webnovel

BITE ME MORE (FILIPINO NOVEL) COMPLETED

Mr. Valdez the Immortal Vampire -Bite Me More- Propesiya na nakatakda para sa dalawang tao na magtatagpo. Pag-iisahin dahil sa parehong nararamdaman. Isang Immortal Vampire at Isang Tao. Isang kagat na pagmumulan ng misteryo. Pakakagat na kaya sila? -------- R-18 | Vampire | Romance | Immortal | Action | Mature content | -----------------------------------------------------------------------------

BMBlackKath25 · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
19 Chs

CHAPTER 1

AN: Grabe stress ako sa story na 'to 😂 basta makagawa lang chapter 1 go! Hahaha.

--------------------------------------------------------------------------

BONITA P.O.V

"WALANGHIYA KA! LUMAYAS KA NA DITO!"

Halos mabingi ako sa nangagalaiti na sigaw ni Tiya sa akin pagbungad ko sa pintuan namin.

"Tiya, b-bakit ho? Huwag mo naman ako palayasin, kakauwi ko nga lang po. At isa pa wala ako'ng mapupuntahan." nagtataka na tanong ko na may halong pagmamakaawa ko.

"Puwede ba, lumayas ka na! Huwag mo ng hintayin na ako pa ang kumaladkad sayo!" muling sigaw  nito sa akin at tinulak ako.

Napaupo ako sa sobrang lakas ng pagkakatulak niya sa akin, ang putik pa naman dahil tag-ulan.

"T-tiya, maghahanap naman po ako agad ng trabaho." naiiyak kong paki-usap dahil baka kaya niya ako pinalalayas, dahil alam na niyang wala na ako'ng trabaho ang bilis talaga ng balita.

Dumarami na ang mga chismosa ngayon dito sa kalye, mga nagsi-labasan na sila. Nahihiyang napayuko ako dahil malamang mga ngiting mga wagi ang mga inggitera sa akin. Bwesit! Nawalan lang ako ng trabaho palayas agad! Hindi ba puwedeng hahanap lang ulit ako ng trabaho?

Hindi pa siya nakuntento binato niya lang naman sa akin ang ilang piraso ng mga damit ko.

Tunog ng pagbagsak ng pintuan ang tanging narinig ko dahil sinaraduhan niya na ako ng pinto. Dahan-dahan ako'ng tumayo at isa-isa kung dinampot ang mga nagkalat ko na damit. Langya! 'Di manlang nilagay sa bag, sa platisk lang talaga. Ayan tuloy na-bulgar ang ilang panty ko na no gar. Kainis!

Inis na tumayo ako at nagsimula ng maglakad dahil ganun talaga ang tiya ko, hindi na nagbabago ang isip niya. Kanya-kanyang bulungan naman ang mga narinig ko sa mga taong nadaraanan ko. Hmp! Mga chismosa.

Bonita, Bonita. Mag-isip ka ngayon kung saan ka pupunta, saan nga ba ako pupunta? Wala ako'ng ibang kamag-anak ko kundi ang tiyahin ko na 'yun na masyadong advance mag-isip nakakainis lang. Kailangan ko maghanap ng trabaho 'yung stay-in o kaya yung panghabang buhay na.

Malayo na ang nalakad ko at naramdaman ko na ang pamimitig ng paa ko, kaya nagpahinga muna ako sa saglit. May pera pa naman ako dahil binigay sa akin ang huling sahud ko, pasalamat ako dahil hindi nadengoy ni tiya ang sahud ko.

Inabot na ako ng dilim sa daan at hindi ko na alam kung saan na ako nakarating, dahil nga wala pa ako'ng alam sa mga lugar dito sa Maynila dahil sa isa akong probinsiyana.

Pansin ko na wala ng gaanong tao dito sa lugar kung saan ako naglalakad, tanging huni ng mga maliliit na insekto at mahihinang tahol ng isang aso ang naririnig ko. Napatingala pa ako sa langit na puno na ng bituin. May kalamigan na rin ang simoy ng hangin dahil sa nalalapit na ang disyembre.

Nakaramdam na ako ng gutom kaya naghanap ang mata ko ng tindahan pero dahil sa alas onse na pasado na ng gabi sarado na. Dinukot ko naman ang cellphone ko para maghanap sana ng may makakausap nang may humarang sa akin na dalawang lalaki.

Nabitiwan ko ang hawak ko na cellphone dahil sa gulat ko at takot dahil sa itsura ng mga lalaki. Mga nakaitim sila at ang papanget nilang dalawa, tapos-tapos ang laway nila tumutulo na sa dibdib nila. Yuck!

Napaatras ang mga paa ko dahil balak kong tumakbo ngunit sa bilis ng pangyayari nasa harapan ko na silang dalawa at hawak na nitong isa ang dalawang kamay ko.

Hindi ako makapaniwala na ganun kadali na bumaon sa leeg ko ang ngipin ng isang lalaki, habang ang isa naman sa braso ko kumagat ngunit nagulat na lang ako ng lumayo sila nang dahan-dahan at kapit-kapit nila pareho ang kanilang dibdib, hanggang sa bigla na lang silang unti-unting nasunog at naglaho na parang bula.  Tulala ako dahil sa nangyari.

Hanggang sa may lumitaw na isa na naman na lalaki, ngunit ito kakaiba dahil ang gwapo pero parang may sakit ata na hepa kasi parang maputla na 'yung kaputian niya. At mas lalong tumigkad ang puti niya dahil sa purong itim na suot nito, naglakad siya papalapit sa akin habang hinahangin-hangin ang kanyang kasuotan.

Napakapit ako sa leeg ko na kinagat kanina, naramdaman ko ang likido sa leeg ko na tumulo na sa dibdib ko. Pinunasan ko ito gamit ang palad ko at pinunas ko naman sa laylayan ng bistida ko.

Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko dahil, kahit pa gwapo siya hindi ko siya papatulan. Pero kakaiba siya tumingin pailalim at pinag-aaralan niyang mabuti ang katauhan ko.

Alam ko naman na pinagpala ako ng kagandahan kaya ganyan siya makatingin sa akin, pero shemay nakakatakot siya tumingin parang kakainin niya ako ng buo.

"Who are you?" tanong nito sa akin paghinto niya malapit sa akin.

Napahigpit naman ang kapit ko sa plastik na hawak ko dahil sa napakalamig at husky na voice niya.

"A-aa, ako? B-bonita pangalan ko. I-ikaw ba?" kinakabahan na tanong ko dahil parang lalabas na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Bigla itong umikot nang mabilis sa likuran ko, nanigas ang katawan ko nang pumulupot ang isang kamay nito sa beywang ko at ang isang kamay nito tinanggal ang pagkakapusod ng tali ng buhok ko. Lumagay ang lagpas balikat ko na buhok at hinawi niya ito.

Nakakahiya hindi pa kaya ako naliligo kaya malamang amoy araw at amoy tinapay ang buhok ko, kasi sa bakery ako nag-work.

Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko kaya para akong nilalagnat dahil sa init na hatid nito.

"Bonita," sambit nito sa pangalan ko na nagdulot ng kakaibang kiliti sa buong pagkatao ko.

"Bite me, bite me more." hindi ko alam kung bakit ko ito nasambit habang nakapikit.

"No, you can not fool me. Woman!" galit na bigkas nito sa punong tenga ko.

Napamulat ako ng mata at sa isang iglap bigla na lang ako napunta sa ibang lugar, isang sobrang gandang silid na yari sa sinaunang panahon, ang higaan napakaganda na parang pang-prinsesa. Kulay puti at pula ang mga desenyo ng lahat nang mga naririto.

Napalingon ako ng may pumasok na lalaki at kasunod nito ang lalaki na kanina lang ay kausap ko.

"Bakit dinala niyo ako dito? Ano'ng balak niyo. Huh!?" singhal ko sa kanilang dalawa.

Sa halip na sumagot lumapit ang isang lalaki sa akin na ka-edad ko lang ata, kasi 23 years old na ako. Gwapo at cute siya pero napa-atras na lang ako ng ibuka niya ang bibig niya at lumabas ang dalawang mahahabang at matutulis na pangil nito. Tapos bigla itong tumawa ang sarap lang sapakin, takot na ako kanina eh.

"Huwag ka ng mag-laro Serio gawin mo na ang pinagagawa ko sa'yo." salita naman nitong si ano.

"Pasenya naman," sagot nitong Serio at muling bumaling ang mga mata nito sa akin. "Ganda, tingin ka lang sa mapang-akit ko na mata upang makita ko ang napakaganda mo na mata." salita nito sa akin na nakangiti.

Hindi ko alam pero kusang tumutok ang mga mata ko dito 'kay Serio, natulala na lang ako ng maging pula ang mata nito at titig na titig sa mata ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil bigla ako'ng nawalan ng malay at bumagsak.

--------------

-END-

😂😂😂 charot!

-Party pa more! Natapos ko rin maikli nga lang. Huhuhu ang hirap kasi, kala niyo madali? 😢😒😂