26 Chapter 24 - Gerbera Daisy

Chapter theme: Himala - Rivermaya

Kelly

Nagising ako na sobrang sama at bigat ng pakiramdam. May nalalasahan rin akong mapait sa bibig ko kaya dali-dali akong bumangon at tumakbo papunta sa c.r ng kwarto namin. Gaya ng mga nagdaang araw, panay lang ang pagsuka ko tuwing umaga. Wala pa akong kinakain pero parang halos nailabas ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gabriel at agad akong nilapitan. Mukhang naalarma pa ito nang matagpuan niya kong nakasalampak lang sa malamig na sahig ng banyo, malapit sa toilet bowl.

"Nasusuka lang," nanghihinang tugon ko. Inalalayan niya ako patayo patungo sa lababo. Binuksan niya ang gripo at binasa ang mukha ko para mahimasmasan ako.

"Let's go and see the doctor. Baka kung ano na 'yan," he insisted but I just weakly shook my head.

"I'm fine. Baka side effects lang ng mga gamot ko."

"Kaya nga mas lalo nating kailangan pumunta sa doctor mo. Please, mahal? Mas mapapanatag ako kung magpapacheck up ka na ngayon. Ilang araw ka ng ganyan. We need to make sure and be extra careful," he whispered softly, rubbing my back.

Gusto kong makipagtalo pa sa kanya pero wala akong lakas. Hinang-hina ako. Sa huli, hindi ko na magawang tanggihan pa ang gusto niya. Nababasa ko ang labis na takot sa mga mata niya. Maging ako, natatakot na rin na baka may mali na naman sa akin. Nagiging maayos na ang kalagayan ko. From weekly, naging monthly na lang ang pagchechemo ko kaya sana wala lang 'to.

*****

Labis ang pagkabog ng dibdib ko habang nakaupo kami sa loob ng consultant's room kaharap ang papa ni Brix. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Gabriel sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Halatang tensyonado na rin siya. Malamig sa loob pero pinagpapawisan ang noo niya.

Hinanda ko na ang sarili ko sa masamang balita na maaaring matanggap namin pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot. Hihimatayin na ata ako dahil sa pangambang nararamdaman ko. Hindi ko rin magawang basahin ang emosyon sa mukha ng papa ni Brix habang nakatitig lamang sa result ng mga lab test ko. Makailang beses na itong bumuga ng malalim na buntong hinihinga at napailing-iling. I felt my heart tightened.

"Is there something wrong with my wife, tito?" Gabriel asked bravely. Nag-angat ng tingin sa amin ang papa ni Brix. Napahimas pa siya sa kaliwang sentido niya. Tila nag-aalangan siyang sabihin ang resulta ng lab test ko.

"Kelly's pregnant," mahinang tugon nito pero sapat na para marinig namin.

Napatingin kami ni Gabriel sa isa't-isa. Lahat ng takot at pangamba na naramdaman namin, tila lumipad sa hangin sa isang iglap. Mahigpit akong niyakap ni Gabriel. Paulit-ulit niyang hinahalikan ang tuktok ng ulo ko. Ramdam ko ang nag-uumapaw na kaligayahan niya.

"Buntis ako," I repeated. My heart is dancing in pure joy.

"Pero hindi magiging madali ang pagbubuntis mo," biglang bulalas ng papa ni Brix. The seriousness in his face is giving me a bad feeling.

"Anong ibig niyong sabihin, tito?" I asked hesitantly.

"You know your situation, Kelly. You're still undergoing chemotherapy. I'm your doctor, so I will be honest with you. If you continue your pregnancy we will be facing a difficult situation in the future, like we will have to choose between you and your child."

Biglang kaming binalot ng nakakailang na katahimikan. Hindi ako makapagsalita. Nahihirapan ang utak ko na tanggapin ang mga sinasabi niya. Maging si Gabriel ay saglit ding natulala.

That's when I thought our happiness has no boundaries, in an instant my world crumbled. Parang naubos ang lahat ng dugo ko sa katawan dahil sa narinig ko. Pinapasok ng kakaibang lamig ang buong kalamnan ko.

"Are you suggesting to abort my child?" nadidismayang tanong ko. Napayuko na lamang ang papa ni Brix. Bakas ang labis ring panlulumo sa mukha nito.

"Kung ipagpapatuloy mo ang pagbubuntis mo, kakailanganin mong ihinto ang gamutan mo dahil makakasama ito sa ipinagbubuntis mo. But I can't assure you that the both of you will be safe. Para tayong susugal dito at buhay niyong mag-ina ang nakataya," paliwanag pa nito.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam ko ang biglang paninikip nito. Maging si Gabriel ay tila namumutla na rin. Narinig ko pa ang malakas na pagbuga niya ng hangin bago niya diretsong tignan ang papa ni Brix.

"Then I want my wife's safety, tito." Gabriel said holding my hand tighter. I turned to him looking stunned.

"Please, baby. I don't want to risk your life. Makinig na lang tayo kay tito. Mas alam niya ang makakabuti sa'yo," dugtong niya pa. Unti-unti akong kumalas mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko akalaing magagawa niyang sabihin ang bagay na 'to. I am so upset.

Marahas akong napailing. I won't get rid of this child. Kahit buhay ko pa ang nakataya. This is my child, the sunshine of my life. I won't let anyone take it away from me.

"I will keep the baby. Wala akong pake kung kailangan kong itigil ang pagchechemo ko. Itutuloy ko ang pagbubuntis ko. That's my decision." I said firmly before storming out the room.

*****

Tahimik lang kami ni Gabriel nang makabalik kami sa loob ng kotse niya. Sinubukan niyang hawakan muli ang kamay ko pero mabilis ko itong inilayo sa kanya. Maka-ilang ulit niya pang tinawag ang pangalan ko pero diretso lang akong nakatitig sa harapan. Feeling depleted, he just silently drove the car to our home.

Nang makarating kami sa bahay, agad akong bumaba sa kotse at pumasok sa loob. Walang-imik na nakasunod lang sa likod ko si Gab. Hindi pa rin kami nagpapansinan.

Nadatnan namin si mommy sa sala ng bahay, mukhang katatapos niya lang magluto ng hapunan dahil naka-apron pa siya. Katapat lang ng bahay namin ni Gab ang bahay nila mommy kaya madalas siyang nandito.

"M-Mommy," I cried. She turned to me, worried was written all over her face when she saw me crying badly.

"What happened?" aligaga siyang tumayo at sinalubong ako. "Gab anong ginawa mo dito?" she asked but Gabriel only whispered how sorry he was.

Umiyak lamang ako kay mommy habang sinasabi ko sa kanya ang naging pag-uusap namin ng doctor ko kanina. Sa una ay halos hindi rin niya malaman ang gagawin, pero kalaunan kinumbinsi niya din ako na huwag na lang ituloy ang pagbubuntis ko.

And in that moment, my heart sank. Akala ko susuportahan nila ako, akala ko mauunawaan nila ang nais ko pero mali ako. Naiintindihan ko, nag-aalala lamang sila para sa magiging kalagayan ko. They don't want put my life at risk. Pero buhay nga ako, ngunit hindi naman maatim ng konsensya ko na hayaan na lang mawala ang bata sa sinapupunan ko.

Gabriel

"Mahal, galit ka pa ba?" malambing kong tanong habang nakatitig lang sa likuran ni Kelly. Napakalayo ng agwat niya sa akin kahit nasa iisang kama lamang kami nakahiga. Kanina pa ito hindi tumitigil sa pag-iyak. Hindi na rin ito nakakain kanina dahil sa sama ng loob niya sa amin. Pakiramdam niya wala siyang kakampi. Kahit ang mommy niya, gusto nitong piliin niya ang sarili niya.

"I'm sorry," I apologized once again. Siguro dala ng labis na pagkabigla, hindi ko na nagawang isipin pa ang mga salitang lumabas sa bibig ko kanina.

I love Kelly so much. She will always be the most important person to me, more important than my self. I can't live without her. I don't want to take the risk, but I know I would be a horrible person if I rid of this child, our child.

"I'm sorry."

"Gab, I want to keep the baby. Please. Anak natin 'to eh. Bakit ayaw niyo sa kanya?" she cried over and over again, her back still facing me.

Nababasag ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. Nangako akong pasasayahin ko siya, pero heto ako. Nasaktan ko na naman siya.

"I'm sorry, mahal. Sorry. Hindi sa ayaw namin sa kanya, natatakot lang kami mawala ka sa amin. I'm sorry. Hindi ko dapat sinabi 'yon kanina. Sorry sa inyo ni baby. Sorry na talaga," pagsusumamo ko habang yumayakap ako sa kanya. She was shaking uncontrollably. Her painful cries filling our room.

Dahan dahan siyang bumaling paharap sa akin. Mugtong-mugto na ang mga mata niya kakaiyak. I felt a pang in my chest knowing that I was one of the reason why she's crying. Agad kong pinunasan ang basang pisngi niya gamit ang mga kamay ko.

"Magiging malakas ako, Gab. Para sa baby natin. Kaya please, pumayag na kayo sa gusto ko," pagmamakaawa pa nito. Marahan akong tumango-tango at hinalikan ang noo niya. I saw how her face suddenly lit up.

"Kung anong desisyon mo, susuportahan ko. I'm really sorry. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo. I will protect you and our child. Aalagaan ko kayo parehas," bulong ko.

Kahit pa sa kaloob-looban ko, binabalot ako ng matinding takot. Hindi ko alam kung anong mangyayari, wala akong magawa kundi magdasal na lamang na sana maging matiwasay ang lahat para sa kanya at sa magiging anak naming dalawa.

******

7 months later...

"Anong hiniling mo?" tanong ko kay Kelly habang pinagmamasdan kong mabuti ang magandang mukha niya. Nanatili lamang itong nakapikit. Magkadikit ang dalawang palad niya at taimtim na humihiling.

Pangarap ko'y

Makita kang

Naglalaro sa buwan

Wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng aming mga puso at isang malalim na buntong hininga na galing sa kanya nang magmulat siya ng kanyang mata. Agad nitong sinalubong ang mga nangungusap kong mata.

Inalay mo

Sa aking ang

Gabing walang hangganan

"I wished for world peace," nakangiti niyang tugon. Nagagawa pa rin niyang magbiro sa kabila ng lahat o siguro seryoso talaga siya sa hiniling niya. Alam ko kung gaano ka-selfless ang babaeng mahal ko.

Hindi mahanap

Sa lupa ang pag-asa

Nakikiusap na lang

Napayakap ako sa likuran niya at ipinatong ang baba ko sa balikat niya. Nanatili kaming tahimik, dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Sabay kaming nangingiti sa ganda ng langit.

Nasa rooftop kami ng ospital kaya kitang kita namin ang kalangitan na punong puno ng mga bituin. Kung pwede ko lang sana ihinto ang oras gagawin ko, gusto ko pa siyang makasama nang matagal.

Himala

Kasalanan bang

Humingi ako sa langit ng

Isang himala?

"Bakit hindi ka nag-wish sa falling star kanina? Sayang naman yun?" Nakanguso ang labi niya nang lingunin niya ko. Nginitian ko na lamang siya at saglit na dinikit ko ang labi ko sa labi niya.

Hinampas niya naman ako nang malakas sa balikat. "Nagnanakaw ka na naman ng halik! Kainis ka."

Muli niyang binalik ang tingin sa kalangitan, ngunit hindi nakawala sa paningin ko ang pagsilay ng maliit na ngiti sa labi niya.

Niyakap ko siya nang mas mahigpit saka ko sinabi sa kanya, "Kung may kahilingan man akong gustong matupad, hindi sa tala sa mga langit ako hihiling kundi sa Diyos. Hihiling ako sa Kanya ng isang himala. Araw araw, magmamakaawa ako sa Kanya na huwag ka niyang kukunin sa akin."

Kasalanan bang

Humingi ako sa langit ng

Isang himala?

Humarap siya sa akin, ikinulong niya ang mukha ko sa mga maliit at payat na kamay niya. Marahan niyang hinalikan ang magkabilang pisngi ko kung saan naglandas ang mga luha ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ko. Pagdating sa kanya nagiging iyakin ako, kalalaki kong tao.

"Ang daya. Ang daya daya Niya. Bakit ikaw pa? Napakabuti mong tao." Para akong batang umiiyak sa kanya.

"Ssshhh. It's okay. Huwag mong kwestiyunin ang Diyos. Everything happens for a reason." she whispered softly. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko, matagal kaming nagtitigan.

Minemorize ko ang mukha niya-- ang mahahabang pilik mata niya, ang almond-shape niyang mata, ang matangos na ilong nito at ang manipis niyang labi. Tinatatak ko sa isip ko ang lahat ng iyon, ayoko siyang makalimutan.

"Aalagaan mong mabuti ang baby natin, ha?" masuyong bilin niya habang ang isang kamay niya ay humahaplos sa umbok ng tiyan niya.

Ang payat payat na niya. Para na siyang buto't balat. Matagal na niyang tinigil ang gamutan kaya mas lalo nang bumagsak ang katawan niya. Bakit ba lahat ng hirap, siya na lang ang kailangan makaranas? Sana ako na lang yung nagkasakit, sana hindi na lang siya.

Nilunok ko ang hikbi ko. Dahan dahan na tumango. "Aalagaan ko kayo parehas. Sabay natin masasaksihan ang paglaki niya hanggang sa magdalaga siya. Bubuo siya ng sariling pamilya, magkakaapo tayo. Sabay tayong tatanda. Tapos sa huling hininga natin, ipagpapasalamat ko na nakasama kita. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

"G-Gab naman eh. I-Imposible na yan," naiiyak niyang sambit.

Ginaya ko ang ginawa niya kanina, hinalikan ko ang bawat luhang naglalandas sa pisngi niya.

'God, I love this girl so much. Bigyan mo pa kami ng mahabang panahon.' piping dasal ko.

"I love...you. Mahal na...mahal kita, Gab." Panay ang pagsinghot niya.

Ang labi ko na kanina'y humahalik sa pisngi niya ay dahan dahan na bumababa sa labi niya. Sabay kaming napapikit nang tuluyang maglapat ang mga labi namin. Maingat kong inangkin ang labi niya at naramdaman ko ang pagtugon niya sa mga halik ko. Sa una ay marahan lang ito hanggang sa naging mariin. Punong puno ng pagmamahal ang halik na yun.

"I love you. Mahal na mahal kita, Kelly." Paulit-ulit kong sambit nang maghiwalay ang aming labi. Muli ko siyang ikinulong sa mga bisig ko.

Hinanda ko na ang sarili ko sa bagay na ito pero ang sakit sakit pa rin pala. Paano ko nga ba siya pakakawalan kung wala akong ibang hangad kundi ang makasama siya hanggang sa pagtanda ko?

Kung totoo ang isang himala, pwede bang ibigay na niya sa amin ito? Pwede bang hayaan na lang niya kaming maging masaya ni Kelly habang buhay?

*****

A/N: Gerbera Daisy especially the orange one means 'sunshine of my life'

avataravatar
Next chapter