webnovel

The Run

Linggo, ilang araw matapos ang pag-award sa kin sa shooting, laman kami ng mga entertainment news sites at gossip shows. Ang tindi ng pagkaka-document ng Showbuzz sa "scandal" na para bang dapat maging national concern yung naganap. The show asked me if I'd like to have an interview, pero I refused. Naalala ko pa sabi ni Eli, "Loka chance mo na for stardom!" pero hindi ko pa rin talaga ma-take humarap sa camera sa ngayon kaya nagpadala na lang ako ng "official statement" na pwede nila isa-publiko.

Sinabi ko lang na, "Thanks to all the people who showed their concern, I'm perfectly fine. It was just an unfortunate day and everyone's having a bad day. Let's not throw negativities at each other particularly to Direk Kat. Stop na po natin ang bashing. Hope we can all move forward from this issue. God bless us all."

Taray di ba! Napaka-generic! Pero edited yan, ang tanda kong nilagay sa letter is "maybe direk was just having a bad day." I guess kailangan din ng damage control ng network, isang established na director versus isang nameless starlet. Natural lang na protektahan nila ang asset nilang nagdadala ng milyones sa kompanya. Di na rin ako nag-react, mas ok na rin 'to. At sa dami na rin ng bashings na natanggap ng direktor, siguro naman matututo na yun. Tulad kong may natutunan rin sa mga pangyayari.

---

On a whim, napag-desisyunan ko munang i-block ang schedule ko at di na muna tumanggap ng gigs from my manager. Although, okay na ko, feeling ko talaga I need some air.

"Dadu, di muna ko tatanggap ng gigs for for a month, gusto ko muna mag-bakasyon," pa-sweet kong paalam sa manager ko.

"Dahil ba 'to sa nangyari? Darling anak, kung ako sayo, strike while the iron is hot, may interes ang publiko sayo ngayon. May isang fan na naka-kuha ng picture mo na hindi ka mukang clown, at mukang viral ka na naman."

"What? San naman nila nakuha yun?"

"Loka we're now in the digital age, ang dali na mag-SOCO ang mga fans ngayon."

"Dadu, para naman may fans ako."

"Tingnan mo sa Twitter may tatlong fan accounts dedicated sayo at decent thousands ang following, take advantage of it. May online presence ka na. Sunod sunod na yan if you play your cards right."

"I just need some air, one month lang Dadu."

"Two weeks, chuserang to."

"Three weeks?" binigyan ko ng sweetest smile ko si Dadu.

"Two weeks, wag ka na magpa cute wa-epek sa kin"

"Fine," sabi ko nang pilit.

"Pasalubong ah! Dalhan mo ko ng buko kung carry."

"Talagang buko?"

"Oo type ko mag-bj"

"What??" na-eskandalo ako kay Dadu. Susme bat ako napapaligiran ng mga taong walang preno bibig.

"Buko juice! Dumi ng isip nito"

---

First day ng vacay, sarap ng ihip ng hangin! I loved the smell of the sea in the morning, plus napapaligiran ako ng nature. Good thing, hindi binenta ni mama 'tong bahay naming ito. I'm always fond of this house's vibe, parang siyang straight out of the old times. It's facing the sea, and few steps away from the seashore at dahil two-stories siya, kita sa itaas ang napaka-breathtaking na tanawin, lalo na sa sunset. 

Ever since my father left us, kahit may mga hindi magandang nangyari sa bahay na 'to, hindi nun natanggal ang fondness ko dito. I guess because in some ways, this house serves like a tiny bit of connection to my dad.

My favorite past time as a kid was looking at red sun as it was being swallowed by the sea. That's one of my favorite memories as a child. Tanda ko pa tinanong ko ang papa ko kung bakit hindi namamatay yung fire ng sun pag kinain ng tubig. 

"Alam mo ba kung ano yung illusion?" balik na tanong sa 'kin ni Papa. Tumingala ako sa kanya mula sa pagkakahilig ng ulo ko sa balikat niya habang nanonood ng paglubog ng araw. "Malayo talaga sa isa't isa ang araw at ang dagat, pero mula sa pananaw natin, dun lang sila nagtatagpo."

Napangiti ako sa ala alang iyon. Now I know that sun and sea will never meet.

Pumunta ako sa likuran ng bahay para magwalis walis ng mga tuyong dahon. Bukas pa susunod si mama, para na rin wala na siya asikasuhin masyado at magpahinga na lang ng bongga. Nag-iisip na rin ako ng iluluto para mamayang tanghalian. Kahit di ako masyado sanay, subukang kong magluto ng adobo.

Habang nagwawalis ay may naririnig akong tilian. It was faint at first pero unti unti itong lumalakas every second. Samahan pa ng ingay ng mga kumakalabog na mga paang tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko.

"Hala ano yun," sa isip isip ko, lumabas ako ng gate namin para tingnan. From the corner of the small alley sa likod ng bahay namin may lalaking biglang lumiko at napakabilis ng takbo. He was rushing towards me! Nakalingon ito nung una upang i-check kung nasa likod pa ang mga humahabol. Pagbalik sa harap ng mukha nito, I was speechless. 

It was Josh Vergara!

Sa bilis ng takbo niya akala ko babangga siya sa 'kin. Pero kung ano ang karipas nito ay siya ring bilis ng pag hinto, parang auto-brake. Namalayan ko na lang na nasa harap ko na ito at hawak ako magkabilang balikat.

"Pwede ba kong magtago sa inyo miss?" hingal na hingal na sabi nito. His face was just inches before me. Namumula na siya, at tagaktak ang pawis. I could feel his hands were shaking a little bit.

May lumitaw na isa sa mga babaeng humahabol dito sa mula kanto at tumili na parang sirena ng truck ng bumbero. Bago pa ko nakasagot ay dumiretso na si Josh sa loob ng bahay namin. Sinundan ko lang siya ng tingin at hindi pa rin ko maka-react sa bilis ng mga pangyayari.

"Miss dito pumunta si Josh Vergara?" tanong ng fan at hindi na rin ako hinintay makasagot. Tutuloy na sana ito sa bahay namin.

"Huy huy, san ka pupunta bahay namin yan, tresspassing ka!"

"Miss dito ko kasi nakita nagtago si Josh," sabi ng fan na putok sa lipstick ang labi.

"Wala guni guni mo lang yun, dumiretso ang hinahabol niyo dun oh," sabay turo sa kabilang dulo ng kalye namin.

Maya maya pa ay nakasunod na rin ang iba pang mga nagwawalang fans. Mga lagpas sampung kadalagahan na may dala dalang iba't ibang items. Marahil ay gusto magpa-autograph. Sumunod dito ay isang lalaking malaki ang bulas na may hawak na camera. Tingin ko taga TV network ito.

"San na siya?" tanong ng mga sumunod na babae.

"Dito ko siya nakita, nagtatago yata sa loob," sabi ng nauna, "Dito talaga eh, eh ayaw naman magpapasok nito," gusto ko tampalin ang bibig niya nang sabihin niya yun. "Kitang kita ko miss na dito siya pumunta, wag mo na ko gawin tanga."

"Aba gaga ka ba? Bat naman kita papapasukin eh di kita kilala? Di ka ba naturuan ng mga magulang mo na don't let strangers in your house?"

"Arte pa-Ingles Ingles pa...." bulong nito.

"Okay, okay girls and you kuya. Wala na dito ang hinahabol nyo at nakataksan na kayo. Di na ko nagtataka bat kayo tinakbuhan kung ganto mga asal nyo. Tsupi na, alis, nakaka-abala kayo sa kin at sa mga kapitbahay ko," sinenyas ko ang mga kamay ko upang ipakita sa kanila na ilang mga kapitbahay namin ay nakatanaw na sa kani kanilang binata.

"Alis na, aliiis! Gusto niyo magtawag pa ko ng tanod?" pagbabanta ko sa kanila.

Aba inirapan pa ko ng mga loka habang paalis ang mga ito. Ngunit tumambay lamang ang ilan sa mga ito sa may kanto. Yung isang determinadong fan na excited mag lipstick mukang hindi susuko at mag aabang lumabas ng bahay ko si Josh.

My first day of vacation just got a little interesting...