webnovel

Cousinhood Series 3: Maybe This Time

Cousinhood Series 3 Maybe This Time A Novel written by Han Ji Mie Anna Cordero is the newest and smartest lawyer in DL Law Firm. Ilang taon palang mula ng makapasa ito sa board exam ay marami na itong napanalong kaso. Para kay Anna, lahat na nang nais niya sa buhay ay nasa kanya. Masayang pamilya, magandang career at mapagmahal na nobyo. Ngunit nabago ang lahat ng bumalik sa buhay niya si Alexander Cortez-Kim. Ang lalaking dapat niyang iwasan dahil na rin sa kanilang nakaraan. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana, gumawa ito ng paraan para makasama niya si Alex. Matatakasan pa ba ni Anna ang binata na ginugulo muli ang ma-ayos na niyang buhay? Hindi lang iyon, pati din ang puso niya. 2021

HanjMie · Urban
Not enough ratings
6 Chs

Side Story 3

"My future is set to be beautiful because of you. Thank you for guiding me, Itay."

NAKATINGIN si Anna sa mga batang naglalaro sa dagat. Parang kailan lang ay ganoon din siya. Naglalaro sa mga alon. Hindi siya makapaniwala na lalaki siyang ganito. Ngayong taon ay magtatapos na siya ng high school at ang sabi ni Itay ay sa Manila na siya mag-aaral. Sagot daw ng amo ni Itay ang bahay na tutuluyan niya basta kapag may oras siya ay tutulong siya sa mansyon. Okay na sa kanya basta kasama niya si Itay.

Maiiwan naman ang kanyang inay sa bahay at isa iyon sa ikinalulungkot niya. Ngayon lang siya mapapalayo sa ina kung saka-sakali. Sabi ni Itay ay uuwi naman sila kapag wala siyang pasok sa paaralan.

"Anna."

Napatingin siya sa tumawag sa pangalan niya. Nakita niyang nakatayo sa harapan niya si Ate Carila. Ngumiti siya rito. Umupo ito sa tabi niya.

"Okay ka lang?" tanong ni Ate.

Tumungo siya.

"Sigurado ka?"

"Oo naman, Ate."

"Kung ganoon, bakit malungkot ka?"

Tumingin ulit siya sa Ate niya. Ganoon ba ka pansin na malungkot siya. Lalong nabalot ng kalungkotan ang puso niya.

"Iiwan ko na kasi si Inay. Ito ang unang pagkakataon na iiwan ko siyang mag-isa."

Hindi nakaimik si Ate. Alam kasi nito kung gaano siya kalapit sa ina. "Nandito naman kami ni Camela. Hindi namin hahayaan na malungkot si inay."

Napatingin siya sa kanyang ate. Magtatatlong buwan na rin simula ng umuwi ito sa bahay. Hindi natupad ni Peter ang pangako nito sa Ate niya. Hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral si Ate dahil laging kapos ang mga ito. Gatas at diaper palang ni baby Camela ay hindi na sasapat sa perang kinikita ni Peter. At nitong huli nga ay tuluyan ng umuwi sa amin si Ate, may iba na daw si Peter. Isang babaeng nagtatrabaho sa bangko. Iyak ng iyak si Ate habang humihingi ng tawad sa harap ni Itay. Sinabi nitong nagkamali ito sa mga ginawang desisyon at sana'y patawarin ito ng kanilang ama. Pakiramdam niya ay kahapon lang nangyari ang lahat.

NAGULAT kami ng makita si Ate Carila na nakatayo sa harap ng bahay namin karga ang anak nito na si Camela. Nakita namin sa paanan nito ang isang bag. Umiiyak si Ate at ganoon din si Baby Camela.

"Carila, anong nangyari anak?" tanong agad ni Inay. Nasa mukha at boses nito ang pag-aalala sa Ate niya.

"I-inay, si Peter po." Lalong lumakas ang pagkakaiyak ni Ate. "May iba na po si Peter, Inay. Mas pinili niya po ang babaeng iyon kaysa sa akin Inay."

Napaiyak si Inay sa sinabi ni Ate Carila. Ganoon din siya. Agad na niyakap ni Inay si Ate Carila. May umusbong na galit sa puso niya para sa kay Peter. Paano nito nagawa iyon sa Ate niya? Nagalit si Itay dahil sa ginawa nito tapos iyon ang igaganti nito. Kinuha ni Inay si baby Camela kay Ate habang siya ay kinuha ang bag nito. Pinaupo ni Inay si Ate sa sofang kawayan. Pumunta naman siya ng kusina para kumuha ng tubig pagkatapos ilapag ang bag nito sa gilid ng upuan.

Agad na tinanggap ni Ate Carila ang baso ng iniabot niya iyon. Kinuha niya si Baby Camela sa kanyang ina.

"Pinalayas ka ba ni Peter?" tanong ni Inay.

Umiling si Ate Carila. "Umalis po ako, Inay. Hindi ko na po kasi talaga kaya. Binaliwala ko ang mga naririnig kong may ibang babae siya pero kahapon nakita ko silang magkasama. Sinugod ko sila. Tinanong ko si Peter kung sino ang babaeng iyon. Hindi niya itinanggi inay. Pinagmalaki niya sa harap ko ang babaeng iyon. Hindi na daw niya ako mahal at nais na daw niyang maghiwalay, hindi lang daw niya magawa dahil sa may anak kami. Ang sakit inay. Bakit ganoon siya?" yumakap si Ate kay Inay.

Agad naman na gumanti ng yakap si Inay. "Tama lang ang ginawa mo, Carila. Hindi siya ang lalaki para sa iyo anak."

"Ang sakit Inay. Ang bilis niyang magbago simula ng magsama kami. Kapag nag-aaway kami ay umaalis siya at babalik ng lasing. Hirap na nga kami sa pera pero naglalasing pa siya. Sinisisi niya ako kung bakit pareho kaming nahihirapan. Nais daw niyang mag-aral ulit ngunit hindi niya magawa dahil sa akin."

Pumatak ang luha niya sa narinig. nasasaktan siya para sa Ate niya. At ng mga sandaling iyon nais niyang sugurin si Peter at saktan. Anong karapatan nitong pagsabihan ng ganoon ang Ate niya? Hindi lang naman si Ate ang nagdesisyon na magsama sila. Ito ang kumuha sa kay Ate Carila sa kanila.

"Kasalanan ko ito, Inay. Hindi kasi ako nakinig sa inyo. Ngayon ito na ang karma ko. Dapat kasi nakinig ako sa inyo noon itay. Ngayon nagdurusa ako dahil sa kasalanan ko sa inyo."

"Tahan na Carila. Lahat ng bagay ay may dahilan. Ang importante ay matuto ka sa pagkakamaling iyon." kumalas sa pagkakayakap si inay kay Ate. "Ayusin mo ang sarili mo,Carila. Kailangan mo magpakatatag at maging matapang para sa anak mo. Kailangan ka ng anak mo ngayong mag-isa ka na lang."

Tumungo si Ate Carila. Muling niyakap ni Inay si Ate. Nanatili naman siyang nakatingin sa dalawa at may bahid ng luha ngunit ng mapansin niya na unti-unting nagising si Camela ay agad niyang tinuyo ang mga luha at tumalikod para umalis doon ngunit hindi pa siya nakakapasok ng kanyang kwarto ng marinig ang basag na boses ng Ate niya.

"Galit ka parin ba sa akin, Anna?"

Lumingon siya ngunit hindi niya sinagot ang tanong nigo. Nakatitig lang siya sa mukha nito. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumapit siya sa mga ito at iniabot si Camela sa ina. Agad naman kinuha ni Inay ang bata. Ngumiti siya ng bahagya sa ate niya at iniabot niya ang braso para sa isang yakap.

"I miss you, Ate." tanging sabi niya.

Muling napa-iyak si Ate. Alam nito kung anong ibig niyang sabihin sa 'I miss you'. Tumayo ang ate niya at niyakap siya. Dumaloy muli ang mga luha niya. Natigilang lang sila ng may narinig na ingay mula sa labas ng bahay nila. Kumalas siya sa pagkakayakap.

"Ano iyon?" tanong ng kanyang Inay.

Sabay-sabay silang lumabas ng bahay at lahat sila ay napatda ng makita ang ama na sinusuntok si Peter. Agad na ibinigay ni Inay sa kanya si Camela

"Amilio! Anong ginagawa mo sa bata?" tinakbo ni Inay ang pagitan nila ni Itay. Agad nitong pinigilan si Ama sa pagsuntok kay Peter.

"Anong karapatan mo para saktan ang panganay ko? Hindi ikaw ang nagpakain at nagpakahirap sa kanya para pagsabihan mo siya ng ganoon." hinawakan ni itay sa damit si Peter na ngayon ay may sugat sa mukha. "Sinira mo na nga ang pangarap ko para sa kanya ay sasaktan at lulukuhin mo pa siya. Napakalakas ng loob mong sumbatan siya sa pagkakamali mo gayong ikaw ang sumira sa magandang buhay niya. Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa kanya na siya ang sumira ng buhay mo gayong desisyon mo na magsama kayo. Maayos mo siyang kinuha sa amin, sana binalik mo ng maayos din sa amin. Anong karapatan mong tumuntong sa pamamahay ko?" Itinulak ni Itay si Peter.

"Kukunin ko po ang anak ko. Dapat sa akin siya." sabi ni Peter na hindi makatayo mula sa pagkakaupo sa lupa.

"Hindi! Hindi mo makukuha sa akin ang anak ko." sigaw ni Ate.

umangat ng tingin si Peter at tumingin sa  kanyang Ate. Kitang-kita niya ang puot nito. Wari bang may malaking kasalanan ang kanyang Ate para magalit ito ng ganoon. Niyakap niya ang kanyang ate Carila.

"Ikaw pa ang galit ngayon gayong ikaw ang nanbabae. Umalis ka sa pamamahay ko at wag kang magpapakita sa aking animal ka." hinawakan ni Itay si Peter sa kwelyo at pilit na pinapadayo.

Pinipigilan naman ito ni Inay. Hinatak ni Itay si Peter paalis sa bakuran namin. Doon lang namin napansin ang ilan sa mga kapitbahay namin na nakatingin. Akala mo ay may shooting ng pelikula silang pinapanood para tingnan nila ang nangyayari sa bakuran namin ng mg sandaling iyon. Nakita namin ni Ate na patulak na tinapon ni Itay si Peter. Napahiga ito sa lupa sa lakas ng pagkakatapon ni Itay.

"Wag ka ng magpapakita sa panganay at apo ko. Kaya ko silang buhayin. Pagsinubukan mong lumapit sa anak ko ay makikita mo kung paano ako magalit ng tuluyan." pagbabanta ni Itay. Tumingin si Itay sa mga taong ngayon ay nakatingin sa kanila. "Anong tinitingin niyo? Tapos na ang eksena kaya umalis na kayo. Mga wala kayong magawa sa buhay niyo kung hindi ang mag-usapan ang buhay ng ibang tao."  sigaw ni itay.

Umalis din naman agad ang mga tao pero alam ko na sa susunod na araw paglabas ko ng bahay ay may magtatanong na kapitbahay sa akin. Pumasok na din si Itay sa gate at hinayaan si Peter na nakaupo pa rin sa lupa at galit na nakatingin sa aking ama. Alam nitong wala itong magagawa pa dahil maari itong mapabarangay ni Itay. 

NIYAKAP niya si Ate Carila. Alam niyang nahihirapan ito ngayon sa sitwasyon nito. Nahihiya na rin ito sa kanilang mga magulang. Halos lahat kasi ng kailangan ng anak nito ay sagot ni Itay. Mula sa gatas at diaper ng bata ay si Itay ang sumagot. Hindi parin sila nagkikibuan ni Itay pero hindi naman ito pinapaalis ni Itay sa bahay. Alam niya na may tampo pa rin ang ama sa ate Carila niya ngunit dahil anak nito ang ate ay hindi nito kayang paalisin.

Ngayon niya naintindihan ang sinabi ng kanyang ina noong minsan nitong sinabi na kahit kailan ay hindi nila kayang magalit sa amin na anak nila. They love us beyond anything in this world. Handa silang magsakripisyo, makita lang kaming masaya at maayos. She is lucky to have a parents like them. Alam niyang nagsisisi na ang ate Carila niya sa maling desisyon nito sa buhay. Saka tunayan ay gumagawa ito ng paraan para kahit papaano ay makatulong sa mga gastusin sa bahay. Hindi man sapat para kay baby Camela ay kahit papaano ay nakakatulong para makabawas sa gastusin sa bahay. Nagluluto ito ng kakanin at binibinta sa paaralan malapit sa amin. Alam kung may naririnig ito sa ibang tao pero binabaliwala na lang ng Ate Carila niya.

"Ate Carila." tawag niya.

Tumangat ng tingin si Ate Carila. "Ano iyon, bunso?"

"Alagaan mo si Inay. Uuwi din kami ni Itay dito." sabi niya.

"Wag kang mag-alala bunso. Nandito kami ni Camila para kay Inay." yumakap siya sa ate niya.

NAGMULAT ng mga mata si Anna. Tumingin siya sa paligid. Nagsalubong ang mga kilay niya ng hindi makita ang ama sa higaan nito. Napatingin siya sa orasan na naruruon. Madaling araw na, hindi ba dapat naririyan na ang ama niya. Tumayo siya at lumabas ng maid quarters. Magkasama sila ni Itay sa kwarto. Dalawang kwarto kasi ang naruruon para sa mga katulong. Iyong isa ay para sa mga babaeng katulong at ang isa ay para sa mga lalaking katulong. Kakaresign lang daw ng isang driver at iyong hardinero naman ay may bahay malapit doon kaya silang dalawa lang ng itay niya ang magkasama.

Naglakad siya sa kusina para hanapin ang kanyang ama ngunit pagdating niya doon ay ang bunsong anak ng kanyang amo ang naruruon. Kumakain ito ng ice cream mag-isa. Tatalikod na sana siya ng marinig niyang tinawag siya nito.

"Hoy!"

Lumingon siya. "Ako ba ang tinatawag mo?" tanong niya.

"Oo, sino pa nga ba? Bakit gising ka pa?" seryuso ang mukha ng lalaki.

"Hinahanap ko si Itay." sagot niya. Lumapit siya rito.

"Ah!" sabi nito at tumayo. Lumapit ito sa lagayan ng mga baso at kumuha ng isa. 

Bumalik ito sa inuupuan kanina na may hawak ng isang baso at kutsara. "Halika, kain ka muna. Mamaya pa ang dating ni Mang Amilio. Isinama siya ni mommy at daddy sa birthday ni Mayor. Sigurado napasarap na naman ang kwentuhan nila kaya mamayang umaga pa ang uwi nila."

Ito ang kumuha ng ice cream para sa kanya. Chocolate ice cream iyon at isa iyon sa mga paborito niya. Mabait naman pala ang anak ng amo nila ng kanyang Itay. Ganoon lang talaga ito. Alexander is a very kind guy. Sayang lang talaga at may nobya na ito. Oo aaminin niya, hinahangaan niya ito. Wala kasi siyang mapipintas dito. Nakilala din niya ang girlfriend nito at sobrang bait din. They look good together.

"Salamat." sabi niya.

Ngumiti sa kanya ang binata. Tahimik lang siyang kumakain. Paminsan minsan ay sinusulyapan niya ito. Natigil lang sila ng bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama.

"Itay!" tawag niya at tumayo.

"Anna, bakit gising ka pa?" tanong ng kanyang itay.

Nagmano siya rito. "Nagising po ako at na nakitang wala po kayo sa hinihigaan niyo kaya hinanap ko po kayo."

Tumungo si Itay. "May pinuntahan lang kami ni Ma'am Sandra at Sir Alyen."

"Sinabi nga po ni Sir Alex."

Doon lang napansin ni Itay na kasama niya sa kusina ang anak ng amo nila. Napatingin si Itay kay sir Alex. Magalang na yumuko si Itay.

"Magandang umaga po, sir."

"Magandang umaga din po, Mang Amilio." tumayo si Sir Alex. "Matulog na po kayo. Maaga pa po tayo bukas. Susunduin po natin si Sapphire."

"Okay po, Sir Alex." hinawakan siya ni Itay sa balikat.

"Good night, Anna." narinig niyang sabi ni Sir Alex.

Lilingon pa sana siya nang pigilan siya ng ama. Nagtatakang napatingin siya sa ama ngunit seryuso lang ito. Hanggang sa makapasok sila sa kanilang kwarto ay seryuso pa rin ang ama. Pinakawalan ng kanyang ama ang kanyang balikat ng makaupo siya ng kama.

"Itay." tawag niya.

"Wag ka na ulit lalapit kay Alex."

"Bakit naman po itay? Mabait naman po si sir Alex."

Tumingin sa kanya ang ama pagkatapos nitong hinubad ang uniform. "Hindi siya mabait, anak. Niluluko niya ang kanyang nobya. Ayaw kong pati ikaw ay mahulog sa kanya."

"Hindi naman po ako magkakagusto sa kanya itay. Alam ko naman po kung saan ako lulugar." Nakayukong sabi niya. Kinagat niya ang ibabang labi. Hindi niya kayang sabihin sa ama na nagkakagusto na siya kay Alex.

"Mabuti na iyong alam mo, Anna." kumuha ng damit bihisan si Itay. "Ayaw kong matulad ka sa Ate Carila mo."

Hindi siya nakapagsalita. Sa muling pagkarinig ng pangalan ni Ate Carila ay napa-isip siya. Hanggang ngayon ay  dissappointment pa rin si Itay kay Ate.

"Pangako po, Itay. Hindi po ako matutulad kay Ate Carila."

Ngumiti si Itay at hinawakan siya sa kanyang ulo.

"May tiwala ako sa iyo, Anna."

PAGKATAPOS ng mga nangyari ay sa dorm ng school na siya tumuloy. Tuluyan na siya pinaiwas ng kanyang ama kay Alex. Nalungkot siyang ngunit masaya na din. Tama lang naman ang ginawa ni Itay. Hindi pwedeng mawala ang fucos niya sa pag-aaral at dahil sa binitiwang pangako sa ama ay lalo siyang nagsusumikap na maabot ang pangarap.

She will do everything to make her parents proud. Ilang taon na lang matutupad niya din ang mga iyon. Ibabalik niya lahat ng sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang sa kanya. Alam niyang hindi madali ang ginagawa ng ama kaya hindi siya makakapayag na ganoon na lang lagi ang sitwasyon nila. Iisa lang ang goal niya, ang mabigyan ng maayos na buhay ang mga magulang.

Naglalakad siya sa may gate ng paaralan ng huminto ang isang kotse. Napatingin siya doon ng bumaba ang bintana ng kotse at sumilip ang driver.

"Hi Anna." bati ng driver.

"Sir Alex!" gulat niyang sabi.

"Pauwi ka na ba? Hatid na kita."nakangiting tanong nito.

Napatingin siya sa paligid. May iilang estudyanting nakatingin sa kanila.

"Naku, Sir Alex, wag na po. Malapit lang naman po dito ang dorm ko."

Nakita niyang nalungkot ang binata. "Pumayag ka na, Anna. Dumayo pa ako rito para lang yayain ka tapos ngayong tatanggihan mo pa ako."

Nanlaki ang mga mata niya. Pumunta talaga ito sa school niya para lang yayain siyang maihatid. Bakit? Biglang binundol ng kakaibang kaba ang puso niya. Hindi kaya tama ang sinabi ni Itay noon.

"Pasensya na talaga sir Alex. May gagawin pa po kasi ako. Next time na lang po. Bye." kumaway siya at patakbong lumayo rito.

Pinalangin niya na sana ay hindi siya nito sinundan at mukha naman dininig ang panalangin niya dahil wala siyang napansin na kotseng sumunod sa kanya. Kailangan niyang umiwas sa tukso? Kailangan niyang sundin ang mga sinabi ng ama? Hindi pwedeng mabaliwa ang lahat ng pangaral at sakripisyo nito.