webnovel

Broken Promises

Pangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinangako mo ?Aasamin mo rin ba ang ipinangako nya sayo kung Hindi na ikaw ang priority nya? Hanggang kailan ka mangangarap na sa huli kayo pa rin ng pinakamamahal mo? Matatanggap mo ba sa sarili mo na hindi lahat ng pangako kayang panindigan ng lahat,dahil ANG ISANG PANGAKO AY NAKATAKDA PARA MAKASAKIT

Burnpaolo · สมจริง
เรตติ้งไม่พอ
27 Chs

Chapter 16

Hikari's POV:

**McLibee coffee shop

Mag isa ako ngayon na nakaupo dito sa dulong parte ng shop,nagbabasa ng libro,dala dala ko ang mga gamit ko sa school,kailangan ko magreview dahil in two weeks time, mag pa-final exam na,kaya kahit may duty ako dito sa shop aral mode pa rin.

Vibrate!Vibrate!Vibrate!

Napansin kong may nagtext sa cellphone ko kaya,tinigil ko muna ang pagbabasa.Kinuha ko ang cellphone ko na natatakpan ng isa sa mga libro ko.Binuksan ko agad ito para tignan kung sino ang nagtext.Pagkakita ko si Cahil pala,ang kapatid ng tukmol kong bestfriend.

[Cahil Medrano] [1message]

  Hey!Ate Hikari magdadrop by ako dyan sa shop,inutusan kasi ko ni Kuya na ipakuha ko daw sayo yung naiwan nyang tshirt sa crew room,anyways see yah,magtetext na lang ako kapag malapit na ako,palowbat na yung phone ko ii.Hart hart.

------------------------------------------------------

Pagkabasa ko neto,pumunta na ako kaagad sa crew room para kunin ang naiwan ni Tukmol na damit,alam naman nyang rest day nya ngayon e kinalimutan pa nya pang dalhin.Mabilis kong hinanap ang tshirt ni Tukmol na naiwan nya na nakasampay sa likod ng pinto,pagka kuha ko neto nagmadali na akong bumalik sa pinagrereview-han ko.

"Baka madulas ka Dyosa,mafall ka pa sakin."-Miguel

Yan ang nakaka bwiset na linyahan ni Miguel.Nag ma-mop kasi sya ngayon ng floor ng shop.

" Sayo?mapo-fall ako?as if naman."-pagtataray ko

"Nako,Dyosa kung sakali mang mangyari yun handa akong saluhin ka."-banat muli miguel

" Haynako impakto,magrereview na ako ulit huwag mo na ko guluhin."-ako

Pagkasabi ko nun,muli akong umupo at nagbasa muli ng libro.Nasa harap ko pa rin si Miguel,nakangiti.Pilit kong iniintindi ang binabasa ko pero nawawala ako sa konsentrasyon dahil sa impaktong nasa harapan ko.

"Dyosa,baka maperfect mo na yung exam mo hinay hinay lang."-miguel

Inirapan ko lang ang impaktong to,at pilit na iniintindi ang nirereview ko.Pero napapatungin pa rin ako sa lokong animal na to.Parang ang pogi nya ngayon,parang lang ha,nakikita ko pa rin kasi ang bakas ng pagka impakto nya.

" Goodmorning po,Welcome to McLibee café."-bati ni Miguel

Aba?pinagbuksan pa nya ng pinto ang babaeng customer namin?Porket maputi lang kailangan magpacute?laki ng ngiti ng kumag na to e,abot tenga.

"Selos ka?"-miguel

Nagulat ako ng biglang lumingon sa akin si Miguel at ang pinaka worst e yang sinabi nya.Ano tingin nya sakin may gusto sakanya?Heller.Ibinalik ko sa pagbabasa ng libro ang mata ko,pinipilit ko talagang hindi na titigan ang isang to mamaya sya pa maging dahilan ng pagbagsak ko sa isang subject ko e hindi pwede kailangan kong makatapos.Teka?bakit ba ako nagkakaganito?parang tanga lang.Hays makapagreview na nga ulit.

Nagfocus na talaga ako sa pagrereview,halos magiisang oras na din ako dito na nagrerecap ng mga past lessons ko,pumayag naman kasi Si Manager asher na dito ako magreview,sya muna at si Lia ang nasa counter ngayon para mag assist sa mga customer.At si impakto,ayun taga serve ng mga order,nakakabwiset nga e,kapag mapapadaan dito sa pwesto ko nginingitian ako?makailang beses na nga ako tumungin sa salamin na nasa wallet ko para tignan kung may dumi ba ako sa mukha pero wala naman,pinagtitripan lang talaga ako ng animal na yun.

" Nasaan na ba si Cahil.?-ako

Tinignan ko ang relo ko para tignan ang oras,halos isang oras na nga mula ng magtext sya,nasaan na kaya yun?

"Tinitignan mo ba yung oras kung kailan kita mamahalin dyosa?"-miguel

Napatingin ako sa halimaw na ito,bakit ba si dinami rami ng panahon na mang aasar to tyempo pa kung kelan ako nagrereview,tinitigan ko sya ng pagkasama sama.

" Ano bang gusto mo?impakto,kanina mo pa ko inaasar e,dimo ba nakikita ?nagrereview ako.?"-pagtataray ko

"Bukod sayo wala na akong ibang gusto."-miguel

Napatitig lang ako sakanya,hindi ko alam ang irereact ko e,pero bakit ba ganyan sya makipag usap sa akin?napapansin ko napapadalas na syang ganyan mag salita,parang may ibang meaning.Naiinis ako sa mga tirada nyang ganyan pero may konting kilig din naman.

"Haha naisip mo pa yan?narinig ko na sa iba yan miguel,narinig ko na yan sa mga lalakeng manloloko okay?layuan mo na ako nagrereview ako."-sabay irap ng bongang bonga

Nakita ko naman ang reaksyon ng lalakeng to,napalunok at feeling ko parang paiyak pa,Sobrang mean ba ng pagkakasabi ko?Hindi naman ah.

Nagpatuloy na muli ako sa pagrereview.Mga ilang minuto lang bigla akong nakarinig ng isang pamilyar na boses.

" Goodmorning po,Nandito po ba si Tristan.Tristan Medrano."

"Wala po si Tristan e.Rest day po nya."

Napatingin ako sa counter,Si Lia pala ang nagsabi na rest day ni Tukmol,nasa harapan nya ang dalawang babaeng pamilyar.Tinitigan ko maigi ang hitsura ng dalawang ito.At hindi nga ako nagkamali.Si impaktitang Lyrics at ang best friend nyang si Roxanne a.k.a Roan.Anong ginagawa nila dito?At bakit nila hinahanap ang bespren ko?.

Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at padabog na inilapag ang hawak kong libro sa lamesa.Napansin kong napatingin sa akin ang mga customer na nandito sa loob ng shop kabilang na sina Miguel,Lia,Sir asher na katabi ni Lia sa counter at ng dalawang bruha na iniluwa ng lupa.

Nilapitan ko sila at halata sa mukha ni impaktitang Lyrics na nagulat sa reaksyon ng mukha ko.Nakataas ang kanang kilay ko at sobrang nakasimangot.

"Bakit mo hinahanap ang best friend ko?."-tanong ko

" May itatanong lang sana ako?."-Lyrics

Mala anghel talaga ang pagmumukha ng babaeng ito,kunwaring mabait saksakan naman ng maldita.

"Tungkol saan ang itatanong mo?"-tanong ko

" Ikaw ba si Tristan?Leandra?"-roan

Aba?sumingit pa ang babaeng kuhol na to?At ang pinaka nakakainis pa,tinawag nya ako sa buong pangalan ko.Asar.

"Best friend nya ako,ako na ang magsasabi sakanya ng pinatatanong mo."-sabi ko

" O best friend ka lang pala e,hindi ka secretary kaya,bakit sasabihin ni Lyrics sayo?."-roan

Nakakainis ang isang to ah teka hindi ako papayag na tinatarayan ako

"Haha,bakit Roxanne a.k.a roan slash kuhol.Spoke person ka ba ng babaeng ito ?kailan pa ito naging pipi?."-sabi ko

Bahagyang tumaas ang kilay ni Roan,sasagot pa sana sya kaso pinigilan sya ni Lyrics.

" Uhmm,Hikari,mas mabuti siguro kung ako na mismo yung magsasabi kay Tristan."-Lyrics

"Pwede naman ate gurl,kaso napapaisip ako kung bakit sa dinami rami ng taon na hindi ka nakikipag usap sa best friend ko,e ngayon mo pa naisipan na kausapin sya personally?Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito ?"-tanong ko

" Hikari,hindi ito tungkol sa aming dalawa.Tungkol ito sa nangyari sakanila ni Ram?Bakit nya sinaktan ang boyfriend ko?Kung galit sya sa akin sana ako na lang ang awayin nya at hindi si Ram."-lyrics

Nagulat ako sa sinabi ng impaktang to?Si Tristan pa talaga ang nanakit sa Ram na yun?Aba magaling gumawa ng kwento ang pitbull na yun,tigas ng mukha.

"Te gurl?Sino naman ang nagsabi sayo nyan?Haha nakakatawa,kailan pa nanakit ng tao si Tristan?diba nga,paalala ko sayo ah,Ikaw ang nanakit sakanya?kayo ni Ram.So paanong ang best friend ko ang nanakit sa jowa mong may mukha ng pitbull?"-ako

Nagkatinginan ang magkaibigang to nung sinabi ko ang award winning kong pagtataray.Napansin ko rin na nakatingin na sa amin ang mga tao dito.

" Hikari,kung may problema kayo ng kausap mo.Sa labas mo na lang sya kausapin,baka kung ano pa ang sabihin ng mga customer."-asher

Yan ang mahinang bulong sa akin ng manager namin.Nahiya tuloy ako sa kanya.

"Sorry Sir Asher."-sagot ko

"Hikari,ano bang nangyari?may alam kaba sa naging away nila Ram at Tristan.?"-tanong ni Lyrics

" Sa labas na lang tayo ng shop mag usap nakakahiya na dito,naiistorbo mo ang mga cuatomer namin."-sagot ko.

Tumango naman si Lyrics,bahagya na akong naglakad palabas ng shop nakasunod naman ang mag kaibigang bruha sa akin.Nang biglang.

"Ate Hikari,sorry im late sobrang traffic sa cubao.sorry."-cahil

Nagulat ako ng biglang dumating si Cahil,pakagandang bata nito,totoo bang kapatid ito ni Tukmol?Saan kaya nagmana yun ng kapangitan nya?Ganda ng kapatid e.

" Okay lang yun."-sagot ko

Napangiti naman si Cahil,nang bigla nyang mapansin ang mga hathor sa likod ko.

"Ate Lyrics?."-Cahil

" Kumusta ka?"-sagot ng impakta

"Anong ginagawa mo dito?Anong ginagawa nya dito Ate Hikari?"-tanong ni Cahil

" Uhmm may itatanong lang daw sya sa kuya mo."-sagot ko

"Ano naman yun?Ate Lyrics?"-Cahil

" Tungkol sana sa naging away nila ng boyfriend ko."-Lyrics

Tinitigan ng masama ni Cahil si Lyrics.Aba?namumula mula pa ang pisngi ng kapatid ni Tukmol,naiinis siguro sya.Pag mga tisay talaga maganda pa rin kahit nagagalit.E ako?susme pa alien daw ang hitsura ko sabi ni Tukmol.Bago pa man magkagulo nagseg way na ako.

"Cahil,nandun sa left side ng shop yung pinag tambayan ko para mag review nasa ibabaw ng mga libro ko na nasa lamesa, yung damit ng kuya mo."-sabi ko

Tinanguan lang ako ni Cahil at marahang umalis sa kinatatayuan namin.Mukhang nabadtrip ang lola nyo,ang taray ng mukha.

Lumabas na ako ng shop and as usual sumunod sa akin ang mga kampon ni Valentina.

" Friend,bakit ganun yung reaksyon ng kapatid ni Tristan?."-roan

Narinig kong bumulong ang kuhol na ito sa kaibigan nyang impakta,natural galit yun sa Lyrics na yan,kapatid nya ang sinaktan ng babaitang yan.

"For sure dahil yun sa naging problema namin ni Tristan."-lyrics

" Alam mo naman pala,e.Bakit ka pa nagkaron ng kakapalan ng mukha para makipag usap sa best friend ko?At may dala ka pang fake news.Grabe sya."-ako

Napatingin muli sa akin ang kambal na impakta,nag tatangahan pa ang mga reaksyon ng mukha ng mga ito.

"Anong fake news ang sinasabi mo Leandra"-Roan

" Shut up! Ms.Kuhol,hindi ikaw ang kinakausap ko etong bida kontra bida mong kaibigan."-sagot ko

Napalunok naman si Roan ng bigal ko syang patahimikin.

"Hikari,hindi fake news yung sinabi ko sayo,nagsabi sakin si Ram na nagkita sila ni Tristan kagabi,lasing daw ang kaibigan mo at nung nakita nya ang boyfriend ko,bigla na lamang daw syang sinuntok ni Tristan."-Lyrics

" Ang tanga mo!Ganyan ba ang pagkakilala mo sa best friend ko?Ilang beses ko uulitin na kayo ng boyfriend mo ang nanakit sa kaibigan ko.Kaya yang sinasabi mo Fake  news.Kagabi yung jowa mong mukhang pitbull nakasalubong namin,lasing,may kasamang babae at nung lapitan ni Triastan para sabihing tigilan nya ang gingawang panloloko sayo ate gurl,ayun sinapak ang best friend ko.Di ka ba masaya na kahit iniwan mo si Tristan e concern pa rin sya sayo?Bulag ka ba at manhid Lyrics Silva?o talagang natutuwa ka lang kapag pinag aawayan ka ng mga lalake."-ako

"Hoy!huwag mong sabihan ng ganyan ang kaibigan ko!"-sigaw ni Roan

" Roan!"-sabi ni Lyrics

Napansin ko na tumutulo ang luha ng babaeng ito.Nasaktan ba sya sa sinabi ko na nambababae ang jowa nya o nasaktan sya sa pinaalala ko na sya ang nanakit sa kaibigan ko.

"Ate Lyrics!!"

Napalingon ako sa aking likuran,Si Cahil pasigaw nyang tinawag si impakta.Hawak hawak nya ang puting tshirt na naiwan ng kuya nya.

"Paki sabi sa boyfriend mo na subukan pa nyang saktan ang kuya ko,idedemanda namin sya."-Cahil

" Cahil...hindi ko maintindihan yung sinasabi nyo ni Hikari."-Lyrics

"Wala ka naman dibang naiintindihan?feelings nga ng kuya ko hindi mo inintindi noon e.Yung ganitong sitwasyon pa."-Cahil

Inawat ko ng bahagya si Cahil.Matanda sakanya si Lyrics dapat hindi nya ito sagutin ng sobra.

" Cahil,tama na yan,hayaan na natin ang babaeng ito."-Ako

"Nakakasama kasi ng loob na nakikita mo yung kapatid mo na lagi na lang nasasaktan ng dahil sa babaeng ito.Kung kayo naman ang nasa kalagayan ko,maiintindihan nyo rin ako."-Cahil

" Cahil...hindi mo naiintindihan lahat,may mga bagay pa kayong hindi alam,May mga usapan kami ni Tristan na kahit sino sainyo walang nakakaalam.Oo,may pangako ako na hindi ko natupad pero huwag nyo naman ako agad sisihin."-Lyrics.

Patuloy sa pag iyak si Lyrics,sa oras na ito,naawa ako sakanya ng kaunti.Sincere ba ang taong ito?o drama lang nya ang pinapakita nya.

"Paano ka naman namin hindi sisisihin?may panahon ba na nakita ka naming malungkot?Nakita ka ba namin na nag  post sa social media na naapektuhan ka sa naging break up ninyo ng kuya ko?Hindi diba?Nalaman na lang namin na may boyfriend ka nang bago,wala pang isang buwan mula ng maghiwalay kayo ng kapatid ko!"-Cahil

Pagkabanggit ni Cahil nyan,binato nya sa mukha ni Lyrics ang tshirt na pinakuha sakanya ng kuya nya.Nagulat ako sa ginawa ni Cahil,pero hindi ko sya masisisi na magalit sa babaeng naging dahilan ng pagkakabigo ng kapatid nya.

Tumakbo papasok ng shop si Cahil,umiiyak.Samantalang si Lyrics naman nakayuko pansin ko rin na walang tigil ang paghikbi nya,alam kong umiiyak sya.

"Hindi nyo alam kung anong naging epekto sa akin ng problemang nangyari sa amin ni Tristan,hindi nyo alam ang pinagdaraanan ko.Wala kayo sa katayuan ko.Hindi nyo alam.Hindi!."-lyrics

Pagkabanggit ni Lyrics ng mga salitang yan,nagmamadali syang tumakbo palayo,sinundan naman sya agad ng kaibigan nyang si Roan.

Naiwan akong nakatayo sa labas ng shop.Nagiisip na kapag nagmahal pala ang isang tao lahat ng sakit na pwede mong maramdaman,masasalubong mo at hindi mo maiiwasan.

[End of Hikari's POV]