Juliet
"Ano'ng nangyari sa inyo?" Tanong ni Don Luis sa amin at nakita kong napatingin siya kay Niño mula ulo hanggang paa at akmang magsasalita na naman pero inunahan ko na siya.
"N-Naglalakad-lakad po ako at nakakita ng lawa!" Sabat ko agad at napatingin ang mga natitirang tao rito sa mansion sa akin.
Mukhang tapos na 'yung party at nag-uwian na ang mga bisita except sa mga pamilya namin.
"Habang pinagmamasdan ang lawa'y nadulas po ako. Buti nalang dumating si Heneral Enriquez at agad akong sinagip. Ako po ang may kasalanan, D-Don Luis." Nakayukong sabi ko at hinintay ang sermon sa akin pero ilang segundo na at tahimik pa rin ang lahat kaya tumingala na ako para tignan si Don Luis at nakitang nakangiti siya.
"Kung gayon ay walang may kasalanan."
"Nauunawaan kong nais mong maglibot-libot upang maging pamilyar sa mga pinupuntahan mo, binibini." Nakangiting sabi ni Don Luis.
"Kung nais mo'y magpasyal ka rin sa aming hacienda, binibini." Sabi ni Don Federico na tatay ni Fernan kaya naman napalingon ako sa kaniya.
"Oo nga pala! Fernan, samahan mo bukas si Binibining Juliet sa inyong hacienda. Dalhin mo siya sa hardin ng mga mababango't magagandang bulaklak." Suggest pa ni Don Luis at mukhang nagulat 'yung tatlong itlog namely Niño, Fernan at Andong.
Sandaling hindi sumagot si Fernan at tumingin muna kay Niño kaya siniko siya ni Andong atsaka lang siya sumagot.
"S-Sige po, Don Luis."
"Binibining Juliet, halika na muna't magpalit, baka magkasakit ka niyan. Hayaan na natin ang mga kalalakihan." Lapit sa akin ni Doña Isabela na ikinagulat ko.
Napalingon ako kay Niño na nakatingin sa amin at ngumiti lang siya. Nahagip din ng mata ko si Caden at binigyan lang niya ako ng sumama-ka-nalang look.
Sumunod nga ako kay Doña Isabela paakyat sa mala-sinaunang bonggang hotel na mansion nila. Habang paakyat, nakita ko 'yung mga awards nila sa school, parehong kay Ernesto Enriquez at Niño. Grabe, parang hall of fame 'yung staircase nila sa dami ng awards at medals na nakasabit. Mukhang lagi ring inaayos at nililinisan 'yung mga nakasabit kasi wala akong nakitang ni isang alikabok.
Pagkarating namin sa second floor, ang daming pinto. Kung nasa horror movie ako at hinahabol ng multo, nagkandaligaw-ligaw nalang talaga ako rito.
"Mga bakanteng kwarto itong mga naunang pinto para sa bisita at ang iba nama'y silid-aklatan at silid-aralan nila Ernesto at Niño." Sabi ni Doña Isabela habang patuloy lang kami sa paglalakad.
"Sa kanan ay silid-dasalan ni Ernesto at ang katabi nito ay ang akin." Sabi niya pa at nilagpasan na namin 'yung silid-dasalan nila.
Huminto siya bigla sa paglalakad kaya naman huminto na rin ako.
"Sa dulo ay ang opisina ni Luis at katabi nito ay ang kuwarto namin. Katapat nito ay ang kuwarto ni Ernesto na katabi lang din ang kwarto ni Niño."
Napatingin ako sa tinuro niya kahit na hindi ko alam kung alin 'yung mga silid na sinabi niya sa dami ng pinto roon.
Binuksan niya ang pinto sa tapat namin. "Dito ang kwarto ko noong dalaga pa ako at narito ang mga personal na gamit ko." Sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya. Nakangiti siya habang pinagmamasdan 'yung kwarto niya.
"Ikaw ang unang babaeng nakapasok dito maliban sa akin." Sabi pa niya na ikinagulat ko.
Oo nga pala, puro lalaki ang mga anak niya.
"Balak ko itong gawing kwarto ng magiging anak naming babae ngunit hindi na mangyayari 'yon kung kaya't nanatili itong kuwarto ko noong ako'y dalaga. Ako mismo ang naglilinis sa kuwartong ito at hindi maaaring pumasok ang mga tagapagsilbi rito." Sara niya ng pinto sa likod ko.
"Maraming dalaga ang pumupunta rito sa hacienda tuwing may okasyon ngunit ni minsa'y hindi ko pa nakitang maging interesado sa kanila si Niño. Madalas ay sasama nalang siya kanila Fernan at Andong kaysa paggugulan ng oras ang isang babae." Sabi ni Doña Isabela na halatang may ibig sabihin sa bawat salitang binibitawan niya habang pumipili ng damit.
"N-Nagkataon lang po na napadaan siya kung saan ako—"
"Tingin mo'y bakit siya napadaan doon gayo'ng may selebrasyon dito?" Putol niya sa sasabihin ko atsaka inabot ang damit na napili niya atsaka tumingin sa sapatos ni Niño na suot-suot ko.
OMG, nakakahiya! Malamang alam niyang kay Niño 'to huhu.
"Ito ang suot ko noong unang beses kong makita ang lalaking pinakasalan ko." Sabi niya pagka-abot ng damit sa akin. Shocks. Bakit naman niya ipapahiram sa akin 'to? Hindi ba mahalaga 'to para sa kaniya?
"Gamitin mo na rin iyon para mas maging komportable ka." Turo niya sa tsinelas na gawa sa abaniko.
"Señora Isabela, uuwi na raw po sina Ginoong Cordova. May kailangan pa raw po itong asikasuhin. Maaari na raw po bang bumaba si Binibining Juliet?" Rinig naming sabi ng tagapagsilbi mula sa labas ng kwarto.
"Sabihin mo'y ipapahatid ko nalang ang binibini sa kanila kaya't mauna na siya." Utos ni Doña Isabela kaya nanlaki ang mga mata ko.
Jusko Lord, tulungan niyo po ako! Bakit ako pinaiwan ni Doña Isabela rito huhu.
"Maglinis ka na ng iyong sarili, binibini." Ngiti ni Doña Isabela sa akin kaya pumunta na nga ako sa tinuro niyang banyo.
Habang naliligo, narealize ko na ngayon ko lang nakita nang maayos at malapitan si Doña Isabela. Mahinhin siyang babae at sobrang ganda. Kahit siguro ako si Don Luis eh magugustuhan ko siya sa una naming pagkikita, kahit naman siguro sinong lalaki.
Maputi si Doña Isabela at halatang mula sa mayamang pamilya. Simple lang siya manamit, wala masyadong mga borloloy o mga accessories sa katawan 'di tulad ng ibang mga mayayamang babae rito kahit pa isa siya sa pinakamayamang maybahay sa San Sebastian. Kaya halata na nagmula siya sa isang mayamang pamilya eh dahil sa kung paano siya kumilos, kung paano niya dalhin ang sarili niya. Para siyang kandidato sa Miss Universe, iba talaga ang lakas ng dating niya at sobrang ganda niya. Feeling ko ang perfect ng bawat details sa mukha niya, mula sa noo, kilay, mata, pilik-mata, ilong, bibig hanggang baba... parang si Niño.
Hindi nga ako nagkamaling kay Doña Isabela namana ni Niño ang kagwapuhan niya. Gwapo si Don Luis at madating pero 'yung features sa mukha ni Niño eh halatang kay Doña Isabela niya namana except sa mga mata niya. Halatang kay Don Luis naman namana ng mga anak niya ang mga mata nila dahil mas makapal ang lining sa mata nila samantalang manipis lang ang kay Doña Isabela na dahilan kaya mas nagmumukha siyang maamo.
Pagkatapos kong maligo, pinaupo ako ni Doña Isabela sa harap ng dresser niya atsaka ako sinuklayan kaya nagulat ako.
"K-Kaya ko na po." Tayo ko sana pero agad siyang nagsalita.
"Wala akong anak na babae kaya't... pagbigyan mo na ako, Juliet." Sabi niya kaya naman hinayaan ko na siyang suklayan ang buhok ko.
Ewan ko ba pero may part sa aking nalungkot bigla para sa kaniya. Wala akong totoong magulang at malungkot ako dahil doon tapos siya naman eh walang anak na babae kaya malamang malungkot din siya. Mas okay siguro kung may anak siyang babae na makakasama niya. Sigurado akong minsan nalulungkot siyang mag-isa kasi parehong lalaki ang anak niya, pari ang isa kaya laging nasa simbahan tapos heneral pa yung isa na lagi namang nasa digmaan.
"Hindi ko alam kung kailan mawawala ang Niño ko sa akin." Bigla niyang nasabi habang sinusuklayan ang buhok ko.
"Araw-araw na wala siya para makipagsapalaran sa mga gyera ay nagdarasal ako na sana'y makauwi pa siya sa akin." Sabi niya at tumigil na sa pagsuklay sa akin. Inikot niya ang buhok ko para ipusod.
"Mahusay pong heneral si Heneral Niño kaya sigurado po akong lagi siyang uuwi sa inyo, Doña Isabela." Comfort ko sa kaniya kahit na kasinungalingan lang ang sinabi ko.
Alam kong hindi magtatagal at mamamatay si Niño sa digmaan laban sa mga Amerikano pero mas mahalagang mapagaan ko ang nararamdaman ni Doña Isabela ngayon kaysa imulat siya sa katotohanan. Nakita ko kung paano mamamatay si Niño at maski ako ay nalungkot nang malaman kong iyon ang kamatayan niya, paano pa kaya si Doña Isabela 'di ba?
"Alam kong mahusay siya ngunit... hindi mo naman maaalis sa akin ang pag-aalala lalo pa't hindi pa naman tuluyang natatapos ang digmaan sa bayang ito." Sabi niya at kumuha ng pang-ipit na ipangpupusod sa buhok ko.
"Sana'y makahanap siya ng babaeng makukumbinsi siyang tumigil na sa pakikipaglaban at mas piliin nalang ang kaniyang sariling pamilya." At inipit na niya sa isang pusod ang buhok ko.
"Sana'y ikaw iyon, Juliet." Saad niya habang nilalagyan ng palamuti ang bun sa buhok ko.
Hindi ko naman alam kung paano magrereact since... hindi ko naman ayaw kay Niño pero hindi ko rin naman gusto? Ay, ewan! Mababaliw na ako sa mga nangyayari rito huhu bakit ba kasi ako napunta sa panahong 'to.
"Mabait na bata si Fernan. Sigurado akong susuportahan niya si Niño kung ikaw ang iniibig ng matalik niyang kaibigan." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay Doña Isabela.
Oo nga pala! Alam nila boyfriend ko si Fernan pero pinupush niya pa rin ako kay Niño dahil nakita niyang may potential na gusto ako ni Niño? Ghad!
"Hindi ko man alam kung ano ang tunay na nararamdaman mo para kay Fernan, sana'y huwag mong pagsarahan ng pinto si Niño kapag umibig siya sa'yo. Hindi ko ito sinasabi upang magtaksil sa iyong nobyo, nais ko lang sabihin sa iyo na... masuwerte tayo dahil maaari tayong magdesisyon." Sabi ni Doña Isabela at nagpatuloy ulit sa sinasabi.
"Nag-iisang anak ako kaya't kahit na hindi naging madali ay napilit ko ang aking Ama na payagan akong ipakasal kay Luis noon. Hindi man siya pumayag ay hindi niya ako pinigilan. Sigurado akong kapag natutunan mo na ring umibig at nagkataong hindi kay Fernan, maaari mong kumbinsihn ang iyong mga magulang... katulad ng nangyari sa akin sapagkat ikaw lang din naman ang bunso't nag-iisa nilang anak na babae."
Pagkatapos niya akong ayusan ay pinaharap niya ako sa kaniya. "Napakagandang dalaga." Nasabi niya nang nakangiti at lumaki naman ang ulo ng lola niyo, nasabihang maganda eh HAHAHA! Grabe, haba ng hair ko baka maapakan niyo.
"Nais mo pa bang mamasyal sa hacienda, binibini? Kaya lang ay gabi na kaya—"
"Doña Isabela, nariyan pa po ba si Binibining Juliet?" Rinig naming tawag ng isang lalaki mula sa labas ng kwarto.
Binuksan naman ni Doña Isabela ang pinto at bumungad sa amin si Andong at sa likod niya ay si Fernan.
"Magandang gabi po." Bati nila.
"Bakit niyo natanong?" Tanong ni Doña Isabela.
"Kami po ang nautusang maghatid kay Binibining Juliet." Sagot naman ni Fernan.
"Ah, gano'n ba? O siya, tapos na siyang mag-ayos. Ingatan niyo ang dalagang ito." Sabi ni Doña Isabela at nagpaalam na sa akin. Inabot din niya sa akin 'yung bag na gawa sa banig kung saan nakalagay ang basa kong damit.
Phew! Salamat naman at makakauwi na rin. Grabe daming ganap ngayong araw at pagod na pagod na ako.
Pagkalabas namin ng mansion, may naghihintay na karwahe sa tapat ng pinto.
"Mag-iingat kayo, binibini." Sabi ni Fernan pagkasakay ko sa karwahe kaya binigyan ko siya ng what-are-you-talking-about look.
Akala ko ba ihahatid nila ako?
"May inutos sa amin kaya ikaw na muna mag-isa ang uuwi, binibini." Sabi naman ni Andong.
"Ano?!" Tanong ko na mukhang ikinagulat nila pareho.
Anyway, hindi naman ako mamamatay kung mag-isa ako uuwi kaya cinonfront ko sila.
"Nevermind. Uuwi na ako." Saad ko at sinarado na ang pinto ng karwahe at umandar na 'to. Hindi ko naman sila kailangan, I'm a strong independent woman. Gusto ko nalang naman umuwi.
Hindi nagtagal, huminto na rin ang karwahe sa tapat ng bahay namin. Grabe, kating-kati na 'yung likod kong mahiga sa kama sa sobrang pagod.
Pagkalabas ko ng karwahe, napansin ko agad 'yung tatlong kabayong nakatali sa harap lang ng bahay namin.
Bakit may mga kabayo rito?
Curious ako kung bakit may mga kabayo rito pero mas nangingibabaw ang pagod ko kaya umakyat na ako sa mga steps paakyat sa pinto ng mansion. May mga steps pa kasi bago makarating sa tapat mismo ng mansion. Papasok na sana ako sa pinto nang makarinig ng pagstrum ng gitara kaya naglakad ako pabalik at tinignan kung saan nanggagaling 'yung tunog.
Nakita ko sa baba ng mga steps paakyat kung nasaan ako sina Fernan, Andong at Niño. May hawak na gitara sila Fernan at Andong at nagsimula naman nang kumanta si Niño.