webnovel

CHAPTER THIRTY-FIVE

SA TULONG ni Jacob, nalaman niya kung anong room ni Cole sa main branch ng DL Medical Center. Sa isang private room at hindi pwedeng pasukan ng kahit na sino ang floor na kinaruruonan nito. Tinulungan din siya ni Jacob na makarating sa floor na iyon. Dahil nga magkaibigan sila ni LJ na siyang kapatid ng may-ari ay hindi na siya nahirapan pa.

Si Jacob na rin ang bumalita sa kanya na maayos na ang kalagayan ng binata. Hindi naman ganoon kalalim ang balang tumama dito. Nag-donate din daw ng dugo ang Kuya Timothy nito. Halos parehas lang daw ang sitwasyon ng anak niya at ni Cole. Cole already woke up. Dinalaw na din naman ito ng pinsan. Nalaman niya na malapit pala talaga ang pinsan sa mga Cortez. Ganoon din si LJ na siyang personal lawyer ng pamilya. She just found out everything last night. Ang asawa ni Alex na si Anna ay isa din pala sa empleyado ni LJ sa law firm nito.

Sinabi din ng pinsan niya na nagtatrabaho ito minsan sa pamilya ng mga Cortez. Basta pagmay-gustong imbestigahan ang mga ito ay ito agad ang unang tinatawagan. Jacob said also that he is close to Cole and Timothy. Minsan na daw nito niligtas sa isang issue si Kuya Timothy.

"Are you ready to talk to him?" nag-aalalang tanong ni Jacob sa kanya.

Nasa tapat na sila ng pinto ng kwarto ni Cole. Tumingin siya sa pinsan. Malakas na malakas ang tibok ng kanyang puso ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung anong mapapasukan niya sa loob.

"Kailangan ko siyang ka-usapin."

Ngumiti ang pinsan niya. "They are good people, Clara. Cortez is not what people think."

"I know." Tumingin na siya sa pinto at huminga ng malalim bago kumatok.

Walang sumagot pero bumukas ang pinto at iniluwa ang gulat na mukha ni Anna.

"Clara…" banggit nito sa pangalan niya.

"C-can I come in?" Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Naririnig niya iyon.

Tumingin si Anna sa pinsan niya bago bumalik sa kanya. Ngumiti ito. "Of course." Binuksan nito ng malaki ang pinto.

Siya ang unang pumasok. Ang pinsan na rin niya ang nagsara ng pinto. Sumunod siya kay Anna. Malaki ang kwarto na inaakupa ni Cole. May mini sala doon, T.V at mini ref. At may isa pang pinto na siguradong si Cole ang nasa kabilang bahagi. Nakita niyang naka-upo sa sofa si Tita Ivy at Ashley. Kasama ng mga ito ang isang lalaki na hindi niya kilala pero pamilyar sa kanya. Yumuko siya para magbigay galang sa mga ito.

"Good morning, Tita, Ashley." Bati niya sa dalawa.

Ngumiti si Tita Ivy at tumayo. Lumapit ito sa kanya ang niyakap siya ng mahigpit. "Good to see you again, Clara."

"Ako din po, Tita." Kumalas siya sa pagkakayakap dito.

"You want to talk to him?"

"Opo sana kung hindi niyo po sasamain?"

Ngumiti si Tita Ivy. "Of course not. Go talk to him. He been waiting for you to visit him. I already told him about Jewel. He is worried that something happens to you and your daughter. So, go."

Gumanti na rin siya ng ngiti. "Thank you, Tita."

Humarap si Tita sa dalawang taong naka-upo sa sofa. "Ashley, Peter, come on. Let's buy foods for everyone."

Hindi nagsalita si Ashley. Tumayo lang ito. Ganoon din ang lalaking katabi nito na tinawag ni Tita Ivy na Peter. Naalala na rin niya kung sino ang lalaking katabi ni Ashley. Kung hindi siya nagkakamali ang pangalan ng lalaki ay si Peter Casanova del Pilar-Martinez. Ito ang may-ari ng Technoriz Inc. at pinsan ito ni Ashley. Kagaya ng pamilya Cortez ay mayaman din ang pamilya nito. Peter got a controversy last year that makes him well-known. He is gay and dating one of the young bachelors in town. Pero bago pa naman iyon ay kilala na ito bilang batang mayaman.

Nang dumaan sa harap niya si Ashley ay sinamaan lang siya nito ng tingin habang si Peter ay ngumiti sa kanya. Sumama si Jacob at Anna sa kay Tita Ivy. Naiwan siya sa loob ng kwarto. Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Clara. Kumatok siya sa isa pangpinto. May taong sumigaw mula sa loob. Unti-unting binuksan ni Clara ng pinto at habang binubuksan niya iyon ay palakas ng palakas ang tibok ng kanyang puso.

Nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto ay bumungad sa kanya ang nakahigang binata. Nanlaki ang mga mata ni Cole ng magtagpo ang kanilang mga mata.

"Clara…" banggit nito sa pangalan niya.

She didn't smile. Abot hanggang langit ang kabang nararamdan niya. Napahawak siya ng mahigpit sa saradura ng pinto. She wanted to come close but her feet are glue in where it standing. Nakikita sa mukha ni Cole ang pagkagulat. Nang magtangkang umupo ang binata at nakitang nahihirapan ito ay doon siya mabilis na lumapit dito. Inalalayan niya itong maka-upo ng kama. At dahil sa ginawa niya ay naglapat ang kanilang mga balat.

Nagtagpo ang kanilang mga mata at nakulong si Clara sa mahikang bumalot sa kanilang dalawa ni Cole. Naramdaman ni Clara ang pagtigil sa pag-ikot ng kanyang mundo. Binalot ang kanyang puso ng kakaibang kaba. Alam ni Clara kung anong ibig sabihin ng tibok na iyon pero wala siyang balak na kalabanin iyon. Ilang hibla na lang ba ang layo ng mukha ni Cole sa mukha niya? Pakiramdam niya ay napapalibutan sila ng maraming pulang rosas at nag-gagandahang bulaklak.

Nang gumalaw ang mukha ni Cole palapit sa kanya ay natauhan si Clara. Mabilis niyang iniiwas ang mukha at lumayo sa binata. She shouldn't do that. She is married. Kahit na may hindi sila pagkakaunawaan ngayon ni Kurt ay kasal pa rin siya dito. Hindi tamang gumawa siya ng kamalian sa asawa. Tama na ang isang beses siyang hinalikan ni Cole. Isa iyong pagkakamali na hindi na pwedeng ma-ulit pa.

Tumikhim siya at umayos ng tayo. Hindi siya makatingin ng deritso kay Cole. Nakakahiyang muntik na naman siyang mahalikan nito.

"Clara?" Narinig niyang tanong ni Cole.

"I need to talk to you about Jewel." Panimula niya.

Binalot ng katahimikan ang dalawa hanggang sa narinig niya ang paghugot nito ng malalim na paghinga.

"I'm sorry." Tanging nasabi ni Cole.

Clara bet her lower lips. Sumikip ang dibdib niya. Hindi man deriktang aminin nito ay sapat na iyon bilang pag-amin sa kanya. It's painful to know that he suffers for the mistake of others.

"W-Why?" Basag ang boses na tanong niya. She can't look at him.

Cole didn't speak. Napilitan siyang tumingin sa binata. Nakatingin ito sa bintana. Cole have a cold face. Wala siyang nababasang emosyon sa mukha nito.

"Tell me, why? Why you did those things? B-bakit mo inako ang kasalanan ng hi---"

"To keep you safe." Cole look at her eyes while saying those words.

Nagsalubong ang kilay niya sa sinagot nito. What did he mean? Bago pa niya matanong ang nasa isipan niya ay nagsalita na agad si Cole.

"Trixie won't stop bothering you until she gets what she wants. Nalaman ko na siya ang nagpadala ng mga sulat sa iyo at nalaman ko din na kasali siya sa isang sindikato. Hindi ko alam kung gaano ba kalakas ang mga sindikatong iyon at sino-sino ang mga taong parte noon. Ang alam ko lang ay hindi sila titigil hanggang sa hindi nila nakukuha ang gusto nila. I want you and Jewel to be safe."

Napahawak siya sa kama dahil sa narinig. Anong klaseng buhay ba talaga ng binasukan ng kanyang kapatid? Trixie really in a dark place until she died.

"Hindi ko ma intindihan? Trixie wanted me to get out of your life. Hindi naman siguro sa punto na papatayin niya kami ni Je---"

"She is capable of killing someone." Yumuko si Cole. Isang malalim na paghinga ang ginawa nito. "Trixie… Trixie is mentally ill. Nagkita kami ulit sa U.S dahil parehas kami ng doctor. She is dealing with her depression. We both see ourselves in each other. Both facing our dark self. Ang pinagkaiba lang naming ay mas pinili kong mapabuti ang sarili ko para makabalik sa piling mo pero si Trixie ay nanatili sa nakaraan. She thinks that I save her from her dark but the truth is… mas lalo na siyang nalubog sa sakit niya. Naging obsession na ang pag-ibig na meron siya sa akin."

"M-my sister is in---"

Tumungo si Cole bago pa niya matapos ang kanyang tanong.

"Trixie is a broken person and my doctor advise me to break up with her. Totoong nagbreak kami ng lumapit ako sa iyo at nahihirapan ako ng mga sandaling iyon. Hindi ko din naman kayang iwan si Trixie sa ganoong sitwasyon lalo na at nandoon siya sa mga panahon na kailangan ko ng taong masasandalan pero kung ako lang din naman ang magiging dahilan ng paglubog niya ay mas mabuti pangmaghiwalay kami. Sakto naman na ginawan ako ng mali ng Kuya niya. Akala ko ay maayos na siya dahil bumalik sa buhay niya si Brix. They used to be a lover before Trixie and I meet again. Nakita kong maayos na ang sitwasyon niya kasama ito. At alam ko naman na kahit kami ay nagkikita pa rin silang dalawa. I know, Trixie still care for Brix but… Trixie fall out of love."

"At ikaw ang minahal niya?"

Tumungo si Cole. Yumuko ito. Nakita niyang humigpit ang pagkakahawak nito sa kumot.

"Trixie… She is not like that. Hindi naman talaga siya masamang tao, Clara. Alam ko lahat ng pinagdaanan niya sa buhay. She told me everything about herself. She is a broken soul. At alam namin ni Brix na hindi na mabubuo pa si Trixie pero sinubukan pa rin ni Brix. Kaya naman naging alipin ito ni Trixie. He did everything for Trixie."

Clara didn't speak. Napa-upo siya sa kama. Naguguluhan ang puso niya ng mga sandaling iyon. Yes, she pities Trixie but it doesn't mean she is right to do that to her. Napakuyom siya. A broken soul. Kaya ba ginawa din nito iyon sa kanya dahil gusto nito na maging kagaya siya nito?

"I'm sorry for hurting you, Clara. Ang totoo niyang, kaya ko ako kusang nagpakulong ay dahil alam ko sa sarili ko na may ginawa akong mali sa iyo. Hindi ka mapupunta sa ganoong sitwasyon kung hindi dahil sa akin. I blame myself for what happen to you. Kahit balik-baliktarin o itanggi ko man. I make a mistake at you that night that leads you to be a broken person."

Clara looks at Cole's eyes. Agad na umiwas ang binata. May namumuong luha sa mga mata nito. Napakagat ng labi si Clara. It's painful to see Cole like that. Pain, regret, madness and sadness. All those emotions are visible to his eyes. Napayuko na lang si Clara at napahigpit ang pagkakahawak sa kumot..

"Tell me what happen that night," aniya sa binata.

Napatingin sa kanya si Cole na may gulat sa mukha. "Anong sabi mo?"

Sinalubong ni Clara ang mga tingin nito. Pinatapang niya ang kanyang mukha at nakipagsukatan ng tingin kay Cole.

"Tell me. Tell me what happen that night, Cole. I wanted to know the truth."

"Pero Clara---"

"Should I beg to you for you to tell me what really happen? I deserve to know it, right?" Putol niya sa iba pang sasabihin nito.

Umiwas ng tingin si Cole. "It's not like that. Ayaw ko lang sariwain mo ang sakit ng mga nangyari noon. I saw how it breaks you. Hindi kita ibabalik sa kahapon na nanakit sa iyo."

"It's not you who decided, Cole." Umayos siya ng upo. "I'm okay now. I'm stronger that what you think. After all these years, I learn to lean on myself. Kaya alam kong kaya ko ang lahat. So please, tell me what happen that night."

Hindi nagsalita si Cole. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Clara feels defeated. Jacob won't tell her what he knows because he said that Cole should be the one to tell her. And now, feels like Cole won't tell her.

COLE stops what he doing. Dalawang butones na lang at mabubuksan na niya ang suot na polo shirt. What he about to do will make Clara hates him? Siguradong kamumuhian siya ng babaeng minamahal kapag tinuloy niya ang binabalak pero iyon lang kasi ang na-iisip niyang paraan para maging kanya ang dalaga. He hates what Kurt doing to his best friend. Clara deserve much better.

Nakita niya ang ginawang pag-iwan ni Kurt sa best friend kanina habang nasa mall ang mga ito. He is taking her for granted. It should be like that. He is treating Clara like a princess but look what Kurt doing to her.

But what he about to do is going to ruin their friend and her trust. Cole put back all the bottom of his shirt. Umupo siya sa kama at pinamasdan si Clara.

"I'm sorry." Bulong niya. Yumuko siya at dinampian ng halik ang noo nito.

He can't do this to her. Hindi sa ganitong paraan dapat niya kunin ang dalaga. Oo nga at palalabasin lang niya na may nangyari sa kanila at aakuin niya ang responsibilidad ng ginawang pagkakamali dito pero hindi ibig sabihin noon ay makukuha na niya ang puso nito.

"I need to think a better way. Hindi ako makakapayag na maging kayo pa ni Kurt pagkatapos ng mga nakita ko. You be mine, Clara. I can't let you go this time"

Hinawakan niya ang pisngi ng kaibigan. Clara is indeed a beautiful woman. Mas mag-matured ang kaibigan pero hindi pa rin noon nabawasan ang angkin nitong ganda. Each day, she is getting pretty. Sa loob ng ilang taon na nawala siya sa buhay nito ay hindi ito nawala sa kanyang isipan.

Cole gets up and left the room. Umupo siya sa sofa at kinuha ang phone. Binuksan niya iyon. Sakto sa pagbukas noon ay may pumasok na mensahe mula sa Kuya Timothy niya. Binasa niya iyon.

'Where are you? Alex called me that your coming tomorrow.'

Napa-iling si Cole sa mensahe ng nakakatandang kapatid. Mukhang dito nagsubong ang pinsan.

'I have something important to do tonight. I will go there first thing tomorrow.'

Hindi naman nagtagal at gumanti agad ang kanyang Kuya Timothy.

'Okay! Be safe.'

Napangiti siya sa nabasa. He is happy to have a big brother like Kuya Timothy. Hindi man nito dala ang pangalan ng pamilya ay makikita mo pa rin dito ang ugali ng isang Saavadra. He is about to put down his phone when he saw that his girlfriend, Trixie is calling.

Nagtagpo ang kilay niya. Bakit tumatawag si Trixie sa kanya ng ganitong oras? Ang alam niya ay kasama nito ngayon si Brix. Wala naman siyang paki-alam kung nagkabalikan na ang dalawa. Mula noon at hanggang ngayon naman ay alam niya kung ano ba talaga siya sa buhay ni Trixie. Yes, people know that they are dating but actually they are not like the other couple. Open silang makipag-date sa kahit kanino basta labas ang isa kapag nagka-iissue na. Cole is fined with that. Kung tutuusin ay hindi naman niya talaga tinuturing na totoong nobya ang dalaga.

"Hello!" bati niya ng sagutin ang tawag.

"C-Cole!" Umiiyak na banggit ni Trixie sa pangalan niya.

Bigla siyang naalarma ng marinig ang garalgal nitong boses. "Hey! What happen to you?"

"C-Cole, I need you. Kuya knows my new condo. He is in the lobby, right now. Please! Save me." Puno ng paki-usap na sabi nito.

Lalo siyang na alarma ng banggitin nito ang kuya. Trixie is not safe if his older brother is around. Tumayo siya at agad na hinagilap ang susi ng kanyang kotse.

"Lock the door. Don't over your door unless it's me. I will call you once I get there."

"O-okay. Please! Faster, Cole. I'm really scared, right."

"I will." Pinatay na niyaa ng tawag.

Napatingin siya sa pinto ng kwartong inaakupa ni Clara. Wala naman mangyayari sa dalaga. Nasa ligtas itong lugar. Hindi basta-basta mapapasukan ang lugar na iyon. Pagmamay-ari niya ang lugar na iyon at maraming CCTV camera sa paligid. Pumasok siya ng kwarto. Natutulog pa rin ang dalaga. Nasisigurado niyang bukas pa magiging ang dalaga. Hindi niya maalala kung ilang sleeping pills ang inilagay sa tubig na ibinigay dito kanina.

Lumapit siya sa kay Clara. Yumuko siya ng bahagya. "I be back. Trixie needs me. I need to make sure she is safe." Hinalikan niya sa noo ang dalaga.

Pagkatapos na isara ang lahat ng pinto at binata ay tinawagan niya ang isa sa mga tauhan ni Patrick para bantayan si Clara. Hindi na niya hinintay pa na makarating ang taong inutusan ni Patrick. Agad niyang nilisan ang lugar na iyon ng walang inaalala. Patrick people never fails him.

NAPUNO ng katahimikan ang buong kwarto ni Cole pagkatapos nitong ikwento sa kanya ang nangyari ng gabing iyon. At habang nakikinig sa mga sinabi nito ay sumisikip naman ang dibdib ni Clara. Wala talagang nangyari sa kanila ni Cole. He didn't touch her that night but he pays for it. Well, he had mistake that night. He kidnaps her and left there. Pero kahit naman siguro siya ay ganoon din ang gagawin. If the person you care was in danger, you will run to her to save her.

Alam ni Clara na hindi lang ang ginawa ni Cole ang nagpapasikip sa kanyang dibdib kung hindi ang kaalaman na handa siyang iwan ni Cole para kay Trixie. He may not said it but she knows Cole loves her sister. Siguro nga ay hindi kasing lalim ng pagmamahal sa kanya pero nasa puso ng binata ang kanyang nakakatandang kapatid. She bit her lower lips to control her emotion. She doesn't want to cry infront of Cole. Not right now.

"So, the one you ask to protect me didn't come that's why it happens to me?"

Yumuko si Cole. "Brix knocks him out. Unfurtunely, he didn't saw Brix face. Kaya wala akong idea kung sino talaga ang gumalaw sa iyo ng gabing iyon. Nalaman ko na lang na may nangyaring masama sa iyo ng sinabi mo. Patrick didn't know also. He fired his agent for negliting his duty. He supposes to tell us what happen that night. I also thought that he takes you home after pretending that he saves you."

"But it didn't happen according to your plan."

"Yes. And I hate myself for that. Everyday, I'm blaming myself for the mistake I made. I regret everything, Clara. To else the pain and regret I feel, I turn myself in. That's the only way, I can do right for you."

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa kamay na nakahawak ng mahigpit sa kumot. She wanted to cry hard but she is stopping herself. Not in front of Cole. She doesn't want him to see her weak.

"Did you come to my life again because you feel guilty for what you did? Did you accept Jewel because of what you feel?"

"Clara…" hindi makapaniwalang banggit ni Cole sa pangalan niya.

"Did you? Because if you do, ple---"

"I'm not." Putol ni Cole sa iba pa niyang sasabihin. "I love you. It's you who I always love. I accept Jewel because she didn't do wrong. Sinabi ko naman sa iyo, di ba? Walang kasalanan ang isang bata. You know about Kuya Timothy. When I accept Kuya, it the same reason why I accept Jewel. You and Jewel, I both love you."

"But you care for her. You also love my sister." She said those words while looking at his face.

Cole didn't speak. Tumitig lang ito sa kanyang mga mata. He is about to hold her when she moves away. Umiling siya.

"You love her. You can't deny that you have feelings for her."

"But not how much I love you."

Tuluyan ng pumatak ang kanyang mga luha. He didn't deny it anymore.

"I know but already too late now. I'm married to him and I don't want to hurt him. I can't hurt him."

Umiwas ng tingin si Cole pero nahagip pa rin ng kanyang mga mata ang sakit na bumalatay sa mukha at mga mata nito. She hurts him again. Tumayo siya at nag-iwas ng tingin.

"Thank you for protecting me. For doing those things for me. For accepting my daughter and for loving me."

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Cole didn't look at her but she saw tears flowing at his face. He is hurt and she can't take it anymore.

"Please, be happy. I wish you find someone who is much better that me. You deserve a better woman, Cole. I know, I asking you too much but please, try to forget me. Try to love someone who can fight for you. Someone that will appreciate and love you more than I do."

She doesn't want to say goodbye to him but she needed two. They are not for each other. Marami silang masasaktan kapag minahal pa nila ang isa't-isa. May mga tao silang sasaktan kapag pinilit nila ang kanilang pagmamahal. She about to turn back went she hurt Cole called her name.

"Clara…"

She looks at him. Hindi pa rin nakatingin sa kanya si Cole.

"Do you know that Cortez only love once? Isang beses lang kaming magmahal ng tapat sa isang babae. You are my first love and I know you will be my last. Yes, I had feeling for Trixie but it's not like the love I feel for you. Would you believe me if I tell you that I love her as a friend?"

"Cole…" She wanted him to move on and forget her but why he said those things.

"Go… Leave me now. I can take care of myself."

May daang-daang karayom ang tumurok sa kanyang puso. He is now pushing her away. Her tears started to flow again.

"Goodbye then. Please, take care of yourself," wika niya at patakbong lumabas ng kwarto nito.

Her heart is turn into pieces. They can't be together. Hindi nila pwedeng ipilit ang kanilang gusto. At napakasakit na malaman na wala na talagang pag-asa na babalik sila sa dati ni Cole. She lost her best friend and the man she loves.