Survive in the world ruled by the dead.
December 28, 2019
Katanghaliang tapat, kasalukuyang nagsi-siesta ang mga tao at ang ilan ay nasa kani-kaniya pang mga trabaho.
Sabado ng tanghali ngayon at mahimbing na natutulog ang pamilya Santos nang biglang ihinto at putulin ang teledramang ipinapalabas tuwing tanghali sa telebisyon.
Isa itong anunsyo. Isang nakagigimbal na pangyayari ang nagaganap ngayon sa bansa.
"Isang lalaki ang hinuli ng mga pulis kaninang umaga dahil nakita umano nila ito na kinakagat ang isang pulubi sa tenga nito.
Naputol ang tenga ng pulubi at nagulat sila sa sigaw nito kaya't naglapitan ang mga tao.
Kakaonti pa lamang ang mga tao sa daan kaya't madaling nakontrol ng mga pulis ang sitwasyon.
Ngunit hindi pa doon natatapos ang pangyayari. Ang lalaking nangagat ay sumugod muli at sumunod na kinagat ang leeg at braso ng pulubi at nginuya ang laman na nakuha mula rito."
Isang nakakakilabot na pangyayari. Tila isa itong cannibal na hayok na hayok sa laman ng kapwa tao.
"Dinala nila ang lalaki sa istasyon pagkatapos posasan at itali ang bibig nito dahil ito ay nangangagat.
Mabilis naman na naitakbo ang pulubi sa ospital na pinakamalapit sa lungsod.
Iniimbestigahan pa ang lalaki kung ito ba ay gumagamit ng bawal na gamot na kung tawagin ay 'Flakka'.
Ang Flakka o alpha-Pyrrolidinopentiophenone ay isang uri ng bawal na gamot na galing sa Florida, sa bansang America. Ito ay isang uri ng droga na nakakapagbigay ng isang di maipaliwanag na sensasyon sa katawan na nagdudulot ng pagwawala, pagkabalisa, at pagkawala sa sarili ng isang tao.
Pinapayuhan ang mga tao na kapag may nakita kayong isa o higit pang mga tao na mayroong di maipaliwanag na aksyon o kilos ay lumayo agad at ipagbigay-alam ninyo agad sa kinauukulan.
Mayroon na ring mga umiikot na mga baranggay tanod at pulis sa bawat baranggay ng lungsod upang mapanatili ang kaayusan sa pamayanan. Ito po si Arnel Clavio, nag-uulat."
Lubhang nakakabahala ang pangyayaring iyon.
Tumayo agad si Claire at isinara ang mga bintana at pinto ng buong kabahayan.
Praning na kung praning. Mas mainam nang mag-ingat sa panahong ito.
Marami na ang nahuhumaling sa masamang bisyo tulad ng pag-inom ng alak, paninigarilyo, at lalo na ang paggamit ng bawal na gamot.
Sinilip nya kung ano ang nangyayari sa labas ng kanilang bakuran.
Nakabukas ang pinto ng tarangkahan.
Nagmadali syang lumabas upang i-lock ang bakal na gate nito.
Mabigat dahil may kataasan ang gate nila. Napakatahimik sa kalsada. Wala ni isang tao ang nasa daan.
Isasara na sana niya ang pinto ng gate nang biglang may isang babae ang patakbong sumanggab sa kanya.
Hindi alam ni Claire ang gagawin. Hawak nya sa leeg ang babae at pilit itong kumakawala sa pagkakahawak nya. Kinakalmot siya nito at hinahatak ang buhok niya.
Pinipilit nitong kagatin sya.
Nakita nya ang supot na nakaipit sa taas ng gate. Pilit niyang inaabot ito gamit ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay ang may hawak sa mukha ng babae.
Konti na lamang at maaabot na niya ito... may isang dangkal na lamang... konti pa...
Sa wakas! Naabot na niya ang supot at matagumpay na na-i-shoot niya ang plastic sa ulo ng babae.
Dali-dali niyang itinalikod ang babae at buong lakas na itinulak ito palabas ng tarangkahan ng kanilang bahay.
Humahangos niyang isinarado ang gate at ikinandado ang pinto pati na rin ang back door ng kanilang bahay.
"Claire." bati ng kaniyang ina. "Anong nangyayari?"
"Ma." humahangos si Claire sa pagmamadali at pati na rin sa kaba. Ito ang pinakahuling pangyayari na gusto niyang makita. "Alam ko hindi kapani-paniwala pero yung mga napapanood natin sa pelikula at TV, nangyayari na!"
"Ano? Bakit ba hinihingal ka?" hindi maintindihan ng kaniyang ina ang bakas sa mukha niyang pag-aalala at takot.
Sino ba naman ang hindi matatakot sa kaniyang nakita kani-kanina lamang?
"Ma, may mga zombies sa labas! Hi-- Hindi ko alam kung ano sila pero para silang mga zombies na gustong umatake sa kapwa tao nila!" hinatak niya ang kaniyang ina papunta sa sala upang ipakita ang nangyayari sa telebisyon.
Luminga-linga siya at nang masiguradong sarado na ang lahat ng pinto at bintana, pati na rin ang mga kurtina ay pinaupo niya ang kaniyang ina sa harap ng telebisyon.
Tulog na tulog pa rin ang kaniyang mga kapatid at ang kaniyang tiyuhin sa lapag ng sala. Ignorante sa mga pangyayaring nangyayari sa paligid nila.
"Ang inyo pong nakikita sa inyong mga tv screens ay ang kahindik-hindik na pangyayari sa Kamaynilaan. Ang bawat tao ay pinapayuhang manatili sa kani-kaniyang mga tahanan upang makasiguradong wala nang iba pa ang masaktan sa ganitong pangyayari." tila anumang oras ay hihimatayin na ang babaeng reporter na nagbabalita sa News Flash ng tv network. Sino ba naman ang hindi hihimatayin sa ganitong pangyayari?
"Kasalukuyan pong nakikipagpulong ang ating pangulo sa mga sangay ng pamahalaan, sa state agencies tulad ng DOH, PDEA, DILG, DSWD, at PNP. We are also thinking of meeting with the CDC to ask for their help with this matter. To conduct and help us prepare for this type of overall public health. Nakikiusap po ang ating pamahalaan na wala muna pong lalabas sa inyong mga kabahayan at ang buong Pilipinas ay nakasailalim sa lockdown. Ipapatupad na rin po ang 24 hour curfew sa bawat probinsya at pati na rin sa kalakhang Maynila, maging sa Visayas, at sa Mindanao. Huwag po kayong magpanic at huwag gagawa ng kung anumang bagay na makaaabala sa trabaho ng ating kapulisan at ng militar. Inaasahan ko po ang inyong kooperasyon sa krisis na ito." sabi ng sekretarya ng pangulo.
"Totoo ba ito?" tanong ni Mama sa akin. Tumango si Claire at ginising ang kaniyang tiyuhin at ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki na natutulog sa lapag.
"Mga Kuya, bangon na. Magsigising na kayo."
"Sandali at titignan ko kung marami pa tayong stock na pagkain. Hindi tayo handa para dito!" nagpapanic na sabi ng kanilang ina at dali-daling pumunta sa kusina.
"Ma, anong nangyayari sayo?" pupungay-pungay na sabi ng 27 anyos na kuya ni Claire na si Cole.
"Bakit puro ka kalmot sa braso? Pati sa mukha mo? Nakipag-rambol ka ba Claire?" tanong naman ni Chito na pangalawa sa kanilang magkakapatid.
"Buksan nyo yung mga cellphones nyo. Makikita nyo kung ano ang nangyayari sa buong mundo." sabi ni Claire sa mga kapatid at ginising muli ang tiyuhin na nakahilata at naghihilik pa.
"Tito Jim, gumising ka na nga! Gugunaw na ang mundo, tulog ka pa rin!"
"Pucha!" napamura si Cole sa nakita. "Anong nangyayari? Totoo ba to o CGI lang? Parte ba to ng pelikula?" ipinakita nito ang video na nakapost sa Facebook kay Claire at kay Chito.
"Totoo yan Kuya. Kanina ko pa kayo ginigising dyan. Nai-lock ko na ang buong bahay. Ang problema na lang natin, si Kuya Coco na nasa labas pa at nasa trabaho. Tawagan mo nga si Kuya Coco, Kuya Chito."
Claire's POV
"P-Paano yung mga anak ko? Nasa school pa sila Tommy at Arabella. Pupuntahan ko sila sa paaralan!" Balikwas-bangong napatayo si Tito Jim at hinanap ang isang kapares ng tsinelas nya na nasa ilalim ng sofa na kinahihigaan nya kanina.
"Tito Jim, sasamahan kita. Kailangan magdala tayo ng panangga at gamit na pwede nating gamitin laban sa mga zombie na yan." sabi ni Kuya Chito na abala sa paghahanap ng kahit anong matulis na bagay o anumang sandata.
"Cole, bantayan mo si Claire at yung mama mo dito. Pagkasundo namin sa mga bata ay dadaanan na rin namin si Kuya Coco nyo sa trabaho para makauwi na sya at bibili kami ng ilang pangangailangan natin dito. Halika na Chito. Kunin mo yung susi ng sasakyan sa likod ng pinto. May kukunin lang ako sa kwarto." bilin ni Tito Jim kay Kuya Cole.
Tumango si Kuya Cole at pinuntahan si Mama na abala sa pagbibilang ng mga de lata at ilang mga pagkain na stock namin sa buong bahay.
"Mag-iingat kayo Tito Jim. Kuya Chito, tawagan mo na si Kuya Coco habang nasa byahe kayo. Mag-iingat kayo ha. Yung mga bata Tito Jim. Bilisan nyo."
Umalis na sila Tito Jim at Kuya Chito sakay ng 2013 Ford Expedition EL na pagmamay-ari ni Tito Jim at hindi pa tapos hulugan sa bangko.
Iyon lamang ang kaisa-isang sasakyan na pwede naming magamit. Walang asawa si Tito Jim kaya inoffer ng mama namin na dito na muna sila tumuloy sa amin ng mga anak nya. Bunso siyang kapatid ni Mama at si Mama naman ang panganay. Ang kanilang isa pang kapatid na babae ay namatay noong mga bata pa lamang sila.
Isinara ni Kuya Cole ang gate at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. "Grabe yung babae sa daan, paikot-ikot lang sya dun habang nakasuot sa ulo nya yung plastic bag."
"Kuya yun yung babaeng muntik nang kumagat sa akin kanina."
"Ano? Grabe kinikilabutan ako! Paano na lang kung kinakailangan nating lumabas? Hindi ko yata kayang pumatay ng kapwa ko tao." Napahilamos si Kuya Cole ng kaniyang mga kamay sa mukha dahil sa stress na idinudulot ng krisis na ito sa utak ng tao.
Tila drum na pinapatugtog ng musiko ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba na baka hindi makita nila Tito Jim ang mga pamangkin ko at hindi na makauwi ng maayos si Kuya Coco.