Ruben's Point of View
"Sir, nakatulog po si miss Jade." Sabi ni Allan.
I sighed and looked at the girl who carelessly fell asleep in my bed. "You can go now Allan, i'll take care of this." And as Allan left us alone, umupo ako sa tabi ni Jade at pinagmasdan sya sa kaniyang mukha.
It's been years already, at hanggang ngayon kasama ko pa rin 'tong babae na 'to. Alam kong sinabi ko na wala akong pake kung ano man ang mangyari sa babae na 'to, pero both our parents are already setting up our fate.
Balang araw papakasalan ko sya, whether we both like it or not. It's not like i hate Jade because of that, what i hate most is our parents. Ayoko sa lahat ang kinokontrol ako.
I'd like to live my life the way i want it.
"Pero wala akong choice dahil nasa puder pa rin ako ng magulang ko." I whispered. Kinuha ko ang librong nakapatong sa kanyang sikmura at itinabi ito.
And as i looked at her face again, i held her wrists and talked to her as if she's awake. "But since i can't do anything about our damn fixed marriage, i might as well own you like my property. I won't let any other guys touch or steal you from me, you're mine Hazelle Jade Garcia."
Napabitiw ako sa kanya ng makita ko syang napahikab at nagmulat ng mata nya. "Hmm, Ruben?" Aniya.
I rolled my eyes at her. "Nakatulog ka sa higaan ko. Baka natuluan mo pa ng laway mo."
H-Hoy, di ako ganon matulog ah!" Hinampas nya pa 'ko sa balikat.
"Umalis ka na nga dyan, baka kumapit pa baho mo sa higaan ko."
"Grabeng sama mo naman!" Napikon ko kagad si Jade. Then bigla syang napabuklat sa dala nyang bag. "Nga pala, muntik ko nang makalimutan. I need you to see this."
Binigay nya sa akin yung letter na nakuha nya kahapon.
"Oh... you want me to read this?" I asked her.
"Uhh not exactly. Akala ko nong una love letter talaga but it seems that you're right, prank lang ata yan." Aniya. Tas mukhang nalungkot pa sya.
Pagkabukas ko ng letter, there's nothing but dots and dashes. Napangisi lang ako at ibinulsa ang papel. "I told you so, panget mo kasi."
"Ugh! Ang sama ng ugali mo."
"I know, nagtataka lang din ako kasi nakakatagal ka sa'kin." She giggled and suddenly hugged me from behind.
"That's because i'm your best friend you idiot!" Pfft. This girl is so ridiculous sometimes.
Napangiti ako at ginulo ang buhok nya. "Yeah right."
Matapos non, umuwi na si Jade dahil baka maabutan sya ng gabi. Pagkahatid ko sa kanya ay binalikan ko ang letter na nareceive ni Jade. That girl is so clueless.
"This letter has quite the charm, but if you give it to an idiot then they will never understand this." Then i searched up the meaning behind those dots and dashes to decode this morse coded letter.
And the letter said:
I've always liked you Jade. And up until now, i still do.
I hope you notice me someday.
Your secret admirer,
August.
I knew it was gonna be something like this, but the last part gave me a good surprise. August? The only person that came into mind is the person from the C.C. with the codename August. Admirer sya ni Jade?
Nilamukot ko ang papel at itinapon sa basurahan. "Well it doesn't matter, that idiot failed to convey his feelings to Jade anyway."
This doesn't really mean that much, but it just bugs me a little to find out that someone likes Jade.
Jade's Point of View
Sometimes when i sleep at Ruben's house, i get the most strangest and weirdest dreams there. Dati nanaginip ako na tumaba ako dahil sa kakakain ng mga luto ni tita. Then nanaginip din ako na sinasakal ako ni Ruben tas pinagsasabihan nya ko na papatayin nya ko. May isa pa kong panaginip na pinakasalan ni Ruben yung butler nyang si Allan.
Ugh! It was all so very weird!
Then ngayong araw nung nakatulog ulit ako sa kanila, nanaginip nanaman ako. Tapos sobrang weird ni Ruben! Di ko din makalimutan yung mga sinabi nya sa akin non. He told me, "I won't let any other guys touch or steal you from me, you're mine Hazelle Jade Garcia."
Napahawak ako sa pisngi ko dahil biglang uminit pakiramdam ko. "Aaaaahhh! Bwisit ka Ruben! Ampanget-panget mo!!!" Sigaw ko.
Nakakabanas naman yung panaginip na 'yon, kadiri putek! Bigla namang may kumatok sa kwarto ko. "Miss Jade!! May problema po ba!?"
"Ah!! Wala po manang! Wala po!" Sabi ko.
"Ba't naman po kayo sumigaw miss!? Akala ko naman may nangyari." Takteng katulong na 'to, lakas makareklamo.
"Eh sa gusto kong sumigaw, wag mo na lang ako pansinin." Sagot ko.
"Ewan ko sayo miss, magluluto na 'ko ng pananghalian." Tas umalis na si manang.
Now going back to my thoughts, i can't believed that i dreamed of Ruben like that. It's so embarassing to have that kind of dream about your best friend. I love him but more like a brother, i can never fall inlove with him.
And that will never happen!
"Tch. I'm so stupid." I buried my face on my pillow and told myself that i'm gonna forget about that stupid dream.
...besides, if i ever did fell inlove with Ruben... he'll definitely be grossed out and say i'm just crazy. There are just some people who were just really meant to be friends than lovers after all.
And isa kami sa mga tao na yon.
I sighed and just shrugged all those stupid thoughts away. Ayoko ng ganito. Di naman ako desperadang magkaron ng boyfriend, at lalong di ko inaasahang magiging boyfriend ko si Ruben dahil potek nakakakilabot!!
But... fine!!! Gusto ko nga magkaron na ng jowa, sino ba naman hindi diba? Andami kasing paasa sa mundo, ang malas ko lang talaga dahil isa ako sa mga umaasa.
***
Medyo naninibago ako ng katabi ko pa rin si Ruben hanggang sa pangatlong subject. I was expecting na mag-e-excuse nanaman sya dahil meron daw syang gagawin pero it seems like he's taking the lessons seriously.
Nakikinig sya!! Tsaka nagno-notes!! Oh my gahd, nakakapanibago talaga.
"Can you quit staring at me like that? You're creeping me out." Sabi nya habang kumakain dahil recess na namin.
"Yung totoo, ikaw ba talaga yan Ruben?" Minata ko pa sya so that i can intimidate him, pero natawa lang sya.
"Ayusin mo nga hitsura mo, mukha kang mangkukulam na nakakita ng biktima nya." Pang-aasar nya.
"Ang ganda ko namang mangkukulam. Ikaw nga 'tong mukhang kapre, kulang na lang sayo sigarilyo tas nakatambay sa may puno." Balik ko sa kanya.
"Talaga? Bansot ka lang kasi." Aba! Okay ako sa panlalait nya sa hitsura ko pero pag height na ang usapan nagiging seryoso ako.
"Hoy 5"7 ako! Matangkad ako, kapre ka lang talaga!!" Hilig talaga akong asarin ng lalaki na 'to. Inirapan ko lang sya at tinanong sya ng maayos this time. "Pero seryoso, ikaw ba yan Ruben? Or espiritu ka ng kasipagan na sumapi sa katawan ni Ruben?"
"What the hell are you talking about!?" Mukhang naguguluhan na sya sa sinabi ko.
"I mean, nagugulat lang ako sa himalang nangyayari ngayong araw. I never saw you so serious in class! Nagulat din ako ng ma-perfect mo din ang seatwork kanina sa history eh mahilig ka magcutting sa sub na yon." Napangisi ang loko sa sinabi ko.
"Well, there are some things that you don't know about me." Aniya.
Napataas kilay ko. "Ah talaga? Sure ka? I grew up with you, paanong may mga bagay akong di malalaman tungkol sayo? I mean, i literally saw you naked when we were kids! Alam na alam ko yung hitsura ng nunal sa pwe-- bigla nya namang tinakpan bibig ko.
Pulang-pula ang pagmumukha nya na tila ba nahihiya, wew! For the first time napahiya ko tong walangya na 'to. "Just shut you're mouth already, naiintindihan ko na ang pinupunto mo."
"Okay, so tell me! What happened to you?" I asked.
"I already told you last time diba? I said that i'm gonna take school serious from now on." The look on his face really says that he's serious about this.
Napangiti na lang ako sa sinabi nya. "Well that's good, nag-aalala na din ako sayo dahil pinapabayaan mo pag-aaral mo. And if you ever need help, i'll help you."
Parang di naman sya naniniwala sa sinabi ko. "O-Oy! Ba't ganyan ka makatingin!?" Bwisit na lalaki na 'to.
"I appreciate your offer, but i can accomplish anything without any help." Yabang talaga neto.
"Tch, whatever." Inirapan ko na lang sya ulit.
Pagbalik namin sa klase, medyo kinabahan ako ng matandaan ko ang next subject namin. At mas lalong lumala kaba ko ng mapatingin ako kay Ruben. "Uhh, Ruben?"
"Yeah?" He seemed so clueless on what's about to happen to him.
"You see, our math teacher have been looking for you for a long time since you always cut his classes and-- biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng classroom at pumasok na ang teacher na kinatatakutan ng lahat, and terror math teacher namin!!
Tumahimik ang buong klase ng makita sya ng lahat. Habang inaayos nya ang kaniyang gamit sa lamesa nya, titig na titig sya sa katabi-- si Ruben!! Nahuhulaan ko na ang gagawin ng teacher na 'to kay Ruben.
Ah sheeet! I don't know how to help Ruben on this one! Sana naman kayanin ni Ruben ito... sana lang!!
"I see that you finally attended my class Mister Chevalier." Aniya.
Lahat ng mata sa classroom napatitig kay Ruben, parang lahat kami naka-abang sa kung anong sasabihin nya. "Ah yes ma'am, and i just want to inform you that i'd like to take some of the remedial test to improve my grades."
"Isn't it arrogant of you to ask that? Binagsak na kita Chevalier. Maaari ka ng umalis sa klase ko." Damn, that's harsh.
"Really? Then i'll just contact my guardian to make adjustments so that you can give me my remedial tests. So if you'll excuse me, i'm gonna make a call." Pagkatayo ni Ruben ay sumagot ang teacher.
"Bagsak ka kung bagsak ka, wala kang magagawa Mister Chevalier. Kahit kontakin mo pa yang magulang or guardian mo, bagsak ka na talaga sa klase ko." Mukhang naha-high blood na si ma'am.
Parang nakakamatay yung kaba na nararamdaman ko para kay Ruben, hindi man ako yung nakikipagsagutan sa math teacher na 'to pero ako yung kinakabahan! Takte na yan, tapos si Ruben mukhang kalmadong kalmado.
"Are you sure about that? Sa pagkakaalam ko may mga naperfect akong quizes sayo dati. And meron din akong mga ipinasang quarterly exams. If you let me try to compute all that, maybe i'll have an average of 77 or 78. Passing grades yun diba? Then if you let me take the remedial tests then i can make it an 80."
Gusto kong suntukin si Ruben sa sobrang lakas ng loob nya pagsagot sa teacher namin. Nanlilisik na kasi ang mga mata ni ma'am, parang kakainin nya ng buhay si Ruben sa sobrang inis at galit nya sa loko na 'to.
"How can you be so sure that you'll get out of the line of 7? Sure ka bang mapeperfect mo yang remedial test eh hindi ka nga nag-aaral ng maayos sa subject ko!" And just like any terror teacher, binato nya ang eraser ng white board sa direksyon ni Ruben. Muntikan pa kong tamaan!
"Of course i can get out of that line of 7. Math is easy after all-- specifically easy to me. No offense." Parang naglaho ang pag-aalala ko sa kanya ng sabihin nya yon. Marami kayang na-offend!! Isa na din ako sa mga yon!
The teacher looked so pissed off but she smirked and gave Ruben a thick pile of paper. "Fine, if you're so confident then why not? Make sure na tapusin mo ang lahat ng yan after classes."
What the hell!? Andami non!! Imposible!!
At mas lalong di ako nakapaniwala ng makita kong confident na confident pa rin si Ruben. "Ah, thank you." Yun lang ang sinabi nya at bumalik na sa kaniyang upuan.
Nang mag-umpisa na ang math class, pasimpleng kinurot ko si Ruben sa kanyang tagiliran at ininda nya ito. "Ouch, what the heck Jade!?" Sigaw nyang pabulong.
Sinamaan ko lang sya ng tingin. "Your confidence is so unbelievable! Tingin mo kaya mong tapusin yan in one day only?" Bulong ko sa kanya.
He smirked and looked so annoyingly arrogant. "I told you Jade, i can accomplish anything without any help. So stop worrying about me and start solving your own problems." Uuuugh! This guy really gets on my nerves.
to be continued