webnovel

Cloud Girl (TAGALOG)

Habang tumatagal, dumadami ang nagpapakilalang mga 'Hero' sa bansa, at kasabay din nito ang pag dami rin ng mga nagpapanggap lamang na gumagawa ng kabutihan. Dahilan para maalarma ang karamihan na tama pa ba itong pagdami na ito o hindi. Ngayong nahahati ang opinyon ng karamihan kung ang mga hero ba na to ay lumalaban para sa kabutihan, o para lang sa kanilang personal na interes, o para mailagay ang batas sa sarili nilang kamay, dadating ang panibagong grupo para magbigay ng matinding hamon sa mga hero natin. Maaasahan ba natin sila? O dapat natin silang katakutan? Samahan natin si Cloud Girl at ang tropa sa panibago nyang hamon ngayong Season 3!

Webnovel_Phrygian · Urban
Not enough ratings
35 Chs

Chapter 27 - Train Me

Sa Base of Operations ni Sen. Xavier Dela Vega…

"Mukang isang gimik na din ang pagiging isang hero ngayon Sir… dati sina Rouser at Cloud Girl lang, ngayon meron na ding 'Master Chef' at eto medyo bago pa, si 'Mighty T'" –Vanguard (Carlos Francisco)

"Si Cloud Girl lang naman ang concern natin, yung tatlo… walang mga kwenta yan" –Sen. Dela Vega

"Paano kaya kung yung iba pang minamanmanan natin na merong kapangyarihan ay nagpaka-hero din? Wag naman sana..."

"Kukunin natin sila bago pa nila maisipan, ang mahalaga… nasa atin si Jethro…"

"Opo Sir… siya nga pala, kakadating lang din po ng ibang serum at pang superhuman-enhancement natin galing China and after few days maita-transfer na ng maayos yung blood at DNA sample ni Jethro sa mga volunteer natin na sundalo…"

"Super Soldiers… that's the term. And after that, gusto kong i-brainwash mo si Jethro at sya ang gagawin kong leader nila"

"How about your plans po sa ibang 'Potential'?"

"Ako na ang bahala mag-invite sa kanila, pag ayaw nila… magagaya sila sa sinapit ni Jethro…"

"Kailangan natin maisama si Cloud Girl satin Sir…"

"Wag mokong pinapangunahan Carlos… alam ko ang ginagawa ko"

"Yes Sir…"

..

..

..

..

..

Nabalitaan ni Rouser yung sa ni-raid naming cybersex den sa QC kasama si Mighty T, at humingi sya ng pasensya saakin kasi di nya alam na may ganon pala na malapit lang sa lugar nya, kasi taga QC din sya. Hindi nya naman na kailangan pang humingi ng tawad non, inintindi ko nalang yung part na baka busy lang din sya sa business nila kaya di sya agad naka responde. After ng araw ko sa school, pinapunta nya ako sa shop nila, may meeting daw kaming apat…

"Asan sina Jolo at Kenken?" –Ako (Cloud Girl)

"Nauna silang umuwi ngayon, Ammmmmm… ayos lang ba sayo na, i-practice kita sa mga alam kong martial arts?" –Rouser

"OO NAMAN! FREE LESSON BA YAN?! Willing din ako matuto, kasi sa kada laban ko puro lang ako suntok"

"Kelan ka ba pwede? Willing din akong turuan, ako na bahala mag-adjust sayo"

Wow! Tuturuan ako ng iniidolo ko kung paano talaga makipag-laban… pero feeling ko may bayad to eh, or something na kapalit?

"I think, Saturday and Sunday… good ako nyan, unless mapa-laban tayo"

"Saan naman? Pwede rin ako ng sabado at linggo… kaso saan?"

"Siguro doon nalang saamin, may mapupwestohan tayo doon, ipagpapaalam nalang kita sa yaya ko"

"May kasambahay kayo?"

Oof! Teka napasabi ako ng medyo personal thing kay Rouser?! Edi malalaman nya din yung bahay ko neto?!

"Sure kang okay lang sainyo ha? I mean magpaalam ka muna sa parents mo na punta ako sainyo tuwing sabado at linggo"

"Aaaaaaammmmmmmmmm… I'll try naman? Pero pag bawal?"

"Teka Cloud… alam ba ng parents mo na ikaw si Cloud Girl?!" tanong nya…

"Hindi eh, di alam ni Mommy at nung driver namin, pero alam ng maid ko, pinagkakatiwalaan ko yun"

"Mayaman ka ata Cloud? Hehehe!"

"And mag-set tayo oras, bakante ako nyan ng 1pm to 5pm, baka magalet si Mommy pag mag stay ka ng matagal?"

"Okay lang saakin"

"Magpapaalam muna ako neto kay Mommy, mabaet naman yun pero di ko sasabihing ikaw si Rouser, gagawa ako ng palusot hehehe!"

Yun lang naman yung napag-usapan naming dalawa, okay saakin yung ite-train nya ako para naman magka-fighting skills ko, saka ko lang na-realize na puro lang ako suntok, cloud punch, blast, ball, phase at swap.

..

..

..

..

..

Habang nasa school ako, nag-aabang ako ng danger indicator na lilitaw para kung sakali ay lalaban ulit ako. Pero parang na-lessen yung trabaho ko as Cloud Girl magmula ng may mga iba na ring superhero na nagsilitawan, tulad nga ni Master Chef at Mighty T.

"Usong uso ngayon pagiging superhero hahaha! Tangina tingnan nyo oh, may bago nanaman! Si Pinoy Samurai!" –Alex

"Bagong superhero?" –Ako

"Wow, ang cool nya tingnan and may samurai talaga sya?" –Queenie

"Katana tawag sa sword nya, hindi samurai (-_-)" –Alex

"Parang gusto ko na din magpaka superhero, hanap na kaya tayo ng costume natin noh! Gawa na tayo hahaha!!" –Queenie

"Talaga ngang nagiging trend na tong pagiging superhero ngayon, lakas maka impluwensya ni Cloud Girl at Rouser" –Alex

Siraulo talaga tong mga kaibigan ko, kung alam lang nila na mapanganib tong pinaggagagawa ko eh "Wag nyo na balakin, baka mapatay pa kayo dyan sa kalokohan na yan"

"Luh HAHAHAHAHA!!!" tawa bigla si Queenie

"Seryoso ako"

"Bat naman kami mapapahamak?" –Alex

"Di biro yung pinag-gagagawa nila ah, nina Rouser at ni Cloud Girl"

Nagkatinginan yung dalawa at sabay silang natawa "Anong nakakatawa doon?"

"Ewan ko dito kay Alex, charot lang naman yun. Tamang fan lang ako pero di ako magpapaka superhero kasi di naman ako pang suntukan, at wala rin akong powers hehehe, pang teacher lang talaga ako" –Queenie

"Alam naman namin yun Claudine, ewan ko din dito kay Queenie bat natawa? Hahah! Wala rin akong powers saka di ako marunong makipag-away para maging hero ako, pero ipaglalaban kita Queenie, yiiiieeeeeeee!!"

Pota hahahaa!

But yung sinabi ni Queenie, may point sya dun. Para san pa tong course na pinasok ko diba kung di ko rin naman pagpapaka teacher ginagawa ko, pero nag-aaral ako ng mabuti. Tssss…

Hero pero soon to be teacher to! Hehehe!

..

..

..

..

..

Ayon sa PNP, bumaba daw yung crime rate sa buong NCR at sa iba pang kalapit na region dahil sa mga naglalabasan na mga 'Hero', and most of them ay nagpaka hero kasi, iniidolo nila kami ni Rouser, yung iba naman, talagang gusto lang tumulong sa mga naaapi at nangangailangan and that was a good thing right there. But di mawawala yung fact na talagang maglalaho na ng tuluyan tong mga kriminal at mga masasamang tao, andyan pa rin yang mga yan. At dahil may mga hero na dyan tulad nina Mighty T, Master Chef, at Pinoy Samurai, nagkaroon ako kahit papaano ng onting oras para magpahinga, gumawa ng school works and sa case na to… training…

Sabado, dito saamin…

"Wow, anlaki pala ng bahay nyo?" –Jackson (Rouser)

"Yeah? Hehehe! Ay nga pala, Ya… si Jackson nga pala, kaibigan ko" pinakilala ko sya kay Yaya Atria

"Uhmmmm hello Ijo, teka alam ba ni Madam na may bisita ka ngayon?!" –Yaya

"Nagpaalam ako kagabi, sabi nya okay lang naman daw basta" bumulong ako sa kanya "wag lang daw sa kwarto"

"Teka Ijo, girlfriend ka ni—" what?! "Ya? Friends lang kami ni Jackson, saka dyan lang kami sa bakuran, magpapractice kami ng arnis saka taekwondo, gusto mo sama ka?"

"Magkaibigan lang po kami hehehe!" –Jackson

"O sya, tuloy kayo… pero bago yan dapat may laman ang tiyan nyo, mag tanghalian na muna tayo"

Bago ko pa papuntahin si Rouser dito ay napagkasunduan namin na focus kami sa training at less talk about sa pagiging hero. Sabay sabay kami nagtanghalian, ako, Mommy, Kuya Benjo, Yaya Atria, at si Rouser. Less interaction lang kami nun, onting tanungan lang kung ano kami ni Rouser, kung pano kami nagkakilala ganyan, naikwento pa nga ni Mommy yung ibang habits ko saka epic moments ko nung bata pako, so far… nasa good mood si Mommy.

"Mommy, dito lang kami ni Jackson sa bakuran… Kuya Benjo, patulong naman ako, ibaba natin yung punching bag ko"

"Mukhang seryoso ka dyan sa pagboboxing mo ah hehe, nagsama ka pa ng boyfriend—"

"KUYA NAMAN (-_-)"

"Sa lilim muna kayo mag-training, medyo mainit pa ngayong tanghali eh ha…" –Yaya

Pinag-jogging pants nya ako non para daw comfortable ang galaw ko, and nagpalit din sya ng suot nya. Dinala nya na din yung mga gamit nya which is actually… wow, determined sya na turuan talaga ako eh noh?

Habang nagsisimula na kami ay nanonood lang sa malayo sina Yaya at Kuya Benjo na mukang masaya sa pinaggagagawa namin.

"Sa tingin ko Benjo, yan si Rouser…" –Atria

"Oo nga eh, tinuturuan nya tong alaga natin dito" –Benjo

"Muka namang mapagkakatiwalaan siya" –Atria

"Saka gustong gusto nya rin talaga matutong lumaban, para sa pagpapaka Cloud Girl nya" –Benjo

"Ang kinakatakot ko lang, baka mawalan sya ng kapangyarihan sa kalagitnaan ng laban" –Atria

"Buti nga eh, nagtutulungan tong dalawang bata na to, napakulong na nila si Cable Blade" –Benjo

"Balance lang sila, si Claudine natin may powers pero walang alam sa ganyan… etong si Jackson, walang kapangyarihan pero… marunong sya kahit papaano makipaglaban"

"Tama ka dyan hehehe… ikaw ba marunong ka pa?"

"Hinahamon mo ata ako Benjo?"

Hindi namin rinig ni Rouser yung usapan nila pero mukang nakabantay sila talaga, siguro utos din ni Mommy, baka akalain nila ay may gawin kami ni Rouser na 'No, no' eh, lam mo na. We're just teens, and matatanda na mag-isip tong mga kasamahan ko sa bahay, and guy pa sinama ko.

"Mabilis ka matuto Claudine, mabuti yan! 😉"

"Syempre, dapat kung kaya mo, kaya ko din! 😉"

"Isa pa nga"

"Game coach!"

"Jackson nalang, hahaha!"

"Okay, Jackson… 😊"

At patuloy lang kami sa training, overtime pa nga eh, inabot na kami ng 6PM. Nagsabi sya sakin na babalikan nya ako bukas para mag training kami ulit. For the meantime, wala namang lumitaw na danger indicator.

"Claudine! Panoorin mo tong balita dali!" –Yaya Atria

LIMANG CRIMINAL NATAGPUANG PATAY SA VALENZUELA: PUMATAY, NAGPAKILALA RIN BILANG ISANG 'HERO'

"Bagong hero nanaman? Teka andami na at sunod-sunod na ata?"

NAGPAKILALA SIYA BILANG SI 'BADMAN', AT KASALUKUYAN SIYANG PINAGHAHAHANAP NG KAPULISAN

"Hindi sya hero Claudine, tulad din sya ni Cable Blade"

"Pero kriminal yung pinatay nya?!"

"Hindi yun ganun Claudine, di yun kabayanihan…"

..

..

..

..

..

"Jackson, nabalitaan mo na din ba?" –Ako

"Badman? Oo… hehehe, alam na this!" –Rouser

"Yeah…."