webnovel

CHAPTER TWENTY-SEVEN

"ANONG sabi ng result, Karyll?" tanong niya sa kaibigan na si Karyll.

Nakilala niya ito noong high school. Kaibigan din ito ni Clara pero hindi na ito nagpapakita kay Clara simula ng umalis ito sa paaralan. This girl doesn't want to get involve to anyone. Nagkita lang sila ng minsan magkasama sila sa isang trabaho. Ito ang personal body guard niya. Ngayon nga ay may asawa na ito at hindi siya makapaniwala na ang asawa nito ay isang kilalang tao. Hindi siya nito sinagot. Bugkos ay ibinigay nito sa kanya ang isang brown envelop. Sigurado siya na iyon ang resulta ng pinatest niya. Tinanggap niya iyon at binuksan. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang resulta. Paanong nangyari ito?

"Anong gagawin mo ngayon, Kurt?"

Napataas siya ng tingin at tumayo. Ano ba dapat ang gawin niya?

"I need to do the right thing. Thank you for your help." Sagot niya at tumakbo palabas ng restaurant na iyon. Kinuha niya ang phone sa bulsa at may tinawagan. Agad naman sumagot ang taong iyon.

"May kailangan ka?" tanong ng sa kabilang linya.

"Nakita mo na ba sila?" hindi niya pinansin ang taong nito.

"Yes! I found his family. Papunta na kami ngayon sa bahay ng pinsan ko."

"That's good to hear. Papunta na din ako." Hindi sumagot ang sa kabilang linya. "Thank you for helping me to know the truth, Jacob."

"Anything for my cousin." Pinatay na nito ang tawag.

Mas binilisan niya ang pagmamaneho. Kailangan niyang ipakita kay Marie ang resulta ng DNA test. Kailangan nitong malaman ang totoo. Nakarating siya sa bahay ni Marie. Agad siyang pinapasok ng mga katulong. Buti na lang talaga at nakakapasok pa rin siya doon kahit anong oras na nais niya. Marie's parents always welcome him with big arms. Alam niyang tanggap na ng magulang ni Marie na hindi siya ang makakatuluyan ng dalaga.

"Kurt, hijo may kailangan ka ba?" tanong ni Tita ng mapasukan ko siya sa sala.

"Hello, Tita. Nandito po ba si Marie?" Tanong niya.

"May kailangan ka ba sa akin, Kurt?"

Napatingin siya sa kaliwa ng marinig mula roon ang boses ng dating kasintahan. May hawak itong isang tray ng pagkain. Lumapit ito sa ina at inilapag ang hawak na tray.

"Bakit mo ako hinahanap, Kurt?" Tumayo ng tuwid si Marie. Nakikita niya sa magandang mukha nito ang pagtataka.

Huminga siya ng malalim at lumapit dito. She wants this woman to be happy but not on the man who doesn't deserve her. Dalawang hakbang ang iniwan niya sa pagitan nila. Pinaalala niya sa sarili na hindi na sa kanya ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Inilahad niya rito ang hawak na envelop. Nagtatakaman ay tinanggap iyon ni Marie.

"Ano ito?"

"DNA test result."

Lalong nagsalubong ang kilay nito sa sagot niya. Tumayo na din si Tita at lumapit kay Marie. Binuksan at kinuha ni Marie ang nilalaman ng envelop. Nakita niyang lalong napuno ng pagtataka ang mukha nito.

"Anong ibig sabihin nito, Kurt? Kaninong DNA test ito? Bakit ninety-nine percent match?"

Huminga siya ng malalim. "Kumuha ako ng buhok ni Jewel noong huling punta ako dito at iyon ang ginamit ko para sa DNA test na iyan."

Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Marie. Hindi lang iyon, nanginginig din ang kamay nito. Hinawakan ito ni Tita sa balikat para pakalmahin.

"Kanino nagmatch si Jewel?" tanong ni Marie sa nanginginig na boses.

"Nagpakuha ako ng hair sample ko pero hindi kami nagmatch. Kinuha ko naman ang hair sample ni Cole." tumigil siya at tinitigan sa mga mata si Marie. "I'm sorry, Marie. Naging match ang result ng DNA ni Cole kay Jewel. Anak ni Cole si Jewel."

Nakita niya ang pagpatak ng mga luha ni Marie sa pisngi. Kitang-kita niya ang pagsulat ng sakit at pighati sa mga mata nito. Mahigpit nitong hinawakan ang papel na hawak.

"NO!" sigaw nito. "Hindi ito totoo. Nagsisinungaling ka lang." Itinapon ni Marie sa kanyang dibdib ang papel.

Sinugod siya ng dalaga. Tinanggap niya ang suntok nito sa kanyang dibdib. Alam niyang masakit para dito ang lahat ngunit iyon ang katotohan. Ang katotohan na si Cole ang taong may kagagawan ng paghihirap nito.

"I'm sorry but I don't want to lie to you."

"Hindi! Hindi magagawa ni Cole ang sinasabi mo. Hindi siya ang ama ni Jewel. Hindi siya ang taong namantala sa akin. Hindi totoo ang result na binigay mo. Cole won't do that to me."

Pinilit niyang yakapin ang babaeng minamahal ngunit nagkukumawala ito sa kanya. Tinutulak siya nito palayo. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. Alam niyang sobra itong nasasaktan pero wala siyang balak itago dito ang totoo. Ayaw niyang magbugbugan ito at lukuhin ng taong gumawa dito ng masama. Clara deserve more. Clara and Jewel deserve a better man than Cole. Sa ginawa nito kay Clara, paano pa ito nararapat sa dalaga. All those times, he is deceiving Clara. He wanted Clara to be his but does horrible thing to get the woman you love is not right. Walang pinagkaiba sa Cole sa mga demonyong taong nakilala niya.

Hindi siya makakapayag na maging masaya at matagumpay ang plano ni Cole. Kailangan nitong pagbayaran ang ginawang kasalanan kay Clara.

"Hindi! Hindi! Hindi! Bawiin mo ang sinabi mo, Kurt. Mahal ako ni Cole at hindi niya iyon magagawa sa akin. He treasures me. He takes cares of me since we are a kid. Nangako siya na hindi niya ako sasaktan. Kaya bawiin mo ang sinabi mo. Hindi siya.... Hindi siya..."

"I'm sorry, Marie." Tanging nasabi niya.

Hindi niya alam kung ilang minuto din nagwawala si Clara. Kusa na lang din itong tumigil sa pag-iyak at pagwawala. Niyakap niya lang ang dalaga at tinaggap ang mga suntok nito sa kanyang likuran. The pain is nothing for the pain that she feels at that time. Tumigil si Marie sa pagsuntok sa kanya at umiyak lang ng umiyak sa kanyang bisig. Nararamdaman niya ang sakit at pighati sa puso nito. Nasasaktan siyang makita sa ganoong sitwasyon ang babaeng minamahal. Hinagod niya ang likuran ni Marie habang pinapatahan ito ngunit alam niya na walang magagawa ang hawak niya.

"Marie! Tita! Kurt!" tawag ng isang boses.

Kumalas sa pagkakayakap niya si Marie at napatingin sa bagong dating. Nakilala agad niya ang lalaki ng lumingon siya. May kasama itong isang babae. Kitang-kita niya ang pamumutla ng babaeng kasama dumating ni Jacob. Lumapit sa kanila si Jacob habang hawak sa braso ang babaeng kasama nito.

"Jacob, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Tita. Bakas sa mukha nito ang mga luha.

"Tita, I want you to meet, Beatriz Arevalo. Siya ang anak ng taxi driver na kumidnap kay Marie." Tumingin si Jacob kay Marie. "I'm sorry, pinsan kung natagalan ang imbestigasyon ko."

"I already told her half, Jacob." Tumingin siya sa babaeng nasa harap namin na namumutla ng mga sandaling iyon. "Please! Tell Marie the truth."

Lumandas ang mga luha ng babae at lumapit kay Marie. "Patawarin mo si Itay sa ginawa niya sa iyo. Ginawa niya lang iyon dahil sa kapatid ko na may sakit sa puso. Pero ang hayop na iyon, pinagsamantalahan niya ang kahinaan ni Itay. Pinatay nito si Itay ng humingi ito ng karagdagang bayad."

"S-sino? Sino ang nag-utos sa ama mo na gawin iyon?" Mula sa nanginginig na boses ay nagtanong si Marie.

"Si Mr. Saavadra. Si Lincoln Aries Cortez-Saavadra ang pumatay sa ama ko at siya din ang nag-utos sa Itay ko para kidnapin ka."

Humakbang palayo sa kanila si Marie. "Hindi iyan totoo. Ang ama mo ang namantala sa akin. Tigilan niyo ang pagturo sa taong mahal ko. TAMA NA!!!" sigaw ni Marie.

"Pero iyon ang totoo. Inosente ang ama ko. Biktima din siya ngunit ginawa siyang criminal ng hayop na iyon. Pinatay niya ang ama ko. Sa kanya huling pumunta ang ama ko bago namin siya na tagpuan na lumulutang sa Ilog Pasig." Sigaw ni Beatriz.

"Hindi! Sinungaling ka!" susugurin na sana ni Marie si Beatriz ng agad niya itong pinigilan. Nakikita niya na kaya nitong saktan ang babae sa uri ng titig at galit sa mga mata nito.

"Mr. Saavadra is a physo-path and a killer. Dapat sa kanya ay mamatay. Hindi lang dapat kulungan ang bagsak niya kung hindi impyerno."

NAGSISIGAW siya pagkatapos marinig iyon mula sa babae. Parang may tumarak sa puso niya. Buti nalang at dumating ang kanyang ama at pinaalis ang babae kasama si Jacob at Kurt. Agad siyang tumakbo papunta sa kanyang kwarto, sinundan naman siya ng kanyang ina. Agad niyang nilock ang pinto para hindi makapasok ang ina na alam niyang sinundan siya.

"Marie, anak, papasukin mo ako?" sigaw ng ina mula sa kabilang pinto.

"Mom, can you leave me alone?" ganting sigaw niya.

Dumapa siya sa kama at umiyak. Ayaw niyang maka-usap kahit na sino. Nais niyang mapag-isa ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nasasaktan ang puso niya. Nang marinig niya mula kay Kurt na si Cole ang ama ni Jewel ay parang may sumaksak sa puso niya, muling gumuho ang mundo niya at hindi alam kung ano ba ang dapat maging reaksyon. Agad na sinabi ng isip niya na totoo ang sinasabi ni Kurt ngunit ang puso niya ay sinasabing magtiwala kay Cole. Paniwalaan niya ang pangako nito na hindi siya sasaktan kahit kailan. Na hindi siya nito gagawan ng masama. He was there when she was down. Iyong panahon na sobrang nasasaktan siya. Nandoon ito ng kailangan niya ng karamay dahil sa nangyari.

Alam ni Cole kung paano siya nagdusa dahil sa mga naranasan niya. Ito ang tumulong sa kanya na umahon sa kalungkutan at sakit kaya paano magagawa ng binata ang sinasabi ng babaeng iyon. Mahal na mahal siya ni Cole na kahit ito ay nagalit sa taong namantala sa kanya. Hindi pwedeng ipagkamali ang galit at pagkamuhi sa mga mata nito ng mga panahon na pinag-uusapan nila ang taong nanakit sa kanya. Nagsisinungaling ang babaeng iyon para hindi niya sisihin ang ama nito sa ginawa nito sa kanya. Tama! Iyon ang dahilan ng babaeng iyon ngunit paano naman ang DNA test na pinakita sa kanya ni Kurt. Hindi iyon tama, mamaaring minapula lang ang result ng DNA test.

Tama! Ganoon nga siguro. Hindi siya dapat umiiyak ng dahil lang sa walang katotohanan na bagay. Tumayo siya mula sa pagkakadapa. Naririnig niya pa rin ang pagtawag ng mommy niya sa labas ng pinto. Pinunasan niya ang mga luhang pumatak sa kanyang pisngi. She needs to compose herself. Hindi na siya ang Marie na magkukulong sa kwarto dahil sa nakaraan niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa anak na nasa crib. Mahimbing ang tulog nito. Para talagang angel ang anak niya. And after seeing her baby girl face, she feels everything going to be alright. Nakakita siyang muli ng liwanag. Kinuha niya ang anak mula sa pagkakahiga sa crib.

"Help mommy, baby. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan. Naguguluhan pa rin ako." Hinalikan niya ang noo ng anak.

Gumalaw ang anak niya ngunit hindi naman ito nagising. Muli siyang napa-iyak. Anong mangyayari ngayon sa kanya at kay Jewel? Paano niya haharapin si Cole kung ganitong nagdududa ang isipan niya rito? She needs to know the truth. At nais niyang malaman ang totoo mula kay Cole mismo ngunit paano kapag inamin nito ang lahat. Kakayanin niya ba.

Muling pumatak ang puso niya. Naninikip ang dibdib niya sa kaisipan na may kinalaman si Cole sa mga paghihirap niya. He ruins her.

"I need to know the truth, baby. Sana ay kayanin ko ang lahat ng malalaman ko. Wag mong iiwan si Mommy ha? Bigyan mo ako ng lakas anak. Ayaw kong kamuhian ang Daddy Cole mo ngunit kung siya talaga ang may kagagawan ng nangyari sa akin, hindi ko alam kung anong gagawin sa kanya. Muli niya akong dudurugin at hindi na alam ni Mommy kung saan magsisimula."

Hindi sumagot ang anak niya. Gumalaw lang ito. Niyakap niya si Jewel ng mapakahigpit. Kailangan niya ng lakas para harapin si Cole at kay Jewel siya kukuha ng lakas. Ito na ngayon ang kakapitan niya.

NAKITA NIYA ang pagkagulat sa mukha ni Cole ng makita siyang nakatayo sa harap ng condo unit nito.

"My Queen, what are you doing here?" hinawakan siya nito sa braso ngunit kumawala siya. Nakita niyang rumihesto ang pagtataka sa mga mata nito.

Walang emosyon ang mukhang pumasok siya sa unit nito. Kina-usap niya ang ina kanina at sinabi na wag magsampa ng kaso kay Cole dahil wala silang sapat ng ebidensya. Hindi mapapatunayan sa korte na si Cole ang namantala sa kanya kung ang DNA test lang ang pagbabasehan. Maari iyong madaya at boyfriend niya si Cole, maaring baliktarin lang nito ang lahat. Kung ang anak naman ng driver, madali iyon malulusutan ni Cole dahil mayaman ito. Makapangyarihan ang pamilya ni Cole sa Pilipinas at wala silang laban kahit isama pa ang yaman ni Kurt. Cole's families almost own the one fourth of the business in the Philippines. Sinabi niyang kakausapin niya muna si Cole patungkol sa bagay na iyon. Pinigilan siya ng ina ngunit mapilit siya. Determinado siyang makausap ang binata. May tiwala pa rin siya sa binata na hindi siya nito kayang saktan.

Tumayo siya sa gitna ng sala at nilingon ang nagtatakang si Cole.

"May problema ba, Marie? Galit ka ba sa akin? Tungkol pa rin ba ito kay Trixie?" Lalapit na sana sa kanya si Cole ng agad siyang nagsalita.

"Don't come near me, Cole." Mariin niyang sabi sa binata.

"Bakit? May problema ba tayo, Marie?"

Hindi siya sumagot. Kinuha niya mula sa bag ang DNA test na galing kay Kurt. Iniabot niya iyon sa binata. Tinanggap naman iyon ni Cole at binasa. Lalong nagtaka ang binata.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, Cole. May kinalaman ka ba sa nangyari sa akin?"

Bumuntong hininga si Cole. "Are we going to fight because of this again? I already told you, Clara. Wala akong kinalaman sa nangyari sa'yo noon. Hindi totoo ang sinasabi ni Trixie."

Nakatitig siya sa mga mata ni Cole habang pinapakinggan ang sinabi nito. Unti-unting pumatak ang mga luha niya. Nais niyang paniwalaan ang sinabi nito ngunit may nagsasabi sa likuran ng isip niya na wag itong paniwalaan.

"K-Kung ganoon. P-paano mo mapapaliwanag iyan? Bakit magkamatch kayo ni Jewel?"

Doon na nagbago ang emosyon sa mga mata ni Cole. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Pero ang mas napansin niya ang guilt na dumaan sa mga mata nito. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkirot sa puso niya.

"Sabihin mo sa akin ang totoo, Cole. Please! Wag kang magsisinungaling sa akin. Ikaw ba..." parang may bumara sa lalamunan niya na hindi niya maituloy ang pagtanong dito.

Kumurap si Cole. Tuluyan na nagbago ang bukas ng mukha nito. Takot, pagsisisi at lungkot na ang nakasulat doon. Nakaramdam ng pagkagunaw ng mundo si Marie dahil sa nababasang emosyon sa mukha ng nobyo. Hindi na nito kailangan pangsagutin ang tanong niya.

"Clara, please! Hayaan mo akong magpaliwanag." Lalapit sana si Cole sa kanya at hahawakan ng muli siyang umatras.

"WAG." Sigaw niya. "Wag kang lalapit sa akin. Cole, sabihin mo sa akin, hindi ikaw ang totoong ama ni Jewel, di ba? Hindi mo magagawa sa akin ang bagay na iyon."

"Clara! Clara, patawarin mo ako." Muli sanang lalapit sa kanya si Cole ng umatras siyang muli.

Umiling siya. "Cole, hindi iyon totoo, di ba? Hindi mo ako magagawang pagsamantalahan. Nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan. Na-iingatan at aalagaan mo ako. Kaya, please! Sabihin mo sa akin ngayon na hindi ikaw ang taong iyon. Hindi ikaw ang totoong ama ni Jewel."

Napayuko si Cole. "Clara, patawarin mo sana ako." Umangat ng tingin si Cole at tumitig sa kanyang mga mata. "A-ako ang totoong ama ni Jewel. A-anak ko si Jewel, Clara."

"Hindi." Mahinang bulong niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Naninikip iyon at nararamdaman niya ang pagkawasak ng puso niya. Naninikip ang kanyang dibdib. Unti-unti siyang napa-upo dahil sa panghihina ng kanyang mga tuhod. "Wag kang lalapit!!!" sigaw niya ng tangkain ni Cole na lumapit at tulungan siya.

"C-Clara."

"Paano mo nagawa iyon sa akin, Cole?" tanong niya sa kasintahan.

"Clara, patawarin mo ako. Nagawa ko lang naman iyon kasi mahal na mahal kita. Alam k---"

"Mahal? Mahal mo ako kaya mo ako binaboy, Cole."

Pumatak ang mga luha sa mga mata ni Cole. "Hindi ganoon ang nais ko, Clara."

"Hindi? Hindi mo ninais na baboyin ang pagkatao at katawan ko. Sabi mo mahal mo ako, Kaya bakit mo nagawa sa akin iyon? Ganoon ka ba magmahal, Cole? Ngayon ko lang nalaman na ganoon pala ang pagmamahal, pagsasamantalahan mo para makuha mo."

Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Hindi niya akalain na ganoon ang gagawin ng taong iniibig niya. Pinilit niyang tumayo at hinarap ang binata. Kahit na nanginginig at nanghihina ang kanyang mga tuhod ay pinilit niyang magpakatatag. Sinubukan siyang hawakan ng binate ngunit umiwas siya. Nandidiri siya dito. Kinasusuklaman siya ng kanyang puso at isipan.

"Hindi pagmamahal ang nararamdaman mo para sa akin, Cole. You are obsessed with me. Dahil kung totoong mahal mo ako, hindi mo ako sasaktan at bababoyin. Alam mo ba iyong pakiramdaman ko ng magising ako sa kamang iyon? I never feel so disgusted with myself. Pagkatapos ng ginawa mo sa akin pakiramdam ko, ayaw ko ng mabuhay pa tapos sasabihin mo, ginawa mo iyon kasi mahal mo ako. Lintik na pagmamahal iyan, Cole. Napakawalang-hiya mo naman magmahal." Sigaw niya.

"Clara, patawarin mo ako. Babawi ako sa iyo. Gagawin ko lahat para sa'yo. Hindi ba sabi mo nakakalimutan at ibabaon mo na sa limot ang lahat. Kaya nga tayo magpapakasal para muling magsimula. Itatama ko ang mga ginawa ko. Patawarin mo ako, Clara." Walang tigil ang pagpatak ng mga luha ni Cole. Nasa mukha nito ang pagsusumano sa kanya.

"Patawarin ka? Sa tingin mo mapapatawad pa kita pagkatapos ng ginawa mo?"

"Mahal mo ako. Alam kong mahahanap mo sa puso mo ang kapatawaran para sa akin. Aayusin ko ito. Ituloy natin ang kasal. Magiging ama ako ni Jewel, at magiging mabuti akong asawa sa iyo. Sisiguraduhin---"

"Hindi na kita kayang pakasalan, Cole, dahil ngayon palang habang nakikita kita. Nandidiri ako sa ginawa mo sa akin. Kinasusuklaman kita at hindi ko masikmurang makasama ka habang buhay."

"C-Clara..." Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Cole habang nakatingin sa kanya.

"Hindi matatama ng pagpapakasal ko sa iyo ang ginawa mo sa akin. Kahit kailan hindi matatama ng isang kamalian ng isa pang pagkakamali. At ang pakasalan ka ay isang pagkakamaling gagawin ko ulit sa buhay ko."

"Clara, wag mong gawin sa akin ito. Nagmamakaawa ako." Lumuhod sa harap niya si Cole. Nakikita niya ang paghihirap ng kalooban nito ngunit wala siyang nararamdaman na kahit anong awa sa binata. "Alam kong mali ang ginawa ko. Nais ko lang maging akin ka. Nangako ako na sa pagbabalik ko ay magiging akin ka. Ginawa ko lang iyon dahil ako ang taong nararapat sa iyo. Mahal na mahal kita, Clara. Gagawin ko lahat maging akin ka lang.

"Bata palang tayo, ikaw na ang bukod tanging babae sa buhay ko. Ikaw ang nagbigay ng saya sa tahimik kong buhay. Sobrang saya ko ng maging kaibigan kita. Habang lumalaki tayo, lalong nahulog ang loob ko sa iyo. At habang nahuhulog ako sa iyo ay lalong lumalaki ang takot ko na baka hanggang kaibigan lang talaga ang nais mo sa akin kaya hindi ko kayang magtapat ng nararamdaman sa iyo. Galit na galit ako ng maging kayo ni Kurt. Pakiramdam ko ay kinuha niya ang tanging yaman ko. I was so mad and jealous that leads me into a crazy man."

"Akala ko hindi na ako gagaling pa sa sakit ko ngunit ng bumalik ka sa buhay ko. Walang Kurt na gumugulo sa atin, at tuluyan ko ng makuha ang pag-ibig mo ay unti-unti akong gumaling. At nagyon na iiwan mo ulit ako dahil sa isang pagkakamaling ginawa ko, alam ko na walang kapatarawan ang ginawa ko, pero sana mahanap mo pa rin ako sa puso mo, Clara. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, baka tuluyan na akong mabaliw."

Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang si Cole na patuloy sa pag-iyak at nakaluhod sa kanyang harapan. Bakit sa kabila ng narinig niya ay wala siyang naramdaman na kahit ano? Ang nais niya lang ay magdusa iyo kagaya ng ginawa nito sa kanya. Nais niyang iparamdam dito ang sakit na naramdaman niya dahil sa ginawa nitong pangbababoy sa pagkatao niya. Unti-unti niyang kinuha sa daliri ang singsing na suot. Marahan siyang lumapit kay Cole na walang kahit anong emosyon sa mukha. Ipinantay niya ang sarili rito.

"Clara, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita."

Walang imik niyang hinawakan ang isang palad nito at inilagay ang singsing na hawak. "Alam mo bang nais kitang saktan ngayon. Gusto kitang suntukin at patayin, Cole pero hindi iyon ang alam kong tama." Mahina ang boses na sabi niya.

"Clara, wag mong ibalik sa akin ito. Itu..."

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko." Malamig niyang turan sa binata. "Hindi nakita kayang pakasalan at kahit makita ka ay hindi ko na kaya pa, Cole."

"Clara..." hinawakan siya ni Cole sa kamay at pilit na binabalik sa kanya ang singsing.

"Sabing hindi na kita kayang pakasalan." Inagaw niya ang kamay dito dahilan para tumilapon kung saan ang singsing na bigay nito.

Nabuhay ang galit niya sa taong nanakit sa kanya. Ang nagdala sa kanya sa impyerno at dahilan kung bakit ilang beses niyang binalak na kitilin ang sariling buhay. "Kinamumuhian kita, Cole. Kinasusuklaman ko ang taong gumahasa sa akin at ngayong nalaman kung ikaw iyon, mas dumuble pa ang galit ko sa iyo. I hate you. I hate you so much that I don't want to see your face every again. Wag ka ng lalapit pa sa amin ni Jewel. Hindi ka namin kailangan ni Jewel. Sisiguraduhin ko na hindi ka kikilaning ama ng anak ko. Ayaw kong malaman niya na isang rapist ang ama niya. Sana hindi na lang kita nakilala. At lalong, sana ay hindi kita minahal."

Cole froze in where he was kneeling. Pain was written all over his face. Naglakad na siya palabas ngunit niyakap siya ni Cole sa kanyang mga binti.

"Anong kailangan kong gawin para patawarin mo ako, Clara?"

Napakuyom ang mga kamao niya. Hindi niya ibibigay dito ang kapatawaran na nais niya. "Kill yourself." Malamig niyang sabi.

Mukhang ikinagulat ni Cole ang sinabi niya dahil unti-unting lumuwang ang pagkakayakap nito sa kanyang mga binti. Sinamantala niya iyon para lisanin ang lugar. Umalis siya sa lugar na iyon na dala ang bangungot ng nakaraan niya. Ang katotohanan na ang taong minahal niya ang taong nanakit sa kanya. Ngunit lumisan siya sa lugar na iyon na alam niyang may naiwan siya. Kinapa niya ang puso niya. Sobra iyong nasasaktan. Iyong puso at pagkatao niya ay muling nadurog dahil sa katotohan. Magalit man at mamuhi siya kay Cole, ito pa rin ang laman ng puso niya.

Ito pa rin ang sinisigaw ng kanyang puso at hindi niya alam kung kailan iyon matatapos.