Chapter Theme: I Don't Wanna Miss A Thing - Aerosmith
Gabriel
Napakabilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko, anumang oras ay lulundag na palabas ang puso ko. Ilang malalalim na buntong hininga na rin ang napakawalan ko. Halos mahilo na ang mga kasama ko sa loob ng simbahan dahil kanina pa ako palakad-lakad.
"Kalma lang pare, para ka namang natatae." sita sa akin ni Jules. Tinapik niya ang balikat ko bilang pagpapakalma sa akin.
"Ready na ba ang lahat?" tanong ko.
"Handang handa na!" sabay sabay namang tugon ng mga ka-banda ni Aiyah. Tinaas pa nila ang dalawang kamay nila sa ere.
Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil walang pag-aalinlangang pumayag sila sa pabor ko. Sila ang tutugtog sa church wedding namin ni Kelly. Ang kaibahan nga lang, ako ang bokalista nila ngayon.
"Parating na siya," nakangiting bati naman ni Danika sa akin. Hindi ko na napansin ang pagdating niya.
"Thank you sa lahat." Iyon na lamang ang nasabi ko. Napakabuti niyang kaibigan hindi lang kay Kelly pati na rin sa akin.
Inayos niya ang tumabinging ribbon ng tuxedo ko at saka nang-aasar na nagtanong. "Feeling nervous?"
Imbes na sumagot ay nagthumbs up na lang ako para maitago sa kanila ang kaba ko. Biglang tumikhim ang pari na kasama ni Danika. Sa pagkakatanda ko, malapit na kaibigan ng parents ni Kelly ang paring ito.
"Maraming salamat po," sambit ko dito. Isang matamis na ngiti naman ang tinugon niya.
Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang masilayan ko na si Kelly na nakatayo sa may pintuan ng chapel. Simpleng white gown lamang ang suot niya pero hindi ko mapigilang mabighani sa ganda niya. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at nagmukha siyang diwata dahil sa koronang bulaklak na nasa ulo niya.
As if caught in a magic spell, I fell in love with her even more. Siguro nga posible talagang ma-in love ka sa isang tao nang paulit-ulit, nang palalim nang palalim. Hulog na hulog ako at wala akong planong umahon. I love this girl with my whole world.
Nagsimula nang tumugtog ang banda nina Aiyah, kaya pumunta ako sa gitna kung saan ko hihintayin ang pagdating ni Kelly. Hawak hawak ko ang mikropono, nagsimula akong mag-alay ng kanta sa kanya. Nakita kong napangiti silang lahat nang magsimula namang maglakad na si Kelly palapit sa altar.
I could stay awake just to hear you breathing
Watch you smile while you are sleeping
While you're far away dreaming
I could spend my life in this sweet surrender
I could stay lost in this moment forever
Every moment spent with you is a moment I treasureaa
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang hikbing gustong kumawala. Naalala ko bigla yung panahong naghiwalay kami at ipagtabuyan niya ko palayo sa kanya. Ang dami daming nangyari pero heto kami ngayong dalawa. Kami pa rin pala talaga sa huli.
Lahat ng sakit na naranasan namin, it's all worth it.
Bigla na lang akong napaiyak. Ito siguro yung tinatawag nilang tears of joy. Naiintindihan ko na ngayon ang groom kung bakit umiiyak sila kapag nakita nila ang bride na naglalakad palapit sa kanila. Isa itong magandang pangarap na natupad, napakasarap sa pakiramdam. Priceless.
Don't want to close my eyes
I don't want to fall asleep
'Cause I'd miss you baby
And I don't want to miss a thing
'Cause even when I dream of you
The sweetest dream will never do
I'd still miss you baby
And I don't want to miss a thing
Ilang hakbang na lang ang layo sa akin ni Kelly. Nakaalalay sa kanya sa paglalakad ang mommy at kuya niya. Hindi ko na din maituloy ang pagkanta ko dahil basag na ang boses ko kaya si Aiyah na ang nagpatuloy sa pagkanta.
Lying close to you feeling your heart beating
And I'm wondering what you're dreaming
Wondering if it's me you're seeing
Then I kiss your eyes
And thank God we're together
I just want to stay with you in this
moment forever
Forever and ever
Pakiramdam ko ay may mga paru-parong lumilipad sa loob ng tiyan ko nang huminto na siya sa harap ko. Napakaganda niya talaga.
Thank you, God. Binigyan niyo pa ko ng pagkakataon na iharap sa dambana ang babaeng minamahal ko.
"Make my daughter happy," bulong ng mommy ni Kelly nang ibigay niya sa akin ang kamay ng anak niya.
"I promise po, araw araw ko siyang pasisiyahin." Nakangiti kong sambit.
"You look so beautiful," baling ko kay Kelly. "Okay ka lang?" tanong ko. Napansin kong nangingilid na ang luha sa mata niya.
"Masaya lang ako. Thank you, Gabriel." Ngumiti siya sa akin, halatang nagpipigil ng iyak. Ngumiti ako pabalik at tumango.
Kung alam niya lang kung gaano din ako kasaya ngayon. At kung panaginip man ito, sana ay hindi na ako magising.
Magkahawak kamay kaming humarap sa altar ni Kelly. Nagsimula ang seremonyas ng pari ngunit nakatitig lang ako sa babaeng minamahal ko.
Hindi ko na napigilan ang samu't saring emosyong nararamdaman ko nang sabihin na naming dalawa ang wedding vows namin. Parehas na kaming umiiyak ni Kelly habang nagpapalitan ng aming panunumpa. Parang natunaw ang puso ko nang makita ko ang saya sa mga mata niya.
I don't want to miss one smile
I don't want to miss one kiss
I just want to be with you
Right here with you, just like this
"You may now kiss the bride," anunsyo ng pari matapos ang mahabang seremonyas.
I just want to hold you close
Feel your heart so close to mine
And just stay here in this moment.
For all the rest of time
Mabilis kong nilapat ang labi ko sa labi niya. Hinapit ko ang bewang niya palapit sa akin at mas pinalalim ko pa ang halik namin. Balewala na sa akin ang mga pang-aasar ng mga kaibigan namin.
Sa pagkakatong ito parang kami lang ang tao sa paligid, na tila ba amin ang mundo.
Sana hindi na matapos ito.
*****
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Naramdaman ko rin na tila may mumunting halik na dumadampi sa buong mukha ko. Parang may mabigat na nakadagan din sa dibdib ko. Nang dahan dahan akong magmulat, tila nagliwanag ang mundo ko nang bumungad sa harapan ko ang maliit na mukha niya.
"Daddy, wake up! Wake up!" paulit-ulit na utos niya. Nakadapa siya sa ibabaw ng dibdib ko. Bumangon ako sa pagkakahiga ko at agad siyang kinulong sa isang mahigpit na yakap.
"Good morning, my Sunshine!" I greeted, showering kisses on her fluffy cheeks. Halos panggigilan ko na siya. I heard her made a cute giggled. At parang natunaw ang puso ko habang pinagmamasdan ko siya.
She is our miracle. My wife died a day after giving birth to her, hindi na kasi nakayanan pa ng mahinang katawan niya ang panganganak. Nang araw na 'yon parang kalahati ng puso ko ay namatay din sa pagkawala ni Kelly. Akala ko mawawala din sa amin ang anak ko. Premature baby siya noon, nagkaroon siya ng komplikasyon at mahina rin ang tibok ng puso niya. Ang sabi ng doctor baka hindi rin ito magtagal pa.
Takot na takot ako noon. Nawala na sa akin si Kelly, hindi ko na kakayanin kung pati ang anak namin mawawala pa sa akin. Baka mabaliw na ako o kaya ikamatay ko ang labis na kalungkutan.
Araw araw wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal. Buong pusong nakikiusap at nagsusumamo sa Kanya. At sa awa ng Diyos, dininig Niya ang panalangin ko. Binigyan Niya ulit ng kulay ang mundo naming lahat sa pamamagitan ng anak namin ni Kelly.
Even if Kelly's gone in this world, she left us with the most precious ball of sunshine.
"Daddy, what's wrong?"
"Nothing, baby." nakangiting sagot ko. Ginulo-gulo ko pa ang buhok nito. She looked so adorable with that confused look on her face. Naniningkit din ang mga mata niya. Kamukhang-kamukha niya talaga si Kelly. Nakuha nito ang mga mata ng mommy niya.
Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si mommy. Sabay kaming napatingin sa kanya ni Sunshine. Napakaaliwalas ng mukha niya. Mukhang maganda ata ang gising.
"Hindi ka pa ba maghahanda? Death anniversary ni Kelly ngayon. Nakalimutan mo na ba?"
"Of course not, mom! Napasarap lang ang tulog. Napanaginipan ko kasi siya," I replied.
Tuwing death anniversary niya, parati ko na lang siyang napapanaginipan. Siguro iyon ang way niya para sabihin sa akin na masaya na siya kung nasaan man siya ngayon. And I know that she's watching over us from above.
"Sun, let's go downstair. Kain ka na. Maliligo pa si daddy," masuyong tawag ni mommy sa anak ko pero yumapos lang ito sa akin. Halos magkanda-haba haba pa ang nguso nito. Hindi kasi ito kakain kung hindi ko sinusubuan. Masyado ko atang na-spoiled kaya hirap silang pakainin ito kapag wala ako.
"Big girl ka na di ba? You just turn five yesterday. Dapat kaya mo nang kumain mag-isa," pangungumbinsi pa ni mommy.
Tumitig lang sa akin si Sunshine ng ilang sandali bago tumango at unti-unting kumalas sa pagkakayakap sa akin. Maingat ko siyang binaba sa kama. Agad naman siyang humawak sa kamay ni mommy ng yayain na niyang lumabas ito. Natawa pa ako nang lingunin pa ako ulit ng anak ko at nag-blow ng flying kiss sa direksyon ko. Umarte naman akong sinalo ko ang flying kiss niya. Napaka-sweet na bata niya talaga.
*****
Nasa kotse pa lang kami ay napansin ko na agad si kuya Mike na nakasandal sa gate ng Memorial Hills ng Sunny Ville. Mukhang kanina pa niya kami hinihintay at tila naiinip na. Mag-aalas dose na rin kasi ng tanghali kami dumating. Pinarada ko na agad ang sasakyan ko dahil baka masermonan pa ako nito. Kanina pa kasi ito text nang text at pinagmamadali kami. Excited siyang makita ang pamangkin niya.
"And then the wolf will eat little red riding hood. Roar!"
Saglit akong lumingon sa back seat kung nasaan nakaupo sina mommy at daddy. Aliw na aliw sila sa kadaldalan ng apo nila habang kinukwento ang paborito niyang fairytale story. Kandong-kandong ito ni daddy.
"We're here," anunsyo ko nang mai-park ko na ang sasakyan. Bumaba na rin ako para pagbuksan sila ng pinto.
"Gabriel!" tawag sa akin ni kuya Mike. Napansin rin siya ng anak ko nang magsimula siyang maglakad patungo sa amin para salubungin kami.
"Tito Mike!" Sunshine greeted cheerfully. Mas lalong nagmadali naman si kuya na makalapit. Agad niyang kinarga si Sunshine at maingat na pinasan ito sa likod niya. Tuwang tuwa naman ang anak ko dahil mas mataas na siya sa amin.
"Good afternoon po," baling ni kuya Mike sa mga magulang ko.
"Where's your mom?" tanong naman ni mommy sa kanya. Naging malapit na magkaibigan na rin kasi sila. Minsan pa nga sabay pa silang nagpapasalon o kaya naman sa spa sila pumupunta bilang bonding nila.
"Nasa loob na po. Tara," aya ni kuya Mike. Nauna na siya sa amin maglakad habang nakasunod lang kami sa kanila.
"Ang bilis lumipas ng panahon. 5 years na pala," bulalas ni mommy sa tabi ko.
Five years na nga ang mabilis na dumaan ng walang Kelly sa buhay ko. May mga pagkakataong nalulungkot ako dahil namimiss ko siya. Gustong-gusto ko siyang muling makita at makasama. Gusto ko siyang mahagkan ulit sa mga bisig ko pero alam kong hindi naman mangyayari 'yon. Ngunit imbes na magpalamon ako sa kalungkutan, mas pinili kong ipagpatuloy ang buhay. Alam ko naman na kahit wala siya, mananatili siyang buhay sa mga alaala naming lahat. Sa puso at isip ko, nakatatak na siya doon. At sa tuwing nangungulila ako sa kanya, pinagmamasdan ko na lamang ang anak namin. Siya ang pumuno sa kung anumang kulang na nararamdaman ko.
Malayo pa lang ay naririnig ko na ang pagtugtog ng gitara at mga kantahan. Nadatnan ko sina Aiyah at ang mga kabanda niya na nasa labas lang ng museleo ni Kelly at doon nagjajaming. Agad naman nilang kinantahan ang anak ko ng Happy Birthday. Isa-isa rin silang nag-abot ng regalo dito dahil hindi sila nakarating sa celebration ng birthday nito kahapon. Nagkaroon kasi ng conflict sa schedule nila.
"Thank you po, ninong at ninang!" Sunshine beamed. Maliit ang kamay nito kaya si daddy na muna ang humawak ng mga regalo niya.
"Welcome, Sun!" they all said in chorus.
"Thank you, guys." It was my turn to thank them.
"Anything for our little Sunshine," Aiyah replied sending a warm smile to my daughter. Napangiti na lang din ako pabalik. Masaya ako na maraming tao ang nagmamahal sa anak namin.
Pagpasok namin sa museleo, nagsilapitan sa akin ang mga kaibigan ko. Lahat sila nandito, walang nakakalimot sa kanya. Taon-taon, nandito sila. Wala talaga silang kupas. Masasabi kong napakaswerte ni Kelly sa mga naging kaibigan niya. Sila rin ang naging lakas ko noong mga panahong nahihirapan akong tanggapin ang pagkawala ni Kelly.
"Kamusta?" nakangiting tanong ni Brix. Nilibot ko ang paningin ko, lahat pala sila nakatitig sa akin.
"Ayos lang ako," masiglang tugon ko. "Ikaw kamusta?"
"Heto, naghahanap pa rin ng girlfriend." He chuckled.
"Makakahanap ka rin. And if ever you finally find the one, please treasure her." I said as I gave him a light tap on his shoulder.
"Thanks, man." He smiled.
Brix is really a great guy. For keeps kumbaga. Napaka-swerte ng babaeng magiging girlfriend niya kung sakali. At sana mahanap na rin talaga ni Brix ang babaeng para sa kanya.
"Gab! Long time no see!" bati naman ni Thao sa akin. Inangat niya ang kamay niya para mag-fist bump kami. Gulat na gulat siya nang pagbanggain ko ang mga kamao namin. Nasanay na kasi siya na lagi ko siyang tinatabla.
"Thank you for coming," I said sincerely. Nag-thumbs up naman siya kaya naagaw ang pansin ko ng suot niyang engagement ring.
"Congrats, sinong malas na babae ang magpapakasal sa'yo?" biro ko.
"Syempre sa akin! Kanino pa ba?" ungot sa akin ni Lily. Winagayway niya pa sa pagmumukha ko ang kamay niya para ipakita rin sa akin ang singsing niya.
Napatingin tuloy ako kay Lloyd na nakaupo lang sa isang tabi. Tumango lang siya sa akin bilang pagbati. Halos hindi maipinta ang mukha niya. Badtrip ata. Hindi niya pa rin siguro tanggap ang relasyon nila Lily at Thao. Sana naman maka-move on na siya.
"Gab. We miss you!"
Mahigpit na yumakap sa akin si Danika. Napansin ko ang pamumugto ng mga mata niya. Marahil kagagaling lang nito sa pag-iyak. Iyakin niya talaga.
"Huwag kang umiyak. Ayaw ni Kelly ng umiiyak di ba?" I reminded. Nagsisi ako na binuka ko ang bibig ko dahil nagsimulang umiyak si Danika pagkakalas niya ng yakap sa akin.
"M-Miss ko na ang bestfriend ko." Malakas na pag-atungal niya. Nagtawanan tuloy ang mga kasama namin. Daig niya pa ang bata.
"Tita Niknik, don't cry. Sunshine is here na," pang-aalo naman ng anak ko sa kanya. Nakapasan pa rin ito sa likod ni kuya Mike habang pinapanuod niya lang kaming nag-uusap usap.
Imbes na tumigil sa pag-iyak si Danika, lalo itong humagulgol dahil sa pagtawag sa kanya ng anak ko na Niknik. It was her nickname gave by Kelly. Nataranta naman si Jules kaya nilapitan na niya ang asawa niya para patahanin. Dumako ang tingin ko sa baby bump ni Danika. Siguro babae ang magiging anak nito dahil masyadong emosyonal. Nilabas na lang muna ni Jules ang asawa niya para doon aliwin.
Lumapit naman sa akin ang mommy ni Kelly. Sinalubong niya rin ako ng isang yakap. "Namiss ko kayo ni Sunshine," sambit niya.
"Mom naman, parang hindi tayo nagkita kahapon?" I said jokingly. Nakurot niya tuloy ako sa tagiliran.
Saglit pa lang naman kaming nawala sa piling niya dahil nag-overnight kami ng anak ko sa bahay nila mommy. Doon kasi namin idinaos ang 5th birthday niya.
"Ikaw talaga, kahit kailan ang hilig manira ng moment. Parehas talaga kayo ni Kelly," natatawang saad niya.
Kung noon nag-iiyakan kami sa tuwing pinag-uusapan namin siya, ngayon ay masaya na lang naming sinasariwa ang mga araw na kasama pa namin siya.
After namin magkamustahan, si Sunshine naman ang pinagkaguluhan ng mga kaibigan ko. Karga-karga naman ito ni Jules ngayon habang inuulan ng halik ni Danika ang pisngi ng anak ko. Halata ang labis na tuwa sa mga mata nila. Sigurado akong excited na rin sila sa pagsilang ng anak nila.
"Ako naman! Pakarga sa inaanak ko. Kanina pa kayo eh," reklamo naman ni Thao. Pilit niyang kinukuha si Sunshine kay Jules pero nilalayo naman ito sa kanya.
"Hi baby girl! Kay ninang ka naman," Si Aiyah naman ang kumarga sa anak ko. Napabusangot tuloy si Thao dahil kanina niya pa itong gustong kargahin at nasingitan siya ni Aiyah.
"Huwag niyo ngang pagpasa-pasahan ang pamangkin ko! Hindi 'yan bola!" singhal sa kanila ni kuya Mike. Mahinang hinampas naman ni Janice ang bibig ng asawa niya. Masyado kasing malakas ang boses niya. Nag-echo pa sa loob ng museleo. Mabuti na lang hindi nila isinama ang anak nila. Magtatatlong buwan palang kasi ito, baka umiyak lang ito nang umiyak dahil sa kaingayan namin.
"Sorry," nahihiyang napakamot na lang si kuya sa ulo niya.
Masayang nakamasid lang ako sa kanilang lahat habang nakaupo sa tabi ng puntod ni Kelly. Malalakas na tawanan ang pumupuno sa paligid.
"Look at them, mahal. Masaya ka ba na nakikita mo na kaming masaya?" bulong ko sa hangin. Alam kong ito ang gusto ni Kelly. She wants us to finally move forward. Ayaw niyang nakikitang nasasaktan pa kami.
"Daddy, do I really look like my mom?" bulalas bigla ni Sunshine.
Natigilan kaming lahat dahil sa itinanong niya. Maging sina mommy, daddy at mommy ni Kelly ay napatigil rin sa pagkukwentuhan nila. Lahat kami natuon ang atensyon kay Sunshine. Diretso lamang na nakatitig ito sa picture ng mommy niya na nakapatong sa ibabaw ng puntod nito.
"Yes, anak. You really look like your mom." Gumuhit ang masayang ngiti sa labi ko.
"Daddy, when I grow up, I want to be like mom," saad pa nito. Bigla kong nahigit ang paghinga ko. Saglit akong lumunok para pigilan ang paghikbi ko.
"O-Oo naman. Magiging katulad mo siya. Sa kanya ka nagmana eh." proud na saad ni kuya Mike saka tumingala para pigilan din ang pagluha niya.
Bahagya kaming natahimik. Si Danika naman ay nagsimula na namang umiyak at mukhang nahawa na ata kami sa kanya.
Binalik kong muli ang atensyon sa puntod ni Kelly. Hindi ko na napigilan ang pagragasa ng luha sa mga mata ko. Tahimik akong umiyak habang binabasa ang isang maikling tula na nakaukit sa lapida nito. Siya ang sumulat nito pero hindi na niya ito natapos.
Paglisan
Sakaling pag-gising mo, wala na ako sa tabi mo.
Huwag kang malungkot
Huwag ka nang lumuha
Huwag mo ring kwestiyunin ang langit
Dahil sapat na sa akin ang panahong binigay Niya, para makasama pa kita
Kung pagdating ng bukas, hindi mo na ako masilayan
Huwag kang magdamdam kung tuluyan na kong mamaalam
Hindi ko nais ang lumisan
Ngunit sa puso't isip mo, pangakong mananatili ako habang buhay.
Dahan-dahan akong nagpahid ng luha sa mga mata ko. Muli kong sinulyapan ang anak ko. Mukhang naramdaman ni Aiyah ang nais ko kaya ibinaba niya ito. Agad namang tumakbo palapit sa akin si Sunshine.
"Daddy, why are you crying?" she asked worriedly. Her little hands were wiping my tears.
"Masaya lang si daddy, anak. Kasi andyan ka," malambing kong tugon saka hinaplos ang maliit niyang mukha.
"I love you, Sun." I whispered.
"I love you too, daddy!" she said outloud.
"And we love the both of you!" singit naman ni Danika na siyang ikinatango ng lahat. Isa-isa ko silang sinuklian ng isang ngiti na puno ng pasasalamat.
Tumayo ako at kinarga si Sunshine para pagmasdan ang bughaw na langit sa labas. Nakakagaan sa kalooban ang panunuod sa mga puting ulap na nagsasayawan sa langit. Sa isang iglap umihip ang malakas na hangin, tila dumadampi ito sa pisngi ko at niyayakap ang buong katawan ko.
And I know it was her.
'Okay na ko, mahal. Okay na kami ni Sunshine. Pangako, ibibigay ko rin sa kanya ang pagmamahal na binigay mo sa akin. I'll do everything to be a good father to her. Sana tulungan mo ko. Sana patuloy mo pa rin kaming gabayan mula diyan sa itaas,' sambit ko sa isip ko.
I promise to live my life to the fullest. I will move forward but I will never forget my wife. No one can replace her in my heart. She will always be my one and greatest love until my last breath.
Until we meet again, love. Maybe in another lifetime, where no circumstances that can separate us. In another lifetime, where we can grow old together holding each other's hand.
So until that day comes, I hope you will wait for me, my love.
*****The End*****
A/N: Sorry kung waley yung ending. Huhuhu Salamat po sa lahat ng mga nagbasa. 😭😭😭😭
Day started: March 21, 2020
Day finished: April 21, 2020