webnovel

Albularyo: The Filipino Shamans

KingNato · แฟนตาซี
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 12: Choices

Naging nakabibinging katahimikan ang pumalit sa pagsasaya nila Victor dahil sa pagdating ng pinuno ng Dugong Itim.

Pinuno: Ako ang pinuno ng Dugong Itim.

Victor: Kung ganon ikaw ba si Iskwag?

Pinuno: Hindi ako si Haring Iskwag dahil ako ay isa sa mga taong biniyayaan ng kapangyarihan ng kan'yang mga uwak. Kaya ko binuo ang Dugong Itim upang matulungang makabalik ang aking hari.

Victor: Nahihibang ka na. Bakit mo papalayain ang isang aswang na katulad n'ya?

Pinuno: Dahil kami ni Haring Iskwag, lilinisin namin ang mundong ito. Mawawala ang mga taong mapanghusga sa mundong ito!!

Antonio: Teka ikaw ba yan Alberto?

Pinuno: Hindi na ako si Alberto!!! Ako na si Pinuno!!

Andrew: Sino po s'ya?

Antonio: Dati s'yang albularyo na umibig sa isang manananggal. Namatay ang manananggal na inibig n'ya nung sinugod sila ng mga galit na tao. Magmula non hindi na namin s'ya nakita.

Pinuno: Kaya nga gusto kong linisin ang mga mapanghusgang mga tao sa mundo hahaha.

Victor: Dahil sa kagustuhan mong 'yan maraming namatay na inusenteng mga tao kasama na ron ang mga lolo namin.

Alberto: Mga maliit na sakripisyo lamang sila para sa gagawin naming panibagong mundo.

Victor: Maliliit na sakripisyo!? ayan ang tingin mo sa kanila!? Kung ganon tatapusin kita!

Pinuno: Hindi mo magagawa 'yan dahil may mga bihag kami. Pero 'wag kang mag-alala dahil pakakawalan namin sila kung ibibigay mo samin ang batong nasa kwintas mo.

Nahihirapang magdesisyon si Victor hanggang sa narinig n'ya ang isang pamilyar na sigaw.

Janelle:'Wag mong ibibigay sa kan'ya yan Victor!!

Victor: Janelle!? Bat ka nandito!?

Janelle Nabihag nila kami habang lumilikas kami. Ang mahalaga Victor hindi nila makuha ang gusto nila mula sayo.

Pinuno: Tumahimik ka!! (sabay sampal kay Janelle).

Lalo lang nagpagulo sa isip ni Victor ang pagkakabihag kay Janelle. Ngayon na iipit s'ya sa isang mahirap na sitwasyon kung saan kaylangan n'yang mamili sa pagitan ng dalawang importanteng bagay. Dahil sa tagal ng desisyon ni Victor nainip ang pinuno at pinatay nito sa saksak sa likod ang isa sa mga bihag nila.

Victor: Bakit mo ginawa yon? Halimaw ka talaga!

Pinuno: Kapag hindi mo pa ibinigay ang batong yan isusunod ko na ang babaeng ito.

Victor: Wag na wag mong sasaktan ang babaeng yan.

Pinuno: Pwes kung gusto mo silang mabuhay ibigay mo na sakin ang bato.

Labag man sa kan'yang kalooban ibinigay ni Victor ang bato ngunit pagkatapos n'ya itong maibigay hinugot ng pinuno ang kan'yang espada upang paslangin si Victor. Akala non ni Victor katapusan na n'ya ngunit laking gulat n'ya ng si Janelle ang sumalo ng atake na 'yon.

Dahil sa bugso ng damdamin sumabog ang panibagong kapangyarihan ni Victor na resulta ng pagkapuot sa lakas ng kapangyarihang iyon tumilapon ang pinuno ng Dugong Itim at dahilsa takot sa kapangyarihan ni Victor agad itong tumakas dala ang bato. Nawala sa sarili si Victor at patuloy s'yang sumigaw habang lumalabas ang pambihirang kapangyarihan mula sa katawan n'ya. Nahimasmasan lamang s'ya nang narinig n'ya ang boses ni Janelle na nag-aagaw buhay na.

Janelle: Victor pakiusap tumigil ka na.

Victor: Janelle patawad dahil saki nangyari ito sa'yo.

Janelle: Victor hindi ko alam kung ano ba nag eksaktong nangyayari pero sigurado ako na kaya mong lutasin ang problemang ito kaya naman alam kong hindi masasayang ang sakripisyo kong ito.

Victor:(umiiyak) Pakiusap wag mong sabihin yan. Mabubuhay ka pa.

Natalia: Teka muna Victor susubukan ko s'yang pagalingin.

Victor: Gawin mo ang makakaya mo Natalia pakiusap.

Natalia: Masyadong malubha ang naging pinsala n'ya Victor.

Sa laki ng naging sugat ni Janelle hindi na s'ya nagawang pagalingin ni Janelle at tuluyan na s'yang binawian ng buhay.

Victor: (naghihinagpis) Janelle!!! Natalia pagalingin mo s'ya!

Natalia: Victor wala na s'ya.

Victor: Hindi wag mong sabihin 'yan buhayin mo s'ya.

Natalia: (Naiiyak) patawad Victor.

Victor: Janelle patawad.

Samantala pagdating ng pinuno sa kanilang himpilan agad na n'yang ibinigay ang bato kay Iskwag nag nagbalik sa kan'yang dating kapangyarihan. Naramdaman ng lahat ang lakas ni Iskwag. Naramdaman nila na nagbalik na nga ang hari ng aswang. Nanginig sa takot si Antonio dahil sa naramdaman n'yang maitim na kapangyahiran.

Antonio: Hindi ito maaari ,ang kapangyarihan na ito kapangyarihan ito ni Iskwag.