na papel ay agad niyang tiningnan ang mukha nito. He was stunned for a minute or two. She was even prettier in person. Magaganda ang mga mata nitong natatabingan ng mahahabang pilik-mata. At kahit halata sa mukha nito ang pag-aalala ay hindi nagawang itago niyon ang magandang mukha nito. She looked like an angel.

"S-sorry po sir ha? Nagmamadali kasi ako dahil late na ako sa interview ko." Simula nitoat bahagyang yumuko na parang nagi-guilty ito sa nagawa. "Kung okay lang po sa inyo, mauuna na po ako. Mahalaga po kasi 'yong interview na pupuntahan ko.Harangin niyo na lang po ako mamaya kung sakaling nandito pa po kayo. Babawi ako, promise!" at itinaas pa nito ang palad na parang nanunumpa kahit pa nakayuko pa rin ito.

Nakita niya nang kagatin nito ang pang-iibabang labi. Alam niyang labag sa loob nitong basta na lamang siyang layasan pagkatapos siyang bungguin nito ngunit halata ring hindi nito kayang pabayaan na lamang ang interview nito.Napangiti siya.This girl was something.

"Sure. Goodluck on your interview." Nakangiting sabi niya rito.

Umangat naman ang tingin nito sa kanya at tumitig sa mga mata niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. She blinked several times and then her cheeks grew red. The girl was blushing!

"T-thank you po!" sabi nito saka tumalikod na at umalis.

Nawala na lang ito sa paningin niya ay nakatingin pa rin siya sa direksiyong tinahak nito. That was the first time he ever saw someone actually blush. He had some girlfriends before ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi niya nakitang nagkaganoon. It was a new sight for him and he liked it.Tila tumatak na sa utak niya ang namumula ngunit magandang mukha nito. Pilit niyang inalala ang pangalang naka-print sa resume nito. Eunice. That was right. Her name was Eunice.

Eunice's eyes fluttered and eventually opened after a while. Diretso itong tumingin sa kanya na para bang hindi ito sigurado kung nananaginip pa ba ito o hindi na.

"Hi, sleeping beauty."

Kumurap-kurap ito at nang mapagtanto na gising na ito ay napadiretso ito ng upo.

"Ethan!" gulat na sabi nito na ikinatawa naman niya.

"Yep, that's me." Sagot niya rito.

"What are you doing here?"

"Fetching you up. It's late and I haven't got a call from you so I got worried. Nagbakasakali akong nandito ka pa." pumalatak siya. "How could you sleep here when you know you're alone? What if someone took advantage of the situation?" sermon niya rito.

"Sorry." Kinagat nito ang pang-iibang labi tanda ng guilt na nararamdaman nito. "Napagod kasi ako sa tinapos ko hindi ko na namalayang nakaidlip na ako."

Bumuntong hininga siya at inilapat ang palad sa mukha nito.

"Next time, pagagalitan ko na talaga si Menriz. He's not supposed to overwork my girl."sabi niya rito habang hinahaplos ang pisngi nito.

Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Then he felt her cheeks grew warm. Maya maya pa ay namumula na iyon. She was blushing. He always likes seeing her blush. It shows her innocence despite her age. Kaya nga gustong-gusto niyang tinutukso ito dahil napakadali nitong mag-blush. She was pretty when smiling but she was even prettier when she blushes.

Napangiti na siya saka inilahad ang kamay rito.

"Come on. Your parents must be worried already." Aya niya rito.

Tinanggap naman nito ang kamay niya. Holding her hand always felt right. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito. And they left the building together, holding each others' hand.