webnovel

CHAPTER TWENTY-SIX

"NO!!! Nagsisinungaling ka." Umagos ang mga luha sa kanyang pisngi.

Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng babaeng ito. Trixie is trying to ruin her happiness. Ex-girlfriend ito ni Cole at maaring may pag-ibig pa ito sa kasintahan. She is just making up stories to ruin her relationship with her boyfriend. Nasasaktan man ang puso niya dahil sa narinig sinisigaw naman noon na wag maniwala kay Trixie.

"Hindi ako nagsisinungaling sa'yo, Marie. Kung gusto mo tanungin mo pa si Aries. I'm sure he will tell you the truth. Aries have a mental health issue. He is obsessed with you that's why he does such thing. Think about what I said, Marie. Aries is not stable mentally and emotionally. He makes decision according to his desire. And you..." Napalitan ng galit ang nakangiting aura ni Trixie. "... is his desire."

Umiling-iling siya. "Hindi totoo ang mga sinabi mo. Oo at hindi stable ang pag-iisip ni Cole pero alam ko, hindi niya ako kayang saktan. Mahal niya ako kaya hindi niya magagawa sa akin iyang pinagsasabi mo. My rapist already dead and I already get the justice I deserve. Stop potting stories to break us apart. Leave me and Cole alone, Trixie. Masaya kami sa relasyon namin. You should move-on and---"

"Love is blind, Marie. And you are the perfect example. I already move-on and happy---"

"What the fuck is you doing here, Trixie?" Isang galit na galit na boses ang pumutol sa iba pang sasabihin ni Trixie.

Sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking kakarating lang. Madilim ang mukha at aura ni Cole. Nakatitig ito kay Trixie at sa klase ng titig nito ay para itong papatay ng tao. Nagtatagis ang bagang nito habang nakatingin sa dati nitong nobya.

"Ow! Hi, Aries. Good to see you again. You look good." Isang nakakaakit na ngiti ang ibinigay nito kay Cole.

Bigla ay nabuhay ang inis niya sa babae. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papalapit kay Cole. Kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod ay nagawa niyang makalapit sa kasintahan at mahigpit itong hinawakan sa braso. Napatingin sa kanya ang binata.

"Clara, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Cole. Nawala ang talim ng tingin nito. Napalitan iyonng nag-aalalang tingin.

"I'm fine. Let's go home, Cole. Please!"

Agad siyang niyakap ni Cole. Ma-ingat ang pagkakayakap nito sa kanya. Wari bang takot itong masaktan siya. Lalo siyang napaiyak. Paano nasabi ni Trixie na si Cole ang rapist kung ganito kaingat ang kasintahan sa kanya? Sigurado siya, nais lang ni Trixie na sirain kung anong meron sila ni Cole ng mga sandaling iyon. Gumanti siya nang yakap sa nobyo ng maramdaman ang halik nito sa kanyang buhok.

"Aries!" Tawag ni Trixie ng aalis na sana. Huminto si Cole at hinarap si Trixie.

"Tell Clara the truth. Wag kang magbalat-kayo sa harap niya. Ilabas mo ang totoong ikaw." Galit na sigaw ni Trixie.

Naramdaman niya ang tensyon sa katawan ni Cole. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa nobyo. Nais niya itong kumalma. Gusto niyang ipaalam kay Cole na hindi siya naniniwala sa sinasabi ni Trixie. She believes on him. She trusts him with all her heart.

"I'm not the old Aries you know, Trixie, but I will get back to it if you wanted. Alam mo kung paano ako magalit. Stop disturbing me and Clara. Hindi mo gustong makitang muli ang sungay ko. Hindi lang negosyo ng kapatid mo ang wawasakin ko kung hindi na rin ang negosyo ng kinikilala mong ama. Wala akong paki-alam kung sinuman ang nasa likod niya. Tandaan mo din. Kilalang-kilala ko ang pamilya mo." May pagbabantang sabi ni Cole.

Pagkatapos sabihin iyon ni Cole ay binuhat siya nito at naglakad na palabas ng restaurant na iyon. Nagpapasalamat siya na dumating ito at inilayo siya doon. Hindi na kaya ng puso niya ang mga pinagsasabi ni Trixie. Oo nga at hindi siya naniniwala sa sinasabi nito ngunit may hatid iyong kirot sa puso niya. Hindi niya akalain na may pagtingin pa rin si Trixie sa kay Cole at handa nitong sirain si Cole para lang makuha ito.

Maingat siyang ipinasok ni Cole sa kotse nito. Nang makaupo sa driver seat si Cole ay agad nitong binuhay ang sasakyan at tinahak ang daan pauwi sa bahay ng kanyang mga magulang. Pareho silang tahimilk ni Cole sa buong durasyon ng byahe. Nang makarating sila sa gate ng bahay ng kanyang mga magulang ay agad na humarap sa kanya si Cole at niyakap siya ng mahigpit.

"Don't leave me, Clara. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin." Puno ng pagsumamong sabi ni Cole.

Kumirot ang puso niya dahil sa sinabi ni Cole. Gumanti siya ng yakap dito. She won't leave Cole no matter what happen. Mananatili siya sa tabi nito kahit anong mangyari. Minsan na niya itong iniwan sa laban, hinding-hindi na iyon mauulit pa.

"I won't leave you, Cole. I stay by your side. Kahit ano pangsabihin ni Trixie. Hinding-hindi ako maniniwala sa kanya."

Naramdaman niyang natigilan si Cole pagkarinig ng pangalan ni Trixie. Kumalas si Cole sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya sa mga mata.

"Anong sinabi sa iyo ni Trixie?"

Ngumiti siya at umiling dito. "It doesn't matter. Hindi naman ako naniniwala sa sina---"

"Sabihin mo sa akin, Clara. Anong sinabi ni Trixie sa iyo?" Unti-unting nandilim ang mukha ni Cole. Naramdaman niya ang galit na nagmumula rito.

Hindi agad siya nakapagsalita. Puno ng pagsuyong hinawakan niya sa pisngi ang nobyo. "She said you are my rapist, Cole. Pero hindi naman ako naniniwala sa sinabi niya. Alam ko na hindi mo ako kayang saktan."

Nakita niya ang paglambot ng mukha at mata ni Cole. "Clara..."

"Mahal na mahal mo ako, di ba? Mahal mo ako kaya hindi mo iyon magagawa. Kahit kailan hindi mo kayang gawan ako ng masama." Dumaloy ang masagang luha sa pisngi niya.

Hindi agad nakaimik si Cole. Nakatitig lang ito sa mga mata niya. Ilang sandali pa ay pinunasan nito ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. Nasa mga mata nito ang pagsuyo at pagmamahal para sa kanya.

"I love you, Clara. Hinding-hindi kita sasaktan. Hindi ko magagawa ang sinasabi ni Trixie. Pagkatiwalaan mo sana ako."

Lumuwag ang bigat na nararamdaman niya ng sabihin iyon ni Cole. Iyon lang naman ang kailangan niyang marinig mula sa lalaking minamahal. Iyon lang naman ang nais niya at mapapanatag na siya. She feels relief after Cole deny Trixie's allegation. Napaiyak siyang lalo at mahigpit na yumakap sa kasintahan. Mahal na mahal niya ito. Hindi niya alam ang mangyayari sa kanya kapag nawala ito sa buhay niya.

"ANONG ginagawa mo dito?" tanong ni Marie ng makita si Kurt na nakaupo sa mahabang sofa ng sala ng kanyang mga magulang.

Napatingin sa kanya ang ina at si Kurt. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ni Kurt. Tumayo ito at lumapit sa kanya.

"Hi Marie. Ito na ba si Jewel?" Tumingin ito sa batang karga niya.

"Oh!" Tumungo siya kay Kurt. Nagulat siyang makita ang ningning sa mga mata nito. He is happy.

"Ang ganda niya. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niyang Jewel Angela." Hinawakan ni Kurt ang maliit na kamay ng anak niya.

"Oo. Si Cole ang nagbigay ng pangalan sa kanya."

Nakita niya na natigilan si Kurt at nabitawan ang kamay ni Jewel. Binaliwala niya ang reaksyon nito. "Anong ginagawa mo dito, Kurt? Akala ko ba hindi mo na ako lalapitan pa."

Umangat ng tingin si Kurt. Ngumiti ito sa kanya ngunit hindi maitago ang lungkot sa mga mata nito. "May ibinigay lang akong ilang dokumento kay Tito. Pinapabigay ni Dad para sa expansion ng hotel ninyo."

"Ganoon ba." Tumingin siya sa ina. "Mom, pupunta po si Cole ngayon."

"Susunduin ka ba niya ngayon?" Tumayo ang kanyang ina at lumapit sa kanya. Kinuha nito si Jewel mula sa pagkakabuhat niya.

"Opo. Pupunta po kami kay Ashley ngayon. Kailangan naming mag-fitting para sa wedding gown ko. Sasamahan niya po ako ngayon." Sagot niya.

"Buti naman at may oras na si Lincoln na samahan ka. Sige. Ako na muna ang magbabantay sa munting prinsesa."

"Salamat, mommy." Muli niyang binalingan si Kurt na mataman na nakatingin sa kanya. Unang umiwas ng tingin si Kurt. Napabuntong-hininga na lang siya.

Bakit ba kailangan magkakilala ang mga magulang nila? Hindi tuloy nila maiwasan na hindi magkita. Hanggang kailan ba sa bansa si Kurt. Hindi sa gusto na niya itong umalis ng bansa pero mas nais niyang nasa malayo ito. Alam niya kasing nasasaktan ito kapag magkikita silang muli.

"Ma'am Marie, nandito na po si Sir Cole."

Para naman siyang nakahinga ng malalim ng marinig iyon. Napatingin siya sa likuran ni Kurt at doon nakita si Cole na papalapit sa kanila. Bigla nalang umiyak si Jewel kaya tumakbo si Cole para kunin sa ina ang anak. Agad naman tumahimik si Jewel ng nasa bisig na ito ni Cole. Napangiti siya ng makitang nakangiti ang anak.

"Hey, Jewel. Naramdaman mo ba ang pasensya ni Daddy kaya umiiyak ka na naman?" Nakangiting tanong ni Cole sa anak.

"Alam niya talaga kapag nasa malapit ka." Nakangiting sabi ni Mommy.

Tumawa si Cole. "She really knows that her daddy is near. At alam nitong may pasalubong na naman ako."

"Ano na naman ang binili mo sa anak mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Mommy.

Itinaas ni Cole ang hawak na paper bag. Kinuha iyon ni Mommy at inilabas ang laman. Nanlaki ang mga mata ni Mommy ng makita ang isang maliit na box. Nakita niya ang kumikislap na pindat doon. Kahit siya ay nanlaki ng makita kung ano ang dalang regalo ni Cole para sa anak. Isang kwentas na may pendat ng isang hollow ng angel habang sa magkabilang gilid ng hollow ay ang pakpak ng angel. Silver necklace lang iyon pero alam niyang sobrang mahal iyon.

"Binili mo ito para kay Jewel?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mommy.

"Yes! Dumaan kasi ako sa Jewelry shop ni Kuya Tim at saktong nakita ko iyan. Si Jewel agad ang nakita ko." Hinalikan ni Cole sa noo ang anak niya.

Nanlaki ang mga mata niya. At sa Saturn Jewely pa talaga nito binili ang bagay na iyon. Alam ba talaga ni Cole ang salitang ayaw. Hindi niya gustong bumibili ito ng mamahaling bagay para kay Jewel. Alam niya ang presyo ng alahas sa store ni Kuya Timothy. Ang mamahal ng mga alahas doon. Nakakalula ang presyo na kahit siya ay ayaw bumili para lang sa isang simpleng kwentas pero kung mayaman ka at nais mo ng branded na bagay, Saturn Jewelry is for you.

"Pero hindi niya pa ito kailangan." Sigaw ni Mommy.

Napatingin dito si Cole at ngumiti. "Susuotin iyan ni Jewel paglaki niya. Sa ngayon itago niyo na lang po muna."

"Lincoln, hindi mo kailangan bumili ng ganito para kay Jewel. Three months old palang si Jewel pero spoiled na agad sa iyo. Hindi ganyan ang pagpapalaki ng anak."

"Tita, I just want to give Jewel everything I can offer in this world. Just let me do it po."

Nakita niya ang pagkabigo sa mga mata ng ina. Humarap ito sa kanya. "Pagsabihan mo iyang mapapangasawa mo. He can't spoil Jewel like this. Kayo din ang mahihirapan paglumaki na siya. Hindi porket mayaman siya ay magwawaldas siya ng pera sa hindi importanting bagay."

Ngumiti na lang siya sa sinabi ng ina. Lumapit siya rito at inakbayan. "Let him be, mom. Kaya naman ibigay iyon ni Cole. At saka ngayon lang naman po iyan." Binalingan niya ang nobyo. Nilalaro na ni Cole ang anak nila. Jewel is making a cute sound na lalong nagbigay ng kaligayahan sa puso niya. She has everything she can ask for. Ngayon niya napatunayan na pagkatapos ng bagyo ay may bahaghari na lilitaw.

"Cole, stop it. Aalis pa tayo. Mahuhuli tayo sa meeting natin kay Ashley."

Si Ashley ang nag-voleenter na gumawa ng wedding gown niya. Hindi niya alam na isang kilalang fashion designer pala ang pinsan na iyon ni Cole. Akala niya ay CEO ito ng Casa Pilar. Nagulat na lang siya ng sabihin nito na ito ang gagawa ng wedding gown niya. Minsan lang daw ikakasal ang pinsan nito kaya gusto nito na ito ang gagawa ng isusuot nila. Tinigilan naman ni Cole si Jewel. Lumapit ito kay mommy at ibinigay si Jewel sa kanyang ina. Agad nitong hinawakan siya sa kamay.

"See you later, my baby princess. Daddy will play with you later, okay."

Tumawa lang si Jewel bilang sagot sa sinabi ni Cole. Hindi niya napigilan ang tumawa, nakakahawa ang saya at tawa ng kanyang anak. Jewel is indeed her angel, her savior in this cruel world. Masaya siyang ibinigay ng panginoon sa kanya ang anak. She doesn't feel lonely or hate.

"Tara!" sabi ni Cole.

Ngumiti lang siya at iniabot ang bag na nakapatong sa isang kabinet. Natigilan siya ng makitang nakatingin sa kanila ni Cole si Kurt. Walang emosyon ang mga mata nito. Mukhang napansin din ito ni Cole dahil naramdaman niyang nanigas ito sa pagkakatayo.

"Kurt---"

"Ingat kayo." Yumuko lang si Kurt at pumunta ng sofa para umupo.

Sinundan niya ng tingin si Kurt. Hindi niya naiwasang hindi malungkot para rito. Naalis lang ang tingin niya sa binata ng pinisil ni Cole ang kamay niyang hawak nito. Napatingin siya rito. Isang ngiti ang ibinigay ni Cole bago siya hinatak paalis doon. Sumunod siya sa nobyo at pilid na inaalis ang guilt na nararamdaman para kay Kurt. Kahit anong gawin niya naruruon pa rin sa puso niya ang lungkot para sa dating kasintahan. Bakit ba kailangan may masaktan pagdating sa pag-ibig?

"NAGPA-DNA TEST si Kurt," ani ng lalaking nangangalang Jacob, ang pinsan ni Clara.

"Hindi niya talaga titigilan ang anak ko." Malungkot na wika ni Tita Ivy.

Nasa flower farm sila ng mga sandaling iyon. Pinatawag ni Tita Ivy si Jacob ng malaman nito mula sa kakilala ang nangyaring sagutan sa pagitan ni Cole at dati nitong kasintahan na si Trixie. Alam niyang may nililihim sa kanya ang mga anak pero hindi niya iyon pinsanin noong una. Naghihintay siyang sabihin ng mga ito sa kanya ngunit mukhang walang balak ang mga ito. Kagaya na lang ni Alex, nito lang niya nalaman na nasa sarili nitong isla ang binata para itago ang babaeng sinisinta.

Ngayon nga ay nalaman niya ang tungkol sa pinanggagawa ni Trixie kay Clara at Cole. At hindi isang tulad niya ang uupo sa isang tabi at panuorin na nasasaktan ang kanyang anak.

"What we should do now, Tita Ivy? Hindi pa tapos ang imbestigasyon ko tungkol kay Trixie. Hindi pa ako sigurado kung may kinalaman ba talaga siya sa nangyari kay Marie. Wala pa akong pweba na magkapag tuturo na siya ang nagpagahasa sa pinsan ko."

Nagtaas ng tingin si Tita Ivy. Sinalubong nito ng tingin ang lalaki na ngayon ay seryuso din na nakatingin sa kanya.

"Alam natin pareho na si Cole ang nagdala sa bahay na iyon kay Clara. Partially, he done a wrong thing to Clara."

"I know that, Tita Ivy. I want Cole to pay for his mistake. He done something horrible to Clara. If it's not for him, Clara won't experience such thing. Gusto ko siyang makulong sa ginawa niya."

Bumuntong-hininga si Tita Ivy. "I know. That's why I want you to do something for me."

"What is it, Tita?"

"So, I want you to manipulate the DNA test."

"What?" Nanlaki ang mga mata ni Jacob. Umayos din ito ng upo. "Seryuso po ba kayo?"

"Yes. I want you to manipulate it according to our plan. Alam natin pareho na hindi basta-bastang kalaban si Trixie. Ang sindikato na gustong pumatay sa babaeng minamahal ni Alex at taong tumutulong at pumuprotekta kay Trixie ay isasang grupo. Hindi sila basta-basta binabangga, Jacob. Matagal na silang problema ng ahensya niyo at ito lang ang na isip kong paraan para ma-iligtas silang pareho."

Umiling si Jacob. "Pero anak niyo po si Cole. Hahayaan niyo itong mangyari sa kanya?"

Hindi pa rin makapaniwala si Jacob sa naiiisip na paraan ni Tita Ivy. If they manipulate the DNA test, something will really change big time. Pareho nilang alam kung anong katotohan kaya hindi niya maintindihan.

"I know. Just do the thing I said, Jacob. Hindi ko pababayaan ang anak ko. And one more thing..." may kinuha si Tita Ivy mula sa bulsa nito. "Look for her, she will help up."

Isang larawan ng babae ang inilabas ni Tita Ivy. Huminga na lang ng malalim si Jacob. Tutol man siya ay wala siyang magagawa. Cole is also a friend of him. Ganoon din ang Kuya Timothy nito pero heto siya at gagawa ng masama dito. Sana nga ay maging maayos itong gagawing plano ng ina ng dalawang kaibigan.