webnovel

Chapter 2 Into the isle

Walang malay..

Walang malay si Patrick na palutang-lutang sa dagat.  Babad sa ilalim ng tubig ang kanyang katawan habang nakahalumpasay ang mga kamay sa kanyang natatanging lifesaver. Pikit pa rin ang mga mata. Walang kamalay malay kung ano man ang maaring mangyari sa kanya sa gitna ng tubig. Hinahapyos ng halong malamig at maalat na bango ng hangin ang kanyang mga pisngi. Binalot na ng kadiliman ang kalawakan at tanging ang simoy ng hanging dagat at ang galaw ng tubig nito ang syang nagbibigay buhay. Kawawang Patrick...

Kinabukasan, bigla siyang nagising dahil muntik siyang makabitaw mula sa mga galon na siyang nagsisilbing salbabida. It must be still dawn. Pinilit niyang aninagin ang paligid. Unti-unti ay naabot tanaw niya ang isang bagay sa di malayo.

"Lupa! " Puno ng kahoy ang mga ito. He quickly swam to that thing he just saw. He was still lame but he tried his best to swim and save himself from the waters. It must be a hundred meters from his current position. He frequently grasp for breath. Alam niyang iyon ay isang isla.  Tears slightly fell from his eyes. Hindi niya alam kung mag-papasalamat o pagalitan ang Diyos sa nangyari sa kanya. What he assumes to be a vacation and days of fun turns to be this. Nang marating niya ang baybay dagat, ubos na ang kanyang lakas. He rolled unto the sand, released a deep sigh. Starred at the sky. The seawaters wipes his body through its waves. He scrape his face through his bare hands. Anong gagawin niya ngayong nangyari na ang lahat. Pinilit niyang ibangon ang sarili. Sumigaw siya sa abot ng makakaya. Nagbabakasakaling may makakarinig sa kanya.

"HELLO!"  

Agad siyang napaluhod. Ubos na ang kanyang lakas. Sa muli nawalan na naman siya ng malay.

For a moment...

He could not assure but it seems that there's someone staring at him. He move his hands and tried to grasp the face but it was gone na parang buong usok na nawala kasama ng hangin. He doubt. It seems like a living.Is it a person o baka naman netibong nakatira doon. O baka cannibal na kumakain ng tao. Biglan siyang nataranta.

Napaka-init na ng sikat ng araw. He must be dreaming. Or if not, he must be hallucinating. Hindi niya lubos maisip kung ano na talaga ang gagawin ng ngayong napadpad siya sa isang isla na hindi niya alam kung may tao ba o wala. Tinignan niya ang paligid. Wala man lang bakas ng tao. Tanging mga alimangong nagtatakbuhan sa buhangin ang kanyang nakikita.

Lumilikha na ng tunog ang kanyang tiyan.

Kailangan kong makahanap ng pagkain.

Pinilit niyang ihakbang ang sarili. Tinahak niya malakagubatang isla. Malalaking puno ang nasa paligid niya. Ngunit, wala man lang siyang nakita kahit ni isang prutas mula sa mga puno. Nanginginig na siya sa gutom.

Tahimik kung titignan ang paligid ngunit dala ng hangin mula sa baybayin, winawagaspas nito ang mga dahon ng mga puno at ng mga damo. Sabayan pa ng huni ng mga ibon at pagpalakpak san lupa ng mga dahong laya.

Kumuha siya ng isang mahabang kahoy na siyang magsisilbi niyang tungkod. Tanaw pa rin niya ang baybay dagat at bahagyang sumisilip ang sikat-araw sa dahon ng mga puno. Hindi siya tumigil sa paglalakad.

Unti-unti ay naaaninag niya ang mas maliwanag na bahagi ng gubat. Binilisan niya pa nag paglakad, talumpung hakbang na lang.

Kayganda ng paligid.  Puno man ng kahoy ngunit napakaliwanag. May anyo ng tubig sa gitna ng mga nagsisitaasang kahoy. Animo'y lawang nakatago sa gitna ng isla. Kulay langit ang tumitingkad nitong tubig. Nagsilliparan ang mga ibon sa paligid.Kaygandang pagmasdan. Parang paraiso.

Diyos ko, isla ba talaga 'to? O nasa langit na ako?

Puno ng bulaklak ang bawat paligid. Parang isang pinta ng pinakamagaling na pintor na ngayo'y nabigyan ng buhay. Paraiso ito.  Nakalimutan niyang siya ay nagugutom.

Nakita niyang may munting daanan sa di malayo. Agad niya itong tinungo. He was full of curiousity. The possibility of danger never came into his mind.

Nagulat at nasiyahan siya sa kanyang nakita.

Pagkain!

Sa gitna ng damuhan ay nakaumbok ang iba't ibang klase ng prutas.  Hindi man lang niya naisip na baka may nagmamay-ari sa mga prutas na iyon. Agad niya itong sinunggaban. Bakas ang pagkagutom sa kanyang mukha. Para siyang batang bingyan ng pagkain ngunit iniwan sa hapag kainan.

Binusog niya ang kanyang sarili. Dahil dito, nailabas niya ang kanyang pinakatatagong dighay.  Hinakot niya ang iba pang natira at tumungo sa lawa.

Napakaganda ng tubig. Ilang oras din siyang nababad sa tubig dagat kaya alam niyang hindi lang siya naglalagkit kundi sa parehong pagkakataon, bakas din ang kanyang pangangamoy alat. Agad niyang hinubad ang unahang damit at syaka ang pantalon. Kitang-kita ang napakagandang hugis ng kanyang katawan. Hulmadong-hulmado ang bawat bahagi nito. He was just so mannnnn....

With no hesitations, he dived into the waters. It was so refreshing. He wondered, where could the water came from? It must be from the sea but filtered in the subsoil.

Nanatili siya sa tubig ng ilang oras, nilabhan ang kanyang damit, at muling kinain ang natitirang prutas.

Kailangan kong makaalis dito, kailangan kong humanap ng tulong.

He went into the other side at humanap ng malulusutan mula sa munting lawas.  Ilang minuto lang ay nakarating siya sa mataas na bahagi ng isla. He wandered his eyes around and realized that the island is somehow a lone island. His sight only reached not beyond the clouds from afar. Wala siyang nakitang iba pa. He looked so disappointed. He thought, that he must be like that movie, "The Cast Away". How could such a thing happened to him?

Damn!

Lord, please don't forsake me. Please help me.

He again got down  to his knees. Tumulo na naman ang kanyang mga luha. But, then somehow , na realize niya na dapat siyang maging matapang. Siya lang mag-isa sa isla. Hindi niya alam ang panganib na maaring dumating sa kanya. Nagpapasalamat na lamang siya na sa kanyang unang paglalakbay sa isla ay hindi siya nakatagpo ng mga mababangis na mga mababangis na hayop.

Bigla na naman siyang nakaramdam ng uhaw. Unti-unti na ring nawawalay ang sikat ng araw. Pinuntahan niya ang lugar na kung saan may maraming puno ng niyog.

Kumuha na rin siya ng mga dahon nito na maari niyang gawing munting higaan sa mga darating na oras ng gabi.

Sa mga naunang oras  dilat pa rin ang kanyang mga mata habang lumalalim na ang gabi. Tanging mga tala lamang sa langit ang kanyang pinagmasdan. Puno pa rin siya ng kaba. Puno ng pagkatakot ang kanyang isip. He thought, life is full of unexpected situations. Dumaan ang mga oras at siya'y nakatulog na rin sa ilalim ng mga dahon ng hinabi niyang dahon ng niyog.

Next chapter