webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
35 Chs

Chapter 26 - To The Rescue!

Ngayong gabi, tumakas nanaman ako sa bahay para gawin tong nightly habit ko bilang isang superhero, or hero rather. Feeling ko parang nawalan ako ng purpose after namin matalo si Cable Blade, pero dahil nga isa akong hero, syempre hindi magtatapos career ko sa isang laban lang na yun.

Nang makarating ako sa tinurong destination sakin ng ulap, naandito ako sa mataas na pwesto, and di ko alam kung ano o sino yung dapat kong pigilan o iligtas, but for sure… may mangyayari dito ngayon, parang hahanapin ko pa sila ng mano-mano neto. Until nakita ko yung kapansin-pansin na mga rider, tatlong rider na may kapartner sa likod I mean ka tandem nila na may sinusundang sasakyan…

Not sure kung escort ba yun or what… pero susundan ko sila—

"Cloud Girl?! Ikaw ba yan?!" sabi ng isang bata na nakakita saakin

"Ah oo ako to! Hehehe teka lang bata may puntahan lang si Ate Cloud Girl! 😊"

Is it okay na pinansin ko yung bata?

"MAMA SI CLOUD GIRL NASA TERRACE NATIN!! 😊"

Oh crap, not good. Not good. Kaya agad akong umalis dahil… and yun asan na yung dapat kong sundan na sasakyan?!

Focus Cloud Girl… focus, just like sa school!

Gumawa ulit ako ng 'Danger Indicator' sa kamay ko para ituro saakin nito kung saan ako dapat magtungo, and buti nalang nagawa kong makahabol sa kanila.

Nagtungo yung sasakyan sa isang masikip na iskinita at nakasunod padin yung tatlong rider… nang magbabaan yung kasama nila sa likod, di na ako nagpaligoy-ligoy pa sa pag bato ng Cloud Ball ko para sumabog ito ng parang smoke grenade!

Sabay teleport ako pababa doon mismo sa pwesto nila!

"Okay here we go!" ako na unang umatake sa kanila, napalakas ako ng suntok dun sa isa to the point na tumalsik na sya

"SHIT INAATAKE TAYO NI CLOUD GIRL!!!!" –Goon 1

"WAG NYO SIYA PALAGAN!!! WAG!!!" –Goon 4

"TIGIL!!! WAG NYO SYANG LALABANAN!!!" –Goon 2

Nang sabihin iyon ng isa sa kanila ay agad kong inabsorb pabalik sa kamay ko lahat ng ulap na ginamit kong pang blind sa kanila… at yung sasakyan ay di rin umalis sa pwesto? Teka magkakakampi sila?

"Cloud Girl… pasensya pala kung inakala mong masasama kami" siya pa talaga nag-sorry ah pero ako tong naunang umatake

"Wait?! Teka ako dapat magsorry sainyo eh?! Sino nga pala kayo?! Bat di nyo ako nilabanan?"

Lumabas yung isang guy na nasa sasakyan at eto ata yung 'boss' nila na naka-itim na trench coat "Cloud Girl, ikaw nga iyan…" nag bend ito sa harapan ko, at yung mga kasamahan nyang riders ay nagsibend din,

"Teka anong meron? Magsitayo nga kayo? Hindi ako diyos!"

"Nagbibigay galang lang kami po kami sayo Cloud Girl—" –Goon 1

"SHHHHHHHHHHH!!" –Goon 3

Nang tumayo ang pinuno nila, sumunod ang mga kasama nito "Ako nga pala si Tyrone… and wala kaming balak labanan ka o maski gumawa ng krimen. Iniidolo ka naming lahat dito kaya salamat at dumating ka"

"Uhhhhmmmmm… O…kay sir Tyrone? Pasensya din pala, false alarm tong pag-atake ko sa grupo nyo… pero teka bat, anong trip meron kayo ngayon? Gang ba kayo?"

"Parang ganon na nga pero hindi kami masama na tulad ng inakala mo… matagal na naming minamanmanan yang apartment na iyan, at nang maibalita ng informant namin… isa yang Cybersex Den, tumigil kami dito para tahimik naming malapitan yan at iligtas yung mga kababaihan doon, may mga kababaihang napupwersa at mga batang damay sa gawain nila na… alam mo na, hindi maganda. At eto ang isang hindi namin matanggap, protektado daw yan ng isang hepe ng kapulisan…" –Tyrone

"Oooooohhhhhh… sorry talaga Sir, sinugod ko kayo…"

"Mabuti nga yun eh pero ngayong gabing to… ililigtas namin sila"

Okay? New collab to ah, "Sasamahan ko kayo Sir Tyrone"

"YES!!! KAMPI NATIN SI CLOUD GIRL!!!" –Goon 3

"Buti talaga dumating ka Cloud Girl, at makikilala mo pa ako mamaya. Hindi lang ako basta si Sir Tyrone…"

"Para ngang may tinatago ka diyan sa suot mong coat, pero sige na… so Tyrone? Ano plano natin?"

..

Pahiya onte ako don sa ginawa kong ambush hahaha! So… kasama ako ngayon sa gang nila, akala ko sila tong bad guys pero hindi pala.

"Hahanapin ko kung nasaan yung mga babae, tapos…" –Cloud Girl (ako)

"Kami na bahala sa mga maglalaban, escortan nyo din si Cloud Girl mga puting tanod" –Tyrone

"Puting Tanod? Sila yun?!" I mean yung mga goons nya…

"Kami yun Cloud Girl! Karangalan samin na kasama ka namin ngayon nina boss Tyrone!" –Goon 5 (Yung nasuntok ko kanina)

"Sorry sa nagawa ko kanina ha, buti naman at mukang okay ka na"

"Karangalan din na nasuntok moko Cloud Girl, ang lakas mo pala talaga" –Goon 5

"Awit"

"Tara!" –Tyrone

Gamit ang kapangyarihan ko, agad kon tinakpan ng ulap yung mga bintana ng apartment para kung sakaling mayroon mang sumilip ay di agad kami makita, and para may ma-locate ko ng madali yung mga babae kasi kaya ko naman mag-teleport sa bawat isang ulap na iyon.

"Naka lock yung pinto…" –Goon 4

"Alam nyo na gagawin… wasakin na natin!" at sapilitan nilang sinira yung pinto para makapasok kami! Agad akong nag cloud blast sa mga taong naandon! At saka naunang sumugod tong mga 'Puting Tanod' ni Tyrone!

"Oras na!" sinuot ni Tyrone ang itim nyang maskara at saka nya hinubad yung suot nyang coat!

"Teka?!"

Naka-itim maskara at naka pang 'Superman' siya na costume, black and gold ang kulay, isang malaking letter 'T' ang nasa gitna, naka gloves siya na kita muscles nya at may maliit siyang kapa, wtf?! Isa din pala siyang…

"AKO SI MIGHTY T! ANG HERO NG QUEZON CITY!!!!" –Mighty T (Tyrone)

Lahat kami napatigil sa intro nya, at natuwa naman yung mga puting tanod nya na ginanahan lalo! Ang lakas ng datingan nya, pang NBA player ang tangkad nya at para siyang ginalet na bouncer eh! Na isa rin palang hero!

"Kami na bahala sa mga maglalaban Cloud Girl! Yung mga ililigtas natin hanapin mo muna!" at dahil tinawag nya ako sa hero name ko, dapat magbigay galang din ako sakanya…

"Ako na ang bahala Mighty T!"

Mighty T means… Mighty Tyrone diba?! Pero ang weird talaga eh, Mighty T at mga Puting Tanod? Kainis, hahahaha! Open minded lang, di ako green noh?!

Nagmadali ako sa paghahanap sa mga babae, at di talaga maiiwasan na may makaka-suntukan rin ako!

"CLOUD PUNCH!!!" talsik agad yung sumugod sakin,

May dalawa pang sumunod sakin, at kinailangan ko silang patulan ng malapitan,

"CLOUD BLAST!!" what the?! "AYAW NANAMAN GUMANA NG KAPANGYARIHAN KO?!"

Bigla akong sinuwag ng isa sa mga kalaban at napatumba nila ako pero buti nalang ay may dumating agad akong kasama,

"Hindi nanaman gumagana kapangyarihan ko…."

"Okay lang, kami na ang bahala dito!" –Goon 5 & 3

"Ano Cloud Girl? Ayos ka lang?" –Mighty T

"Okay lang ako, nagloko nanaman tong kapangya—" [BANG!!! BANG!!! BANG!!!]

Nakarinig kami ng putok ng baril at mga sigaw ng mga babaeng natatakot, agad namin itong pinuntahan. At naandito nga yung mga babaeng ginagamit nila sa kabulastugan nila…

"CLOUD GIRL!!! TEKA SINO KA NAMAN?!!!" –?????

"Ako si Mighty T, at inuutusan kitang itapon mo yang baril mo palayo…"

"HA!!! ANO KA SUPERHERO KA DIN BA?!!" at kinuha nya yung isa sa mga babae para gawing hostage, wala itong suot na pang itaas "KAYO ANG UMALIS DITO SA TERITORYO NAMIN! At kung hindi nyo yan gagawin" sabay itinutok nya yung baril nya sa ulo ng babae "Papatayin ko tong putanginang to!"

Ano bang dapat kong gawin ngayon… isang maling galaw namin, mamamatay tong babaeng to…

"Cloud Girl… kaya mo bang maigalaw yung kamay nya? Dapat mawala yung pagtutok nya sa babae…" pabulong na sinabi sakin ni Mighty T "Idi-distract ko sya…."

"Diba Pulis ka?! May ranggo ka pa naman tapos, ganto negosyo mo? Gumagamit ka ng mga babae at bata para sa kalibugan ng iba?!" –Mighty T

"Hindi sapat ang kita sa pagiging pulis tanginamo!" –Pulis

"Tangina asan yung dangal mo? Ikaw at yung tulad mo ding mga corrupt and dahilan kaya pumapangit ang imahe ng kapulisan, dapat malaman to ng lahat eh para masibak kana sa pwesto, at tangina mo po sir"

Sabay sulpot ako sa harap nya at agad kong inilayo ko agad yung kamay nya sa pagkakatutok nya sa babae, nakatatlong putok pa siya nun at buti nalang walang siyang tinamaan, agad bumanat ng isang malakas na sapak si Mighty T non sa muka nya, ngayong tumba na sya, sinabihan na namin yung mga 'prosti' na kunin na nila ang mga dala nilang gamit at magsitakas na.

Tumawag agad sila ng mga pulis para mahuli ang mga sangkot dito sa Cybersex den na to dito sa QC, sinamsam din yung computer, phones at mga camera na gamit nila. Dito namin nakilala na ang nagmamay-ari pala nitong Cybersex den na to ay Police Senior Inspector Kevin Jamito Jr. ng PNP QC…

Sa buong 'laban' na iyon, parang di ako gaano nakapag-contribute, unlike nung tinalo namin ni Rouser si Cable Blade, yet again nagloko nanaman tong powers ko and buti nalang may kasamahan ako kanina.

..

"Maraming Salamat sa tulong mo Cloud Girl!" nagka-shake hands kami ni Mighty T

"Sayo din syempre…"

"Salamat Cloud Girl!!" mga goons/puting tanod ni Mighty T!

"Sa susunod nalang ulit, di na ako sasama sa police station… Cloud Girl out!" [CLOUD JUMP!]

[Swoooooooooooshhhhhhhhhhhh!!!....]

"Nawala siya bigla?!" –Goon 1

"Bumalik na siya sa kaulapan siguro… kumbaga para siyang lumipad, o sya… samahan natin tong mga gagong to sa police station, lalo na tong senior nila!" –Mighty T

..

..

..

..

..

Nakauwi na ako dito ng almost 1:00AM na, at mission success kami dun ni Mighty T… panibagong superhero naman, kasunod ni Master Chef. Siguro, makikipag-collab pa ako sa iba pang mga hero neto para sa mga susunod na ganap, yun ay kung may iba pang hero na madali kong mapupuntahan. Malamang, sa 6AM news ko nanaman mababalitaan yang insidenteng kinasangkutan ko nanaman. Sana makabalik na sa mga pamilya nila yung mga kababaihang nailigtas namin.

Habang tumatagal, mas nagiging seryoso na ang mga laban ko, mukang mas kailangan ko pang mas galingan ngayon

..

..

..

..

..

"Nagiging trend tong pagiging superhero ah?! Ha! Siguro dapat sumabay din ako sa uso!"

"Kaso… ayoko maging bida eh! HAHAHAHA!!!" –??????