webnovel

9.) ang tagahanga

"Ah Gab, yung nangyari sa iyo kagabe, wag mo sanang babanggitin yon sa ibang tao kahit na sa pamilya mo." Sabi ko o pwedi ding sabihing pakiusap ko.

"Ha? Bakit? Wag mong sabihing hindi ka din naniniwala sa akin?"

"Hindi. Hindi. Hindi naman sa ganoon. Ano kasi....." Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong sabihin.

"Kaba pagkamalan tayo ng mga tao na baliw tayo." Si Rick ang nagsalita. "Sa katunayan niyan Gabriel ay nakita namin si Lance na lumilipad at karga ka."

Napatingin naman ako kay Rick. Ano bang pinagsasabi niya? Bakit siya gumagawa ng kwento?

"Si-si Lance? Lumilipad din si Lance?" Di makapaniwalang tanong naman ni Gab kay Rick na agad tumakip sa bigbig gamit ang isang palad nito.

"Wag kang maingay, baka may makarinig sa atin." Sabi pa ni Rick kay Gab na tumango naman kaya tinanggal na niya ang palad sa bibig nito. "Wag mo din sanang babanggitin kay Lance na nakita namin siyang lumilipad."

"Promise." Pagsang-ayon ni Gab kay Rick na sinamahan pa ng pagtaas ng kamay.

"Gab," ako naman. "Kung ano ang turing natin kay Lance ay dapat hindi magbago iyon baka kasi makahalata siya na alam natin ang sectret niya."

"Tama ka dyan Sophie pero ipinagtataka ko lang kung bakit sila naglilitawan ngayon? Mag-e-end of the world na ba?" Si Gab.

"Wag na nating isipin yun, kalimutan nalang natin ang nangyari kagabe." Suhesyon ko naman na sinang-ayunan ng dalawa. "Alas quartro na at Gab kailangan mo ng umuwi, maaga pa ang unang klase natin."

"Hatid na kita." Si Rick at nagsitayuan na kami.

Pero paglabas namin, "Nasaan ang motor mo?" Hanap ni Gab sa motor ni Rick.

Napakamot na naman sa uli si Rick, "ahh andoon sa bahay."

"Wag mong sabihing lumilipad ka rin?" Pagdududa dito ni Gab.

"Ganito kasi yun: galing sa inyo ay umuwi ako ng bahay namin para lang iuwi ang motor ko kasi nasira ang motor ng kapatid ko. Tapos nagtricycle nalang ako papunta sa bahay ng classmate ko para magpraktis, tapos wala ng sasakyan papunta sa amin ng matapos aming magpraktis kaya dito nalang ako kay Sophia umuwi tapos yun na nga at nakita ko si Lance na-"

"Ah ah ah," putol ni Gab sa pagpapaliwanag ni Rick. "Tapos na. Alam ko na kasunod. Paano mo ako ihahatid ngayon?"

"Mag-jogging tayo papunta sa inyo. 8 pa naman ang unang klase ko." Wika ni Rick ng may malaking ngiti.

Muntik na kami doon sa motor ah, mabuti nalang at madilis na nakagawa na naman ng kwento itong si Rick.

Pag-akyat ko sa second floor ng engineering building ay kaagad na sumalubong sa akin ang inaasahan ng nilalang.

"Sophie!" Si Lea iyon kaya inilabas ko na ang homework ko at iniabot dito. "Thank you." Kinuha nito ang homework ko na nakasulat sa yellow paper.

Kumapit ito sa kamay ko at sumama sa loob ng classroom namin.

Naroon na si Lance pagdating ko ngunit abala kaya marahil ay hindi napansin ang pagdating namin ni Lea. Naupo ako sa tabi nito at si Lea naman ay sa pangatlong upuan.

"Good morning Lance." Si Lea ang bumati dito.

"Ah nandito na pala kayo, Good morning din sayo Lea." Ganti naman ni Lance.

"Ah Lance, kumusta naman ang first two days mo dito?" Si Lea ulit na binubalati yata.

"Okey namam." Tipid na sagot ni Lance.

Nakita naming magkasabay na pumasok sina Gab at Kaizer na parang may nakakatuwang pinag-uusapan.

Dumaritsong naupo si Gab sa tabi ni Lea na katabi narin ng bintana. Si Kaizer naman ay sa likuran niya.

"Hi Gab!" Agaw pansin ni Lance sa tinawag na gumanti naman ng ngiti sa kanya. Lumapit si Lance kay Gab at may iniabut ditong gift box.

"Ano ito?" Takang tanong naman ni Gab dito.

"Sabi mo diba na fan ka ni Nick Angelo, at yan ang patunay na magkaibigan kami para maniwala ka." Sabi pa ni Lance.

Binuksan naman ni Gab ang gift box at kitang kita ko kung papaano nanlaki ang mga mata nito sa nakitang laman ng gift box.

"Oh... my... goodness... Is thise for real? Hindi, hindi. Bukas pa ang release nitong album ni Nick eh." Magkahalong tuwa at pagdududang wika ni Gab.

Ayon kay Rick ay nakita niya si Nick Angelo sa tinutuloyan ni Lance at katulad din ito nina Sooth at Lance. Kaya di na ako nagtataka pa.

"Tama ka," pagsang-ayon naman dito ni Lance. "Tingnan mo sa likod, may mensahe sayo si Nick at may signature niya pa."

Sinunod naman si Gab ang sinabi ni Lance at binasa ang nakasulat doon sa likod ng album.

"Hi Gabriel, sabi ng kaibigan kong si Lance ay fan daw kita. He asked me for this album as an evidence para maniwala ka sa kanya. Sana ay magustuhan mo ang bago kong kanta. Love, Nick Angelooooooo! Ayhhh!" Parang nasapitan sina Gab at Lea matapos basahin ang mensahing iyon. Mabuti nalang at kaming lima palang ang nandito.

"Magselfie tayo dali!" Suhesyon naman ni Lea.

Grabeh ang saya nilang tatlo.

"Hindi pwedi." Pagtanggi ni Lance kaya naman ay natigilan ang dalawa.

"Bakit naman?" Si Lea.

"Magagalit kasi ang producer pagnalamang ay nakalabas na tapos bukas pa yung release." Paliwanag naman ni Lance.

"Pero mismong si Nick naman ang nagbigay at hindi naman ninakaw ah." Reklamo ni Lea.

"Hindi, okey lang yon Lea. Ang mahalaga ay may album na akohoo." Si Gab na nagdidiwang. "Lance wala akong pakialam kung hulog ka ng langit o nilaglag ng langit, basta para sa akin ay tunay kang anghel. Thank you!" At may payak-yakap effect pa at ito namang Lance ay tuwang-tuwa.

Pakiramdam ko ay naninikip ang puso ko dahil sa aking nakikita kaya napahagod ako sa aking dibdib.

Sige magpakasaya kayo!

Lumabas muna ako ng classroom, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nakakainis. Pero hindi ba dapat ay matuwa ako kasi sa wakas ay mabilis na nakuha ni Lance ang tiwala ni Gab, ibig sabihin ay kunting tiis nalang at mawawala na sila sa paningin ko?