webnovel

Cousinhood Series 3: Maybe This Time

Cousinhood Series 3 Maybe This Time A Novel written by Han Ji Mie Anna Cordero is the newest and smartest lawyer in DL Law Firm. Ilang taon palang mula ng makapasa ito sa board exam ay marami na itong napanalong kaso. Para kay Anna, lahat na nang nais niya sa buhay ay nasa kanya. Masayang pamilya, magandang career at mapagmahal na nobyo. Ngunit nabago ang lahat ng bumalik sa buhay niya si Alexander Cortez-Kim. Ang lalaking dapat niyang iwasan dahil na rin sa kanilang nakaraan. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana, gumawa ito ng paraan para makasama niya si Alex. Matatakasan pa ba ni Anna ang binata na ginugulo muli ang ma-ayos na niyang buhay? Hindi lang iyon, pati din ang puso niya. 2021

HanjMie · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
6 Chs

Side Story 2

"I'm sorry I did wrong."

NASA bench ako ng school namin. Pinag-aaralan ko ang lesson namin kahapon dahil may long quiz kami mamaya. I'm a Senior high school student now. Parang kailan lang ng unang pumasok ako sa paaralang iyon. Nasa Top ten parin naman ako at ako ang top three sa section namin. Alam kung bumaba ang rank ko pero hindi naman iyon naging kabawasan. Sabi nga ni Inay, rank lang iyan ang importante ay may natutunan ako sa paaralan. Naramdaman ko ang saya ng aking mga magulang dahil hindi ko pinapabayaan ang aking pag-aaral.

Natigilan ako ng may naglagay ng isang pulang rosas sa isa sa mga libro ko na nakapatong sa mesa. Napaangat ako at napatingin sa lalaking nakangiti ngayon sa akin.

"Hi Anna." umupo ito sa harapang upuan ko.

Muli kong tiningnan ang bulaklak na bigay niya. Kinuha ko iyon at ibinalik sa kanya.

"Di ba sabi ko wag mo na akong bigyan pa ng bulaklak." naiinis kong sabi sa kanya.

"At sabi ko din sa'yo na hindi ako titigil hanggang hindi mo ako sinasagot."

Sumimangot ako dahil sa sinabi niya. I feel annoyed because of what he said. Siya si Carl, matagal na siyang nanliligaw sa akin. Nasa Junior high palang kami ay nanliligaw na siya. Ilang beses ko na siyang binasted pero patuloy pa rin ito sa panliligaw sa akin. Hindi ko alam kung saan ito kumukuha ng lakas ng loob para patuloy akong ligawan, siguro ay dahil siya ang top one sa section namin. Matalino si Carl, nang galing din siya sa mayamang pamilya at may mukhang maipagmamalaki.

"Bahala ka nga sa buhay mo." inis kong sabi sa kanya at inirapan siya. Hindi ko nalang ito kikibuin para umalis na din ito.

But Carl is Carl. He stay. He even get his books and study like me. Napatingin ako sa kanya. Nagbabasa na din ito ng libro kagaya ko. Hindi ko mapigilan na hindi humanga sa kanya ngunit agad ko din sinuway ang sarili ko. Wala akong mapapala kung paiiralin ko ang puso ko. Kailangan ko makapagtapos ng pag-aaral para sa mga magulang ko. Hindi ako pwede magmahal dahil hindi lang sa bata pa ako, kung hindi dahil nakakaisturbo ito sa pag-aaral ko.

Muli kong itinuon ang aking atensyon sa binabasa. Hindi pinansin ang taong ngayon ay katabi ko. At pagkalipas ng ilang minuto ay pareho na kami ni Carl na walang paki-alam sa paligid. Natigilan lang kami ng tumunog ang bell na hudyat na tapos na ang breaktime namin at mag-uumpisa na ang next subject. Agad kong iniligpit ang mga libro ko. Tinulungan naman ako ni Carl. Bubuhatin ko na sana ang mga libro ko ng agad itong binuhat ni Carl.

"Carl, ako na." sigaw ko.

Ngunit hindi ako pinansin ni Carl, na una na itong naglakad. Wala akong nagawa kung hindi sundan siya. Pagdating namin sa classroom ay nakatingin ang mga kaklase namin. Ilan sa kanila ay tinukso pa silang dalawa. Hindi ko sila pinansin. Sanay na rin naman ako sa mga ito. Maingat na nilapag ni Carl ang mga libro ko sa mesa bago naman ito umupo sa upuan nito.

"Thank you." pabulong kong sabi sa kanya.

Ngumiti si Carl. "Walang anuman, Anna. Iyong date natin mamaya ha." malakas na sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Carl. Biglang naghiyawan ang mga kaklase namin dahilan para mapayuko ako. Itinago ko ang namumula kong mukha. Kailan kaya titigil si Carl sa ginagawa nito? At kailan siya masasanay na ipinagsisigawan ni Carl na gusto niya ako? Pahanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako nasasanay kapag naririnig mula rito na may gusto siya sa akin.

Natigil lang sa panunukso ang kanyang mga kaklase ng dumating ang kanilang guro. Mabilis akong lumabas ng classroom ng tumunog ang bell. Uwian na at kailangan ko umuwi agad. Tutulong kasi ako kay Inay sa pagluluto ngayon. Sinabi ni Inay na darating si Itay. Sobrang excited ko dahil sabi ni Itay ay may magandang balita daw ito para sa akin.

Malapit na ako sa gate ng may humawak sa braso ko. Agad akong lumingon at nakita ko si Carl na puno ng pagtataka ang mukha. Binawi ko ang brasong hawak niya.

"May kailan ka ba?" tanong ko sa kanya at humakbang paatras.

Masyadong malapit si Carl sa akin at dahil doon ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Kumislap ang mga mata nitong nakatitig sa akin.

"Hatid na kita, Anna."

Napasimangot ako sa sinabi nito. Alam kong may kotseng sumusundo dito at alam niya na hindi koa sasakay sa kotse niya. "Thank you, Carl pero kaya kong maglakad." tinalikuran ko na siya.

Naramdaman kong sinundan niya ako. "Lagi mo na lang akong tinatanggihan, Anna. Baka pwede mo naman akong pagbigyan ngayon?"

Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa paglalakad at hanggang sa makarating ako ng gate ng paaralan ay nakasunod sa akin si Carl. Pinipilit niya pa rin akong ihatid ngunit natigilan ito ng makita ang aking ama na nakatayo sa kotse na minamaneho nito.

"Anna!" sigaw ni Itay.

Agad akong napangiti at tumako papalapit kay Itay. Agad akong yumakap sa kanya. "Kanina ka pa 'tay?"

"Hindi naman anak." tumingin ito sa likuran ko.

Napalingon ako at doon ko nakita si Carl na nakatayo malapit sa amin dalawa ni Itay. Napahakbang ako palapit kay Itay.

"Magandang hapon po, Sir." bati ni Carl sa aking ama.

"Magandang hapon din. May kailangan ka ba sa anak ko, hijo." walang kangiti-ngiting tanong ni itay.

Napaatras si Carl. "A-ano p-po kasi..?" tumingin sa akin si Carl. Waring nang hihingi ng saklolo. Inirapan ko siya. Bahala siya na harapan si Itay. Ang tigas naman kasi nito. Sinabi na kasing tigilan na ako pero ayaw niya.

"Kilala mo ba ang lalaking ito, Anna?" tanong ni Itay sa akin.

Natigilan ako at tumingin sa ama. Hindi maitago sa mukha nito na hindi ito natutuwa ng mga sandaling iyon. Bigla akong kinabahan. Alam ko kung paano magalit si Itay at minsan ko na iyon nasaksihan sa buhay ko. Kaya nga hindi ako gumagawa ng mga bagay na ikagagalit nila ni Inay.

"Kaklase ko po siya, Itay."

"Bakit siya nakasunod sa'yo, Anna?" muling bumaling si Itay kay Carl.

"A-ano po kasi Itay? A-ano..." hindi ko masagot ang tanong ni Itay dahil natatakot akong baka lalo siyang magalit kapag nalaman niyang nililigawan ako ni Carl.

"Sir, Ako po pala si Carl Andres Valencia." Tumingin muna sa akin si Carl. "Nililigawan ko po si Anna." matapang na sabi ni Carl.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Talagang sinabi nito sa aking ama. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Itay. Agad ko siyang hinawakan sa braso.

"Anong sinabi mo? Nililigawan mo ang aking anak?" galit na sigaw ni Itay. "Ilang taon ka ng bata ka? Alam mo ba iyang sinasabi mo?"

"O-opo s-sir. Matagal ko na pong gusto si Anna." Bigla nalang yumuko si Carl. "Pahintulutan niyo po sana ako na ligawan siya?"

Hindi umimik ang aking ama ng ilang sandali. Mukhang nagulat ito sa sinabi ni Carl. Kahit naman ako ay nagulat din. Hindi ako makapaniwala na ganoon kalakas ng loob ni Carl na harapin ang aking ama. Sa sobrang tagal niyang nanliligaw sa akin ay ngayon lang niya nakaharap ang akin ama. Natigilan ako ng hawakan ni Itay ang braso ko.

"Pumasok ka na sa loob ng kotse, Anna." utos ni Itay.

"Pero itay..." tutol ko.

"Wag kang mag-alala. Kakausapin ko lang ang batang ito. Hindi ko siya sasaktan."

Ayaw ko man silang iwan don ay wala akong nagawa. Sumakay ako ng kotse. Sa unahan ako umupo katabi ng driver seat. Hindi ko inaalis ang tingn kay Itay at Carl na seryusong nag-uusap ng mga sandaling iyon. Pagkalipas ng ilang sandali nilang pag-uusap ay yumuko si Carl na malungkot ang mukha.

"Mukhang hindi nakapasa kay Mang Emilio ang boyfriend mo?" 

Nanlaki ang aking mga mata na napalingon. Nakita ko ang isang maputing lalaki na nakatingin din kina Itay at Carl. Anong ginagaw dito ng anak ng amo ni Itay? Kung hindi ako nagkakamali ito ang bunsong anak ng amo ni Itay.

"Bakit ganyan ka makatingin?" salubong ang kilay na tanong ng lalaki.

"A-ano.." Ayaw lumabas ng mga salita sa aking labi. Sobrang gwapo pala talaga ang anak ng amo ni Itay. Para akong nakakita ng prinsipe ng mga sandaling iyon.

"Miss Cordero, takpan mo iyang bibig mo at pakipunasan ang laway mo." natatawang sabi niya at kinuha ang phone sa bag. 

Naglaro na siya sa phone niya kaya hindi niya na nakita ang ginawa kong pagpahid ng likod ng palad ko sa mga labi. Ng wala naman akong nakitang bakas ng kahit anong laway ay napasimangot ako. Pinagtripan lang ako ng lalaki.

Sisinghalan ko na sana siya ng bumukas ang pinto ng driver seat at pumasok si Itay. Napatingin ito sa akin.

"Hindi mo kailangan sumimangot dahil sa ginawa ko sa lalaking iyon, Anna."

Napatingin ako kay Itay. Anong sinasabi niya? Nagsalubong ang aking mga kilay.

"Hindi ka pa pwedeng magnobyo. Masyado ka pangbata, Anna. Magtapos ka muna ng pag-aaral." binuhay ni Itay ang sasakyan.

"Hindi ko naman siya boyfriend, Itay. At saka, wala naman akong balak na sagutin siya. Sa pag-aaral muna ang atensyon ko ngayon."

Sumilay ang ngiti sa labi ng aking ama. "Mabuti na iyong alam mo anak." ginulo ni Itay ang aking buhok.

Ngumiti naman ako sa ginawa ni Itay. Daddy's girl talaga ako. Kaya nga ayaw kong ma disappoint si Itay sa akin. Mahal na mahal ko sila ni Inay. Sila ang priority ko sa buhay.

__

HINATID ni Itay ang anak ng amo niya sa isang resort di kalayuan sa amin. Pinakilala siya ni Itay sa akin at doon ko nalaman na siya nga ang bunsong anak ng amo ni Itay. Alexander Kim ang buong pangalan ng lalaki. Sumama daw ito kay Itay dahil nais na magpahinga ngayong weekends. Iba nga talaga kapag mayaman, hindi inaalala ang gastos basta masunod ang nais.

Pagkatapos namin ihatid si Alex ay umuwi na kami ni Itay. Papasok palang kami ni Itay ng matigilan kami nang makita si Inay na nasa labas ng bahay at umiiyak. Agad siyang nilapit ni Itay.

"Clariza, bakit ka umiiyak?" tanong ni itay.

Umangat ang mukha ni Inay at agad na yumakap kay Inay. "Amilio, ang anak mo."

"Anong nangyari kay Carila?" may bahid ng paga-alalang tanong ni Itay.

Hindi sumagot si Inay bugkos ay lalo itong napaiyak. Hindi naman ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Ngayon ko lang nakita si Inay na umiyak ng ganoon. Pareho kaming napatingin ni Itay ng lumabas mula sa bahay si Ate Carila at isang lalaki.

Natigilan ako. Kilala ko kasi ang lalaking iyon, siya iyong nakita nila ng kaibigan noong isang araw na kasama ng ate niya at ang sabi ng kaibigan ko ay kasintahan siya ni ate Carila. Nakayukong lumapit si ate at ang lalaki kay Itay. Nakita kong may hawak na bag ang lalaki.

"Anong ibig nitong sabihin, Carila?" tanong ni Itay.

"I-itay..." kinakabahang banggit ni Ate sa pangalan ni Itay. "Patawarin niyo ako, Itay." umagos ang masaganang luha sa pisngi ni Ate Carila.

Hindi umimik si Itay. Nakatingin lang ito kay Ate.

"Mang Amilio, uuwi na po sa amin si Carila." sabi ng lalaking kasama ni Ate, kung hindi ako nagkakamali ay Peter ang pangalan nito at nag-aaral ng koliheyo kung saan din nag-aaral si Ate.

"Anong sinasabi mo?" sigaw ni Itay. Lumabas ang ugat nito sa leeg. 

Napatalon pa ako sa gulat dahil sa sigaw ni itay. Muli ko na naman makikita ang galit ni Itay.

"Tay, buntis po ako. At nais na namin ni Peter na magsama." sabi ni Ate Carila sa pagitan ng pag-iyak niya.

Nakita ako ang pagkagulat sa mukha ni Itay. Napahawak ito sa dibdib. Agad akong lumapit habang kinukuha ang thumber ko sa bag. Binigay ko iyon kay Itay na agad naman nitong kinuha at ininum.

Naghari ang katahimikan sa paligid namin lima. Patuloy lang sa pag-iyak si Inay at ganoon din si Ate Carila. Ako naman ay pinipigilan ang mga luha. Buntis si Ate, magkakapamangkin na ako ngunit nag-aaral pa siya. Anong mangyayari sa pag-aaral niya? Dalawang taon na lang at magtatapos na sana siya.

"Magsasama kayo? Paano ang pag-aaral niyo? Ikaw Carila, kakayanin mo ba ang pagiging ina. Napakabata mo pa." Tanong ni Itay. Hindi maitago ang galit at dissappointment sa mukha nito.

"Kakayanin namin, Mang Amilio. Bubuhayin ko po si Carila at ang anak namin."

Napatingin si Itay kay Peter. "Alam mo ba ang pinapasukan mo? Hindi ganoon kadali ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak. At paano mo bubuhayin si Carila at ang bata? ANO?" hindi nakasagot si Peter. "PAANO? Paano mo bubuhayin ang anak ko?" susugod sana si Itay ng agad itong pinigilan ni Inay.

"Amilio, kumalma ka muna. Wag mong idaan sa init ng ulo ang galit mo sa mga bata. Hindi dahas ang solusyon sa problema natin ngayon."

"Paano ako hindi magagalit, Clariza? Sinira ng lalaking iyan ang pangarap ko para kay Carila." Pumatak ang mga luha ni Itay. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Itay na umiyak. "Iningatan ko siya, ibinigay ko ang lahat. Tapos ito ang igaganti niya. Nagtatrabaho ako sa Manila at tinitiis kong mapalayo sa inyo para sa kinabukasan nila pero anong isinukli niya. Nagpabuntis siya. Mag-aasawa siya na hindi pa nakapagtapos ng pag-aaral. Dapat ba akong magsaya na buntis siya at mag-aasawa na?"

Niyakap ni Inay si Itay. Nararamdaman ko ang sakit ng pagkabigo ni Itay. Napatingin ako kay Ate Carila, nakayuko siya at umiiyak. Hinahawakan ni Peter ang likod nito at pinapakalma din.

"I'm sorry, tay. Mahal ko po si Peter. Sana hayaan niyo po ako sa nais ko. Papanagutan niya po ako. Ipagpapatuloy ko po ang pag-aaral ko, si Peter, hihinto muna siya sa pag-aaral para magtrabaho. Pagkapanganak ko babalik po ulit ako sa pag-aaral. Pangako ko po iyon itay. Sana bigyan niyo po kami ng basbas." hahawakan sana ni Ate Carila si Itay ngunit umiwas ang huli.

"Umalis ka na, Carila. Iyan ang desisyon mo, gusto mo na mag-asawa. Sige, hahayaan kita pero wag kang babalik sa pamamahay ko na umiiyak at nahihirapan." seryusong sabi ni Itay. "Makakapasok ka lang sa pamamahay ko kapag natupad mo na iyang mga pangako mo."

"Itay..."

"Amilio..."

"Umalis ka na." hinarap ni Itay si Peter. "Umalis na kayo at wag mong ibabalik dito ang anak ko na hindi niyo tinutupad ang pangarap ko para sa kanya." galit na sabi ni itay at tiningnan si Ate mula ulo hanggang paa.

Tumalikod si Itay na puno ng pait ang mukha at iniwan kami. Agad naman niyakap ni Inay si Ate Carila. Patuloy sa pagpatak ang mga luha ni Ate Carila. Kumalas si Inay sa pagkakayakap kay Ate Carila at marahan na hinaplos ang pisngi niya.

"Wag mong pabayaan ang sarili mo ngayong magkakaanak ka na." puno ng pagmamahal na sabi ni Inay.

"Inay, si Itay. Galit po siya sa akin."

"Ngayon lang iyan anak. Mawawala din ang galit ni Itay mo. Sige na at baka gabihin kayo sa daan."

Muling niyakap ni Inay si Ate Carila. Nanatili naman akong nakasamasid sa kanila. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa ginawa ni Ate ngunit ng mga sandaling iyon mas nangingibabaw ang awa para dito. Naawa ako dahil galit sa kanya si Itay at hihinto ito sa pag-aaral.

Tumingin sa akin si Ate Carila at niyakap bigla.

"Alagaan mo si Itay at inay, Anna." mahigpit itong yumakap sa akin.

"Ate..." gaganti na sana ako ng kumalas ito.

Lumapit ito kay Peter. Hindi ko na naituloy ang dapat ay sasabihin ko dahil agad silang nagpaalam kay Inay. Sinundan namin sila ng tingin ni Inay.

"Anna, wag mo sanang gagayahin ang ate mo. Mag-aral kang mabuti anak. Ikaw na lang ang pag-asa namin ng itay mo." sabi ng kanyang inay.

Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako kay inay at niyakap ito. "Makakaasa ka inay. Mag-aaral po akong mabuti."