webnovel

Chapter 29

Tumigil ang lagatik ng mga tuyong dahon at kahoy gayundin ang banayad na ihip ng hangin.

Kagaya ng pagtigil ng paghinga namin ni Roen. Napatingin kami sa isa't isa saka bumawi ang huli at bumaling sa dumating.

"Dyanna," Roen acknowledged.

Nang tawagin ng lalaki ang pangalan ng babae ay saka ito lumabas sa makapal na kumpol ng foxgloves. Tila hinihintay nito ang senyas ni Roen kung pwede na itong magpakita. Kung pwede akong pagkatiwalaan.

The girl wore a leather combat suit, merlot colored boots with pointy ends that matched her gloves. Her entire head, except her eyes which were ravens, was covered with a thick cloth that was rolled around to create a mask. Kasingganda ng hubog ng katawan nito si Vega kung susumahin. But this girl looked a little more awkward, fragile, and reserved.

"You might have seen each other around, Kiera, o—or I guess not, this is Dyanna. Hybrid din siya katulad natin," pagpapakilala ni Roen. Tumayo ito mula sa pagkakaupo, medyo hirap pa ito pero pansin kong unti-unti nang naghihilom ang sugat nitong sinulot ko. Umiwing ang bibig nito sa konting kirot nang pwersahan niyang ihakbang ang binti.

Mabilis siyang nilapitan ng hybrid na tinawag na Dyanna. Nasalo ng babae ang kanang braso ng lalaki at mabilis nitong inilipat ang bigat ni Roen sa kanyang likuran. Sa galaw ni Dyanna pati na ni Roen, parang matagal nang may namamagitan sa dalawa.

May ibinulong ang babae sa lalaki. Doon nagsimulang magbago ang ekspresyon sa mukha ng lalaki.

"A group of urions is on their way here, Kiera. We have to move really fast bago nila kami maabutan!"

"D—do you need help?"

Umiling si Roen saka nagsalita, "Dyanna can transport me fast enough before they could get here. She has made her calculations as to what shortcuts are we taking from here."

Muling may binulong si Dyanna kay Roen.

Bumaling saakin ang lalaki, "They can't see you flawless, Kiera. You can't lose their trust."

Nang marinig ko ang sinabi ng lalaki'y may hinuha na ako sa susunod na mangyayari. Tama nga naman ito. The last thing Rumina and Kelvin knew was I'm fighting Procyon's killer. I can't be this unscathed and full.

"Sure, do whatever you c—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Singbilis ng kidlat na iniwan ni Dyanna si Roen upang bigyan ako ng isang napakalakas na suntok sa mukha at sipa sa kaliwang binti at hampas sa aking likuran dahilan para mawalan ako ng ulirat.

Shades of black: black olive, onyx, and jet, danced with flickers of small specters as my body was put to sleep. Naramdaman ko ang malakas na pagbagsak ng katawan ko sa matigas na damuhan. I felt the cold sensation of a leftover dew, the smell of volatile organic compounds before I could hear the several pairs of footsteps gearing towards where I lie.

***

A warm sensation going to and from my elbow pit to my forearm awakens me. My eyes slowly opened only to see his handsome face—Friedan. My body feels completely fine. No broken bones nor twisted nerves. Of course, Friedan was the strongest and most efficient healer of LOU.

I had expected this anyway.

From where he sat, he immediately shifted his body towards me by pulling the cushioned chair next to my bed. Hindi ko alam kung ilang oras na itong nakaupo doon. By the looks of him, mukhang wala pa itong tulog.

"Good morning," I greeted.

"Morning," pupungas ang malamlam na mga mata nitong bati. Even with a lack of sound sleep, he maintained his reputation of remaining ridiculously gorgeous.

But his effort to stay with me, even with the temptation to not fall for him, slowly hooked my agile heart. I tried to smile but the guilt that is wrapped around my chest begins to make me uncomfortable.

I was a double agent. I was betraying the urions for keeping all the secrets in my head.

I was crowned and expected to be loyal and faithful to LOU. An expectation that was unsure if it was to be fulfilled. Dahil noong araw na kinupkop ako ni Dr. Roberts para gawing isang crowned urion, ay siya ring simula ng unti-unting pagguho ng ekpektasyong iyon.

Dahil dito, alam kong may mas malaking rason ang lahat kung bakit hanggang ngayon ay nasa poder ako ng mga anak ng liwanag. They wanted something from me so bad that they would put the risk of putting a hybrid inside the organization.

Mahal ko si Friedan. Kung normal lang kaming tao, nakikinita ko siya bilang isang asawang kaya kong alagaan at mahalin habambuhay, ang magiging ama ng mga supling mula sa aking sinapupunan.

Pero ang pagmamahal na nakapukol sa kanya ay puno ng tanong, ng takot at pag-aalinlangan. Papaano ko ipaglalaban ang pagmamahal na kinukestiyon kung ito ba ay buo at totoo?

He betrayed me and kept betraying me every day of my life by keeping me the truth—that I was more than their kind. That I was more than an urion. That I was a hybrid.

"You seem bothered?" he immediately asked. Marahil ay masyado nang halata sa ekspresyon ng mukha ko ang samo't saring emosyon habang tumatakbo ang napakaraming isipin sa utak ko.

"This life, I wish I can just live normal." Ito ang nilalaman ng puso ko ngayon. Pagod na pagod na ako sa mga kaganapan, mga nakawan, takbuhan, madugong bakbakan at patayan. Ito ang hiling ng puso ko. Isang pasakalye sa gusto kong sabihin sa kanya.

"This is your destiny, Kiera. You can't run away from destiny," he answered.

"What if we just run away from all of this? Live from a far place where no urion or outcross can find us?"

From a worried face, his face shifted into something hesitant. Napalunok ito at hindi kaagad nakasagot.

Kahit na konti lang ang pag-asa, may konting bahagi sa puso ko na sana umayon ito sa ideya ko. Na pipiliin nitong mabuhay ng tahimik kasama ko at iwan ang kaguluhan sa pagitan ng mga makapangyarihan lahi.

I'd forgive him for betraying me if he agreed with it or showed a slight chance of reconsideration.

But he did not.

And his strong defiance crushed me into bits.

"We can't do that. The urions and the outcross are everywhere, Kiera. Hindi ganoon kadali ang iniisip mo." Napatayo ito at boluntaryong tinungo ang bintana ng aking kwarto kung saan natatanaw ang ang sinag ng papasikat na araw.

"It was just an idea," sagot ko saka bumangon mula sa pagkakahiga. Minabuti kong tunguhin ang banyo dahil ayaw kong makita nito ang sobrang pagkadismaya sa mukha ko. Doon ko inipon ang lahat ng hinagpis sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim upang maibsan iyon.

Ilang minuto pa ay narinig ko na ang mga yabag nito palabas sa pintuan.

Lumabas ako sa rest room at hindi sinasadyang nahagilap ko ang naiwan ng lalaking nakaawang na pintuan. Hindi ko inaasahang may maririnig akong pag-uusap mula sa ibaba. Mahina iyon, na hindi maririnig ng pangkaraniwang urion o outcross, pero dahil nadoble ang talas ng aking pandinig at isa akong hybrid, sigurado ako kung sino ang kausap nito.

Si Sirius, the first pillar. Nakaformal attire ang lalaki na tila nagmamadaling makuha ang mga detalye mula kay Friedan.

"The fire key?" Sirius asked.

"They have it. Agent Polar is keeping all the zero artifacts in a safe vault."

"Okay, just lead her to the encrypted mission. We all have the zero artifacts. Kailangan na lang niyang malaman kung para saan ang mga iyon. She needed your help to do it. Can you help her?"

"Yes, Sirius. I will help her unlock the artifacts."

Magkahalong kaba, galit at pagkalito ang namuo sa dibdib ko. Halos hindi ako makagalaw. Nagsimula akong pagpawisan ng gamunggo. Nanlalamig ang buo kong katawan. Napaatras ang nanginginig kong mga tuhod hanggang sa mapaupo ako sa gilid ng aking kama.

When will people stop betraying me? When will I trust without consent again?

Ang pag-uusap na iyon ang naging hudyat ng lahat. I will ruin whatever they're planning. Yes, I will unravel the mystery of the zero artifacts but I will destroy it myself if it leads to the destruction of another race.

###