webnovel

The Drink & The Adobo

Tiningnan kong muli ang mga rabid fans na nag-aabang sa may kanto. Yung pinaka-wild sa grupo naglabas ng kanyang smartphone. Shit, mukang magtu-tweet pa yata ng mga pangyayari at kung nasaan ngayon si Josh. 

Teka speaking of, kelangan kong tingnan kung ano na nangyayari dun.

Pag-pasok ko ng pinto ay nakita ko agad ang binata nakaupo sa sofa habang nakatakip ang muka nito sa mga palad niya. Ngayon ko lang napansin na parang galing siya ng away. Punit ang bulsa ng t-shirt niya, halatang hinablot.  Yung round neckline ng suot niya hindi na round, pinaghihila yata.  At ang puting sapatos nito ay puno ng putik pati ang jeans nito. Inangat nito ang mukha nang maramdaman ang pagpasok ko.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

"I will be... Miss pasensiya ka na, nagka-mob na kasi kanina at nagkaka-sakitan na, at di ko alam san ako magtatago. Dito kasi sa area yung shooting namin, I just thought of walking around to buy something, di ko in-expect na magkakagulo. Wag ka mag-alala, di ako masamang tao, I'm Josh by the way, Josh Vergara," nahihiyang sabi nila, tumayo ito, extending his right hand to me.

And suddenly that hit me, ohh hindi niya ko nakikilala. Sabagay nung magkasama kami sa shoot nasa ilalim ng sandamakmak na make-up ang tunay kong mukha.

I was impressed hindi niya in-assume na kilala ko siya. Down-to-earth pala ang mokong sa kabila ng estado niya buhay. "Yeah Kilala kita. Pambansang Heartthrob di ba?"

Napangiti siya sa biro ko, "Walang ganyanan," maski siya nag-cringe sa title niya.

"I'm Lins," inabot ko ang kamay niya to shake hands, tingnan ko nga kung makilala ako nito, pag naalala niya ko siya na bigay ni Lord! Joke!. Naramdaman kong nanlalamig ang ang kamay nito..

Naalala ko nung shoot, he asked what my name was nung nung kino-coach niya ko nung shooting. I said Linea, but he called me Nea. We were pressed for time at wala na talaga kami oras para mag-bonding or chumika. At sobrang focused siya na turuan ako. Kelangan ko na magampanan yung role dahil mukhang mag World War 3 na awra ni direk. Kaya siguro wala rin talaga ako recall sa kanya. Girl it's your makeup! He always told me to relax. That time, sobrang inatake ako ng kaba at kahihiyan at hindi ko masyado na appreciate ang kabaitan at ang itsura ni Josh.

Bukod sa may height, at may katawan, and he actually has a kind face. Siguro projection niya lang yung maangas, since yun ang pagka-build up sa kanya ng management dahil yun ang mabenta sa fans. His eyes can tell stories even before he tells them. Now I can tell he's kind of troubled.

"Can I sit here for a little while?" tanong nito sa kin.

"Yeah sure, gusto mo ng tubig or juice? Or beer?"

"Beer? Beer, yeah that sounds good to me."

Kumuha ako ng isang lata ng beer. Pero bago ko tumuloy sa sala. Tiningnan ko muna sarili ko sa salamin sa banyo. I don't know why I did that, na-conscious ako bigla. There's something in the way that Josh looked at me. Okay carry pa naman itsura ko.

Pagbalik ko kay Josh, ay kinabahan ako sa naabutan ko. He was massaging his temples, and then suddenly his right hand was on his chest. Parang nililindol ang balikat nito sa panginginig. His face and the skin on his arms were so red. Panic attack?

"Hey, ano nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Panic attack..." sagot nito in short breaths. I knew it.

Nilapitan ko siya at naupo ako sa center table opposite ng sofa na kinauupuan niya. Tinanggal ko ang kamay niya sa kanyang dibdib, I figured kung mas aware siya sa heartbeats niya lalo siya magpa-panic. I placed my hand on his chest, and gently massaged it circular motions. Ang bilis ng tibok ng puso niya. "Deep breaths, sundan mo lang ako, slowly" I instructed him. Sabay kaming humihinga ng malalim at mabagal na rhythm. I needed to slow him down.

"Close your eyes if you need to," sumunod naman si Josh. "Try to remember yung masasayang ala ala mo, play it your head. Feel it."

Dahan dahan bumabalik na ang payapang itsura nito. I wonder kung ano yung inalala niya. A couple of minutes, when he seemed a bit relaxed, pumuwesto ako sa likuran niya at minasahe ang ko ang ulo nito. First on his temples and then I let my fingers run through his hair. Josh lets out a loud but gentle sigh.

"Okay ka na?"

"Yes maraming maraming salamat, you're my savior," mula pagkaka-pikit idinilat ni Josh ang mata at tumingala sa kin. Holy shit those eyes! Ang malamlam na mata nito ay nagdala ng kuryente sa mga braso ko. Todo pigil ako kiligin.

"Girl ano nangyayari sayo, di mo naman to type to di ba hah!" tanong ng utak ko. Pansin ko lately ang dami ko kino-kuwestiyon sa buhay ko. 

Gusto ko sana usisain siya about his condition, pero baka naman FC (feeling close) ang maging tingin niya sa 'kin. And I thought bilang artista siguro he's so sick of being interviewed all the time. Kaya gusto na lang siya bigyan ng space.

"May mga tao pa kaya sa labas?" tanong ni Josh.

"May ilang fans na naghihintay dyan sa kanto, yung isa sa kanila ah ang wild, siya yung nakakita sayo pumasok dito at mukang di gi-give up maghintay."

"You know I love having supporters, kaso minsan sobra na rin. I feel like a zoo animal sometimes," may bahid ng lungkot na pagkasabi ng binata. Inabot nito ang lata ng beer sa mesa at aktong iinom nang pigilan ko siya.

"Hep hep, bawal alcohol, alcohol can trigger anxiety, it can worsen your symptoms."

"Ganun ba dok?" he said sarcastically, and he was about to drink it anyway.

Binawi ko ang beer sa kanya, "I think meron ako dito something more fun to drink!"

Inilapag ko sa mesa ang kinuha ko mula sa fridge.

"Chuckie! Favorite ko to nung bata pa ko!" natatawang sabi ni Josh.

"The chocolatey drink! Ako rin kaya! Oh di ba mas masaya to! May kasama pang nostalgia," sabi ko.

"Yeah, more fun than alcohol. Eto na lalaklakin from now on."

"Good!"

While we were drinking, naramdaman kong nakatitig sa kin si Josh.

"What?" I asked.

"Nothing," he answered back.

"Ano nga?" pangungulit ko.

"Wala nga."

I gave up. "O siya," tumayo ako at papunta sa kusina. "Siguro it's safer na mag-stay ka muna ng konti dito, pag wala na mga humahabol sayo, puslit na kita palabas," inilabas ko ang mga ingredients para sa a-adobo-hin ko. "Kumakain ka naman siguro ng adobo no?" It's weird, kahit hindi ako nakatingin sa kanya, ramdam ko na his eyes were on me. Sinusundan ang bawat galaw ko. Lins, dalagang Filipina ka, umayos ka. "Impression ko kasi sa inyong mayayaman ginto ang kinakain," biro ko sa kanya, to take my mind off his glances. 

"Grabe ka naman, minsan lang naman," pabirong balik nito. Maya maya pa ay... "Hey, Nea, thanks ha, I really appreciate your help. Bawi ako sa ýo."

Napahinto ako sa ginagawa ko. Oh my Lord! Humarap ako sa lalaki na nanlalaki ang matang sinabing. "You knew me all along?"

"Well, you're awfully familar, kaya I was trying to place your voice. I've heard that voice before," sabi ni Josh, "And your eyes, I remember your eyes."

Silence. 

Biglang parang nagkaron ng awkward moment kaya pahabol niyang sinabing, "Tsaka nakasabit yung grade school ID mo beside the light switch, not a lot of people have the same name."

"Ah, susme sana sinabi mo na kanina, mao-offend na sana ko kasi nakalimutan mo na 'tong ganda ko!" I turned around and was shocked sa nasabi ko, It was meant to be a joke pero bigla ako nahiya sa sarili ko. Girl kapal mo ah.

"I will not forget that evening," he said. Di ko alam kung nagpapaka-bolero ba to or what. Pero neither will I forget that hellish shoot.

"Salamat nga rin pala ah,feeling ko di ako nakapag-pasalamat nang husto sayo nun."

"Wala yun."

---

Almost lunch time, natapos na rin niluluto ko. "Tara kain!" anyaya ko kay Josh.

"Hmmm, this smells so good!"

"Alam kong di pang 5-star yan pagpasensiyahan mo na. Pero effort naman ako dyan."

"Ang sarap!" bulalas ng binata.

"OA ka na, bino-bola mo na ko."

"Cross my heart! Ang sarap nga!"

"Sus pano mo naman nasabi?"

"Because I can taste the effort..." nakangiti sabi nito habang nakatingin sa kinakain.

Ene be nemen Jesh. step et kenekeleg eke. Pabebeng umandar sa utak ko. This guy's smooth! Ginantihan ko na lang din ng matipid na ngiti ang lalaki para naman maitago ko yung awkwardness ko. Sumubo na rin ako ng niluto ko, "OMG ang sarap nga!" maski ako nabigla.

"Told ya, you have a talent sa pagluluto." sabi ni Josh.

Weird same lang din naman sa dati kong style pag nagluluto ako ng adobo. Tsamba? Hindi eh. So what's different? sa isip isip ko. 

Tiningnan ko ang kasalo ko kumain, masaya na ang mood nito at nakangiti pa kumain na parang bata. Suddenly I felt na parang may naka-plaster na ngiti na rin ako sa aking mukha.

Hello Beautiful Strangers! We're already on Chapter 4. How are you liking the story so far? 

Love to hear from you. Follow me on my socials @AStrangerNamed on FB, IG, Twitter. 

Kwentuhan tayo! ??

astrangernamedcreators' thoughts