webnovel

CHAPTER 16:

Zederina's POV.

***

Isang linggo na din mula nang nagkita ulit kami ni Renzo ay hindi niya ako tinitigilan. Naging hobby niya pang ihatid sundo kami ni Rix. Hindi ako maka tanggi lagi dahil pag aayaw ako si Rix naman ang nagtatampo.

Araw-araw niya akong pinadadalhan ng bulaklak sa restaurant. Hindi ko alam pero ilang beses ko na nga siyang tinataboy eh.

Tapos pinagseselosan niya pa si Harry, ito namang si Harry talagang nangaasar. Sabi niya pagseselosin niya daw at titingnan kung hanggang saan tatagal ang pagpipigil nito.

"Harry ano? Tapos na ba 'yang niluluto mo?" Tanong ko kay harry dahil kanina pa siya nagluluto.

Naka busangot pa ang bruha. Parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Siguro nag-break kayo ng jowa mo ano?" Biglang sabi ni Sandie. "Sinabi ko naman kasi sa'yo! Ako nalang dahil never kitang iiwan!"Dagdag pa niya, nangaasar.

Nandito kasi sila Sandie, Allena at Harry sa bahay ngayon. Tambay-tambay lang daw. Eh alam ko namang aasarin lang nila si Renzo eh, mabuti nga hindi nilalaglag ni Rix si Harry kay Renzo eh.

"O kaya nambabae!" Gatong ni Lena.

"Tsk! Shattap!!" Pagsusungit ni Harry.

"Abaaaa! Ang sungit! Ano 'yan? Pasan mo ang daigdig?" I said while laughing at him.

Lalo naman siyang sumimangot dahil sa pagtutulungan naming asarin siya. Pikon talaga!

"Sige! Kapag ako nainis hindi ko kayo bibigyan ng pasalubong sa'kin ng babes ko." Sagot niya naman na may pag-irap pa.

Nagkatinginan naman kami nila Lena at nanlalaki ang mga matang bumaling sa kaniya.

"Oh my god! He's coming?!" In chorus pa naming sabi.

"Ang ingay ah? Ano? Nag practice?" Harry sarcastically said.

Ngumisi naman ako at agad siyang inakbayan since hindi naman nalalayo ang height namin.

"Edi may Pachocolate ako diyan huh Hannie?" I said calling him in his girly name para mauto ko siya.

Natigil kami ng biglang may tumikhim mula sa bukana ng kusina. Si Renzo iyon na may matalim na mga tingin.

"Oh? Fafa Renzo! Ikaw pala!" Naka ngiting sabi ni Lena.

Pigil ang hagikgik nila ni Sandie habang nakikita ang galit na ekspresyon ni Renzo.

"May kailangan ka ba?"Tanong naman ni Sandie na pilit pinaseseryoso ang boses.

"Yes," his eyes are settled on me. "I need my wife." at talagang idiniin pa ang dalawang huling salita niya.

Tiningnan naman ako nila Sandie including Harry ng mapangasar na tingin. Pigil ang tawa ng mga ito. Tila natutuwa sa nakikitang eksena.

"Oh, bakit?" Tanong ko nalang.

"Come on. Hinahanap ka ni Rix."Walang ganang sagot niya.

"Sabihin mo nagluluto pa ako." Sagot ko nalang.

Ayokong makasama siya sa isang lugar.

"Cooking? Eh nakikipag harutan ka lang naman diyan." Halata na ngayon na galit siya pero hindi ako magpapatalo.

"Ano naman sa'yo kung makipag harutan ako?" Seryoso at sarkastikong wika ko. "Wala ka nang pakealam sa mga ginagawa ko at gagawin ko, Lorenzo."

Natahimik sila Sandie.

"May pakealam ako dahil asawa mo 'ko. At hindi naman ata tama na nakikipag harutan ka sa ibang lalaki while your husband is around. Okay, galit ka! I get it! Pero huwag ka naman sanang masiyadong insensitive!"

Okay? Now we're talking.

"Look who's talking! I don't think you have the right to complain if I am being insensitive." Kalmado lang ako pero sa loob ko ay nagpupuyos ako sa galit. "Ikaw nga di'ba? Nakikipag sex ka pa sa sarili nating bahay not minding me hearing your moan and groans. Sana inisip mo 'yan nung mga panahon na ako yung sinasaktan mo!" Inis na inis na talaga ako.

How dare him tell me that when he was never even considerate about my feelings even before?

"Rare th---"

"Are you fighting?" Biglang sulpot ni Rix mula sa likod ni Renzo.

Mariin akong napa pikit. Hindi niya pwedeng makitang ganito kami ng tatay niya.

"Ahh, Rix, hindi sila nagaaway. Naglalaro lang sila." Pagpapalusot nila Sandie na nilapitan na si Rix. "Nagaacting-acting lang ang mama at papa mo. Halika maglaro muna tayo."

Sumakit ata ang ulo ko sa palusot na sinabi ni Sandie. Rix is too smart to buy that.

AFTER THAT scene hindi na kami nag-usap ni Renzo. He tried to talk to me pero umiwas ako. Ayoko na kasing makipagtalo sa kaniya. Ayoko nang makita at marinig nanaman ni Rix na nagaaway kami ng tatay niya.

Ngayon nandito kaming tatlo sa sala at nanonood. Wala na sila Sandie, umuwi na. Dito nga pala nags-stay si Renzo, dun siya sa guest room natutulog. Nag insist kasi sila Papa na dito siya patuluyin dahil wala naman daw kakilala si Renzo dito.

Hindi sana ako papayag pero lagi nalang nilang ginagamit laban sa'kin si Rix. Naiinis ako, ayoko kasi siyang nakikita. Bumabalik lahat pag nakikita ko siya. Nagagalit ako, naiirita ako at natatakot ako at the same time.

I'm scared that the wall I built between us might fall into pieces. I'm scared that I might fall for his traps again.

Ayoko nang masaktan, natatakot na kong kapag naikulong nanaman niya ako sa buhay niya, baka mas malala pa ang mangyari at kapag nangyari ulit ang dati... Baka hindi na ako maka takas. Baka mawala na sa'kin ng tuluyan ang lahat.

Araw-araw Kapag pinapadalhan niya ako ng Bulaklak may card lagi na nagsasabing mahal na mahal niya ako at hindi niya ako susukuan. Na hindi na niya uulitin ang dating ginawa niya.

I admit na malapit na akong mahulog sa mga salita at mga ginagawa niya. Pero may parte sa'kin na pilinipigilan akong mahulog sa mga iyon. There's always a part of me na pumipigil sa'kin na mahulog sa mga pangako niya.

Kasi baka kapag nahulog ulit ako. Baka hindi ko na kayanin pang bumangon muli.

LUMIPAS ANG mga araw, palaging ganon. Pero nitong mga nakaraang araw pumasok sa eksena ang grupo ni Rina. Si Rina, Cindy at Sally. Sila ang nangunguna sa hater's club ko daw dito.

Pansin ko na dikit ng dikit si Rina kay Renzo. Hindi ko alam pero nakakainis iyon ay masakit sa mata.

Nagseselos ako? Hindi! Naiinis ako kasi ang harot-harot nila and Renzo seems to like her.

Ngayon nga ay heto. Ako lang naman ang nagluluto ng pagkain para sa 'lunch date' nila. Syet lang diba? Ako pa ang ni-request na magluto. Napaka g-g- talaga ng lalaking iyon!

"Ano girl? Magpapabili na ba ako ng lason?" Nagtataas baba pa ang kilay na sabi ni Harry.

"Paki, please." I said sarcastically.

Humalakhak naman siya. Ewan ko ba sa Baklang 'to. Mula kasi nung nalaman ni Renzo na bakla si Harry nagsimula nang makipag harutan yun kay Rina. Parang gumaganti. Akala niya naman magseselos ako?

'Dream on jerk!' Inis kong wika sa aking isip.

"Alam mo girl? Ang taas na sana ng tingin ko diyan kay fafa mo eh. Aabot na nga sana sa fifth floor ng five floors building eh, pero girl? Nung patusin si Rina? Parang Bumagsak bigla eh! Hindi na nga ata aabot sa first floor!" Maarteng sabi niya na parang stressed na stressed. "Ang cheap niya ha!"

Napa iling nalang ako sa mga sinasabi nito.

"Hayaan mo siya. Basta huwag niyang madala-dala sa bahay yung cheap niyang babae baka isipin kong basahan eh." Pagsakay ko naman sa pagiinarte niya.

"Ayy iba din!" Tili niya kaya natawa ko at medyo nabawasan ang inis na nararamdaman ko.

Matapos kong iluto ang mga order nila. Kami ni Harry ang magse-serve. Ewan ko sa abnormal na VIP customer na 'yon at nagpa special pa talaga.

Nagtinginan kami ni Harry nang matapat kami sa pinto ng private room. Bigla siyang ngumiti ng kakaiba.

Pinagbuksan kami ng nagbabantay at naabutan naming naglalampungan ang dalawa. Mga walang modo lang? Maghalikan ba daw sa restaurant! Humiwalay agad si Renzo nang mapansin kami. Or should I say, nang makita ko na ang ginagawa nila.

"Ayy! Nakaka lokers ang mga ito! Gawin ba daw motel ang restaurant mo?" Pagiinarte ni Harry na nag roll eyes pa at nandidiring tumingin sa dalawa.

"Ano naman sayo maarteng bakla? Nagbabayad naman kami!" Sabi naman ni Rina na akala mo naman talaga ay siya ang magbabayad.

"Ayy! At least ako maarte pero may class, ikaw maarte lang. Tseh!" Pagtataray ni Harry.

Tumayo naman ang bruha tila magwawala pa nga.

"How dare you---"

"Huwag kang mag English te! Masiyado kang trying hard." Pambabara agad ni Harry bago pa niyo matapos ang sasabihin.

Umuusok na ang ilong ni Rina at muli sanang magsasalita pero agad na akong sumingit.

"Ahh, sorry sir! We'll go ahead sir. Enjoy your lunch." Tapos hinila ko na si Harry pero lumingon ulit ako. "Siya nga pala sir? Remind ko lang po. No harmful pets allowed po kaya next time po huwag na kayong magdadala ng mga hayop."

Tapos ay tuluyan na kaming umalis. Humalakhal naman agad si Harry nang makalabas kami.

Nakaka badtrip ang babaeng 'yon. Akala mo naman siya ang magbabayad ng kakainin nila kung mag inarte.

AFTER THAT Day hindi ko na talaga pinansin si Renzo. Ewan ko pero biglang tumaas ang harang sa pagitan namin. Parang kusang nagkaron ng harang at hindi ko na kailangan pang itayo ito. Siguro nga nagseselos ako. Mahal ko eh. Mahal ko pero takot ako.

Ngayon heto kami nila Harry, Sandie at Lena naglalakad papunta sa Covert court. May Liga kasi ngayon, and guess what? Renzo is in the blue team. Kinuha siyang player para sa lugar namin nang malaman na varsity siya noong high-school and college days niya. Pinilit naman ako nila Harry na sumama pero nauna na sila mama doon kasama sila Papa ,Kuya Lyndon, Ate Vina at Rix.

Si Kuya A hindi na nakasama. Pagdating namin sa court ay marami nang tao at lahat sumisigaw para sa blue team at sa number 10 ng blue team na walang iba kundi si Renzo. Buti nga may naka reserve nang upuan para sa amin. Nag reserve talaga sila para sa aming pamilya daw ng special player nila.

At alam niyo bang nandito sila Rina? Naka cheerleader outfit pa sila at nagsisinayaw at nagsisi cheer para sa blue team. Nakakahiya sila sa totoo lang. Pinagtatawanan na nga sila ng karamihan.

"Grabe talaga 'yang si Rina girl! Hindi na nahiya! Ang itim ng singit at kili-kili!!" Nandidiring sabi ni Harry.

"Huwag mo nang pansinin." Saway ko nalang sa kaniya.

Maya-maya nagsimula na ang game. Nagdala pa ako ng towel at tubig para kay Renzo. Ewan ko kung bakit pa ako nagdala. Feel ko lang.

Ilang minuto lang nag break na sila. Lamang ang blue team ng tatlong puntos. Inilabas ko ang dala kong tubig at towel sa pagaakalang lalapit sa amin si Renzo pero ang walang hiya! Kay malanding higad lumapit at uminom!

"Hayaan mo na girl. Bigay mo nalang kay baby boy mo 'yan." Pagpapa lubag loob nila Harry na nginitian ko nalang.

Tuloy-tuloy lang ang game. Lamang na lamang ang blue team dahil magaling naman talaga sila.

"Da!!" Tawag ni Rix sa tatay nang muling mag break.

Lumapit naman siya sa amin at ngumiti kay Rix ngunit hindi ito nasuklian ni Rix.

"Why are you prioritizing her than me and my mama?" Malungkot at naluluha pang sabi ni Rix, medyo sensitive kasi si Rix. Siguro dahil na din sa mga nangyari sa akin noong pinagbubuntis ko siya.

Magsasalita na sana si Renzo pero nagsalita na ako ay hindi na siya hinayaan pang sumagot.

"Rix baby? Come on. Let's go home na, it's getting late now. You still have class tomorrow diba?" I said at kinuha siya mula kay kuya.

Agad naman niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Ganiyan siya kapag malungkot o kaya naiiyak siya isinisiksik niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Hindi pa tapos ang game, Cath." Lena said.

"Pagod na din kasi si Rix eh. Mauuna nalang kami." Pilit akong ngumiti sa kanila na agad nalang nilang tinanguan.

Nagsabi na din ako kila mama na mukhang nakahalata na din naman kaya hindi na kami pinigilan pero sumama na din sila ate Vina at kuya.

"Ma." Halata ang lungkot sa matamlay na boses niya.

"Yes baby?" Malambing na sagot ko.

"Da don't love us anymore?" Biglang tanong niya.

"N-no baby, your daddy loves you. Don't think that way baby." I said.

Hindi ko alam kung ilang mura na ang nasabi ko sa aking isipan at kung ilang beses ko nang pinatay si Renzo sa aking utak.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad, medyo madilim din at liwanag nalang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin.

"Rare!" Dinig ko ang pagtawag ni Renzo.

Napa hinto kami. Humahabol ngayon si Renzo. Agad kong binigay kay Kuya si Rix.

"Kuya mauna nalang muna kayo para makapag pahinga na si Rix. Okay lang ba kung sa bahay nalang muna kayo matulog?" I said.

"Oo naman. Sige, magiingat ka princess." Halatang nagaalala pa si kuya bago sila tuluyang maglakad paalis.

Sakto naman na nakalapit na si Renzo. Napa pikit ako ng mariin.

"R-rare" hingal pa niyang sabi.

Humarap ako sa kaniya ng may malamig na tingin.

"Ano bang kailangan mo Renzo?" Malamig kong tanong sa kaniya.

"I told you I want you---"

Natigil siya, siguro dahil nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

"Ano ba kasing gusto mo?" I said, My voice almost broke. "Bakit ba kailangang hanapin mo pa ako?"

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

"Okay naman na kami ni Rix eh. Okay na kami na wala ka. Masaya na kami Renz. Okay na 'ko." Nakakainis! Walang pakisama ang mga luhang 'to! "Okay na sana ako. Pero bakit nagpakita ka pa?"

"Para ano Renz? Para guluhin kami? Para sirain ulit ang buhay ko?"

"R-rare, N-no---"

"Okay! Sige! Sirain mo ang buhay ko pero sana huwag mo nang idamay ang anak ko!" Hindi ko na napigilan ang sumigaw.

Lalong tumulo ang mga luha ko. Walang tigil, parang mga presong naguunahan sa pagtakas mula sa kulungan.

"Sana naman huwag mong saktan at pahirapan ang anak ko katulad ngginawa mo sa'kin." Hindi ito sigaw ngunit alam kong puno iyon ng hinanakit na hindi ko na kaya pang itago sa likod ng malalamig na tingin. "Kasi ngayon wala ka nang masisira sa akin dahil sirang-sira na ako! Wasak na wasak na ako! Ubos na ubos na ako!!"

Madilim na pero kitang kita ko kung paanong tumulo ang mga luha sa mata ni Renzo. Sa pinaka unang pagkakataon nakita ko ang mga luha niya. Ngunit hindi nito napigilan ang emosyong patuloy na lumalamon sa buo kong pagkatao.

"Hindi pa ba sapat yung dalawang taon Renzo? Hindi pa ba sapat yung dalawang taon para mapagbayaran ko ang kung ano mang kasalanan na nagawa ko? Hindi pa ba sapat 'yon na pati anak ko ay sasaktan mo? Kasi kung hindi pa sapat, handa akong magpaalila sa'yo. Handa ko ulit tiisin lahat, pero Renz. 'Wag naman ang anak ko. Huwag mo naman sana siyang saktan. 'Wag mo sana siyang paasahin na mabubuo tayo kung ganito lang ang gagawin mo. 'Wag mo nalang sana siyang paasahin sa mga pangako mo."

Sinubukan niya akong hawakan pero umatras ako. Kasi baka kapag nahawakan niya ako, baka bumigay ako. Baka humina ako.

"Kasi kung ganito lang rin naman ang gagawin mo,"

Halos wala nang boses ang lumalabas mula sa bibig ko. Hindi ko alam kung paano ko nasasabi lahat ng 'to sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Kung sasaktan mo lang si Rix," mariin akong pumikit at inipon ang lahat ng lakas na meron ako saka muling nagsalita. "Umalis ka nalang sa buhay namin ng anak ko."

With that, I turn around with a shattered world and a wounded heart, unready to be broken again. But fate is really mocking me because for the second time around, I am again in so much pain. Bleeding inside and unsure if I can still put together the broken pieces of me.