webnovel

BITE ME MORE (FILIPINO NOVEL) COMPLETED

Mr. Valdez the Immortal Vampire -Bite Me More- Propesiya na nakatakda para sa dalawang tao na magtatagpo. Pag-iisahin dahil sa parehong nararamdaman. Isang Immortal Vampire at Isang Tao. Isang kagat na pagmumulan ng misteryo. Pakakagat na kaya sila? -------- R-18 | Vampire | Romance | Immortal | Action | Mature content | -----------------------------------------------------------------------------

BMBlackKath25 · Fantasy
Not enough ratings
19 Chs

PROLOGUE

AN: Lahat ng mababasa niyo dito 'ay pawang gawa-gawa lamang ng malikot na imahinasyon ko. Isang daan na porsyento ang inilabas ko dito para maging labo-labo na 'to. 😁 free kayong igisa ako sa sarili kong mantika. Happy fucking Reading! 😈

__________________________________________________

P R O L O G O U E

SA ISANG hindi masyadong kilala na bar kasalukuyan nagkakasayahan ang isang grupo. Kabilang na rito si Rius Valdez ang kanilang pinuno. Dahil sa kanilang malaking kinita nila sa pagbibinta ng iba't-ibang klase ng armas na mga walang linsensya.

Bukod pa roon talamak sila sa bintahan ng mga pinagbabawal na gamot. Ito ang paraan nila upang mabuhay sa matindi na kahirapan at masunod ang kanilang mga luho.

Habang patuloy ang kasiyahan ng grupo tumayo sa kinauupuan niya si Rius, nagpaalam ito sa mga kasamahan upang magpunta sa cr.

Sa may bandang sulok naman na hindi mo maaninag ang mga tao rito dahil sa may kadiliman na doon. Dito nakaupo ang isang lalaki na nakasuot ng purong itim simula sa kanyang suot na sumbrero, may maputing kulay ng balat at ang mga matang matiim na nagmamasid lalo na sa kanyang pakay.

Ilang segundo lamang 'ay napagpasyahan na nitong tumayo at nagtungo kung saan nandoon si Rius Valdez.

SAMANTALA, habang na sa loob ng cr si Rius. Siya'y naghilamos sa kanyang mukha matapos umihi, pansin niya na nag-iisa lamang siya sa loob ng cr ngunit ipinagsawalang bahala na lamang niya ito at pinagpatuloy ang paghihilamos.

Sa pag-angat ng kanyang mukha, ganun na lang ang gulat niya nang may lumitaw sa salamin na isang lalaki na sobrang puti. Mapupulang mga mata na titig na titig ito sa kanya, halos hindi kumukurap si Rius sa harap ng salamin. Hanggang sa biglang nagpatay-sindi ang mga ilaw, napalingon si Rius sa kanyang likuran dahil nawala ang lalaki na nasa salamin kanina.

NAGBALIK naman sa normal ang mga ilaw, kaya naman naisip ni Rius na baka isa lang itong malikmata. Pero nakaramdam siya ng kakaibang kaba dahil sa naiisip pa rin niya ang lalaki na nakita niya sa salamin. Muling naghilamos si Rius ng ilang ulit upang maibsan ang kakaibang kaba na naramdaman niya.

NGUNIT SA kanyang pag-angat muli ng kanyang mukha, dito na natigilan at pakiramdam ni Rius nanigas ang buo niyang katawan dahil na sa salamin ulit 'yung lalaki kanina. Ngayon mas nakakakilabot ang anyo nito dahil sa nagbabagang mata, ang pangil nito na unti-unting humahaba at tumutulis ang dulo nito.

SA ISANG iglap, hawak-hawak ng lalaki ang ulo ni Rius habang ang isang kamay nito 'ay nakahawak sa balikat. Tulala naman ang rumehistro sa mukha ni Rius ng makita niya sa salamin ang unti-unting pagbuka ng bibig nito at paglapit nang pangil nito sa kanyang leeg.

Halos manginig ang katawan ni Rius ng lumapat na sa kanyang leeg ang matutulis na pangil nito at kasabay ng pag-agos ng dugo sa kanyang leeg. Hindi na niya kinaya at napasigaw na siya sa sobrang sakit

"Rius!"

NAPAKURAP ng mata si Rius ng mabungaran niya si Damien sa may pintuan ng cr, bakas sa mukha ni Damien ang pagtataka sa nakitang itsura ni Rius.

Muling pinaling ni Rius ang kanyang mukha sa salamin, wala na doon ang lalaki. At ganun na lang pagtataka niya dahil walang bakas ng dugo sa kanyang leeg.

"Pare, ayos  ka lang ba?"

Natitigilan na muling napalingon si Rius sa kanyang kaibigan.

"W-wala, tara na."

Sagot lang nito at lumabas na ng cr na puno ng katanungan sa kanyang isip. Kung totoo ba ang kanyang nakita at naranasan kanina.

PAGBALIK nila sa puwesto nila muli silang naupo, ngunit kapansin-pansin ang paglikot ng mga mata ni Rius dahil sa pagbabaka-sakali na makita niya muli ang lalaki.

Napako naman ang kanyang mata sa may labasan ng bar dahil may isang lalaki na nakasuot ng itim na damit biglang tumayo si, Rius. Nagtataka naman ang kanyang mga kasmahan at sinundan na lamang siya ng tingin habang papalabas ng bar.

-------------------

-Wohoo! Finally! Party party!