webnovel

Chapter 3 Ang Pagtatagpo

Hmmmm...

Animo'y kumukindat ang tingkad ng kulay ng kanyang mga mata sa ilalim ng napakaliwanag na araw. She was just so adorable! Napakakinis ng kanyang kutis.Napakahaba ng kanyang buhok. Matangos ang kanyang ilong at mala-perlas sa kaputian ang kanyang mga pantay-pantay na ngipin. Tanging mga hinabing dahon ang kanyang nagsisilbing kasuotan sa itaas at ibaba. Hubog na-hubog ang hugis ng kanyang katawan.

Mansinsinan niyang pinagmamasdan ang mga dahon sa paligid habang sumusunod sa kanya ang mga animo'y alagang hayop.

Para niyang inaawitan ang mga ito.

Hindi pangkaraniwang tao ang kanyang mga galaw at ekspresyon. 

"Ho ho ho ho ho ho."

Kumaway-kaway siya upang tawagin ang mga kasamahang hayop.

Maliwanag na ang araw. Berde na berde ang kapaligiran.

Mahinhin ang kanyang mga yapak sa bawat hakbang. Punong-puno ng kasiyahan ang kanyang mukha na animo'y dala ng kagandahan ng sikat ng araw. Ngunit, sa kanyang paghakbang.

"HO HO HO HO HO HO HO HO!"  (Wala na ang mga prutas na kanyang inipon.) Laking gulat niya sa kanyang nakita. Lage na siyang nag-iimbak ng mga prutas sa puwestong iyon upang ito'y pagsasaluhan nila ng kanyang mga alagang hayop.

"HO HO HO HO HO HO HO!" Galit na galit ang kanyang reaksyon. Dahil dito, nagsitakbuhan ang mga hayop upang lumayo sa kanya.

"Huwag! Huwag kayong umalis... !"

Sino ba ang kumuha ng mga prutas ko dito? !

Wala siyang ibang magawa kundi i hampas-hampas ang mga paa sa lupa.

Hmmm...Baka kinain ng baboy ramo!" 

Labis na labis ang kanyang pagtataka. Kung baboy ramo din naman ang kumain dapat sana may bakas ng kalat sa paligid. 

Dinungaw niya ang mas malawak na bahagi patungo sa lawa ngunit wala naman siyang nakita na bakas ng ibang nilalang o hayop.

--------————————————

"Haaaa..wwww"

Halos hindi na niya maibuka ang mga mata sa kanyang paggising. Pinilit niyang itayo ang sarili at ihakbang patungo sa lawa upang manghilamos ng mukha. Napakaliwanag...

"Haaawwww...hhh"

Haaa?? Pansin niyang may gumagalaw sa kabilang dako. Matiim niya itong pinagmasdan at nagtago sa isang puno. Nagdadalawang-isip siya kung pupuntahan niya ba o hindi ang pinagmumulan ng komosyon.

Dahan-dahan....

Buong ingat....

Minabuti niyang huwag lumikha ng kahit isang tunog.

At sa di inaasahang pagkakataon, biglang umatake sa kanya ang isang babae.

"Ahhh!!!" 

"Ho ho ho ho ho!!"

Mabangis ang kanyang  mga galaw. 

"Hoooowwww.. Easy.. easy..." Napaatras siya sa gulat. 

Namimilipit ang mga ngipin ng nilalang na mala unggoy ang pagkakatindig. Tangka siyang lapitan nito kaya nag akma siyang mahina at hindi lalaban.

"Please.. hindi ako masamang tao."

Tinitigan siya nito sa mga mata. Mula dito, nakitang niyang isa itong maamong mukha ng babae. Mahahaba ang kanyang mala gintong buhok na humahagod patungo sa nakaumbok nitong dibdib at matatangos ang kanyang mga ilong. Nawala ang kanyang takot at tumayo na muli na parang normal lang. Huminahon naman ang babae at siya'y nilapitan nito. SIningot-singot nito ang kanyang mukha. Napakaganda niya. Parang si Eba sa makabagong panahon na napadpad rin sa isang isla. Inamoy siya nito na para bang may hinahanap sa kanya.

Agad naman itong lumayo at tinitigan siyang muli. Pagalaw-galaw ang kanyang mga mata na parang nangungusap na nagtatanong.."SINO KA? ANONG GINAGAWA MO DITO?"

"P-pasensya k-kana. H-hindi ko alam kung nasaan ako. Akala ko nga ako lang ang tao dito."

Lalapitan sana niya ito ngunit lumalayo rin ito sa kanya. 

"Huwag kang  matakot sa akin. Hindi ako masama." Gamit ang kanyang mga aksyon ay pilit niya itong pinapaintindi."

"Okey, okey... hindi kita papakialaman.." Humakbang siya patalikod upang lumayo dito.

"Ho!Ho!Ho!" Pinulot nito ang isang balat ng saging at ng ilan pang mga prutas at ipinakita sa kanya na may kasamang pagtatanong sa mga mata. 

Naisip niyang maaring siya ang may ari ng mga prutas na kinain niya.

"Naku! Pasensya na. Hindi ko talaga alam. Gutom na gutom ako." Para siyang bata na humihingi ng paumanhin sa nagawang kasalanan. 

        Matapos siyang humingi ng patawad, wala lang imik ang babae at agad na itong umalis. Habang patalikod ay tinitigan niya itong maigi. Natanong niya sa sarili kung paano napunta ang babaeng iyon sa islang ito. Napakaganda niya. Hubog na hubog ang katawan. Hindi natatangi ang kanyang ganda. Bigla rin niyang naisip na may kahawig ang babae. Ngunit binalewala na niya ang pa pagtatakang ito. "Kailangan kong makahanap ng paraan kung paano ako makalabas dito sa islang ito."  Nilingon niyang muli ang dinaanan ng babae papalayo. Naisip niyang maaari niya itong matulungan. Batid niya ang posibilidad na siyay napadpad dito maraming taon na ang nakalipas dahil sa pananamit, at kilos nito at ang pagiging hindi marunong magsalita. Nais niyang sumunod sa babae ngunit nag-aalala siyang atakihin siya nito o di kaya ay magalit sa kanya. 

=============================================================================

Habang naglalakad siya papalayo, pasagi-sagi naman sa isip niya ang babae. Parang Eba lang ang dating dahil sa suot nitong mga dahon. At ang hindi niya makalimutan ay ang natatnging ganda nito. Para talagang isang mestisa na napadpad sa isla. Palingon lingon naman siya ng bahagya upang silipin kung andun pa ang babae sa kinalalagyan nito. Naisip niya. Paano kung may nakatirang isang tribu sa islang ito at ang babaeng ito ay anak ng hari. Oh! Leo please wake up. Those are just from a long time ago." 

Wala yata siya sa kanyang sarili habang naglalakad... 

"AHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!"     Isang napakalaking ahas ang kanyang naapakan. Namanhid ang kanyang buong katawan at nagdadalawang-isip na gumalaw baka sakaling tuklawin siya nito. Ilang beses na siyang nakakita ng ahas, ngunit hindi siya kailanman nakaapak ng isa. Kaya laking takot na lamang niya.

=============================================================================

Mukhang matutulog na rin ang langit , lumalakas na ang ihip ng hangin. Naiisip a rin niya ang isang estrangherong iyon na may makisig na katawan. Hindi niya lubos masabi kung siya ba ay delikado o hindi. Papasok na sana siya sa loob ng kweba ng biglang makarinig ng malakas na sigaw. Matalas ang kanyang pandinig at pang-amoy. Tila ba isang Tarzan na patalon-talon sa bawat bato at mga sanga ng puno upang puntahan ang pinanggalingan ng sigaw. Sa kanyang pagdating, iyon pala ay ang lalaking kanyang nahalubilo kanina lang. Sa tapat nito ang napakalaking ahas na kulay berde at dilaw. Papikit-pikit pa sa mata at hindi na gumagalaw ang lalaki. Ni halos hindi nga nito napansin ang kanyang pagdating sa sobrang takot. 

Napangiti siya bigla at dahan-dahang hinila ang ahas patungo kabila. Walang takot nitong hinawakan ang mala puno ng papaya sa laki ng katawan. Nagulat si Leo sa ginawa nito at sa wakas ay nakahinga rin siya ng maayos ng mawala na ito sa kanyang harapan. 

Nilapitan siya ng babae at hinila ang mga kamay dahil hindi pa rin niya matanto na nakadikit pa rin siya sa puno. 

"Ahh.. ahhh.. salamat..." Namimilog ang kanyang mga mata. Hindi niya akalain na mas matapang pa sa kanya ang isang babaeng katulad niya.  

Nang maalis na siya sa kanyang kinalalagyan ay agad din namang tumalikod ang babae upang siyay iwan na. 

'Teka... Miss... ahhh... wait lang. Wag mo akong iwan.. Please... "

Hindi siya nito nilingon ni pinansin kaya siya na lamang ang sumunod dito. 

Malayo ang kanilang hinakbang. Walang kibo. Walang imik. Patuloy lamang niya itong sinusundan habang pinakikiramdaman ang malamig na simoy ng hangin sa gubat. May takot pa rin sa kanyang mukha. May pag-aalanganin na baka sakaling may mga mababangis na hayop na nakatira doon. HIndi nya lubos maisip kung kelan pa siya naging matakutin. Basta... patuloy lamang ang kanilang paglalakad. HIndi siya nilingon nito kahit isang beses.

Sa bunganga ng gubat ay narating nila ang isang mataas na bahagi ng lupa na para bang burol. Tinahak pa rin nila ito. Bukod sa napakaganda nitong babae ay napakatapang pa. Buong kaatawan niya itong tinitigan habang naglalakad. Hanggang sa marating nila ang isang pintuan ng kuweba. HUmakbang pa rin ang babae papasok.  Sumunod pa rin siya dito,,, ngunit bigla na lang itong tumigil.. sa ganung pagkakataon ay humarap ito sa kanya, Tinitigan siya nito ng maigi. Matagal din bago niya makuha ang nais nitong ipahiwatig. Huwag kang susunod sa akin dito. Bahay ko to. Kaya umatras na lamang siya at tumalikod. Tumuloy na ang babae sa loob. 

Nasa labas lamang si Leo. Maaaring natutulog na ang babae. Kunti na lang magdidilim na. Saka pa niya naisip na kumuha ng mga dahon ng mga niyog at saging upang gawing higaan. 

Nagdilim na ang mga ulap. Tanging ang bilog na buwan lang na bahagyang nakausli sa mga makakapal na ulap ang siyang nagbibigay liwanag sa kapaligiran. Habang tinititigan ang mga ulap, naisip niya si babae, ang maaamong mukha nito. Bakit hindi ka nagsasalita? Ano bang pangalan mo? Bakit nandito ka sa isla? Hayyyy.. ang dami ko namang tanong o.. Hmmm... sige tatawagin na muna kitang Rose. Hmmm,, maganda yon tulad mo maganda.  Mahinahon na sana siyang nakahiga nang bigla naman siyang nakaramdam ng patak sa kanyang mukha. Hayyy... napaka-epal mo naman ulan... Kasabay ang pagbagsak ng ulan ay ang malalakas na tunog ng kidlat at dagundong ng langit. Kinuha niya niya ang mga dahong laya at saka pumasok sa pintuan ng kweba. 

Naisip niyang pumasok ngunit invasion of privacy ang sumagi sa kanyang isip. Baka m agalit pa si Rose. Ininda niya ang lamig at ingay ng ulan. Gamit ang mga dahon ang siyang ginawa ng kumot. Tiniis niyang ipikit ang mga mata habang nakaupo lamang sa sulok ng isang malaking bato.