webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · ย้อนยุค
Not enough ratings
98 Chs

XI

Juliet

"Nais kong mag-aral ng medisina." Biglang sabi niya kaya napatingin na ulit ako sa kaniya.

Gusto niyang mag-aral ng medisina pero... sundalo siya ngayon. Paano nangyari 'yun? Medic ba siya sa troop nila? Pero... heneral siya. Imposibleng doktor siya sa gera.

"Ngunit ang pangarap ko'y maging isang mabuting anak na maipagmamalaki ni Ama kaya... pinili kong mag-aral ng abogacía upang sumunod sa mga yapak niya. Maaga akong nag-aral kaya't maaga akong nagtapos ngunit hindi ko rin naman inaasahan na sa gera ako mapapadpad at hindi sa korte pagkatapos kong mag-aral."

"A-Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Nasama ako sa digmaan ng mga Katipunero laban sa mga Espanyol pagkatapos na pagkatapos kong mag-aral ng abogacía. Ang sabi ko noo'y sumama lang ako panandalian pero hindi inaasahan at... naging pangarap ko na rin ang kalayaan ng bansang Pilipinas. Maaaring hindi ako purong Pilipino ngunit tumatak sa aking pagkatao ang unang labanang nasaksihan ko. Kung saan ako unang nakakita ng taong napatay, kung saan ako unang nakapatay, at kung saan ko nasaksihan ang pagbubuwis ng buhay ng aking mga kababayan para sa kalayaan ng aking bayan."

Napahawak ako sa ilong ko pagkatapos niya magsalita.

Grabe, feeling ko nagtatalumpati siya sa harap ko ngayon. Hindi ba siya naging bayani sa present? Parang... pakiramdam ko ang laki ng role na ginampanan niya sa kasaysayan.

"M-Matanong ko lang, ikaw ba ang pinakabatang heneral?" Tanong ko.

Dalawa lang kasi sila nung heneral na type niya 'yung kilala kong batang heneral sa panahong 'to at according kay Caden, mas bata si Niño roon sa isa pang heneral.

Natawa siya bigla. "Hindi, binibini." Sagot niya na ikinagulat ko.

May mas bata pa sa kaniya?!

"Siguro'y ngayon mo palang maririnig ang pangalan niya pero isa siya sa mga mas nakababata sa akin. Mas bata siya sa akin nang ilang buwan at kilala siya bilang ang Batang Heneral, si Heneral Goyo." Sabi niya.

"Goyo?"

Tumango siya. "May mga sabi-sabi na paborito siya ng Señor Presidente, siya si Gregorio del Pilar."

"Gregorio del Pilar? 'Yung pamangkin ni Marcelo H. del Pilar?!" Gulat na tanong ko.

OMG! May naabutan pa akong bayani sa panahong 'to!

"P-Paano mo siya nakilala, binibini?" Tanong ni Niño kaya napatingin ako sa kaniya at mukhang nagtataka siya't kilala ko si Gregorio del Pilar.

Actually, alam ko lang na namatay siya sa Tirad Pass. Siyempre as a student na hindi interesado sa history, kinabisado ko lang 'yung mga importanteng information na lalabas sa test. Kasi kahit gaano ko man pilitin 'yung utak kong maging interesado sa mga bagay na nangyari sa past, laging naghahanap ng excuse ang mga brain cells ko na hindi maki-cooperate. Buti pa brain cells nung iba kong kaklase nung elementary at high school, grabe at kabisado ang talambuhay ng mga bayani!

"Uhm... narinig ko lang kung saan. Siya ba ang pinakabatang heneral?" Tanong ko.

"Ayan ang pagkakamali ng karamihan. Hindi si Goyo ang pinakabatang heneral ng Señor Presidente kundi si Manuel Tinio mula sa Nueva Ecija. Mga dalawampu't dalawang taong gulang palang yata siya ngayon." Sagot ni Niño.

Dalawampu't dalawang taon?! 22 years old lang at heneral na?! Jusko, magkasing-edad lang kami pero bakit wala akong kwenta sa bayan?

Pero... Manuel Tinio? Parang hindi ko naman narinig sa discussion 'yun o sadyang tulog lang ako nun huhu.

"B-Binibini... nakita mo na ba si Goyo?" Biglang tanong ni Niño kaya napatingin ako sa kaniya. Mukha siyang uncomfortable. Natatae ba siya?

"Paano ko siya makikita eh pangalawang araw ko pa nga lang sa panaho—este—bayang 'to." Sagot ko. Phew! Muntikan na akong madulas doon ah.

"Gano'n ba..." Sabi niya at mukhang nakahinga na siya nang maluwag.

Ano bang meron kay Gregorio del Pilar? Bakit parang natataranta 'tong si Niño?

"Sa katunayan, binibini... kilala si Goyo na may iba't ibang babae sa iba't ibang bayan kaya... kung sakali mang makasalamuha mo siya'y huwag mo na siyang kausapin."

Aba, akala mo sinong hindi babaero ang nagpapaalala sa akin ngayon.

Pero babaero rin pala si Gregorio del Pilar? Ang nadiscuss lang kasi na babaerong bayani sa amin ay si Dr. Jose Rizal. Although marami siyang naging jowakels, feeling ko naman hindi siya nagsabay-sabay ng mga babae.

"Nako! Paano na 'yan?" Sabi ko na nanti-trip lang at mukhang bigla siyang kinabahan.

"Bakit, binibini? Nakausap mo na ba siya? Anong sinabi niya sa'yo? Inalok ka ba niya ng kasal?" Natatarantang tanong ni Niño kaya pinigilan ko ang tawa ko. Ang cute niya magpanic eh.

"Narinig ko ring may iba't ibang babae ka sa iba't ibang bayan pero kinakausap kita ngayon... dapat na rin ba kitang iwasan?" Pang-aasar ko. Agad namang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Maliban sa akin, binibini!" Mabilis na saad niya.

Aba't—! Hindi man lang dineny ni loko ang mga chismis sa kaniya?

Normal na bang babaero ang mga heneral sa panahong 'to? O hindi lang heneral ang babaero kundi lahat na rin ng lalaki sa panahong 'to?

"Kung ganun edi... totoo ngang marami kang babae?" Tanong ko. Sige, subukan mong magsabi ng maling sagot at ihuhulog kita rito sa lawa, Niño.

"Nagkakamali ka, binibini! Hindi ako ganoong klaseng lalaki." Defensive na sagot naman niya.

"Eh bakit tinanggap mo 'yung sinabi kong marami kang babae?"

"Bakit?" Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Kapag ba pinilit ko pa sa'yong wala akong ibang babae'y maniniwala ka? Mapapanatag ba ang loob mo? Pagkakatiwalaan mo ba ako?"

Sunud-sunod ang mga tanong niya na halos mahulog na ako sa lawa dahil bawat tanong niya, nilalapit niya ang mukha niya sa akin at lumalayo naman ako.

Napalunok ako nang sobrang lapit na ng mukha niya sa akin at one wrong move ay either mahahalikan ko siya o mahuhulog ako nang tuluyan sa tubig ng lawa.

"Maniniwala ka ba sa akin, binibini?" Lapit pa niya ng mukha niya sa akin kaya ang tangang ako ay piniling mahulog sa tubig kaysa mahalikan siya.

"Binibining Juliet!" Rinig kong sigaw ni Niño pagkahulog ko sa tubig.

Sa sobrang gulat sa nangyari at lamig ng tubig, namental block ako at biglang nakalimutan kung paano lumangoy.

Ang dami ko nang nainom na tubig at nang makaramdam akong may humawak sa bewang ko na ikinagulat ko eh mas nakainom pa ako ng tubig dahil sa gulat. Narealize ko lang na si Niño pala ang humawak sa akin nang i-angat niya ako sa tubig at lumangoy kasama ako pabalik sa lupa.

"Ayos..." Hingal na hingal siyang bumagsak sa lupa. "...ka lamang ba, binibini?" Hingal na hingal pa ring tanong niya.

Napansin kong naka-shirt nalang siya ngayon. Mukhang tinanggal muna niya 'yung uniform niya bago siya tumalon sunod sa akin.

"Nasaktan ka ba? May sugat ka ba?" Nag-aalalang tanong niya habang tinitignan nang mabuti 'yung braso ko nang hindi ako hinahawakan.

"Patawarin mo ako, binibini. Hindi ko naisip na maaari kang mahulog—ah hindi! Naisip kong maaari kang mahulog ngunit hindi ko naisip na mahuhulog ka talaga. Patawarin mo ako." Sising-sisi na sabi niya at mukhang onti nalang luluhod na siya sa pagmamakaawa.

Tignan mo 'tong loko na 'to. Gagawa-gawa ng kalokohan tapos ngayon magsisisi.

Biglang akong natawa kaya napatingin siya sa akin nang may pagtataka sa mukha niya.

"Ang cute mo."

Bigla nalang lumabas sa bibig ko 'yon kaya nagulat din ako at mukhang nagtaka si Niño kung ano ang sinabi ko.

"Kyut?" Tanong niya.

"Ayos lang ako, huwag kang mag-alala." Sagot ko nalang at nginitian siya kaya napangiti rin siya.

"Niño!"

"Niño! Binibining Juliet!"

Pareho kaming napatayo sa gulat ni Niño nang may marinig kaming nagtatawag sa amin.

"Si Andong at Fernan 'yon." Sabi niya at naglakad papunta sa mga nagtatawag sa amin kaya sumunod ako sa kaniya.

Napansin kong nakapaa nalang pala siya. Ganun din naman ako kasi nawala ko 'yung suot ko kanina nung mahulog ako sa lawa.

Lumingon si Niño sa akin at inalalayan akong maglakad sa mabatong daan.

"Niño! Ano'ng nagyari sa inyo?" Gulat na tanong ni—SIYA 'YUNG KORONEL NA NAGPAHAMAK SA AKIN!!

"Hindi ba halata, Fernan? Naligo sila sa lawa." Sabi nung isa pang matangkad na lalaki na may pataas-taas pa ng kilay, mukhang nang-aasar.

"Manahimik ka nga, Andong." Tapik ni Niño sa tiyan nung Andong. Parehong naka-uniform sila Fernan at Andong kaya sigurado akong sundalo rin itong si Andong.

Nagulat ako nang ipatong ni Niño 'yung uniform niya sa balikat ko at mukhang ingat na ingat siyang hindi ako mahawakan. Doon ko lang narealize kung bakit iwas na iwas 'yung mga lalaki sa akin sa panahon na 'to katulad nalang ni Manuel kanina. Conservative nga pala ang mga tao sa panahong 'to.

"Suotin mo muna ito, binibini." Sabi ni Niño at nilapag 'yung sapatos niya sa tapat ko.

Hindi lang 'to basta sapatos dahil parang boots? Grabe, 'pag sinuot ko 'to baka buong binti ko na sakop nito.

Napatingin naman sila Fernan at Andong sa paa ni Niño atsaka napabalik ang tingin sa sapatos niyang nasa tapat ko atsaka tumingin kay Niño at nagtinginan sila.

"Hinahanap na nga pala si Binibining Juliet, Niño." Sabi ni Fernan.

"Oo nga pala, binibini... sila ang aking mga kaibigan. Koronel Fernan Fernandez at Kapitan Hernando Hernandez." Pagpapakilala ni Niño sa mga lalaking nasa harap namin ngayon.

Enrique Enriquez, Fernan Fernandez at Hernando Hernandez... hindi naman uso ang redundant na pangalan sa kanila 'no? Napagtripan lang ba ng mga magulang nila 'yung pangalan nila? HAHAHA!

"Magandang gabi, Binibining Juliet." Bati ni Andong at nagbigay-galang naman si Koronel.

Tinignan ko sila pareho nang mabuti. Matangkad si Koronel pero siya ang pinakamaliit sa kanilang tatlo. Masasabi kong gwapo siya at may dating. Maliit lang ang matangos niyang ilong at maganda ang hugis ng mga mata niya. Hindi kayumanggi ang kulay ng balat niya pero hindi rin siya mestiso, pero mas maputi siya sa average... basta ganun!

Si Andong naman ang pinakamatangkad sa kanilang tatlo. Maputla ang balat niya at halatang may dugong Kastila katulad ni Niño. Matangos ang ilong niya at on fleek ang kilay ng kuya niyo. Lahat sila'y hindi mataba at hindi rin payat. Tama lang sa tangkad nila ang mga pangangatawan nila.

Naglakad kami pabalik at hirap na hirap akong maglakad sa sapatos ni Niño jusko, ang laki!

"Maaari ba kitang hawakan, binibini?" Tanong ni Niño na dahilan ng paghinto sa paglalakad ni Fernan at pagkapatid ni Andong na nauuna sa amin maglakad atsaka sila napalingon sa amin.

"B-Bakit?" Tanong ko.

"Nais kitang tulungan sa paglalakad." Sagot ni Niño na nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Aba, gentleman naman pala talaga ang heneral na 'to.

"Ah... s-sige lang. " Sagot ko at nagulat ako nang bigla niya akong buhatin pa-bridal style. Shocks! Bakit ba ako pumayag?!

Naglakad na siya at bababa sana ako pero binigyan niya ako ng ops-pumayag-ka-na look kaya wala na akong nagawa.

Natatawang napailing-iling nalang sila Fernan at Andong na nauunang maglakad sa amin.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts