webnovel

A Love Like Hell (Completed)

(A Filipino Novel) As best friends, both thought they know each other well- the one longing for romance and the other trying to prove himself. But what if both find something deeper from one another that can possibly change what they have right now?

Cami_Ada · Realistic
Not enough ratings
20 Chs

Chapter 3

Jade's Point of View

*sniff*

"Ugh, Jade, stop crying. You know it's pointless. Di ka naman mahal ng iniiyakan mo."

"Just shut the hell up, Ruben. H'wag kang epal sa moment na 'to." Inirapan ko na rin sya bilang ganti. Di ko naman din gusto umiyak pero ito na kasi ang huling araw na makikita ko si Caiden my loves. Mag-aaral na kasi sya sa abroad.

And as for my last chance to see his face, nakatanaw pa rin ako mula sa malayo habang nagpapaalam na si Caiden sa mga kaibigan nya. Naramdaman ko na lang ang pag-akbay ni Ruben sa akin, pinahiram niya pa panyo niya. "Heto, baka magkalat ka pa ng sipon sa mukha mo."

"Thanks." Yon na lang nasabi ko, wala ako sa mood makipag-away kay Ruben eh.

Sisinga pa lang ako ng may biglang nakabangga sa aming dalawa, nahulog ko pa tuloy yung panyo ni Ruben. "The hell!? Watch where you're going." Sabi ni Ruben.

Pagkapulot ko sa panyo ay napatingin din ako sa bumangga sa amin, nagulat lang ako ng makita ko si Leroi. Pinsan sya ni Caiden. "Ah sorry guys, nagmamadali kasi ako. Aalis na kasi yung pinsan ko tas kailangan ko itong i-abot." Then pinakita nya ang ilang libro na hawak nya.

Magsasalita pa sana si Ruben ng may biglang tumawag kay Leroi. "Leroi!! Bilisan mo, magq-quiz pa daw tayo after 10 mins!"

Biglang nataranta hitsura ni Leroi sa narinig. "Holy shi-- wala pa kong review!!" Then umalis din kagad yung kaklase ni Leroi.

Nagkatinginan kami ni Ruben at napangiti sya ng malaki. Feeling ko lang nakaisip sya ng kalokohan na ikamamalas ko nanaman. Hinarangan nya ang daanan ni Leroi at binigyan sya ng pabor. "I think male-late ka na sa klase mo. Gusto mo kami na lang mag-abot nyan sa kanya?" Ah... wait... ano!?

Nagtaka ngunit parang kumalma din kagad si Leroi sa sinabi ni Ruben. "Sure, thanks dude!" Di man lang sya nagdalawang isip na ibigay ang gamit ni Caiden kay Ruben, pagkatapos nun ay tumakbo na sya paalis.

I was left dumbfounded. Pinsan ba talaga yun ni Caiden? How can he entrust other people's things to other strangers? "Well isn't he kinda stupid?" Kumento ni Ruben, like he just heard my thoughts.

"Couldn't agree more," I answered.

Then Ruben suddenly just gave me the books. "Okay, here you go, and good luck!" Sabay ngisi ng nakakaloko.

I knew it! Binalik ko sa kanya yung mga libro.

"N-No way! Ayoko nga! Ikaw kumuha nyan kaya ikaw din magbalik nyan kay Caiden!!" I know I love Caiden but he really broke my heart the other day, kaya magmu-move on na ko sa kanya starting tomorrow.

"Psh, fine. Tas pag naging kami ni Caiden mamatay ka sa inggit." Banta pa nya.

"The heck with your homosexuality! Hindi bakla si Caiden!!" He's really triggering me to punch him right on the face right now.

"I'm not homo but I can make Caiden gay for me." Pang-aasar nya.

That's it. I lost my patience.

"Imposible yon!! Panget ka kasi!!"

"Ah talaga? Have you looked at the mirror lately? Mas pangit ka kasi!"

"Lul! Ikaw ang mas panget!! Tsk. Akin na nga yan!!" Inagaw ko sa kanya ang mga libro at dumiretso na kay Caiden.

Pero habang papalapit na ko sa kanya, unti-unting lumalakas yung kaba ko. Hanggang sa nasa harapan na 'ko ni Caiden. Lahat ng kasama nya natahimik dahil sa presensya ko. Fuck. I should've thought this through.

"Um... hey?" Caiden awkwardly greeted.

Napalunok na ako at inabot sa kanya yung mga libro nya sabay alis kaagad. Pagkabalik ko kay Ruben, nakasimangot lang sya dahil mukhang dismayado sya sa nakita nya. "Nabalik ko na sa kanya yung libro nya, oh ano pa ineexpect mo!?" Na-i-istress na talaga ako sa pagmumukha ng tao na 'to.

"Another chance wasted. Hays."

"Wag mo ko ma-hays-hays dyan, balik na nga tayo sa klase." Sabi ko sa kanya.

Hihilahin ko sana sya ng itabig nya kamay ko. "Teka, di muna ako papasok sa history class ngayon."

"Nanaman!? Bagsak ka na daw sa history!!" Sabi ko.

"There's something more important for me to do." Aniya at naglakad na paalis. Ako naman ngayon ang napasimangot. Lagi na lang sya nagcu-cutting tas di man lang ako niyayaya.

Alam ko na dapat di ko sya paki-elaman pero minsan nacucurious talaga ako kung ano ginagawa nya pag nagcutting sya. Napakibit balikat na lang ako at dumiretcho na sa unang klase.

Halos buong araw wala nanaman si Ruben, nag-aalala din ako dahil malamang mapapanis nanaman yung baon nyang lunch. Dapat pala inarbor ko na lunch nya kanina, masarap kasi luto ni tita kesa sa luto ng mga katulong namin sa bahay.

"Jade! Ba't absent nanaman boyfriend mo?" Tanong bigla ni Bella, yung naka-upo sa likuran ko.

"Ha? Anong boyfriend!? Wala ako ganon 'no." Sabi ko.

"What!? Wait... nakipag-break ka na ba kay Ruben!?"

"Ha!?" Nakakaloka naman, kelan pa ko nakipagbreak kay Ruben!? At kelan ko pa naging jowa yun!? Eww! Pag naiisip ko yung ganun, kinikilabutan ako.

Nakipagtalo pa ko kay Bella na di ko jowa si Ruben, sinabi ko na best friend ko lang si Ruben. Medyo nagulat din ako ng aminin ni Bella na halos ang buong klase inakalang boyfriend ko si Ruben. Habang sinasabi ko na di ko talaga jowa si Ruben parang kinikilabutan talaga ako.

I mean, Ruben is like a brother to me! And ew, ampanget kaya non! Di nya ko deserve, pwe.

Nang matapos na ang klase, dumiretcho na ko locker ko para mag-ayos na ng gamit. And as expected, nadatnan ko nanaman si Ruben doon. Nakatambay lang sya na tila naghihintay sa'kin habang nagcecellphone. "Pinatatanong na ng math teacher natin kung magd-drop out ka na daw ba?" Bungad ko sa kanya.

Umirap sya habang nakatutok sa cellphone niya. "I've made up my mind you know."

"... ha? Magd-drop out ka nga?"

"No. I've made up my mind to take school seriously now." Psh, nagsalita ang bubu. I bet pag nagseryoso na sya, puro pasang awa grades neto.

"Whatever, bahala kang gawin kung ano gusto mo." I replied as I opened my locker.

"That's so cold of you to say." Aniya.

Napatigil naman ako ng makita ko ang isang papel na di pamilyar sa loob ng locker ko. Kinuha ko ito at ipinakita kay Ruben. Natulala din sya dito at nagkaron ng ekspresyong di maipinta. "What the fuck." Yan ang nasabi nya.

"Shh, cussing is bad." Suway ko sa kanya.

"I know! But who the hell would give you a love letter?! Sa panget mong yan, malamang prank lang yan." Nasapok ko na lang sya sa pagkairita ko.

Now that he mentioned love letter, napangiti lang ako dahil baka ito na ang start ng love life ko...

Sana lang-- please lord parang awa mo lang.

Third Person's Point of View

Earlier that day

As Ruben excused himself from his bestfriend, pumunta na sya sa bagong club room ng C.C. It was time for him to tell his plans to the whole club or get dismissed by the president of the club.

Bago sya pumasok ng club, sinuot muna nya ang maskara nyang may tatak na October which is his codename. Required sa lahat ng members ng club na 'to ang magsuot ng maskara para matago ang totoo nilang pagkakakilanlan.

Nang makapasok na sya ay sinalubong sya ni Zachary, ang club president. Nasa likod nito ang iba pang labing isa myembro na naka-upo palibot sa malaking bilog na mesa.

"It's pretty amusing to see you late. You were always on time right?" Aniya.

Di kaagad kumibo si Ruben dahil nagpipigil sya ng kanyang galit. Ayaw nya sa lahat ang minamaliit sya ng ibang tao kagaya ng ginawa sa kanya ni Zachary kahapon. Isa lang ang nasa isip nya ngayon, ang maghiganti sa nangyari kahapon.

Tinalikuran nya si Zachary tsaka nagsalita. "About yesterday..."

"So have you made up a plan already?" Lumaki ngiti ni Zachary.

"No, I didn't." Matigas na sagot ni Ruben.

Zachary got a bit surprised, he didn't expect Ruben to act this way towards him. "Then what are you trying to do here? Do you want me to kick you out of this club right now?"

"You can't do that," Ruben answered.

"And why not?"

"Because I'll be the one to quit this stupid club, and i'll make you all regret that you didn't stop me from quitting." Tinanggal nya ang kanyang maskara at itinapon sa lapag. "It was nice being here." Paalam nya sa lahat at umalis na ng club room.

Dumiretcho naman si Ruben sa rooftop para tumambay lang. He promised himself na ito na ang huling araw na magcu-cutting siya. Kinuha niya na din ang kaniyang cellphone para tawagan ang kaniyang butler.

"Allan?" Aniya.

"Sir Ruben? Ano po kailangan niyo?" Sagot ng butler.

"Maghanda ka na ng mga studying materials sa pag-uwi ko, gawan mo na din ako ng mga test for all the subjects I'm taking in school. Hirapan mo din ang test sa math. I forbid you from using multiple choices."

"A-Ah yes sir!"

"Dapat nakahanda na ang lahat sa pag-uwi ko."

"Sige po sir! I'll do things right away."

"Good, i'll be hanging up now." Then he ended the call. Napabuntong hininga na lang siya sa kaniyang desisyon. He knows that he has to do this or his laziness would keep him away from studying and end up failing his plans.

He decided to take school more seriously right now and become the most perfect student in this school. That way, he'll make Zachary regret losing him.

Meanwhile, back in the C.C. Zachary and the other members of the club began discussing such things about Ruben. Nagtatawanan pa ang ilan sa kanila. "Gosh, Ruben is really kind of childish." Sabi ni January.

"I know right? Ang dramatic pa ng mga pinaggagagawa nya kanina." Sagot naman ni March.

"Zach, since he's gone can we take off this damn masks? Ang init na." Reklamo ni May.

Tumawa pa si Zachary. "Sure, sure."

"So what now Zach?" Tanong ni July.

Nang magsitanggalan na ang mga myembro ng kani-kanilang maskara ay tsaka lamang sinagot ni Zachary ang tanong ni July. "Now that we got rid of him, it's time to get with the real plan."

Nagtaka ang lahat sa sagot nya.

"What do you mean by that?" Tanong naman ni February.

"I've been planning about this for awhile with a fellow member of this club, so to my fellow partner, can you please discuss the rest of the plan and the next gamble to the whole club?"

Ang isa sa myembro ng club ay tumayo at mayrong ngiti na nakakaloko. "Thanks Zach... and as for all of you clueless idiots, we're done with step 1-- to get rid of Ruben."

Jade's Point of View

"Ha!? Busy si Ruben?" Di ako makapaniwala sa sinasabi ni tita.

"Yes sweetie, nag-aaral si Ruben." Aniya.

Pinatuloy ako ni tita sa living room nila, binigyan nya rin ako ng mga makakain. "Bakit naman po sya nag-aaral? Wala pa naman kaming exams, tsaka nangako sya sakin na papasyal kami ngayon."

"Ah, well I don't know what I should do about that. Nakita ko na lang sya na eager talaga syang mag-aral."

"Ano ba naman 'yan, nakakainip kasi sa bahay. Wala akong magawa." Sabi ko habang ngumunguya.

Napangiti lang si tita. "Pwede mo naman puntahan si Ruben sa kwarto nya, kausapin mo na lang."

I nodded and took a few cupcakes with me. "Sige po tita!" Tas umakyat na ko para puntahan si Ruben.

Basta-basta kong binuksan ang pintuan nya at nakita kong nagbubuklat sya ng mga libro nya. Kasama nya din si Allan, ang butler nya daw. "What the hell are you doing here Jade?" Tsk, sungit-sungit.

"Sabi mo papasyal tayo!" Sinamaan ko din sya ng tingin.

"Oh... pero something came up. Next time na lang."

"Ruben naman! Andaya mo!" Andaya talaga ng lalaki na 'to.

"Look, if you're bored then just study here with me. Ito libro oh." Tas binato nya pa sa'kin yung calculus na libro.

"Kelan ka pa naging pala-aral?" I asked with a bit of a sarcastic tone. Tumabi din ako sa kanya para tignan yung binabasa nya.

"Since yesterday."

"So seryoso ka nga sa sinabi mo kahapon?!"

He gave me an annoyed look. "Wag mo nga ko guluhin, kita mong nag-aaral ako eh."

Tch, istorbo lang pala ako eh. "Fine, magbabasa na lang din ako dito." Tas kumuha ako ng ibang libro sa shelf at nagbasa na lang ako ng fiction novel sa higaan nya.

Andaya lang talaga, I was even looking forward to hanging out with him today.

to be continued