webnovel

Broken Promises

Pangako? May mga tao pa bang tapat sa mga binibitawan nyang pangako? Paano kung yung taong inalayan mo ng mga ito ay committed na sa iba? Kaya mo bang panindigan pa ito hanggang huli?Aasa ka pa rin ba na matutupad mo ang pangakong sakanya'y ipinangako mo ?Aasamin mo rin ba ang ipinangako nya sayo kung Hindi na ikaw ang priority nya? Hanggang kailan ka mangangarap na sa huli kayo pa rin ng pinakamamahal mo? Matatanggap mo ba sa sarili mo na hindi lahat ng pangako kayang panindigan ng lahat,dahil ANG ISANG PANGAKO AY NAKATAKDA PARA MAKASAKIT

Burnpaolo · Realistic
Not enough ratings
27 Chs

Chapter 17

Tristan's POV:

***Medrano's residence

Ang nakalipas,di na binalikan

Mula nang ang puso'y,labis na nasaktan

Naghilom lubusan nung nanahimik lang ngunit ano itong

Naririnig ko na naman.

Di nawala,

Di naaalis,sa isipan ko.

Di nawala,Di naaalis.Pagibig sayo.

Ngunit kay tagal,walang kapalit

Ang katulad mo.

Di ba tadhana ito,bakit bumabalik sayo.

Sa dulo

Sana tayo pa rin

Nananalig at di mamadaliin,

Dahil kung para sa atin dun tayo dadalhin.

At kung di mawala.at di maalis

Di mo man alam ikay iibigin.

Natapos akong kumanta...

Nandito ako ngayon sa kwarto ko,rest day walang pasok.Matagal tagal din akong hindi nakatikim ng pahinga,simula nung umalis si Manager Joan,kailangan ko kasing iassist si Sir Asher sa shop,pero ngayon okay na, nakapag adjust na sya.

Napasilip ako sa bintana,umuulan na pala,tinignan ko ang oras sa cellphone ko,ala singko na pala ng hapon,nasaan na ba si Cahil?kanina ko pa sya inutusan para daanan yung naiwan kong tshirt sa shop pero until now,hindi pa rin umuuwi.Nagpasya akong bumaba at sa sala ko na lang aantayin ang kapatid kong singbagal ng pagong kung kumilos,alam naman nyang lalabhan ko pa ang tshirt ko na yun dahil yun ang gingamit kong damit kapag tapos ng duty ko tapos hindi sya agad uuwi.

Nagpasya akong magpatugtog ng paborito kong mga kanta mula sa paborito kong singer,ako lang kasi ang nasa bahay ngayon,umalis din kasi ang parents namin,nag date siguro.

Halos,patapos na ang pinakikingan kong kanta ng marinig kong may nagbukas ng gate,pagtingin ko sa orasan,mag aalasyete na pala ng gabi.Mya mya pa'y biglang bumukas ang pinto.Si Cahil na pala.

"Anong oras na ah?bakit ngayon ka lang?gusto mo isumbong kita kay mommy?gabi kana umuwi."-ako

Nakatayo lang ang kapatid ko sa tapat ng pintuan,nakasibangot,mukhang nabadtrip sa sinabi ko.

" Nakuha mo ba yung tshirt ko sa shop?."-tanong ko muli

Kasabay ng pagtatanong ko ang pag irap ng mata nya,haynako kahit kelan talaga ang batang ito,napaka maldita.

"Hindi ko nakuha yung tshirt mo kuya.''-sagot ni Cahil

Pagkasabi nya nyan,inihagis nya ang sling bag na dala nya sa sofa at bigla akong itinulak sanhi para mapaupo ako sa isa pang sofa namin,nakatayo kasi ako sa harapan nya kanina.

" Problema mo?saka ginabi ka pero hindi mo nakuha yung pinakukuha ko sayo ?"-inis kong sabi

Hindi agad sumagot si Cahil,sa halip pumunta sya sa cabinet na lalagyanan ng mga grocery namin na malapit sa dining area,kumuha sya ng paborito nyang sitsirya,tapos bumalik sya sa sala na kinalalagyan ko at umupo sa tabi ko.

"Actually kuya,hawak hawak ko na yung damit mo,ibinigay ni Ate Hikari kaso may masamang hangin akong naabutan sa shop niyo kaya ayun,naiwanan ko nung umuwi ako."-cahil

" Anong sinasabi mo?hawak mo na tas maiiwan mo pa?bakit binitiwan mo ba ulit?"-sabi ko

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at kumuha ng tubig sa ref,nakakinis kasi tong kapatid ko,nahahigh blood yata ako.

"Hindi ko binitawan,ibinato ko dun sa bwiset na nakita ko sa shop nyo?"-Cahil

Tinitigan ko ng masama ang batang ito at takang taka na ipinakita sakanya ang reaksyon ko.

" Ano?kanino mo naman ibinato?at bakit ka nakikipag away dun?di ka ba nahiya Cahil?baka nandun ang manager ko at nakita yung ginawa mo?."

-pagsesermon ko

"Huwag kang O.A kuya,nasa labas kami ng shop,saka si ate Hikari lang yung nakakita."-sagot ni Cahil

Pagkasabi ulit nya ng mga salitang yan,humiga sya sa sofa habang inuubos ang sitsirya na hawak nya.Nang aasar na naman ang isang to.Napipikon ako.

" Ano?kasama mo si Alien?di ka man lang pinigilan na makipag away?dinamay mo pa yung damit ko?nasan na ngayon yung tshirt ko?saka sino yang kaaway mo?di ba sinabi ko sayo kapag may kaaway ka sasabihin mo sakin dahil ako ang haharap sakanya ?mamaya saktan ka nun lagot ako kay mommy at daddy sabihin di kita pinagtatanggol."-litanya ko

"Whatever kuya,kung gusto mong kunin yung damit mo?kunin mo dun sa binato ko, at FYI hindi moko mapagtatanggol sakanya dahil hindi mo sya kayang saktan,gets mo KUYA?"-sabi ni Cahil.

Tinignan ko maigi ang kapatid kong ito,napaka maldita talaga nakakaasar sumagot

" Niloloko mo ba ako Cahil Marie?Ano yang pinagsasabi mo?"-pikon kong tanong

"Hay nako kuya ang tanga mo,bahala ka nga diyan,mag papalit na muna ako ng damit,nakakastress ka at yung lovelife mo kaloka."-cahil

Matapos nyang magtaray umakyat na sya sa second floor at pumunta sa kwarto nya.

Ano bang pinagsasabi nun?Hindi na lang kasi aminin na naiwan nya at nalimutan yung inuutos ko sakanya.Hays.

Lumipas ang rest day ko at hindi na sinabi ni Cahil kung sino yung tinutukoy nya na binato nya,imbento talaga nun.Hindi na rin sya nakapag dinner dahil nakatulog na sya kaagad.Bukas pag pasok ko si Alien ang kakausapin ko tungkol sa nakaway ng kapatid ko.Sa ngayon matutulog na ako...

...........................

**McLibee coffee shop

Nandito na ako ngayon sa shop,nag tsi-check ako ng mga stock ng kape at asukal dito sa stock room.Ako pa lamang ang nandito,maaga lang ako pumasok as usual.

Mya mya pa'y narinig ko na may pumasok sa shop.Bahagya akong sumilip mula sa pintuan ng stock room,nakita ko si Miguel na maagang pumasok,napatingin sya sa akin at walang kareareaksyon na pumunta sa crew room.Hanggang ngayon hindi pa rin kami nag uusap dalawa ng maayos,paano ba naman kasi kapag mag tatry ako kausapin sya hindi nya ako sinasagot ng maayos at nauuwi lagi sa pikunan.

Minabuti ko nang tapusin ang ginagawa ko.Sapat pa naman ang mga naka stock na kape at asukal.Kaya ng masiguro kong maayos at kumpleto ang mga kakailanganin namin mamaya,lumabas na ako kaagad ng stock room.

Kasalukuyan akong nasa counter habang si Miguel nasa dining nag ma-mop.Kaming dalawa pa rin ang nandito,maulan sa labas kaya siguro wala pa si Hikari at maging si Sir Asher.Baka naipit sa traffic.

"May bisita ka kahapon ah,nabalitaan mo ba?"-miguel

Biglang nagsalita si Miguel kaya nabasag ang katahimikan na bumabalot sa amin.

" Sino?Si Cahil?yung kapatid ko?inutusan ko yun na pumunta dito."-ako

"Hindi sya.Bago pa man pumunta ang kapatid mo,may nauna pang bisita ka na dumating.Wala ka bang inaasahan na bibisita sayo?"-miguel

"Wala naman,Sino ba yun Miguel?"-tanong ko

Hindi pa man nakakasagot si Miguel,nilapitan ko na sya sa kinatatayuan nya.

" Bakit gustong gusto mo malaman?e kung hindi ko sabihin sayo?may magagawa ka ba?"-miguel

Pagkasabi ni Miguel nyan,binitiwan nya bigla ang hawak nyang mop.

"Gusto ko lang naman malaman pero kung hindi mo sasabihin,ayos lang kay Hikari ko na lang itatanong."-sabi ko

Akma na akong babalik sa counter ng magsalita muli si Miguel.

" Hindi sayo babangitin ni Hikari kung sino ang pumunta dito kahapon."-Miguel

Humarap ako muli kay Miguel,ano bang ibig nitong sabihin?bakit ba parang ang hilig ng mga taong nakakausap ko na manghula ako,kagabi pa ako nakakapansin.Kay Cahil,pinahuhulaan din nya sakin yung nakaaway nya kahapon dito sa shop.

"Miguel,anong ibig mong sabihin?Bakit hindi babangitin sa akin ni Hikari kung sino man yung bumisita sa akin kahapon?may problema ba?"-ako

Bahagyang lumapit sa akin si Miguel,at tinapik ang kaliwang braso ko.

" Nandito kahapon si Lyrics."-miguel

Napatingin ako maigi kay Miguel.Totoo ba ang narinig kong sinabi nya?pumunta dito sa shop si Lyrics?pinuntahan nya ako?.

"Miguel anong sinabi ni Lyrics?bakit daw nya ako hinahanap?Alam mo ba yung rason nya?."-ako

Hindi ko maitago ang kasiyahan na nararamdaman ko,Sa dinami rami ng mga panahon ko na paghihintay para makita at makausap si Lyrics,bakit bigla nya akong pinuntahan.Anong ibig sabihin nun.Matagal bago sumagot si Miguel.Nakatingin lamang sya.

"Miguel?ano?alam mo ba kung bakit?"-tanong ko muli

" Gusto ka daw makausap ng ex mo."-miguel

Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabi ni Miguel.Marami akong katanungan na naglalaro sa isipan ko.Heto na kaya yung matagal na hinihintay ko.?Ang magkaayos kami ni Lyrics.

"Nalaman mo ba kung bakit gusto nya ako makausap?"-tanong ko muli

" Pasensya na pre,hindi e.Nagkaroon kasi ng konting kaguluhan kahapon dito."-miguel

"Kaguluhan?"-tanong ko

" Nagkasagutan sina Hikari at Lyrics,pati yung kapatid mo sumali na din."-miguel

Nagulat ako sa mga sinabi ni Miguel?Anong pumasok sa isip ni Hikari para awayin si Lyrics?sinama pa nya ang kapatid ko para pagtulungan ang babaeng matagal ko nang inaantay.Bakit kung kailan na si Lyrics na yung bumabalik saka pa sya sinabihan ng hindi maganda ng best friend ko.

"Totoo ba itong sinabi mo Miguel?"-tanong ko muli

" Oo,tingin mo sakin magsisinungaling?nagulat nga kaming lahat sa ginawang pamamahiya ni Hikari kay Lyrics e,nakita ko pa nga na umiiyak si Ms.Chinita,bukod kasi sa sinabihan na sya ng masasamang salita ng best friend mo e,binato pa sya ng kapatid mo ng hawak hawak nitong damit,hindi mo naman masisi ung utol mo kasi si Hikari talaga ang nagsimulang mangaway at mamahiya kay Miss chinita.Tingin ko Tristan,ayaw ni Hikari na magkaayos kayo ng ex girlfriend mo."-miguel

Sa mga naririnig kong sinabi ni Miguel,napagdugtong ko ang mga sinabi ni Cahil,kaya pala sinabi nyang hindi ko kayang saktan ang nakaaway nya dito sa shop ay dahil si Lyrics pala ang tinutukoy nya,At ano bang ginawang mali ni Lyrics kay Hikari para gawin yun ng tinuturing kong bestfriend sakanya.

"Hindi ba nabanggit sayo ng kapatid mo ang nangyari at kung sino yung bumisita sayo?"-miguel

Umiling ako sa tanong ni Miguel,hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, hindi ko maisip na sa dinami rami ng taong pwedeng gumawa ng ganun sa akin si Hikari pa,si Hikari na nakakita kung gaano ko kagustong makausap si Lyrics pero bakit nya ginawa yun,bakit nya sinabihan ng kung ano ano ang babaeng matagal ko nang inaantay.Bakit?

"Paniguradong si Hikari ang nagsabi sa kapatid mo na huwag sabihin sayo ang nangyari kahapon."-Miguel

Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Miguel.Nanatili lang ako na nakatayo at gulong gulo sa mga nalalaman ko.Bakit ginawa ni Hikari yun.?ang paulit ulit na tanong sa isipan ko.

Bahagyang lumayo sa akin si Miguel.Kinuha ang binitiwan nyang mop at muling naglampaso.Babalik na sana ako sa counter ng biglang may pumasok sa pinto.

" Goodmorning impakto ang aga mo ah,Good morning din tukmol imissyou huwag ka ng magrest day ah walang panget dito haha."

Si Hikari ang dumating at mukhang wala lang sakanya ang nangyari kahapon,mukhang wala talaga syang balak sabihin sa akin ang ginawa nya kay Lyrics.

"Dyosa?ang ganda mo ngayon ah kahit masama ang panahon,nakakaganda ka talaga ng mood "-miguel

" Well yan lang kaya ko ang maging dyosa kahit maulan haha."-Hikari

Nakatingin lamang ako kay Hikari,pilit kong iniisip na bakit ginawa yun ng bestfriend ko?Anong reason nya para hindi ako makausap ni Lyrics?.

"Uyy tukmol!Ano ang tinitingin mo dyan?Gandang ganda sakin?wala man lang goodmorning alien?haha"-hikari

" Huwag mo akong kausapin!"-sagot ko

Pagkasabi ko nun bumalik na ako sa counter,nakita kong nakatingin sa akin si Hikari,mukhang nabigla sa ginawa ko.Lalapit pa sana sya sakin ng magsalita muli ako.

"Ayaw kitang makausap."-ako

Napahinto sa paglapit si Hikari.Ramdam na ramdam ko na nabibigla sya sa kinikilos ko.

" Tukmol?"-tanong ni Hikari

Tinitigan ko sya ng masama,gusto ko syang sigawan at sisihin pero ayoko syang mapahiya kay Miguel.Ilang saglit lang ay dumating na rin sina Lia at Manager Asher.

Nanatili lang akong tahimik sa buong duty ko.Kinakausap ako ni Hikari pero hindi ako kumikibo.

Hindi maalis sa isip ko ang mga nalaman ko tungkol kay Hikari.Galit na galit ako sakanya.Bakit bestfriend ko ang gumawa ng dahilan para layuan ako muli ni Lyrics.

[End of Tristan's POV]