webnovel

18

            HUMANTONG ang tingin ni Eunice sa ferris wheel na sarado nang araw na iyon. Nababarikadahan iyon at may nakasulat pang "under construction".

Masaya naman siya sa araw na iyon. Kung anu-anong rides na ang nasakyan nila ni Ethan. Mayroong nakakatakot at mayroon ding kalmado lang. Nag-eenjoy naman siya at kinikilig sa tuwing tatanungin ng binata kung okay lamang siya pagkatapos nilang sumakay ng isang nakakatakot na ride. At maging sa pagbili nito ng pagkain at inumin nila. Ginabi na nga lamang sila sa amusement park na iyon. Iyon nga lamang ay habang nauubos na ang mga rides na nasasakyan ay nanghihinayang naman siya sa tuwing madadaan siya sa ferris wheel na iyon.

She has never ridden a ferris wheel before. Nakakapunta naman sila noon sa mga amusement park noong bata pa siya ngunit kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makasakay sa ganoon. Lagi kasi niyang natitiyempuhang under construction iyon o kung hindi man, sadyang wala lamang ferris wheel sa napupuntahan nilang park.

Gayunpaman ay matagal na rin niyang pangarap makasay doon. At higit pa sigurong kasiyahan ang mararamdaman niya kung makakasakay siya roong kasama si Ethan. She always thought it was romantic to be in a ferries wheel with someone special and at night. Ang mabagal na pag-ikot niyon ang magbibigay sa kanila ng matagal-tagal na solong oras para sa kanila. At magkakaroon sila ng pagkakataong i-appreciate ang mga bituing nakasaboy sa kalangitan sa ganoong kataas na posisyon.

Napabuntong-hininga siya. Makukumpleto na sana ang lahat kung sakaling bukas sa publiko ang ride na iyon. But that would be asking for too much, she thought. Kasama na nga niya ang lalaking pinakamamahal niya, bakit ba nagpapaka-demanding pa siya?

"Problem?" mukhang hindi nakaligtas dito ang pagbuntong hininga niya.

Nakangiting umiling siya rito. Wala na siyang balak na i-share pa rito ang iniisip niya ngunit mukhang alam na nito iyon dahil lumipad din ang tingin nito sa nakasaradong ferris wheel.

"You want to ride on the ferris wheel?" balik nito sa kanya.

"Ah... eh... Oo sana. Kaso sarado naman kaya hayaan mo na. Tara na lang sa---" Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay hinawakan na siya nito sa kamay saka siya hinila patungo sa ferris wheel. "T-teka!"

Hindi siya nito pinansin at tuloy-tuloy na hinila patungo sa gate niyon. Nakita nito ang isang lalaki sa loob ng area na nababarikadahan. Sinenyasan nito iyon. Agad namang lumapit ang lalaki at binuksan ang gate. Nagtataka man ay nagpatianod na rin siya ritong papasok sa loob ng area na kinatatayuan ng ferris wheel. Naunang naglakad ang lalaking nagbukas ng gate para sa kanila at sinundan lamang iyon ni Ethan kasunod syempre siya dahil nakahawak pa rin ito sa kamay niya. Binuksan ng lalaki ang pinto ng isang car sa ferris wheel.

"Thanks." Sabi ni Ethan sa lalaki saka siya inalalayang papasok sa binuksang car pagkatapos ay sumunod itong papasok. Tumango lamang ang lalaki saka isinara ang pinto ng car. Maya maya pa ay nagsibukasan ang mga ilaw sa ferris wheel na iyon bago nagsimulang gumalaw. Doon siya nakaramdam ng kaba.

"B-bakit tayo nandito? 'Di ba under construction ito? Sino ba 'yong lalaki kanina. Baka ilegal ito! Baka madisgrasya tayo rito!" tuloy tuloy na sabi niya. Oo, gusto niyang maranasang sumakay doon kasama si Ethan ngunit hindi naman niya kayang isugal ang mga buhay nila dahil lamang doon!

"Relax. It's safe and it's not illegal. Trust me." Natatawang sabi nito ngunit maya maya ay sumeryoso rin. "And whatever happens, I won't let you get hurt."

Parang bulang naglaho ang kaba niya at napalitan iyon nang kakaibang sayang nagpalobo sa puso niya. He promised to protect her. Kahit ano pa sigurong dilubyo ang dumating ay hindi na siya matatakot kung kasama niya ito.

"You're not afraid of heights?" maya-maya ay tanong nito nang unti-unting tumaas ang car na sinasakyan nila.

"Nope. Isa pa ang sabi mo hindi mo hahayaang masaktan ako." Hirit pa niya. Dahil kay Ethan na iyon nanggaling ay kumapal na din ang mukha niyang sabihin iyon.

"Good answer." Sagot nito. "Pero sayang. May dahilan sana akong hawakan ang kamay mo kung sakaling natatakot ka." Pumalatak pa iyon.

Nilingon naman niya ito. He was still smiling although she could clearly see the sincerity in his eyes. Napangiti siya at siya na rin ang kumuha sa kamay nito. Isiningit pa niya ang mga daliri sa pagitan ng mga daliri nito.

"Hindi naman kailangan matakot para hawakan ko ang kamay mo, hindi ba?"

"Good answer ulit. Bakit ba hindi ko naisip 'yon?" Nakangising sabi nito at hinigpitan pang lalo ang pagkakahawak sa kamay niya.

Nasa taas na sila nang namamanghang tumingin siya sa labas ng car. Tinignan niya ang nagkikislapang ilaw sa ibaba pagkatapos ay ang nagkikislapang mga bituin sa langit.

"Ang ganda!" hindi napigilang bulalas niya. It was a dream come true, indeed.

"Ang ganda nga." Sabi nito sa tabi niya. Nang linguning niya ito ay sa kanya naman ito nakatingin. "I'm saying you're really pretty." Waring hindi pa nakuntentong kumpirma nito sa suspetsa niya. Naramdaman niya ang pamumula ng mga pisngi. He was directly complimenting her!

Kasunod niyon ay umangat ang palad nito sa pisngi niya. His fingers touched her warm cheeks. Tinignan siya nito sa mga mata pagkatapos ay ngumiti.

"You're even prettier when you're blushing." Pagkuwa'y sabi nito.

Lalo namang nag-init ang mga pisngi niya. Pang-ilang beses na ba niyang narinig iyon muli rito? Ngunit ganoon pa rin ang epekto niyon sa sistema niya. It triggers that warm feeling in her heart. Hindi yata talaga niya pagsasawaan ang mga hirit nitong nagpapakilig sa puso niya.

Bumalik sa realidad ang isip niya nang makarinig siya ng ingay mula sa labas. Awtomatikong lumipad ang tingin niya sa kalangitan upang lalo lamang mapasinghap. There were colorful lights sky now. Mali. Hindi iyon ilaw kung hindi naggagandahang fireworks. Sunod sunod na pagkikislapan, iba't ibang kulay at iba't ibang hugis ang nabubuo niyon.

"'You like it?" tanong mula sa tabi niya.

"It's wonderful!" bulalas niya. "Anong meron at may fireworks?" at ngayon pang nasa tuktok sila ng ferris wheel. Tila napaka-suwerte yata nila nang araw na iyon.

"Your birthday."

"What?" awtomatikong lumipad ang tingin niya rito.

"I told you, I would give an unforgettable gift to my girlfriend." Sabi nito sa kanya.

"I-ikaw ang may gawa niyan?" gulat na tanong niya at itinuro ang mga fireworks.

"At ang pagpapasara sa ferris wheel para walang istorbo, yep, ako ang may gawa." Nakangiting sabi nito sa kanya. "I'm sorry, hanggang dito lang ang kaya kong ihanda dahil kapos sa oras."

Napamaang siya rito. Ang akala niya ay ang pamamasyal sa amusement park na iyon ang sinasabi nitong regalo nito. Hindi niya inaasahang higit pa roon ang plano nitong ibigay sa kanya.

"W-what are you saying. It's wonderful!" And she felt a tear roll down her cheek. She was very touched. No one ever did this kind of thing for her kaya naman hindi na yata napigilan ng luha niyang lumabas. "Thank you. Sobrang thank you."

"I-ilang tao naman ang na-harass mo para maipasara ang ferris wheel at makapagset-up ng fireworks?" biro niya habang pinupunasan ang sariling luha ngunit hinawakan nito ang mga kamay niya at pinigilan siya at ito na mismo ang nagpalis ng luhang nanulas sa mga pisngi niya.

"Sapat lang." he said while smiling affectionately at her. "Happy Birthday, My sweet Eunice." Makahulugang sabi nito bago inilapit ang mukha sa kanya. His lips touched hers. Gentle at first, passionately, a few seconds later. At tinugon niya ang bawat halik nito.

It was not even her birthday. Kahapon ang kaarawan niya ngunit sa araw na iyon niya naranasan ang pinakamasaya na yatang araw sa buhay niya. From this day forward she would be celebrating two birthdays. Isa ay ang totoong kaarawan niya at ang ikalawa ay ang araw na ibinigay nito ang pinakamalupit na birthday gift na natanggap niya sa buong buhay niya. And she will be looking forward to sharing her birthdays with him from now on.