webnovel

Albularyo: The Filipino Shamans

KingNato · Fantasy
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 11: The Power of New Generations

Habang pinapagaling ni Natalia sina Antonio kinakalaban naman ni Victor ang mga aswang. Nagagawang makipagsabayan ni Victor kina Hameck, Paliktik at Ella. Kapansin-pansin ang kakaibang lakas at bilis ni Victor bukod pa roon lumakas din ang kan'yang mahika at ispiritwal na kapangyarihan. Madali n'ya lang naiilagan ang mga kuko ni Hameck kaya naman namangha sina Antonio.

Andrew: Grabe nararamdaman ko na hindi lang sa pisikal na aspeto lumakas si Victor kundi pati na rin sa ispiritwal at mahikang aspeto.

Antonio: Ayun ay dahil nakokontrol n'ya na ang kapangyarihan ng bato.

Luna: Kung ganon kaya n'ya nang tawagin ang mga bantay ng kalikasan?

Antonio: Oo, at kasama n'ya na ngayong lumaban ang mga bantay. Hindi n'yo pa kayang makita ngayon pero ako nakikita ko ang isang imahe ng isa sa mga bantay. Kasama n'ya ngayong lumaban ang bantay ng lupa kaya naman meron s'yang kakaibang pisikal lakas ngayon.

Melvin: Kung ganon sigurado na akong mananalo si Victor.

Binigyan ni Victor ang tatlong aswang ng paitaas na suntok kaya naman tumalsik sila paitaas. Habang nasa ere ang mga aswang gumawa si Victor ng malaking bola ng apoy at itinira n'ya ito kina Hameck.

Victor: Maging abo na kayo!!! Bantay ng Apoy at determinasyon pumasaakin ka!!! Sunugin na natin sila Nagara!!!

Hameck: Hindi!!!!! wahhh!!!

Muling namangha sina Antonio dahil natalo ni Victor ang mga halimaw dahil sa isang malakas na pagatake gamit ang kapangyarihan ng bantay ng apoy at determinasyon.

Antonio: Kamangha-mangha pati ang bantay ng apoy ay kaya n'ya ng tawagin.

andrew: Bantay ng apoy?

Antonio: Kanina habang nakikipagmano-mano s'ya sa mga aswang gamit n'ya ang lakas ng bantay ng lupa pero nung nasa ere na ang mga aswang na yon tinawag naman n'ya ang bantay ng apoy upang mapalakas n'ya ang kan'yang bolang apoy.

Matapos maabo nina Hameck may nabuong imahe nila ng liwanag na lumapit kay Victor na sinabing"salat sayo, salamat sa pagpapalaya samin. Pakiusap iligtas mo pa ang maraming mga tao." Unti-unti nalang naglaho ang imahe matapos nitong magsalita.

Samantala nanunood pala ang pinuno ng Dugong Itim at Iskwag sa bolang kristal kaya naman nalaman ni Iskwag na nakay Victor pala ang mahiwagang batong dating pagmamay-ari ni Vishka na kailangan n'ya upang manumbalik ang kan'yang lakas. Dahil dito mismong ang pinuno na ng Dugong Itim ang personal na inutusan ni Iskwag upang kunin ang bato ng sa ganon garantisadong makukuha nga nila ang bato.

Tuwang-tuwa si Victor at ang kan'yang mga kasama sa kan'yang pagkapanalo at ngayon mas determinado s'ya dahil sa sinabi ng imahe nina Hameck na marami pa s'yang kaylangang iligtas. Nagyon lalong tumindi ang kagustuhan ni Victor na pabagsakin ang Dugong Itim.

Antonio: Magaling Victor.

Victor: Salamat po hindi ko ito magagawa kung hindi dahil sa inyo.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap dumating ang pinuno ng Dugong Itim na may bihag na pitong tao at kasama sa mga bihag na ito si Janelle.

Pinuno: Wag muna kayong magsaya!!! hahaha

Victor: Sino ka?!