webnovel

8.) Black angel

Sophia's POV

"May inaasahan ka pa bang bisita?" Tanong ni Rick.

Napailing naman ako.

"Magtago ka muna." Suhisyon nito.

Nilibot ng paningin ko ang kaboohan ng bahay. Saan ako magtatago eh sa liit ba naman ng bahay na ito. Pagpasok ay higaan agad deritso na kusina.

"Sophia! si Lance ito."

Nagkatinginan kami ni Rick dahil sa narinig.

"Si Lance." Sabi ko.

"Anong ginagawa niya rito?" Tanong pa ni Rick ngunit hindi ko na iyon inintindi at nagmadali na akong buksan ang pinto.

Tumambad sa akin si Lance na karga ang walang malay na si Gab.

"Anong nangyari?" Kaagad kong tanong pero di naman ako agad na sinagot ni Lance.

Kaagad itong pumasok at inihiga si Gab sa aking higaan.

"Nakita ko siyang nakahandusay sa daan. Hindi ko naman alam kung paano ito ipaliliwanag sa mga magulang niya kaya dito ko nalang siya sa iyo dinala." Paliwanag nito.

"At sa amin ay kaya mong ipaliwanag ang nangyari?" Si Rick ang nagtanong saka isinara ang pintuan. "Paano mo nalaman na dito nakatira si Sophia?" Dagdag na tanong pa nito na parang may ibang ipinapahiwatig.

"Ikaw?" Tukoy ni Lance kay Rick. "Bakit ka nandito?"

"Kailangan kong magpaliwanag sayo?" Pamimilusopo naman dito ni Rick na saka lang siguro naalala na may bag na nakasabit sa balikat nito at saka lang inilapag sa sahig katabi ng bag ko.

"Rick umayos ka nga!" Singit ko naman. "Lance pagpasinsya mo na itong isa at pagod lang yan. Wala kang kailangang ipaliwanag."

"Sophia wag mong sabihing nagtitiwala ka sa isang... bagong kakilala." Si Rick ulit. Naiintindihan ko naman ang pagdududa niya kay Lance. Kaso lang....

"Eh ano bang gusto mong mangyari ha?" Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay naiinis na ako kay Rick at napakalaki ng tiwala ko kay Lance.

"Bakit pa nga ba ako nagpunta dito?" Lumabas ng bahay si Rick at padabog nitong isinara ang pinto.

Hahabulin ko sana si Rick pero, "So tumatawag ang nanay ni Gabriel." Habol sa akin ni Lance sabay abot ng phone ni Gab.

"Hello po good evening." Bati ko ng sagutin ang tawag. Kunwari ay naaalimpungatan ako at may pahikab effect pa ako.

"Ining, nariyan pa ba si Gabie?" Tanong ng nanay ni Gab na mukhang nakainom yata.

"Opo, gisingin ko lang po sandali ah."

"Ay anak wag na. Hayaan mo nalang yan naatulog dyan."

"Sige po." Hikab ulit.

"Tulog na anak pasinsya na ha sa istorbo."

"Ayos lang po, goodnight."

"Goodnight."

Pagkatapos ng tawag ay muli kong binalingan si Lance na titig na titig pala sa akin.

"May problima ba?" Tanong ko dito.

"Ahh wala." Natarantang wika nito. "Ayos karin noh, galing."

"Kung magkakaroon ka ng kaibigan tulad nina Gab, Rick, Lea,...ahmmm mga tulad nila ay mahahasa talaga ang acting skills mo."

Tumangu-tango ito. "pa'no, alis na ako." Paalam nito.

"Sige mag-iingat ka."

Pagbukas ni Lance ng pinto ay natanaw ko ang likuran ni Rick, nakatayo lang ito sa labas.

Lumipas pa ang ilang minuto saka pumasok si Rick at isinara ang pinto.

"Akala ko ay wala ka ng balak na pumasok." Sabi ko.

"At mukhang may balak ka talagang pauwian ako ngayon?" Tanong nito na parang nahihimigan ng pagkapikon.

"Mabuti na lamang at walang malay itong si Gab at baka magdiwang dahil mukha kang pikon ngayon."

Nahiga na ako katabi ni Gab habang itong si Rick naman ay naglatag ng mahihigaan katabi ko.

"At tinawag pa talaga akong pikon." Pagmamaktol nito.

"May sinasabi ka?"

"Wala." Nahiga na ito ng patalikod sa akin.

+++++++++++

"WAG!"

Mabilis akong napabangon ng marinig kong may sumigaw sa tabi ko. Akala ko ay kung ano ng nangyayari.

Nakita kong napaupo na sa higaan si Gab pero nakapikit parin ito at umiiyak.

"Gab. Gab, gumising ka!" Sabi ko habang inaalog ito.

"Anong bang nangyayari?" Si Rick naman na naaalimpungatang bumangon.

"Sophie!" Kaagad ako nitong niyakap ng magising ito at patuloy parin sa pag-iyak.

"Rick kumuha ka nga muna ng tubig." Utos ko kay Rick na agad namang tumayo at kumuha ng tubig.

"Sooophieee." Iyak pa nito.

"Panaginip lang yon Gab kalimutan mo na." Alo ko naman.

"Gab uminum ka muna." Si Rick naman. Inabut ni Gab ang baso mula kay Rick at ininum ito kaya unti-unti na itong tumahan.

"Papaano ako nakabalik dito?" Tanong ni Gab.

Dapat ba naming sabihin ang totoo? Hindi ko alam. Wala namang sinabi si Sooth. Pero si Rick ay pinapunta dito ni Sooth baka may sinabi dito.

"Rick ikaw na magsabi." Sabi ko.

"Ha? Ba't ako?" Tinuro pa ni Rick ang sarili.

"Rick, bakit ka nga ba nandito?" Puna ni Gab.

"Ah, kasi," napakamot naman sa ulo si Rick. "Nagkaroon kasi kami ng biglaan na praktis kaya pagkatapos ay dito na muna ako nakitulog. Ang tungkol naman sayo...ahm..."

"Yung angel ba ang nagdala sa akin dito?" Biglang excited na tanong ni Gab na ikinagulat naman.

"Anong angel ka diyan?" Balik tanong ni Rick.

"Naaalala ko kagabe na may parang mga zombies na nagsilitawan...tapos, takot na takot ako." Exciting na kwento ni Gab pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit Zombie ang sinabi niya? Mas papaniwalaan ko kasi kung witches ang sinabi niya na kagaya ni Sooth de bruha.

"Oh talaga? Tapos?" Pagpapakwento pa ni Rick na parang interesado talagang makinig.

"May pumalo dito sa dito sa may liig ko. Ang sakit non." Ipinakita pa nito sa akin pero hindi naman iyon namamaga. "Pero di na masakit ngayon? Pero promise ang sakit talaga non kagabe kaya nga nahimatay ako pero bago ako mawalan ng malay ay may nakita akong angel na bumaba sa lupa at nilabanan niya ang mga zombies."

"Angel vs zombies?" Sabi ko naman.

"Parang hindi naman yata tugma iyon?" Si Rick naman. "Anong hitsura ng Angel?"

"Ahm ano..."

"Parang daster ang soot at may maikling buhok? Parihas sa akin?" Agaw ko naman na ang tinutukoy ko ay si Sooth, pero hindi bilang anghel dahil bruha yun. Si Sooth lang naman kasi ang alam kong pweding lumaban sa maramihan.

"Hindi." Sagot niya. "Yung outfit niya ay parihas doon kay black widow sa Avenger pero may pakpak na itim din."

"Black widow na may pakpak, ahh black angel widow vs Zombies." Pagkatapos na sabihin yun ni Rick ay dinugtungan nito ng tawa kaya nainis si Gab.

"Hindi ka ba naniniwala sa mga sinabi ko?"

"Ay ay ay mag-uumpisa na naman kayo kaaga-aga." Sayaw ko naman.

"Nakita ka daw ni Lance na natutulog sa daan kaya dinala ka niya dito." Pag-iiba ng usapan ni Rick, mabuti naman.

"Si Lance?" Takang tanong ni Gab. "Pero parang babae naman yung nagligtas sa akin? Nakita kaya ni Lance ang nangyari?"